Share

Chapter 1

“Sigurado ka ba na kaya mong tumira mag-isa sa bahay na tutuluyan mo hanggang maka graduate tayo? Gab, solo ka lang dun at delikado para sayo na tumira sa isang bahay ng mag-isa.”

Nasa isang café si Maria Gabriella Quinn kasama ang kaniyang gay bestfriend na si Francis Padrino, o Francesca kung tawagin niya, gumagawa silang dalawa ng report nila for their marketing subject. Nasa States ang mga magulang ni Gabriella at siya lang ang nasa pilipinas upang tapusin ang kaniyang pag-aaral as college student, at gusto niyang after graduation ay makahanap siya ng trabaho sa pilipinas para may experience na siya para hawakan ang sarili  nilang company sa states.

Noong una ay ayaw din siyang payagan ng kaniyang ama na maiwan sa pilipinas mag-isa, at dahil ayaw niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa states ay nagdecide siya na tapusin ang college life niya sa pilipinas, dahil para kay Gabriella ay hassle ang magtransfer. Ilang sem nalang naman at makaka graduate na siya sa kurso niyang Bussiness Administration, sa UDM (Universidad De Manila), at sanay na siyang manirahan mag-isa sa pilipinas simula ng mag migrate na ang parents niya sa states. Lilipat lang siya ng ibang bahay na malapit sa UDM upang hindi na siya mahirapan, at nagpapasalamat si Gabriella dahil may nahanap siyang bahay na puwedeng-puwede sa kaniya.

“You don’t have to be worry, Francesca, sa tingin ko naman safe ang lilipatan ko. Actually may kapitbahay ako dun, isang family siguro ang nakatira doon kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano diyan.”saad ni Gabriella habang tutok ang mata niya sa tina-type niya sa kaniyang laptop.

“Kahit na, mag-isa ka parin na titira dun. What if, samahan kita?”suhestiyon ni Francis na ikinalingon ni Gabriella dito.

“I’m fine, okay, tsaka pag tumira ka kasama ko baka pagkamalan ka pang nobyo ko at nagli-live in tay---“

“Ewww! Don’t say those words, kinikilabutan ako.”putol na reklamo ni Francis na bahagyang ikinatawa ni Gabriella.

“Arte nito, bakit lugi ka ba sa akin?”ngiting pang-aasar ni Gabriella na bahagya niyang ikinatawa ng mag act na parang nasusuka si Francis sa sinabi niya, natigilan lang siya ng may ilapag na milkshake sa mesa nila na sabay nilang ikinalingon ni Francis sa waitress.

“Excuse me, pero hindi ako umorder ng milkshake. I think wrong table ka.” Ani ni Gabriella sa waitress.

“Para po talaga sa inyo ‘to, pinabibigay mo ng mga nasa table na ‘yun.”ngiting saad ng waitress at ituro nito ang table malapit sa may glass wall ng café kung saan may tatlong lalaking nakaupo doon at ang isa sa mga naroroon ay ngiting kumaway kay Gabriella.

“Enjoy po.”wika ng waitress bago ito umalis.

Masasabi ni Gabriella na may dating at itsura naman ang lalaking kumaway sa kaniya, pero hindi ganung type ng lalaki ang trip niya. Maganda si Gabriella, at hindi mapagkakailang may itsurang diyosa ang ganda niya, seksi at fashionista. Sa edad na twenty three years old ay mas nag-improve pa ang ganda nito kaya maraming kalalakihan ang nagpapakilala at gustong umakyat ng ligaw sa kaniya, kaya lang, wala siyang makitang lalaking magpapadagdag ng saya sa college lang niya kaya mas tutok siya sa pag-aaral niya.

“May nahuli na naman ang alindog mo, Gabriella, ang guwapo ng nanlibre ng milkshake sayo. How to be you po.”wika ni Francis kay Gabriella na bahagyang nagpambuntong hininga sa kinauupuan nito at inalis ang tingin sa mesa ng tatlong lalaki.

“Ayy! Bakit may pagbuntong hininga ka diyan?”kumentong tanong ni Francis  kay Gabriella.

“Guwapo nga, pero katulad lang din siya ng mga ibang lalaki na nagpapakilala sa akin. They all look the same and ordinary.”

