Share

Her Dying List
Her Dying List
Author: Ukiyoto Publishing

Kamatayan

 

 

Isang salitang kinatatakutan ng lahat na mangyari.

Isang pangyayaring hindi gugustuhin ng lahat na maganap.

 

Sabi nga nila, iisa lang ang kahahantungan ng lahat, ‘yun nga ang kamatayan. Ang nag-iisang pangyayaring maghihiwalay sa pisikal nating kaanyuan at ating kaluluwa.

 

Isa si Isabela sa mga taong pinalad na malaman ang araw ng kan’yang kamatayan. Matagal na n’yang inihanda ang kan’yang sarili sa pagdating ng araw na ‘to, at sinugurado n’yang magiging makabuluhan ang nalalabing araw n’ya sa mundo.

 

Ngunit sa kahandaan n’ya sa pagdating ng araw na ‘yon, ay nakakilala s’ya ng isang istrangherong walang paki-alam sa buhay ng iba – ang lalaking seryoso, tahimik, walang kaibigan, at kailanman ay hindi makitaan ng ngiti sa kan’yang mga labi.

 

Sa pag-krus ng kanilang mga landas, matulungan kaya si Isabela ng isang matamlay na istranghero na matupad ang lahat ng nasa Dying List n’ya? O s’ya ang tutulong dito, para makita nito ang makulay na buhay sa mundong kanilang tinatapakan.

 

Magbago kaya ang pananaw ni Isabela sa kan’yang kalagayan matapos makilala ang lalaki, o tatanggapin nalang n’ya na isa lamang ‘tong balakid sa kan’yang kapalaran? Ipagpatuloy pa ba n’ya ang naka-plano na n’yang gawin bago ito dumating, o isasantabi n’ya ang lahat ng 'yon para makipagsapalaran sa tadhana?

 

Sa mundong mapaglaro, makabuo kaya sila ng ala-alang babaunin ni Isabela sa kabilang buhay, o mananatili nalang itong isang pangyayaring maiiwan sa mundong kanilang sinilangan?

 

Tunghayan ang isang kwentong magpapabago sa pagtingin mo sa kamatayan.

 

Ang kwentong magpapatunay na Pag-Ibig lang ang tanging matitira sa mundong binuo ng matinding pagdurusa.

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status