Share

Her Handsome Neighborhood
Her Handsome Neighborhood
Author: PROSERFINA

Prologue

IBINABA NI Gabriella ang ng mas mababa pa ang suot niyang off-shoulder dress kung saan kitang-kita ang cleavage niya na kahit sinong lalaki ay maakit sa kaniya. Inayos pa niya ang maikling buhok niya na pikit matang pinaputol niya ang mahaba niyang buhok para lang mas maging daring ang look niya para sa kapitbahay niyang si Kudos na sobra siyang nahihirapan na pansinin siya nito.

Ilang beses na siyang gumagawa ng paraan para pansinin ni Kudos, na kulang nalang ay ihain niya ang sarili dito para makuha niya ang atensyon nito pero lagi siyang bigo. Pakiramdam ni Gabriella ay mapangit siya at walang dating sa kapitbahay niyang hindi niya itatangging malakas ang appeal lalo pa sa propesyon nito.

Nang makasiguro si Gabriella na ang ayos niya ang makakakuha sa atensyon ng guwapo niyang kapitbahay na si Kudos ay naglipstick na siya ng kasing pula ng dugo bago excited ng naglakad papunta sa sliding door ng kwarto niya, kung saan magkatapat ang terrace niya at terrace ng kwarto ni Kudos. Malapad ang ngiting Inilagay ni Gabriella sa kaniyang mga labi at huminga ng malalim dahil malakas ang kumpyansa niya na maakit at mapapansin na niya ang masungit, mailap at mahilig mangdedma niyang kapitbahay.

Hinawakan na ni Gabriella ang sliding door ng terrace at agad iyong binuksan upang simulan ang plano niyang maakit at mapansin siya ng guwapo niyang kapitbahay, nang siya ang matigilan at masopresa sa kaniyang nakikita.

Hindi makakilos si Gabriella sa kaniyang kinatatayuan na parang may matibay glue na naapakan niya habang nakatutok ang tingin niya sa terrace ng kaniyang kapit bahay kung nasaan ito nakatayo, at may isang babaeng hindi makaungol sa sarap sa ginagawang paglabas masok ng mahaba at matabang pagkalalaki ni Kudos, dahil tinatakpan nito ang bibig ng babae upang walang ungol na makalabas sa bibig nito.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Gabriella sa kaniyang nakikita ng magtagpo ang mata nila ni Kudos na matiim na hindi inaalis ang titig sa kaniya habang walang tigil ito sa ginagawa nito sa babaeng bakas na bakas sa mga mata nito ang pagkasarap sa ginagawa ni Kudos mula sa likuran nito. Nagtaasan ang mga balahibo ni Gabriella na nagawang maihakbang ang kaniyang mga paa papasok sa loob ng kuwarto niya at agad niyang sinara ang sliding door ng terrace niya.

Hindi makapaniwalang napaupo si Gabriella sa kaniyang sahig ng miya-miya ay marinig niya ang ungol ng babae na ikinatakip niya  sa kaniyang dalawang tenga.

Hindi makapaniwala si Gabriella na kayang gawin ‘yun ni Kudos sa mismong terrace nito, hindi niya lubos akalain na fuckboi ang guwapo niyang kapitbahay na nagpapakilig sa kaniya simula ng lumipat ito sa katabing bahay niya. Hindi magawang makapagsalita si Gabriella ng mapagtanto niya ang isang bagay na pumasok sa isipan niya.

“Teka lang? I’m sure aware siya na nagpapacute ako at sine-seduce ko siya para pansinin niya ako, pero bakit wala siyang ginagawa? Kung gusto niya ang bagay na ‘yun hindi ba dapat naakit siya sa akin? Don’t tell me para sa kaniya hindi ako kaakit-akit kaya wa-epek ang ganda ko sa kaniya?”pagka-usap ni Gabriella sa kaniyang sarili na napikong ikinatawa niya.

“Wow! So hindi malakas ang appeal ko para sa kaniya, tapos ‘yung babaeng kaanuhan niya ay kaya siyang akitin? Bakit parang nainsulto naman ako.”ani pa ni Gabriella na mabilis na tumayo sa pagkaka-upo niya sa sahig at masamang tingin ang pinukol sa sliding door niya kung saan nasa labas noon si Kudos at may katalik na babae.

