Home / Romance / He's Gay / CHAPTER 1

Share

He's Gay
He's Gay
Author: ImVictorique

CHAPTER 1

Author: ImVictorique
last update Last Updated: 2021-09-08 07:02:47

Year 2014

St. Joseph Hospital (9:30 pm)

RHEA’s

"Doc, kamusta na po iyong nanay ko wala pa rin po bang improvement?" Tanong ko sa doctor na nag-aasikaso kay Mama na si Doctor Mike.

I am currently sitting here inside his office, still expecting some good news. It has been two years and I am really grateful to him since he is the only Doctor that never gives up on my Mother’s treatment.

"Same old result, Rhea. Until now, wala pa ring response ang pasyente. Still under medication pa rin siya Mrs.Benitez." Malungkot na balita nito kaya napayuko na lang ako. Paulit-ulit na lang ang naririnig ko tuwing dumadalaw ako. Walang nagbabago kaya nakakapanghina talaga ng loob. Madalas pumapasok sa isip ko kung may chance pa ba talagang magising ang Mama ko o wala.

"Pero Doc, halos dalawang taon na po ang lumilipas bakit hindi pa rin siya nagigising? Ilang taon pa po ba ang kailangan kong hintayin?" Naiiyak na atungal ko. Kapag nagpatuloy pa ito, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin sa dami ng problemang dumadating.

"Being in a state of comatose maaring magising ang pasyente after 5 years or 10 years and so on. You should just wait and pray for your mother to recover soon, Ms. Benitez." Sinserong paliwanag niya. "Don't lose hope."

"But Do---" Gusto ko pa sanang magsalita ang kaso tumunog ang cellphone niya kaya minabuting tumahimik na lang ako sa aking upuan. Dr. Mike excuses himself to answer the call while I silently listened to him as he talks to the other line. Batid ko naman na hindi ganoon kadali maging Doctor at marami silang pasyente na inaasikaso kaya hindi ko pwedeng sayangin ang time niya para lang sa mga drama ko. Wala rin naman akong magagawa kundi maghintay sa recovery ni Mama.

Hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko sa inyo. My name is Rhea Benitez, 24 years old. I was just a simple woman living a mediocre life. Before, I thought everything about my life is completely perfect but things changed when we encountered a car accident. Halos dalawang taon na rin ang lumilipas simula nang maganap ang aksidente kung saan namatay ang Papa at kuya ko. Habang ang Mama ko naman ay kasalukuyang comatose kaya wala akong pwedeng asahan kung hindi maghintay na magising siya at magtrabaho para isalba ang sariling buhay.

Simula ng mamatay si Papa, ang Restaurant Business ng pamilya namin ay tuluyang nanghina. Sinubukan ko siyang isulong kahit hindi ako gaanong magaling magluto pero hindi talaga kinaya. Si Papa kasi talaga ang Main Chef ng Restaurant at ang nagmana ng kahiligan niya sa pagluluto saming magkapatid ay si Kuya Rhed pero ngayong wala na sila pareho, hindi na iyon gaanong katulad ng dati kaya unti-unting nag-alisan ang mga tao. Kinalaunan, nagtanggal na rin ako ng mga trabahador dahil wala na akong maibigay na sweldo lalo na at kailangan ko ng pera para sa pag-aasikaso ng labi nila Papa. Naibenta ko na rin ang malaking naming bahay na ayoko rin sanang gawin dahil dito na kami lumaki, kaso kapag hindi ko ginawa 'yon wala akong maitutustos sa medication ni mama.

Marami na akong tiniis pero hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Mama kaya aminin ko man sa hindi, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Wala akong makapitan kundi ang sarili ko lang, pero sa tingin ko kaunti na lang at malapit na akong sumuko. Bukas ng umaga tuluyan ko ng ipapasara ko ang Restaurant na pinaghirapan ni Papa. Pagkatapos maghahanap ako ng trabaho. Mas maganda na ito para makaipon ako.

