Share

3

                              H E A V E N

Week had passed, nag umpisa na rin ang mga regular classess namin, I have 28 units for this sem. Nakabili na rin ako ng mga uniforms, shoes and new bags, si far madali pa naman ang lahat, medyo na-culture shock lang ako, kinakabasido ko na rin ang buong Uni para hindi na ko maligaw.

Today ang submission ng essay namin na pinagawa last week. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko at mga sinulat ko dito. Well, sana tama lang.

Saktong one pm dumating ang professor namin, kaya itinago ko na rin ang phone at ibang uneccessary stuffs sa arm desk ko bago umayos ng upo.

"Okay, class. Nag meet na tayo last week pero hindi pala ko nakapag pakilala, kinabahan yata ako." Sabi nya, I can't help but to smile, dahil don. Some of our professors din, ganon don. "I'm Kiano Centeno, sir Ian na lang para easy ang buhay natin, but before that please prepare an index card, put your name, age, section, year and if you have yourself a picture of you, I'll really appreciate that." Sabi nya na agad naman namin ginawa. Nagpasa na rin kami isa isa.

Nagtawag na rin sya, hindi ko ineexpect na hahayaan nya na basahin namin yon sa harap ng buong class. I looked at my writings, I don't think this is something to share with this bunch of people. Hindi naman ako na-orient na ganito pala.

"Andrano, Heaven Callista." Bahagya ko lang itinaas ang kamay ko para sabihin na ako yon. "Wow, ganda name ah, parang langit ah. Come in front and share yours." Sabi nya at minuwenstra ang harap kung saan dapat ako dumiretso.

I fake coughed before looking at my paper, shit, I'm nervous, they might laugh.

"Ten years from now." Panimula ko at mabilis na tumingin sa paligid.

"What will life be like? what could i possibly become.

It's a large world, short life and i'm just one of billions.

I could make millions but that's something i cant promise

In fact let's be honest chances are if you're nice and modest."

Tahimik pa rin sila habang nakikinig medyo nawala na rin gaano ang kaba ko.

"You'll be walked on and trampled into the ground

when your knocked down you'll stay down and never noticed or found

if you cant shine all around, stay in the darkness of night

even when you cant breathe you need to fight when you can fight."

"If you cant punch life then kick if you cant kick then bite

without motivation you wont win, with it you might

stand upright and let your spirit ignight a blast of light

shoot for the moon? no, let your mind, body and soul unite."

"Let your heart take flight to an unreachable height

ten years from now I see a new sight, a life completely fearless

you'll be breathless when you see my possibities are endless

I'll be a legend and make it ageless i'll be tameless."

"Like a lion chianless, i'll be undoubtedly famous

only difference is i'll be smart and not brainless

i'll be known to the world, make a name to not be nameless

like a pebble in the pond my life will not be waveless."

I'll put the entire ocean in motion i'm not boasting

Im not faking i'll live a life free of drugs or drinking

you'll be shaking when you see the risk that i'll be making

the lives that i'll be changing, limitations i'll be breaking."

for better or worse, which ever comes first.

life's a bull and i'll take it by the horns even if it hurts

i will learn everything and turn learning into a thirst

I'll train myself to survive until my heart bursts."

Umupo na ko at itinago ang papel na hawak ko, sinundan lang nila ako ng tingin, simula nang nasa harapan ako hanggang sa makaupo ako.

"Wow, ang lalim naman non Heaven, hashtag hugot Heaven." Biglang nagsalita ang prof namin na ikinatawa ng lahat, nag simula na ulit umingay, "Thank you for that, by the way." Tumango na lang ako bilang sagot. "Okay, next!"

Mabilis na natapos ang klase ko, hindi naman ako nagugutom kaya tumambay na lang ako sa bleacher with my fresh lemonade, pero lumipat sa lover's lane.

"Tapos? Nagpalakpakan ba sila? Dapat lang no." Natawa ko dahil sa sinabi ni Gray. Hindi talaga sya mauubusan ng banat.

He saw me earlier while buying lemonade malapit sa law building, may maliit na store don, tinawag nya ko, nakita ko nanaman ang impaktong si Brent.

He was my highschool suitor, bestfriend sya ni kuya, tapos friends sila ni Gray, what a small world, nginisian pa ko nung nasa capitol kami last week.

Nagpaalam sya sa friends nya at sinabi na ililibot nya ko, hindi na ko nagrefuse since gusto ko naman talaga makabisado to, hindi to kasing laki ng school ko dati, pero syempre since I'm new here, mahihirapan talaga ko.

"No, I mean ano dapat ikapalakpak don? Baliw ka ba?" Tumawa lang sya at uminom sa mineral water na hawak nya.

Nasa lover's lane kami. Famous daw to dahil yung mga in a relationship madalas dito tumambay. Well, halata naman. Marami ako nakikita.

"Wala, parang kalapati lang ganon." Sabi nya at tumawa ng malakas, inirapan ko lang sya at tumingin sa mga naglalakad na students.

"What's your course nga pala?" Biglang tanong ko, hindi ko kasi alam, hindi ko natanong last time na nagkita kami.

"Ah, unang course ba o yung ngayon?" Tinignan ko sya, hinihintay na sabihin na joke lang yon, pero mukhang seryoso sya.