“Pangit ba ako sa kaniya? Hindi ba ako kaakit-akit?”naiinis na tanong ni Gabriella sa kaniyang sarili ng makita niya ang babae kanina na nakaharap sa terrace niya na may malaking hinaharap kaya napababa ng tingin si Gabriella sa dibdib niya.

“May kalakihan din naman si Missy at Jackie ko ah? Hindi ba kapansin-pansin ang dalawang ‘to?”ani pa ni Gabriella.

“Tsaka wala ba siyang hiya? Puwede naman silang mag toot ng babae niya sa loob ng kuwarto niya ah, bakit sa terrace pa? Mga baboy! Sa harap pa talaga ng terrace ko.”ani ni Gabriella na mabilis na binuksan ang sliding door para sigawan at magreklamo sa kapitbahay niyang walang hiya sa katawan, nang matigilan siyang muli ng maabutan niya si Kudos na nakaupo sa upuan sa terrace nito at nag-iisa na.

Hinanap ni Gabriella ng kaniyang mata ang babaeng katalik nito pero kahit anino nito ay hindi nito makita.

“Nasaan ‘yun?” bulaslas na tanong ni Gabriella.

“Who?” balik tanong ni Kudos na ikinalingon niya dito at imbis na pakitaan niya ng mapang-akit na ngiti na lagi niyang pinapakita dito ay agad niyang sinimangutan ito,

“Hoy! Ikaw na lalaki ka, hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Talagang sa terrace mo pa ikaw may kinakabayong babae.”inis na reklamo ni Gabriella na bored na tingin ang binibigay ni Kudos sa kaniya.

“So? This terrace is my property, wala akong nakikitang mali doon. Wala akong nilabag na batas sa ginawa ko.”sagot ni Kudos sa kaniya.

“Bakit hindi kayo sa kuwarto mo? Bakit sa terrace pa?”

“Ano bang pakialam mo?”balik tanong ni Kudos sa kaniya.

“May pakialam ako dahil imbis na tatambay ako sa terrace ko to rest, baka ‘yung ginagawa niyo nung babaeng ‘yun ang maalala ko. Tsaka, kung mahilig ka sa sex bakit ayaw mo sa akin? Ilang beses na akong nagpapakita ng motibo sayo bakit hindi mo ako napapansin? Hamak naman na mas maganda ako sa babaeng kaanuhan mo ah, medyo  malaki lang ang hinaharap niya pe----“

“Ayoko sa bata.”putol na ani ni Kudos na hindi makapaniwalang napatitig si Gabriella dito.

“Anong sabi mo? Tinawag mo akong bata? So ang tingin mo sa akin ay bata?! Seryoso ka ba?”pikong singhal ni Gabriella ng tumunog ang cellphone ni Kudos na agad nitong sinagot.

“Yes coach? Okay, I’m coming.”wika ni Kudos na tumayo na sa kinauupuan nito.

“Hoy! Bawiin mo muna ang sinabi mo na bata ako! Twenty three years old na ako, graduating ng business admin---“

“Still young for you to act like a woman and dress like indecent one, magtapos ka muna sa pag-aaral mo bago mo ako landiin bata.”saad na putol ni Kudos sa kaniya.

“K-Kung makapag salita ka akala mo matanda ka sa akin ah, bakit ilang taon ka na ba?”

“Twenty nine, and don’t talk that way to an adult like me, gumalang ka sa nakakatanda sayo.”ani na sagot ni Kudos sa kaniya na naglakad na papasok sa kuwarto nito at sinara ang sliding door nito.

“Ahhhhh! Buwisit! Bakit ba naging crush kitang impakto ka na GGSS sa sarili! Tandaan mo ‘to, ito na ang last na aakitin kita dahil ayoko na sayo!! Major turn off ka Mr. Kudos El Diente! Argggghh!” naiinis na sigaw ni Gabriella na mabilis na pumasok sa kuwarto niya at malakas na sinara ang sliding door niya.

“Makikita ng Kudos na ‘yan! Pagsisisihan niyang naging bata ang tingin niya sa akin, kakainin mo din ang sinabi mo!”pikong ani pa ni Gabriella na padabog ang lakad na nagpunta sa walk in closet niya upang magbihis ng panibagong damit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status