"Ms. Benitez?" Tapik sa akin ni Doctor Mike kaya napabalik ako sa aking ulirat. "Are you okay? Kanina pa kita tinatawag, pero tulala ka." He asked worriedly.

Ngumiti ako ng pilit bago sumagot. "Pagod lang po, I'm sorry Doc." Hinging pasensya ko bago ayusin ang bag ko. Kailangan ko na rin kasing umalis at nakaabala na ako masyado.

"Ms.Benitez, I'm very sorry but I have to go. We have an emergency." Sinserong saad nito habang nagsusuot ng Coat.

"It's okay, I understand Doc. Salamat po." Nakangiti kong sagot. Malungkot man sa balita ngunit kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko at kay Mama. Naniniwala akong mabubuhay pa siya kaya hindi ako susuko. Laking pasalamat ko na lang talaga sa Doctor dahil hanggang ngayon ay hindi nito sinusukuan si Mama.

"It is my pleasure and Job Ms. Benitez, I hope your mom will recover soon." Tapik nito sa aking balikat. Nagpaalam na ako sa doctor at umalis. Gabi na rin kasi kaya kailangan ko nang magpahinga para magkaroon pa ako nang lakas para makahanap ng trabaho bukas na bukas.

Agad akong dumiretso sa inuupahang apartment. Mura lang ang renta pero masungit naman ang may-ari. Pagkarating ko sa apartment ay gayon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang nasa labas na lahat ang mga gamit ko. Mula sa pinto ay lumabas doon si Aling Mercy na namamaypay pa kasunod ang isang lalaki na sa tingin ko ay trabahador niya.

"Itabi mo na lang iyan diyan." Turo nito sa gilid. Ibinaba naman ng lalaki ang gawa sa kawayan kong upuan.

"Aling Mercy bakit po nasa labas ang mga gamit ko?" Sita ko kay Aling Mercy, iyong may-ari ng bahay.

Nanliit naman ang mga mata nito pagkakita sa akin. "Buti naman nandito ka ng bata ka! Aba'y tinatanong pa ba yan? Pinapalayas na kita, halos apat na buwan ka nang walang bayad sa akin para sa upa! Anong tingin mo sa akin nagpapatira ng libre?" Bulyaw nito sa akin. Gusto ko sana siyang sawayin dahil nakakahiyang marinig ng mga kapit-bahay ang pinagsasabi niya, pero hindi ko magawa dahil wala ako sa posisyon.

"Eh, Aling Mercy babayaran ko naman po kayo! Gipit lang po talaga ako ngayon!" Pagmamakaawa ko rito ngunit tila wala itong epekto sa kanya.

"Hindi! Masyado mo na akong inaabuso. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo lumayas ka na! Hindi ko kailangan ng mga taong katulad mo na hindi marunong magbayad! Ano na lang ang mangyayari sa negosyo ko? Malulugi?" Masungit na tugon nito sa akin bago tuluyang umalis.

Wala akong nagawa kung hindi kunin ang mga gamit ko at umalis na lang sa gusaling iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala na rin akong kaibigan na tutulong sa akin. Simula nang maghirap ako lahat sila itinakwil ako.

Napaiyak na lang ako sa dami ng problema. "Pa, Kuya, bakit niyo ba kasi ako iniwan? Paano na ako ngayon? Kayo lang ang sandalan ko eh! Ma, gumising ka na hindi ko na kaya! Ayoko na, ma! Gusto ko ng mamatay!" Sigaw ko na parang baliw. Bakit nga ba hindi na lang ako namatay kasama nila? Edi sana hindi ako naghihirap ngayon. Heto ako palakad-lakad sa kalye nang bigla pang bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi man lang nagpa-ambon muna para sana nakahanap pa ako ng masisilungan ng mga bitbit ko.

