Share

Kabanata 4

"BRUCE..."

Umangat ang kilay ni Pauleen nang marinig ang boses ng babaeng tinatawag si Bruce na ngayon ay nasa kasagsagan ng pag-inom. Pagtungga agad ng alak ang inatupag nito kahit na kadarating lang nila sa FVC hall.

Anniversary party pala ang dinaluhan nila. Pero hindi niya alam kung bakit sa halip na atupagin ni Bruce ang magandang babae na nasa harapan nito. Kung saan-saan na umabot ang mga paningin nito na tila ay may hinahanap. She was standing a meter away from the two kaya nang tumama ang tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nagbago ang reaksyon nito from stiff to smooth. Saka siya nito nilapitan. Aware si Pauleen na nakatingin pa rin sa kanila ang babae na kausap lang ni Bruce kanina.

"I've been looking for you. Nandito ka lang pala."

Kumunot ang noo niya. Masyadong mabait, mapagkumbaba at mahinahon ang boses nito. Taliwas sa buwitreng boses nito kapag nasa bahay siya nito. Kaya nang nginitian siya ni Bruce ay mas lalong nagtaka siya.

"Hey,"

"Ahh yes..." Sabay ikot ng braso nito sa baywang niya nang makaharap na ang magandang dalaga dahil nakasunod na pala ito sa binata. "Hello, Cass." Bati ng hudyo sa babae kaya'y nang sinubukan niyang ibalibag ang binatilyo. Hinapit siya nito ng biglaan kung kaya't napahawak siya ng hindi sinasadya sa dibdib nito dahil may kalakasan iyon. Nagpabalik-balik tuloy ang tingin ng babaeng tinawag nitong Cass sa kanilang dalawa ni Bruce.

Akward niyang nginitian ang babae saka inangat ang tingin sa binata na sinabayan niya ng pagkurot sa tagiliran nito. Kaya nang napa-aray ito dahil sa kanyang ginawa. The women's pretty face filled with confusion and worry.

"B-Bruce...okay ka lang?"

"Ah..yes! Yes...okay lang ako Cassandra. Huwag mo akong intindihin. May langgam lang kasi na kinagat ako sa tagiliran."

Langgam pala ha? When Bruce whispered at her.

"Umayos ka! Just go with the flow. At huwag mo na ulit kurutin ang tagiliran ko." Puno iyon ng pambabanta. Pauleen even smell his scent pero hindi maaaring wala siyang iganti.

"At bakit hindi? After you pulled me this close? Sino ang hindi magtataka sa inaakto mo. The woman was talking nicely at you. Bakit kailangang hilahin mo pa ako?"

"Just shut up okay? Sumunod ka nalang sa acting ko."

"Well, uhm...I must leave you too. Mukha kasing may sariling mundo kayo." Pakli ni Cassandra kung kaya't mabilis na hinarap ni Pauleen ang babae. Pero dahil nga'y nagbubulungan sila ni Bruce. Nasagi ng ulo niya ang bagang nito dahilan kung bakit pareho silang napahawak sa napuruhang ulo at bagang at pagkatapos no'n ay parehong nagbangayan na naman.

"Clumsy as fuck!"

"E Ikaw. Bakit may pahawak sa baywang pa ang drama mo? Are you insane or just..."

"Oh shit just shut up!"

"Shit ka rin! Ikaw ang mag-shut up. Pagkatapos mo akong hilahin bigla at kung makipag-usap ka sa'kin ay parang katapusan na ng mundo dahil sa kabaitan. Nakakain ka yata ng anaconda kaya ganyan ka ngayon umasta."

"Oh God! Bakit ba ay ikaw pa ang napili kong babae sa lahat na gustong maging..." Pareho silang natigil ni Bruce nang marinig ang tila anghel na pagbungisngis ni Cassandra.

Sa sobrang ganda nito ay maski siya ay maihahalintulad lamang sa ingrown nito sa kuko. How does a woman became more prettier with just that laugh? Kung siya kasi iyon ay mistulang nagugutom lang na buwaya.

"Alam mo Bruce. After we broke up and I saw this girl with you tonight. I can say that you really find your match. Bagay kayo. And you look comfortable with each other as well, what's your name pretty lady? Alam mo bang ikaw pa lang ang unang babaeng sinigaw-sigawan si Bruce Bergman ng ganyan sa public?"

