Share

Chapter 5

I scrutinized myself in front of my full sized mirror. I'm wearing a dark-red halter dress. Mababa ang neck line nito kaya medyo visible ang boobies ko. It's also backless kaya kitang-kita ang maputi at makinis kong likod lalo na't naka-messy bun ang hair ko.

I only put a light make-up since wala ako sa mood mang-inggit ng girls. And besides, kahit hindi ako naka-heavy make-up. My beauty will always stand-out. Tsaka sinasabi sa 'kin ng iba na mas maganda raw ako kapag walang make-up.

But of course mas confident pa rin ako kapag may make-up akong nilalagay. May mga babae talaga na mas nagiging confident when they wear make-ups. Kaya I don't get it kapag dinodown ng iba ang mga babaing naka make-up. Like duh, ano bang pake nila? They should mind their own business. They should let anyone wear make-ups lalo na kung 'yun ang reason why they are building their confidence.

We should support each other. Not drag our own fellows.

Natigil ako sa pagtitig sa sarili ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Huminga ako nang malalim bago umupo sa gilid ng kama ko at kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng side table ko.

Sinagot ko ito habang sinusuot ko ang five inches black stiletto ko. Nilagay ko ang cellphone ko sa tabi ko pagkatapos ko itong i-loud speaker.

"Sierra! Where are you na? Kanina ka pa namin hinihintay. You're so bagal talaga." Napairap naman ako habang nakayuko.

Huminga ako nang malalim nang matapos na ako sa pagsusuot ng stiletto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa kama at nilagay ito sa tenga.

"Is Wyatt there?" I asked.

Narinig ko naman itong suminghal. "Mygosh! Si Wyatt na naman. You're so baliw talaga sa kanya."

"Just fvcking answer me, you bitch!" asik ko.

"Geez! Okay, just chill. He's not yet here. Wala rin 'yung mga friends niya. Siguro they will arrive maya-maya kaya bilisan mo na." 

Umirap naman ako bago tumayo at kinuha ko ang silver clutch ko. Lumabas na ako ng room ko habang nakalagay pa rin ang cellphone ko sa tenga ko.

"And besides, Zero is looking for you. Grabe ka talaga, Sierra. Kinukolekta mo ata ang mga team captain sa university natin ha." Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Whatever, Sera. I'm gonna drop this call. I'll see you later." Agad kong pinatay ang tawag at nilagay ang cellphone ko sa loob ng clutch ko.

Binaba ko ng kaunti ang halter dress ko at patagilid na bumaba ng stairway. Nang tuluyan na akong makababa ay agad akong napatayo nang matuwid nang may tumikhim sa gilid ko.

"Going somewhere, Darling?" I sweetly beamed at him at agad na hinalikan siya sa pisngi.

Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya at sumandal sa balikat niya. Tiningala ko siya at ngumuso na parang bata. Ngumiwi naman ito habang na papa-iling.

"I miss you, Daddy. I didn't see you for two days huh. Where's Mom by the way?" malambing kong sabi.

He groaned before he tousled my hair kaya umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Oh my God, Daddy! Not my hair! I spend almost an hour para maachieved ko ang perfectly bunned hair ko. Now it's ruined again," pagmamaktol ko habang nakanguso.

Tumawa naman ito kaya hinarap ko siya at nakapamewang sa harap niya. I wouldn't deny that I'm a Daddy's girl. Lagi niyang binibigay sa 'kin ang mga caprices ko. Unlike Mommy, she always lectures me lalo na kapag kompleto kami. But I love her, I love them both.

"Dalaga na talaga ang baby ko. I can't believe na lalaki kang maarte." Pabiro kong tinampal ang braso niya kaya tumawa ito.

"Come here." Lumapit naman ako sa kanya habang nakanguso. Hinawakan nito ang likod ng ulo ko at hinalikan ako sa buhok.

Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Tumawa naman ito at niyakap ako pabalik.

"Pero may isa pa rin namang hindi nagbabago sa 'yo." Tiningala ko naman siya.

"What?"

He beamed at me. "You're still the sweet Sierra I knew ever since you were a child." My faced turned into awed and hugged him tight.

"Aw! Daddy you're making me cry na. My make-up will be ruined na tuloy," nguso kong sabi.