"Kung minamalas ka nga naman oh!" Padyak ko sa inis at humanap agad kung may masisilungan. Ngunit wala rin iyong silbi dahil literal na basang-basa na ako. Napaupo na lang ako sa isang tabi at niyakap ang sarili, dala ng panlalamig. Hating-gabi na, sobrang dilim na ng mga daan. Saan na ako pupulitin nito? Isip lang ako ng isip, hanggang sa makakita ako ng sasakyan. Agad akong tumakbo papunta sa may kalsada.

Funny, kung dati pinagtatawanan ko lang ang mga taong suicidal dahil parang ang babaw ng dahilan nila. But look at me? Katulad din ata nila ang magiging kapalaran ko. I am sorry, God. I don’t think I can do this anymore.

"Rhea, mas maganda na rin siguro ito. Ayoko na, hindi ko na kaya." Kausap ko sa aking sarili bago tumawid sa kalsada. I know this will be the end of my life since kitang-kita ko na ang rumaragasang kotse na papalapit sa akin but I don’t really care. What I want right now is to fully escape this bitter and distressful reality of my life.

"You've had enough, Rhea." Bulong ko sa sarili ko bago ako lamunin ng kadiliman.

Related chapters

  • He's Gay   CHAPTER 2

    LUCAS’ "OUCHIE naman Mang Tomas! Muntik mo ng masira ang aking beautiful face." Reklamo ko habang hipo-hipo ang aking malakas-lakasang ilong na nauntog. Ang sakit nun ah! Bigla niya kasing hininto ang sasakyan ng todo at hindi man lang ako binalaan edi sana nakapaghanda pa ako. “Pasensya na po Ma'am Lucy!” Hinging paumanhin nito sa akin habang kamot-kamot ang ulo. By the way, Aketchi nga pala si dyosang Lucas M. Villareal, 26 years old ang tagapagmana ng Villareal Group of Companies. Matalino, matangkad, mayaman, Sexy, maganda ang genes, maganda, maganda ulit—Basta Maganda. Mula pa noong tumuntong ako nang Grade 4 napag-alaman ko na talaga sa sarili ko na ang babae ang puso ko at ang hanap kong partner ay lalaki. Aba'y ewan kung paano nangyari. Basta nagagwapuhan ako sa mga kaklase kong chopopo. Ang yummy! Tapos ninanakaw ko rin dati ang mga laruang Barbie doll ng mga kapatid kong babae kasi hindi nila ako pinapahiram eh iyon nga ang gusto kong laruin. Grade 9 St

    Last Updated : 2021-09-08
  • He's Gay   CHAPTER 3

    RHEA’sNILALAMIG na inabot ko ang pindutan ng electric fan para sana patayin pero wala akong makapa kahit anong gawin ko. Inis na minulat ko ang aking mata kahit pa na inaantok ako at bumangon pero laking gulat ko na lang nang mapansing wala ako sa apartment. Dali-dali akong umupo mula sa aking pagkakahiga sa kama habang inisip ang mga kaganapan kahapon. Oo nga pala, muntik na akong magpakamatay pero sa kamalas-malasan bigla pa akong nawalan ng malay. Mukhang hindi ko pa talaga panahon para mawala sa mundo. Masyado akong na-overwhelm ng emotions ko dahil sa mga bad news. "Teka! Nasaan ako?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko nang mapansing hindi pamilyar ang paligid. Parang baliw lang no? Pero ganito talaga ako kapag nine-nerbyos. Tatayo na sana ako sa kama pero laking gulat ko nang makita ko ang aking sarili na naka-Bra at Panty lang. "Kyah! Sinong naghubad sa akin? May n-nangyari b-ba?" Sigaw ko pero syempre sa isip lang. Mahirap na at baka nandito pa rin ang p