“Grabe ang standard mo day, anong klaseng lalaki ba kasi ang hindi ordinaryo para sayo? Alam kong maganda ka pero bawasan mo naman ang standard mo, isang sem nalang ang nalalabi sa college life natin tapos zero love life ka parin.”kumentong payo ni Francis kay Gabriella na nagpangalumbaba sa mesa nila.

“Ewan ko ba, basta gusto ko sa lalaki ‘yung kukuha talaga sa atensyon ko sa unang kita ko palang sa kaniya. ‘Yug tipong matured siya kaysa sa akin, ‘yung may kakaibang dating, parang greek god ba ang kagwapuhan.”pagpapantasya ni Gabriella sa dream man niya na bahagyang ikinaingos ni Francis sa kaniya.

“Ang tipo mo sa isang lalaki pang out of this world bakla, kung gusto mo ng greek god ang datingan ay pumunta ka sa mount Olympus at hanapin mo si Zeus.”pang-aasar na biro ni Francis na ikinairap lang ni Gabriella sa kaniya bago nito kinuha ang milkshake na bigay sa kaniya at tumayo sa kinauupuan niya.

“Oh? Saan ang punta mo?”

“Ibabalik ko lang ‘to sa kanila, may pera ako para bumili ng milkshake ko. Tsaka, hindi ako ang klase ng babaeng makukuha ng milkshake lang, high maintenance ako.”saad ni Gabriella na naglakad na para puntahan ang tatlong lalaki na na excite ng makita siyang papalapit.

Nang makalapit na si Gabriella sa mesa ng mga ito ay ibinaba niya dito ang milkshake na inorder ng isa sa tatlong lalaki para sa kaniya.

“Thank you for the milkshake pero I don’t like this kind of flavor kasi.” Polite na wika ni Gabriella na ikinatayo ng lalaking kumaway sa kaniya.

“Gusto mo bang palitan natin ng gusto mo? Anything you like, it’s my treat.”ani nito na ngiting ikinatapik ni Gabriella sa balikat nito.

“Thank you sa effort, pero hindi kita type. Your guwapo pero hindi ganun kalakas ang charm mo for me, and you’re too ordinary for me.” Deretsahang saad ni Gabriella dito na pang-asar na ikina-reak ng dalawang kasama nito dahil sa sinabi niya sa lalaking nasa harapan niya.

“Anyway…” kinuha ni Gabriella ang pitaka niya at naglapag ng five hundred sa mesa ng mga ito.

“Here’s my payment sa milkshake, keep the change.”ngiting saad niya bago siya naglakad pabalik sa mesa nila ni Francis at bumalik ng upo sa tapat ng laptop niya.

“I can describe you as the goddess of rejection, sana bigyan mo man lang ng chance si guwapo.”sita ni Francis kay Gabriella na tinutok na muli ang tingin sa laptop niya.

“Kung bibigyan ko ng chance ang isang ‘yun at hindi ko naman talaga siya tipo, aasa lang siya. Mas hindi maganda ‘yun, reject as early as you can before you hurt them, simple as that.”sagot ni Gabriella na buntong hiningang nagpangalumbaba si Francis sa mesa habang nakatingin sa kaniya.

“I’m sure hindi pa pinapanganak ang lalaking aagaw sa atensyon mo, huwag ka naman sana maging matandang dala---“

“Hep! That’s a curse words Francesca, don’t you dare say that. Pagiging maingat ang ginagawa ko, if your reckless finding your man magsisisi ka lang at the end.”sita ni Gabriella kay Francis.

“Ang sabihin mo bakla ka choosy ka lang, alam mo baka sa paghahanap mo sa right man for you baka dedmahin ka lang niya.”ani ni Francis na malawang ang ngiting nag flip ng hair si Gabriella sa kaniya.

“Excuse me, sinong lalaki ang mandededma sa akin? No man can resist my sexy charm, as in no one.”

“Ewan ko sayo, teka, kailan ka ba lilipat sa bago mong titirahan?” pag-iiba ng usapan ni Francis sa kaniya.

“Bukas, dahil wala tayong pasok ng morning I will grab that time para makalipat na.”sagot ni Gabriella.

“Okay, tutulungan kitang maglipat at mag-ayos ng mga gamit mo, then sabay na tayong pumasok ng tanghali.”alok ni Francis na ikinatuwa ni Gabriella bago nila tinuloy ang pag gawa ng kanilang report.

