Share

Chapter 4

                   Sunny Hemelton

HOW DARE HIM TO SMILE TO THAT PABEBE GIRL?!

I'm gonna kill her!

Binuga ko ang usok mula sa sigarilyo at inapakan na ang sigarilyo. Padabog akong lumabas ng classroom nila, hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko baka makasakit nanaman ako.

"Sunny wait!"

Hindi ko nilingon ang dalawang pinsan ko. Basta nalang ako naglakad papunta sa parking lot.

I need to do something. I need to give him something. Sinampal ko ang sariling pisngi dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto!

"Sunny, where are you going? May klase pa tayo."

Binalingan ko ang dalawang pinsan. "Punta akong mall, kayo na bahala pag hinanap ako."

Hindi ko na inantay magsalita ang mga ito, sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ito sa malapit na mall.

...

KINUHA KO ANG isang box of chocolate milk mula sa likuran ng kotse ko. Meron pa'ng nine boxes para sa kanya.

Napatingin ako sa relo ko, lunch na!

Maraming bumati sakin pagkapasok ko palang ng campus pero hindi ako nagabala na tapunan sila ng atensyon dahil gusto ko ng ibigay 'to kay Jaden.  Hindi ko na kailangan tanungin pa ang pangalan niya dahil kilala na talaga sa school ang lalaking 'to.

Napasipol ako nu'ng namataan ko siya na nakikipagusap sa kaibigan niya. Bumalik ang pagkainis ko nu'ng tinabi niya sa gilid niya ang chocolate milk, kaya nu'ng nakaalis na ang kaibigan niya doon na ako padabog na binagsak ang box of chocolate milk sa lamesa nila.

Tinapunan ako nito ng tamad na tingin para ba'ng hindi Hemelton ang nasa harapan niya! Ibang klase, siya palang ang umaasta ng ganto sakin.

Hinablot ko lang basta ang chocolate milk sa tabi niya at walang tingin tingin na tinapon 'yon kung saan.

He glared at me. "Why you throw it? That's not yours!" Singhal niya sakin

Nginisian ko siya. "Binigyan kita ng kape kahapon pero hindi mo tinanggap tapos tatanggap ka ng chocolate milk sa pabebeng 'yon?! Mas mahal naman ang kapeng binili ko para sayo!" Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko sa galit

Hindi ito umimik pero hindi nito inalis ang masamang tingin sakin.

"I bought you a box of chocolate milk in the mall. Ayokong kapareho kami ng binilhan ng pabebeng 'yon. Siguro naman makakaperfect kana sa test mo?!" Nakabusangot na sabi ko

Nagbago ang ekspresyon niya. "W-Why?" Hindi makapaniwalang tanong nito

I smirked. "Uulitin ko paba 'yung sinabi ko sayo kahapon?" Tumango tango ako. "Sige sige uulitin ko."

"I like you. Can you be my boyfriend?"

Mayabang akong napangisi nu'ng lahat ng estudyante dito sa cafeteria ay nakatingin na sa amin. Kanya kanya sila ng bulungan, habang nakatuon ang atensyon nila sa amin.

Nagbalik ang malamig na ekspresyon niya. "It's a no, Hemelton. Umalis kana, dalhin mo na din 'yang chocolate milk mo."

This is the second no i get from him. Pinanatili ko ang mayabang na ekspresyon pero meron sa loob ko na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

Siya palang ang lalaking tumanggi sakin, ang lalaking nagparamdam sakin na wala lang ang pagiging Hemelton ko.

Nakuyom ko ang kamao. Lalo't pa nakita ko sa mga nakakalat na estudyante ang mga pinsan ko, may mga mapangasar na tingin at ngisi ito sakin.

I'm not a loser. Makukuha din kita at pag nakuha na kita, ipaparamdam ko sayo ang pagiging Hemelton ko.

...

                        Jaden Gartello

"JADEN, I CAN'T BELIEVE YOU JUST SAID THAT TO HER! FOR SURE NASAKTAN 'YON!"

Hindi ko ito inimik, nagpatuloy lang ako sa pag kain. Hindi ako nakaramdam ng kahit ano nu'ng sinabi ko sa kanya 'yon, she deserved that anyway. Hindi ko pa din makakalimutan 'yung ginawa niya sa kapatid ko.