"Ahh...ehh," great! Nawalan pa yata siya sa cycle ng pananalita niya ngayong ex-girlfriend pala ito ng damuho.

Nang maramdaman niya ang pagkurot ni Bruce sa kanyang pisngi ay nalukot ang mukha ni Pauleen. Dahil obvious naman na paraan nito iyon sa kanya para makaganti.

"Her name is Pauleen Alegre. She's my girlfriend."

"Oh...I think she's somewhat familiar. Ikaw ay isa sa mga fashion designer na under ni Eerah di'ba?"

Wala siyang maisagot kundi ay tango nalang. Her mind was clouded with how Bruce introduce her as his girlfriend. Malinaw naman na ginagamit siya nito.

"Nice meeting you Pauleen. Oh, ano, balik na muna ako sa table." Nakatingin nalang siya sa nakatalikod na likuran nito na hapit na hapit ang pang-upo. Inangat niya ang tingin kay Bruce at pagkatapos ay pasimpleng inilayo ang katawan niya sa binata.

"Sundan mo. Hindi iyang tutunganga ka lang riyan."

"I can't." Sagot nito na nasa babae pa rin ang tingin kaya nang makita niya ang lalaking agad hinalikan si Cassandra sa labi. Pakiwari ni Pauleen ay parang gusto niyang aluin si Bruce dahil kagaya niya ay broken-hearted pala ito. "She can't be mine dahil may Hector na siya."

"Agawin mo. Sulutin mo dahil alam ko naman na mahal mo pa siya."

"Hindi na."

Ha? Suko na agad?

"Sa labas muna ako at magpapahangin." Malungkot siyang nginitian ni Bruce kaya'y nakatingin na lang siya sa papalayong bulto nito. Bruce Bergman in that situation makes her sad too. Marami pa namang babae kung tutuusin. Pero mukhang wala na itong nagugustuhan dahil si Cassandra lang naman. Ano kaya ang nangyari at naghiwalay ang dalawa?

"That's so sad for him," nilingon niya kung sino iyong nagsalita at nakita niya si Zeus na nasa likuran ang mga kamay na katulad niya ay nakatingin lang sa nilabasan ni Bruce.

"Alam mo ba ang tungkol sa kanilang dalawa ni Cassandra, Zeus?"

"Yep," he even emphasized the 'p' letter. "Actually. Wala naman talagang kwento sa kahit na sinong miyembro sa FVC ang nanatilihing lihim sa isa't-isa. Lahat sila alam ang kwento ng bawat isa."

"Bakit sila lang? Hindi ka ba kasali?"

"90 % I invested my stories to them. The 10 % remains for me." Sagot nito.

"So. May lihim ka pa nga. Ano iyon?" Amusement was on Zeus face when he turned to look at her. "Silly woman. Sundan mo si Bruce."

"Ayoko nga," napanguso siya. "Masyadong pangit ang ugali niya para alipinin ako. Hah! Bahala siyang magdusa sa nasaktang puso niya."

"Aren't you feel the same way too? E di'ba ay nakipag-break ka rin sa boyfriend mo dahil ipinalit ka sa babaeng mukhang Donsol sa Architectural Department?"

"Hey! Teka! Paano nalaman iyan?" Ngumiti lang ito ng ubod tamis pagkatapos ay hiyang na hinaplos ang ulo niya. "That doesn't matter. Kaya sundan mo na si Bruce. Ang katapat sa pusong nasasaktan ay ang pusong luhaan din. Lakad na!"

"Bakit mas magaling ka pa sa'kin?"

"Dahil ako si Zeus Ferrer. Now, go. Make him comfortable. Hindi rin biro ang nararamdaman niya ngayon. He was really devastated for their break up..."

"Z!"

"Oh, K. Kanina ka pa ba riyan?"

"Hindi. Oh, hi Pauleen." Kilala siya nito? Not to mention that the woman was really pretty. Bakit ba ay napapaligiran siya ng mga pinagpala ang mga mukha ngayon? "Kidnappin ko muna si Z ha? Importante kasi."