"Ah that... saan ka nga pala pupunta at ganyan ang suot mo, Sierra?" he said with full of authority.

I give him a fake smile before stepping back. "To the party?" sabi ko na parang hindi sigurado.

"At this hour? Your Mom will arrive later and she will find you once she go home." 

"I know that, Dad. But mabilis lang ako promise." 

"Don't promise me because I know that you will break it. Just go home before twelve." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya.

"But Dad, I'm not Cinderella. Tsaka bakit may curfew pa ako eh I'm already an adult. Like, I'm graduating na nga eh," ani ko.

"That's final, Sierra."

"No Dad! Make it two!" sabi ko at pinadyak pa ang isa kong paa.

"Twelve."

"Please Dad, just this one," pagmamakaawa ko.

"No, twelve. 'Wag ka ng humirit pa kundi gagawin ko 'yang ten," pagbabanta nito habang nanlalaki ang mata.

Huminga ako nang malalim bago ko siya tiningnan ng nagmamakaawa. Ngunit bumagsak ang balikat ko nang mariin itong umiling sa harap ko.

I deep breathe before I run away. Narinig ko namang sinigaw nito ang pangalan ko ngunit nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Hinihingal akong kumapit sa door knob at binuksan ito. Ngunit bago ako lumabas ay nilingon ko muna ito at nginisihan.

Nakita ko itong magkasalubong ang kilay habang napapahawak sa noo. 

"Two am and that's final. Goodbye Dad! Regards me to Mom and please cover me up. I love you, Dad!" huli kong sabi bago ako umalis ng bahay.

A loud noise welcomed me the moment I enter the gate. Everyone is greeting me and I just returned it with a smile on my face. Sa labas pa nga lang puno na ng mga luxurious cars kaya hindi na nakapagtataka na marami ngang tao rito.

After all, the celebrant is popular in the campus. I smirked when I saw a lot of hot guys wearing a trunks. And they're displaying their shining shimmering splended abs on our naked eyes.

And if there's a guy who's topless, of course there's a woman who wears a bikinis. Nagmumukha pa ngang conservative ang dress ko ngayon kahit napaka scandalous na nito.

"Hi Sierra! I thought you wouldn't come 'cause I didn't saw you kanina." Nilingon ko naman ang taong nagsalita sa likod ko.

Bumungad sa 'kin ang naka-red two piece bikini na babae. She has a fair skin and she has a petite body.

"Oh, hi Emily! It's nice to see you here. Did you see my friends?" Ngumiti naman ito sa 'kin habang nagse-sway at sinasabayan ang beat ng dj. May hawak din itong glass of wine at tumitikim do'n habang sumasayaw.

"Ah yeah, I think I saw them inside the mansion." Ngumiti naman ako sa kanya at nagpaalam na.

Marami pang bumabati sa 'kin habang naglalakad ako patungo sa loob ng mansion. Hindi naman ako nahihilo sa mga malilikot na ilaw at maingay na tunog dahil sanay na ako. Immune na ako dahil tambayan ko na ata ang mga bar sa BGC at mahilig din akong mag party.

Agad kong nakita sila Navi dahil nasa sala lang naman sila at nakapalibot sa maraming alcohols. Lumapit na ako sa kanila at isa-isa silang bineso.

"God! I thought you wouldn't come na," sabi ni Sera.

I rolled my eyes. "Why would I? Wyatt will go here kaya kailangan ko siyang bantayan. You know, baka may higad na umaligid sa kanya." Lahat naman sila ay tumikhim sa sinabi ko.

"Oh wait, where's the birthday celebrant?" I asked.

Akmang magsasalita na sila nang may bumulong mula sa likod ko. Agad ko itong nilingon at napangiti nang makita ko ang isang matangkad na lalaki na may mahabang buhok. He really looks like a living anime character.

"Looking for me, honey?" he mischievously asked.

Inirapan ko naman ito at tinampal ang dibdib niya. Pabiro naman itong dumaing habang nakahawak sa dibdib niyang tinampal ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga tuksuhan ng mga kasama namin.

"Don't call me that. Magagalit si Wyatt." Nakita ko naman itong ngumisi habang napapa-iling.

"Yeah... sabi mo eh." natatawa nitong sabi.

