Share

Chapter 3

                      Jandson Gartello

"Can you be my boyfriend?"

"It's a no."

"YOU SAID NO TO SUNNY HEMELTON?!" Hindi makapaniwalang usal ni Kian napasabunot pa nga ito sa buhok niya

Bakit ba ang oa niya? Parang napaka bigdeal na nag no ako sa kanya.

"Why you said no to her?!" Inalog pa nito ang balikat ko

Iritableng inalis ang kamay niya. "Why would i say yes to her?" Balik tanong ko dito. "Baka nakakalimutan mo ginawa niya sa kapatid ko, tyaka kung magkakagirlfriend ako hindi isang Hemelton."

He sighed. "I'll not forget about that but don't just side with your sister, it's also your sister's fault anway."

Tama naman siya pero mali pa din ang ginawa ni Sunny sa kapatid ko.

"I don't want talk about that Hemelton," inabot ko na sa kanya ang laptop niya. "Here. Next time huwag mo na ipapaiwan sakin tapos ako pa iistorbohin mo para maibalik sayo."

"Yes daddy." Natatawang asar nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Btw, how's Jaseya? Hindi ako nakadalawa sa kanya sa hospital eh."

"She's still not fine. Hindi muna siya siguro papasok ng isang linggo." 

Pinitik ni Kian ang daliri na para ba'ng may naalala. He laughed. "Lahat ng nakakarelasyon ng mga Hemelton ay may lahi! Hindi sila pumapatol sa purong filipino!" He looked at me teasingly. "Diba half canadian ka? Kaya ka siguro tinanong ni Sunny! Ang narinig ko half canadian din siya eh."

I scoffed in annoyance. "Stop with the crap. I'm not her toy to play with."

"Wala sa bokubularyo ng mga Hemelton ang paglalaro." Makapagsalita 'to parang kilalang kilala niya ang mga 'yon 

Pagak ako natawa at hindi nalang nagsalita.

"Eh anong balak mo kay Sunny? Panigurado sa school kukulitin ka nanaman no'n! Hindi sila tumitigil pag hindi nakukuha ang gusto nila!"

Napabuga ako ng hangin at sumandal sa kinauupuan. "Bukas ko na isipin."

....

PADABOG KO'NG BINAGSAK ANG LIBRONG BINABASA dahil sa ingay mula sa unahan ng classroom namin.

Hindi ako makapagreview ng maayos dahil sa pagtatawanan at kwentuhan nila. Sanay na ako sa ganto pero iba ang sitwasyon ngayon dahil nandito ang tatlong Hemelton at kasama doon si Sunny!

Ano ba'ng ginagawa nila dito?! Hindi naman dito ang classroom nila!

Malamig na tingin ang tinuon ko kay Sunny habang siya may malokong ngisi sa labi na para ba'ng tuwang tuwa ito. She's smoking again! Gusto niya ba mamatay ng maaga?! Eh pake ko ba?!

Huminga muna ako ng malalim at tiisin na lang ang ingay nila. Inangat ko ulit ang libro ko at nagbasa na.

"Jaden--"

Padabog ko'ng binagsak ang libro ang planong magsalita ng para kay sunny ay hindi ko na natuloy dahil hindi naman pala ito si sunny. Lumambot ang ekspresyon ko at pilit na ngumiti dito.

"What is it, Leisa?" Malumanay na tanong ko dito

Bahagyang namula ang pisngi nito at kita ko ang pagkahiya niya nu'ng inabot niya sakin ang chocolate milk, paniguradong binili niya ito sa cafeteria. "May test kasi tayo, you should drink that." Mahinhin na giit nito

Halos lahat ng mata nasa amin na, tumagos ang tingin ko kay sunny. She looks mad while staring at me.

Ayoko din mapahiya si Leisa kaya tinanggap ko nalang ito. Hindi ko hilig tumanggap ng mga ganto pero kaklase ko naman siya kaya okay lang.

Mas lalong namula ang pisngi ni Leisa dahil tinanggap ko 'yon. "G-Goodluck sa test, Jaden!" Nginitian ko lamang ito at pumunta na siya sa upuan niya

Nilapag ko lang sa lamesa ko ang chocolate milk, sa lunch ko nalang iinumin after lunch naman ang test namin.

"Sunny wait!"

Napabaling ako sa unahan, nakita ko'ng padabog na lumabas si sunny at sumunod naman ang dalawang lalaki na pinsan niya.

Napangisi ako. Why you acting like that, Hemelton?

...

GAYA NG DATI, SABAY KAMING naglunch ng kaibigan ko'ng si Kian.

"Oh. Hindi pa tayo umoorder may chocolate milk kana?" Natatawang giit ni Kian habang kumukuha ng pera sa wallet niya

"Leisa gave it to me." Simpleng sagot ko dito at umupo na

"Wow, tumatanggap kana ngayon? Parang dati ayaw na ayaw mo! Akin na pera mo." Inabot ko naman agad 'yon

"Ayoko lang mapahiya."

Umismid lang ito at naglakad na papunta sa unahan. Kinuha ko naman ulit ang librong binabasa ko kanina, bago ko ito mabuklat naging matunog ang lamesa dahil may binagsak si sunny doon.

Tinapunan ko ito ng tamad na tingin. Kung ano ang nakita ko'ng mukha niya gano'n pa din ngayon. Bakit ba siya galit?

Napasinghap ako nu'ng hinablot niya sa tabi ko ang chocolate milk na bigay ni Leisa at walang tingin tingin na hinagis 'yon, napabaling ako sa hinagisan niya at sumakto 'yon sa basurahan.

I glared at her. "Why you throw it? That's not yours!" Singhal ko dito

Nginisian ako nito. "Binigyan kita ng kape kahapon pero hindi mo tinanggap tapos tatanggap ka ng chocolate milk sa pabebeng 'yon?! Mas mahal naman ang kapeng binili ko para sayo!" Namumula na ang pisngi nito habang nagsasalita, halatang galit na talaga siya

Nakuyom ko ang kamao ko at akmang magsasalita pero di ko na natuloy dahil inurong niya ang binagsak niya kanina. Doon ko lang napansin kung ano 'yon.

"I bought you a box of chocolate milk in the mall. Ayokong kapareho kami ng binilhan ng pabebeng 'yon. Siguro naman makakaperfect kana sa test mo?!" Nakabusangot na sabi nito

Napakurap ako. "W-Why?" Tanging nausal ko

She smirked. "Uulitin ko paba 'yung sinabi ko sayo kahapon?" Tumango tango ito. "Sige sige uulitin ko."

"I like you. Can you be my boyfriend?"

One thing i knew is, the whole campus knew what she said to me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status