    Last Updated : 2021-09-08
  • He's Gay   CHAPTER 4

    RHEA'sKASALUKUYAN kaming nandito sa hapag-kainan kasama ang buong pamilya ni Baks. Medyo, kinakabahan nga ako dahil halos tahimik silang lahat hindi tulad kanina na sobrang lively ng mga aura nila. Ngayon, feeling ko parang nasa business meeting ako kaharap iyong mga Investor. Isa pa, hindi rin naman nila ako kakilala kaya malaking bagay ang first impression nila sa akin. Tahimik lang akong kumain habang naghihintay kung may magsasalita ba o wala. Ayoko rin namang maging bida-bida dahil baka may mga table manners silang sinusunod dito like bawal magsalita tuwing kumakain kasi usually mayroong ganoon sa mga mayayaman lalo na kapag strict ang parents. Sa kalagitnaan ng pagkain namin, tumikhim si Mrs. Villareal kaya naagaw niya ang atensyon naming lahat. Akala ko nga nabilaukan pero hindi naman siya uminom ng tubig sa halip ay masusi lang akong tinitigan kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang umabot na ang isan

    Last Updated : 2021-11-12
  • He's Gay   CHAPTER 5

    RHEA's "B-bakla ka!! Bakit ka andito?" Gulat kong tanong sa kanya. Napatunganga na lang talaga ako kay bakla dahil hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ulit at halos ilang oras pa lang noong umalis ako sa pamamahay nila. Also, I never expected that he will looked for me because there is no reason for him to do that or so I thought. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin nang seryoso kaya hindi ko mapigilang mapalunok. Medyo nakaramdam kasi ako ng pagkailang, takot at kilabot sa mga titig niya. Kung tumingin kasi siya akala mo'y isa akong takas na kriminal na nakagawa ng matinding kasalanan eh' sa pagkakaalam ko ang atraso ko lang naman ay iyong part na hindi ako nagpaalam umalis. "H-hoy B-bakla! Tigilan mo nga i-iyan!" Saway ko dahil hindi ko na talaga kin

    Last Updated : 2021-12-03
  • He's Gay   CHAPTER 6

    RHEA's HINDI ko malaman kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa nangyayari ngayon. Nakakabigla, literal na nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa mga kakaibang pinagsasabi ni Bakla. Tahimik na napakagat-labi na lang ako at walang pakundangang hinipo ang noo niya para tingnan kung nasa tamang kondisyon pa siya at hindi nababaliw. "Chararat! Ano bang ginagawa mo?" Bulyaw niya sa akin at pataboy na inalis ang kamay ko. Kita mo to, grabe kung ihagis ang kamay ko tapos aayain ako ng kasal? Ha! Kailangan ko na atang magpalinis ng tainga at kakaiba ang mga naririnig ko. Itong baklang ito kung makasigaw kala mo kung sino, siya nga itong parang sira na may mood swing o 'di kaya nag-personality shift. Kung kanina halos lalaki siya kung umakto tapos balik boses beki na naman ulit. Hay naku! Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. Anyway, mas maganda na rin ito na bumalik na uli siya sa pagiging bakla, kanina pa ako kinakalibutan eh. Hindi ako sanay na umakto siyan

    Last Updated : 2022-01-20
  • He's Gay   CHAPTER 7

    RHEA's ALAS singko na ng hapon pero hanggang ngayon nandito pa rin si bakla tila wala atang balak umalis. Kasalukuyan siyang prenteng nakaupo sa upuan habang nanonood ng kung anong palabas sa cellphone niya. Mukhang kdrama dahil korean language ang naririnig ko pero hindi ko nga lang alam ang title at wala rin naman akong balak alamin dahil hindi ako mahilig sa ganoon. "Hoy baks!" Tawag ko kay Lucas pero ang bakla nilingon lang ako saglit pagkatapos binalik din agad ang mata sa pinapanood niya. "Wala ka na bang balak umalis? Hapon na oh, baka hanapin ka ng parents mo." Sita ko sa kanya. "Anong tingin mo sa akin? menor de edad na may curfew? May sarili akong Condo at hawak ko ang schedule ko noh. Atsaka, mamaya na. Kita mong nanonood iyong tao eh." Pambabara niya sa akin na ikinairap ko na lang. Halatang hindi pumapasok sa isip niya ang double meaning sa sinabi ko. Seriously, hindi niya ba naiintindihan