I glared at him at inabot sa kanya ang paper bag na hawak ko. "Happy birthday, Zero. Wish ko sa 'yo. Sana hindi kana maging chickboy. 'Cause hindi bagay sa 'yo. Anyway, I'm sorry kung 'yan lang ang naibigay ko," taas kilay kong sabi.

Natatawa naman nitong kinuha ang gift ko. "Hindi ko pa 'to nabubuksan. But I know that it will be my favorite gift among the gifts I had. Thank you, honey," sabi niya habang nakangisi.

Inirapan ko lang siya at umupo na sa bakante. Umupo rin sa tabi ko si Zero at nakita ko pang nilagay nito ang kamay niya sa likod ng inuupuan ko. I just shrugged it off since wala namang malisya.

Kanina pa ako umiinom but hindi pa naman ako lasing since I have a high alcohol tolerance. Pero 'yung ibang kasama ko including Sera and Navi. They're tipsy na at sobrang ingay na. Nilingon ko naman ang katabi ko nang bigla nitong pinatong ang panga niya sa balikat ko.

"Get off, Zero. Baka makita tayo ni Wyatt and he misunderstood it na naman," sabi ko at ginalaw ang balikat ko para paalisin siya ro'n.

Ngumisi naman ito bago umalis sa balikat ko. Sumandal ito sa couch habang nakatitig sa 'kin na parang naaawa.

"Masyado ka ng nalulunod sa kanya. But hey, baka hindi na 'yon pupunta. It's already one." Napatingin naman ako sa wrist watch ko and he's right. I heavily sighed before I roam my eyes everywhere to find him. But I didn't spot him. Even his friends, I didn't saw them. Pupunta pa ba sila?

Inisahang inom ko ang alcohol na nakalagay sa red plastic cup bago ko kinalabit si Sera. Nilingon naman ako nito nang mapupungay niyang mata. She's drunk, fvck. Wala akong balak na alalayan sila papauwi.

"Where's Wyatt? Bakit wala pa siya?" sigaw kong tanong sa tenga niya dahil maingay.

"I don't know. Just wait for him, Sierra," lasing nitong sabi at muling tumagay.

Napairap naman ako at muling uminom ng alak. Minutes has passed and I'm a little bit tipsy na dahil sunod-sunod ang tagay ko kanina pa. Sumandal ako sa couch habang nakatitig sa kawalan. Napakurap naman ako nang biglang nilapit ni Zero ang mukha niya sa 'kin.

"Lasing ka na?" he asked.

"Nope."

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang bagong dating na si Wyatt. Nakagat ko ang labi ko nang tumama ang mata niya sa 'kin. Nakita ko pang kumunot ang noo nito at napatingin sa katabi kong si Zero. Sumimangot naman ako nang umirap ito sa 'kin at nagpatuloy na naglakad kasama ang mga friends niya.

Agad akong nagpaalam sa mga kasama ko at sinundan siya. Napalinga ako sa paligid para hanapin siya but I couldn't find him. Bakit ang bilis niyang nawala? Is he hiding from me?

Umabot na ako sa kitchen area nila Zero but still hindi ko pa rin siya makita. Babalik na sana ako kila Sera para magpatulong sa paghahanap kay Wyatt nang may narinig akong ingay sa bathroom mula sa pinakasulok ng mansion. Sinundan ko ang ingay hanggang sa nasa harap ko na ang bathroom door.

"Baka mahuli tayo ni Sierra. I'm scared, babe. Baka magaya rin ako sa mga pinahirapan niyang babae mo." Sumingkit ang mata ko sa narinig ko.

Dinikit ko ang tenga ko sa pinto para mas marinig sila.

"Hindi 'yon mangyayari. Akong bahala sa 'yo." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses.

Agad kong binuksan ang pinto at nanigas nang makita ko ang isang babae na nakamaikling tube dress na ngayon ay nakapatong sa sink. I felt my heart crushed into pieces when I saw Wyatt french kissing someone else.

Kadarating niya lang, tapos ito na agad ang gagawin niya. Imbis na kumain siya ng real foods. Ito ang kinakain niya ngayon. Hindi naman ako na-inform na mahilig pala siya sa exotic foods.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status