Kinabukasan ay dumating na ang truck na maghahakot ng mga gamit ni Gabriella para dalhin sa bago niyang titirahan, tinulungan siya ni Francis na maghakot. Sa kotse ni Gabriella sumakay si Francis ppara sundan na ang truck, at habang nasa biyahe sila ay nag sound trip pa sila ng Taylor Swift playlist ni Gabriella na sinasabayan nilang dalawa ng pagkanta.

Isang oras at kalahati ng makarating na sila sa bahay na nilipatan ni Gabriella, sabay na bumaba sina Gabriella sa kotse at sa pangalawang pagkakataon, masasabi ni Gabriella na hindi siya nagkamali na piliin niya ang bahay na ‘to para maging bagong bahay niya.

“Anong masasabi mo? Ganda ng napili kong bahay di’ba? Hindi siya ganun kalayo sa UDM, at hindi siya ganun kadelikado, right?” ani ni Gabriella kay Francis na pinagmamasdan ang buong bahay.

“Okay na, atleast may kapitbahay ka na puwede mong hingin ng tulong in case of emergency. Nagpakilala ka ba sa kanila na ikaw ang magiging bagong kapitbahay nila?” baling na tanong ni Francis sa  kaniya na ikinailing niya.

“Hindi pa, kasi nung kumatok ako sa kanila parang walang tao. Puwede ko naman gawin ‘yun later after natin maayos ang mga gamit ko.”sagot ni Gabriella na sabay na silang naglakad ni Francis para gabayan ang mga nagbubuhat ng gamit ni Gabriella sa tamang paglalagyan ng mga gamit niya.

Si Francis ang nag guide sa mga nagbubuhat ng mga gamit ng maisipan ni Gabriella na akyatin ang magiging kuwarto niya, hindi niya ito masyado napagmasdan ng unang bisita niya kaya gusto niya ulit itong tingnan. Nang makarating siya sa magiging kuwarto niya ay natuwa siya dahil may kalakihan ito, malaki ang space kaya marami siyang mailalagay na gamit niya. 

Napalingon si Gabriella sa may sliding door, sa natatandaan ni Gabriella ay may terrace sa kuwarto niya na pwede niyang tambayan at gawing leisure place ng bahay niya. Malawak ang ngiting pinuntahan niya ang kaniyang magiging balkonahe, excited na binuksan ni Gabriella ang sliding door at papikit na itinaas ang dalawa niyang kamay upang samyuhin ang hangin sa balkonahe niya.

“This is what you called, safe haven.”masayang bulaslas ni Gabriella na ikinamulat na ng kaniyang mga mata at matigilan siya ng lumantad sa kaniyang paningin ang isang lalaking walang suot na damit pang itaas, na nagpupunas ng towel sa mukha at leeg nito habang seryosong nakatingin sa kaniya.

Natigilan at parang natuod si Gabriella sa kaniyang kinatatayuan dahil sa angking kaguwapuhan, kakisigan ng katawan at dating ng lalaking nasa harapan niya na ikinailang kurap niya dito. Ibang-iba ang dating nito sa mga lalaking nakilala na niya at nagpakilala sa kaniya, at hindi maiwasan ni Gabriella na bumaba ang tingin niya sa machong katawan nito na nababasa ng pawis nito, kung saan ang tingin niya ay pababa ng pababa hanggang daanan ng mga mata niya ang mga abs nito.

“Eyes up, young lady.”sita ng lalaki sa kaniya na gulat na ikinalingon niya sa guwapong mukha nito.

“Gabriella?! Nasa taas ka ba? Ilalagay na diyan ‘yung kama mo!” rinig ni Gabriella na sigaw ni Francis na tarantang ikinapasok niya sa loob ng kuwarto at agad sinara ang sliding door.

Napasandal doon si Gabriella at dahan-dahan niyang dinala ang dalawang kamay niya sa tapat ng kaniyang dibdib dahil sa biglang kabog ng puso niya dahil sa guwapong lalaking nakita niya sa may balkonahe niya.

“O sh-shit! S-Si Apollo ba ang nakita ko?” bulaslas ng bibig ni Gabriella na ikinataas ng kanang kamay niya sa kaniyang bibig upang takpan iyon habang paulit-ulit na nagpa-play sa isipan niya ang matipunong katawan, na may six packs abs ng guwapong lalaking sa tingin niya ay nakatira sa katabi niyang bahay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
ryan avelyn bunsol
ganda talaga ng mga stories mo madam proserfina
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status