    Last Updated : 2022-01-26
  • He's Gay   CHAPTER 8

    RHEA's NAGTITIIS sa sakit na bumangon ako sa kama habang sapu-sapo ang puson ko. Mabilis na lumipad ang mata ko papunta sa kinalalagyan ng kalendaryo. Shocks, pangatlong linggo na pala ngayon ng buwan, kaya naman pala. Patay ako nito, masyadong wrong timing iyong period ko aalis pa naman kami ni Baks. Iba pa naman ako kapag may dalaw, parang naghihilab iyong puson ko sa sakit. Dahan-dahan kong kinalkal ang bag ko at hinanap ang ekstrang sanitary pad at underwear na talagang tinabi ko para sa mga ganitong biglaang sitwasyon. Pagkaraan ay pumasok ako sa banyo para gawin iyong ritwal ko tuwing umaga. Nang matapos ako ay lumabas na ako sa banyo habang nagpupunas ng buhok. Inda-inda ang sakit na dumiretso ako sa kusina para maghanda ng almusal. Hindi ko kasi ugaling mahiga lang kapag may dalaw ako kasi mas lalong napupunta ang atensyon ko sa sakit. Ma

    Last Updated : 2022-02-09
  • He's Gay   CHAPTER 9

    THIRD PERSON's POV SINAGOT ni Lucas ang tawag habang abala naman sa pag-uusap tungkol sa negosyo ang kanyang Ama at lolo. Nag-uusap naman tungkol sa pagluluto ang kanyang Ina at Lola habang ang tatlo niyang kapatid ay may mga sarili-sariling mundo lalo na si Lucia. "Oh bae, napatawag ka?" Tanong ni Lucas kay Rhea sa kabilang linya. Bagamat nagtataka sa pagkakatawag ni Lucas sa kanya ay isinanatabi niya na lang muna iyon dahil sa sobrang pananakit ng kanyang puson dulot ng dysmenorrhea. "L-Lucas..." Mahinang atungal ni Rhea kay Lucas na may kasamang pagsinghot. "Ano ba yan bae, miss mo na agad-Teka, bakit ganyan ang tono mo? May nangyari na naman ba kay Mama?" Anya ni Lucas at sadyang tinaasan ang boses para marinig ng Lolo niya. Hindi naman siya nabigo dahil napatingin sa kanya ang lahat dahil para mas ginalingan niya pa ang pag-arte. "M...masakit..." Malakas na hikbi ni Rhea kaya maging si Lucas ay kinabahan na. Halatang seryoso kasi ito at hindi nagbibi

    Last Updated : 2022-03-08

Latest chapter

  • He's Gay   CHAPER 37: LAST

    After five months...THIRD PERSON's POV. PAGOD na nagkatinginan sina Kaley at 'yong iba pang kaibigan ni Lucas sa kanya. Maging sina Luciana, Lucia at Luca ay nayayamot na habang pinagmamasdan ang kapatid na palakad-lakad sa harapan nila."Kuya, Can you just sit?! I'm feeling dizzy because of you!" Reklamo ni Lucia kay Lucas na napakagat na lang sa sariling kuko dala ng nerbyos. "She's right Lucas. Walang mangyayaring masama kay Rhea okay?" Paninigurado naman ni Rave. "I can't." Iling ni Lucas. "I did some research online and it says, masakit daw ang manganak. Baka nasasaktan ang asawa ko." Nag-aalalang dagdag pa nito. Nanggigigil na napatayo naman si Ruffa sa upuan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lucas."Calm down, Mars. She will be okay." Anya pa ng beki. Pagkaraan ay siya na rin mismo ang nagpaupo kay Lucas sa inupuan niya kanina. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Midwife na nagpaanak kay Rhea kaya agad na dinalungan ito ni Lucas. "Kamusta ang lagay ng a

  • He's Gay   CHAPTER 36

    THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali.How dare him!Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa.May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawalan ng m