"Wait, second course mo na to? How old are you na ba?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Walang tanungan ng edad. Ano ba yan, 16 lang ako ate." Sabi nya at tinawanan ako.

Hinampas ko sya bago inirapan. Nagtatanong ako ng maayos tapos ganon sagot nya sakin. Hindi ko na sya nakausap ng matino.

"Joke lang, serious ka naman dyan masyado. Marine Engineer una ko course na natapos ko, tapos ngayon Civil Engineer. Hindi ako sobrang galing at galit sa math, pogi lang talaga."

What the actual fuck?

"Ano naman naisipan ng utak mo at naisipan mo kumuha ngayon dito nyan? Ayaw mo pa ba mag work, at mag earn ng sariling money mo? Why study many course?" Curious ako eh. Sino ba may gusto na puro aral lang diba?

"Ah, irregular student ako dito, may work naman ako." Sagot nya.

"Ano work mo? Tsaka may license ka na ba?" Tumango sya at kinuha ang wallet nya, inabot nya sakin ang ID nya. Wow, oo nga. Licensed nya talaga sya. "Wala sa itsura mo na may ganito ka."

Ngumisi naman sya. "Oo marami rin nagsabi, pogi ko daw kasi."

Tumawa lang ako at umiling. "Mukha ka kasing tambay nung nakita kita sa SM. Akala ko nga namamalimos ka non eh." Liar, he looks like a model nga diba? Ichoserang bakla.

"Wow ang sakit non, alam mo dyan ka na, may pasok pa ko baka malate ang pulubi na to." Sabi nya at nag umpisa nang maglakad. Tumawa na lang ako habang nag lalakad sya.

"Ingat!" Pahabol ko bago sya makalayo, he just waved his hand as a sign that he heard me.

Nag stay pa ko ng ten minutes bago umalis, dumaan muna ko sa pandayan near dito sa school, sabi ng classmates ko marami daw magandang pens don, I bought somw before going home to my apartment.

"What the fuck?!" Hindi ko napigilan na sigaw nang makita ko na may tao sa bed ko.

"Ganyan ka na bumati ngayon ha?! Nag bago ka na ha?! Bakit hindi mo kami sinabihan kung saan ka mag aaral? Akala namin late ka lang papasok. Aba dalawang linggo na wala ka pa rin!" Ratrat nya sakin habang hinuhubad ko ang sapatos ko.

Tumawa lang ako dahil don. "Sinabi ko kay Asher na dito ko mag aaral, hindi pa ba kayo nagkikita kita? Akala ko magkakasama kayo sa isang building?"

"Gaga ka! Sasabunutan kita, tara dito! Kala mo!!" Imbes na mainis ay tumawa lang ako nang hilahin nya ang buhok ko.

Elizabeth is one of my close friends in manila, well not a bestfriend, hindi ako mahilig makipag bestfriend talaga, but she's my closest among the four. I have no idea how the hell she found me here. Well, she has her own way to know everything.

Matapos nya akong sabunutan, inaya ko sya kumain, may dala naman ako na galing sa mcdo, buti na lang at meron, kung hindi lagot talaga, maghahanap ng pagkain ang isang to.

"So kamusta ka naman dito? Buti pinayagan ka nila Tita mag study dito? I really thought magkakasama tayo sa UST, yun ang usapan natin nung summer diba? How dare you dumb bitch." Sabi nya at kumagat sa burger habang nakatingin sakin ng masama, na ani'y may kasalanan ako, "Backstabbing yan bitch."

Mukhang naiinis talaga sya. Tumawa na lang ako at inayos ang ibang gamit ko, hindi naman sobrang liit ng apartment na nakuha ko, enough to cater at least 30 to 40 people.

"So kamusta dito? Marami din ba pogi at daks like sa UST? Kwento kiri!" Sabi nya at impit na tumili.

"Stupid, I've never been to UST you know that, tsaka anong daks? Gaga ka ba? Are you sure you're still virgin? Umayos ka!" Halos pasigaw na ko, nanlaki naman ang mata nya dahil sa sinabi ko.

"Walanghiya ka! Bastos bunganga mo Heaven! Langit pangalan, impyerno ugali." Tumawa pa sya, kaya hinila ko ang buhok nya, dahilan para mapasigaw sya at malaglag sya sa pwesto nya.

"Whatever. Lumayas ka na, marami akong gagawin today, may mga take home activities ako, and I need to do some advance readings pa, mahirap na baka mapag iwanan ako." Sabi ko at pumasok sa cr para mag hilamos at mag toothbrush, wala naman ako masyadong gana kumain, kaya baka after nito makatulog na rin ako.

Lumabas ako nang wala nang naririnig na ingay, umalis na siguro ang bwisita ko. Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang binder, ballpen, highlighter, and kinuha ang laptop ko sa cabinet, tsaka nilock ulit, hindi naman sa walang tiwala, nasanay lang talaga ko sa ganon. I keep my things in order, always.

Nagtimpla din ako ng milk at kumuha ng cookies, bago umupo sa study table ko. Napansin ko ang isang paper bag sa kama ko, tumayo ako at kinuha yon.

Happy birthday, dumb bitch. Stay safe, and virgin.

I laughed and almost choked, what the fuck is her problem? This weirdo nerd. I opened the paper bag and saw a small box inside.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status