"Imagine, Sunny Hemelton tinanggihan! That's insane!" Hindi pa rin tumitigil ito

Kaya tinapunan ko ito ng tingin. "Stop talking about her. We're eating. Baka bumagsak pa ako sa test namin, kakabanggit mo nyan."

Tumagos ang mata nito sakin, sa likuran ko. Para itong namutla. What is this time?

Hinarap ko naman ang tinitingnan niya sa likuran ko pero gano'n nalang ang pagkabigla ko nu'ng may humablot sakin patayo muntikan pa ako matumba dahil ang lakas ng pagkakahablot nila sa kinauupuan ko.

Aangal at magpupumiglas na sana ako kaso nakilala ko ang mukha nu'ng humablot sakin.

Decker Hemelton.

He has a dark and cold expression while looking at me. "Let me show you ang pagiging Hemelton lang namin." He drag me harshly

Hindi ko magawang makapalag dahil hindi lang siya nagiisa, kasama niya pa ang dalawang pinsan na lalaki. Mga nakasuot ito ng uniform sa baseball at pinaglalaruan ang baseball bat.

Napalunok ako sa kabang nararamdaman. Anong gagawin nila sakin?

I gasped when Decker pushed me harshly on the ground. Nandito kami ngayon sa likod ng campus, walang ibang tao kundi kami lang.

Binaling ni Decker ang kanyang leeg at pinatunog ang mga daliri. Hindi ko nagawang makailag nu'ng lumapat sa pisngi ko ang kamao niya.

Ngumisi ito. "Hindi mo kailangan sabihin 'yon kay Sunny. If you don't like her then don't! Why would you said that in front of many students?!"

Nataranta ako nu'ng sinenyasan niya ang kambal na pinsan niya, tatayo na sana ako kaso naramdaman ko nalang ang paglapat ng baseball bat sa likuran ko. Naging matunog ang bagsak ko sa sahig, para akong uod dahil sa pamimilipit sa sakit.

Hindi sila nakuntento sa isang hampas, nakailang hampas sila sa likuran ko hanggang sa hindi ko na magalaw ang katawan para itayo o igalaw man lang.

I can't feel my body.

"You mess with the wrong family, Gartello. This is just a warning, if you hurt our sunny hindi lang 'yan maabot mo sa amin. Pasalamat ka kaming tatlo lang, baka pag kaming lahat na pinaglalamayan kana." He kicked my face kaya napaubo ako

"Iwan lang natin siya dito, Decker?" Narinig ko'ng tanong nu'ng isa sa kambal

"Yeah, paniguradong may makakakita naman sa kanya. Let's go."

Tumihaya ako nu'ng nawala na ang tatlo. I groaned when i felt my back, that's fucking hurt so much! Pinikit ko muna ang mata dahil kahit pagdilat parang hindi ko kaya.

"Sinong may gawa nyan sayo?"

Gulat akong napadilat at nakitang nakaupo sa gilid ko si Sunny. Walang kaangas angas ang mukha nito ngayon pero kita mo ang malambot na ekspresyon nito habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Sabihin mo kung sino, doble ang ibabalik ko sa kanila." Matigas na giit nito

Imposible. Paniguradong kakampihan niya ang pinsan niya pero sasabihin ko pa din.

"D-Decker and the twin Hemelton." Nakangiwing usal ko. Natigilan ito. "Go away, Hemelton. Paniguradong kakampihan mo pa sila, i can handle myself."

Napatitig ito sakin. "Why you pushing me away from you? I already told you that i like you right?"

"Stop playing with me. I don't want a Hemelton in my life. You already ruined my sisters life, you gave her a trauma. Hindi kapa nakukuntento?" Naging malalim ang paghinga ko

"I can be Sunny Jones then, isipin mo'ng hindi mo ako nakilala bilang Hemelton." 

Napatitig ako dito. Naguguluhan ako sa inaasta niya sakin at ayoko nito.

"I can be someone just for you, just tell me you want. I'm serious to you and i'll prove it by hurting who hurted you. No one can hurt you, even my relatives, even a Hemelton."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status