  • He's Gay   CHAPTER 35

    RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo

  • He's Gay   CHAPTER 34

    RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin

  • He's Gay   CHAPTER 33

    RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir

  • He's Gay   CHAPTER 32

    LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl

  • He's Gay   CHAPTER 31

    THIRD PERSON's POV.KASALUKUYANG bumibiyahe pabalik sa syudad sila Ruffa kasama ang mga kapatid ni Lucas. Tahimik ang lahat maliban sa dalawa na sina Kaley at Lucia na laging nag-a-away. "Tigil-tigilan mo akong bakla ka! Wala ako sa mood." Naiinis na saway ni Lucia kay Kaley. Si Kaley ang nagmamaneho gaya ng dati at si Lucia naman ang nasa passenger seat. Si Rave walang ganap, busy sa headphone niya gaya ni Nicole na katabi ni Luca."Oh talaga?" Asar ni Kaley sa babae. "Ang lakas mo ngang magsuot ng two piece eh, flat naman iyong dibdib mo.""You pervert!" Nanggigigil na singhal ni Lucia at binigyan ito nang masamang tingin. Hindi naman kasi makaganti ang babae dahil ito angnagmamaneho gaya ng unang pumunta sila sa Baguio.Iniwas niya na lang ang sarili niya kahit na nangangati na siyang suntukin ang katabi dahil sa pang-aasar nito. Mahirap na at baka ma-aksidente pa sila. "Fl-" Nahinto si Kaley sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ng dalaga. Kinuha naman ni Lucia ang cellphon

  • He's Gay   CHAPTER 30

    THIRD PERSON's POV."Are you sure na dito na lang kita ihatid?" Pag-uulit ni Clinton kay Rhea nang makababa sa sasakyan. Nandito na kasi sila sa tapat ng condo building ni Lucas. "Yup! Magta-taxi na lang ako mamaya. I know na ngayon ang pasok mo sa trabaho dahil 2 days ka lang. Masyado na akong nakakaabala sa iyo." Alanganing napangiti ang babae. "Fine! but if you need anything just call me." Napipilitang anya ni Clinton. Ayaw man niyang iwan mag-isa ang babae ngunit kailangan sapagkat maraming naghihintay na gawain sa kanya sa Agency.Napatawa naman si Rhea dahil halatang napipilitan lamang ang lalaki sa pag-iwan sa kanya."Opo, Sige na umalis ka na baka ma-late ka pa." Pantataboy nito pagkaraan ay niyakap ang lalaki dala na rin ng pasasalamat niya. Si Clinton ang unang pumutol ng yakap at hinalikan sa noo ang babae. Pagkatapos ay lumakad na ito patungong driver's seat. Ngunit bago ito pumasok ay tumingin muna ito muli sa kanya."One more thing, text me your new address. Okay?" P

  • He's Gay   CHAPTER 29

    THIRD PERSON's POV."Gising ka na pala." Bati ng kakapasok na si Lucas hawak-hawak ang isang tray ng pagkain. Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Rhea sa kumot na nagkukubli sa kanyang kahubaran.Napansin naman ito ni Lucas. Inilapag niya ang pagkain sa may bed side table at naiilang na tumingin sa babae. "Ano...K-kain ka m-muna." Hindi makatingin na sabi nito.Lumakad naman patungo si Lucas sa mga gamit niya at kumuha ng damit na pwedeng ipasuot sa asawa.Pagkakita ay tahimik niya itong inabot, "Oh, S-suotin mo muna. Alam kong h-hindi k-ka k-kumportable." Nahihiyang tinanggap naman ito ng huli at dahan-dahang kumilos paalis ng kama, habang takip-takip ng kumot. Hindi naman nito mapigilang mapasinghap nang maramdaman siya ng sakit sa pagkababae niya,"Ouch!" Atungal niya pa bago muling napaupo sa gilid ng kama. Nag-aalalang lumapit naman si Lucas sa asawa saka naupo sa tabi nito. "A-about what happened last night..." Panimula ng namumulang si Lucas at saglit na napahinto, tila

DMCA.com Protection Status