"Oo. Oo. Sige lang."

"Sundan mo na si Bruce—aray!" Rinig niyang reklamo ni Zeus ngayong hinila na siya ng magandang babae. "Bakit ka ba basta nalang nanapak Kendra?"

Namalayan nalang niya ang sarili na tinatahak na ang dinaanan ni Bruce kanina. Namataan niya ang binata na nasa mini fish pond at nakapatong ito sa sementadong tulay na ang mga kamay ay nakapwesto sa railing. Mukhang malalim ang iniisip nito dahil hindi man lang siya nito namalayang papalapit.

"Bruce." No response. Kaya tinapik niya ang balikat nito na agad ngintian siya pero peke naman.

"Kanina ka pa?"

"Oo. Binalak ko na sanang ilaglag ka pababa e para makumusta mo naman si Nemo diyan sa pond."

"Silly."

"Anong klase ng sili? Labuyo ba? Espada? Sabihin mo." Dumilim ang mukha nito. "Pinagloloko mo ba ako Ms. Alegre?!" And he's back to his old self now kaya nagawa niyang suntukin ang binata sa braso.

"Aray! Amazona ka ngayon ah!"

"Bayad mo 'yan sa'kin sa pagpakilala ni Cassandra bilang girlfriend mo. So anong nangyari at naghiwalay kayo?"

"Sikreto."

"Alam mo nasaktan rin ako minsan. Pero hindi katulad mo na parang katapusan na yata ng mundo kung mag-emote."

"Maybe because you really wasn't in love with that person."

"Hindi. Minahal ko si Josh."

"Josh?"

"Ex-boyfriend ko." Sinimulan niyang ikwento kay Bruce kung paano silang nagkilala ni Josh. From friends to lovers hanggang sa dumating nga iyong babaeng Donsol at inagaw ang nobyo niya. She was clenching a teeth habang nagkukwento dahil naiimagine niya pa rin ang sarili na nakatanga sa dalawa habang naglalampungan even behind her back.

Josh was obviously cheated on her pero isang kumpon lang ng tissue ang naubos niya. That was enough to at least move forward dahil iyon naman talaga ang buhay. Pero minsan ay nakakaramdam pa rin siya ng inis. O kahit kalmot lang kay Cleer ay enough na sa kanya.

"You don't have to tell your story if you haven't moved on Pauleen." Hinawakan siya nito sa balikat ng marahan while he was now on her back.

"Hearing your story ay parang may feelings ka pa. Sa kaso ko kasi. Kahit pilitin ko pa ay alam ko na hindi na pwede. Engaged na si Cassandra at anytime soon ay ikakasal na."

May ganoon?

"9th monthsarry namin when her parents told me that we aren't fit. For the past 8 months ay okay naman kami. Iyon pala ay inilihim niya sa'kin na may lahing insik pala siya. Alam mo naman ang tradisyon ng China. Ang insik ay para sa insik lang. And she was bound to marry Hector na noo'y alam na pala ang aming relasyon."

"Anong nangyari? May tendency pa naman siguro na mabawi mo si Cassandra?"

"Kagaya nga ng sinabi ko. Ang insik ay sa insik lang. Ayaw ko namang gawing potion ang pagmamahal sa kanya kung ang kapalit niyon ay itatakwil siya ng kanyang pamilya."

"Hala! Ganoon pala iyon?" Nilingon niya si Bruce at namutawi ang totoong ngiti nito. "Ganoon iyon. Kaya nga kung magkakaboyfriend ka man kasunod niyong bastardo mong ex. Maigi siguro kung hingian mo siya ng PSA, Baptismal record, lahat ng kanyang valid ID's—"

"Hindi pa naman ako na-trauma. Try mo kaya 'yan sa susunod mong makarelasyon? What do you think?"

"Baka ma-offend ko lang siya. Thanks nalang."

"E bakit sa akin mo inirekomenda?" Hindi ito sumagot at piningot lang ang ilong niya. "Baka kako gusto mo lang namang alamin ang nationality niya."

"Kagaya nga ng sinabi ko. Hindi pa ako na-trauma. Lumayo ka nga!" Magkadikit pa rin kasi ang mga katawan nila.

"After ng break up ninyo. Nagkaroon ba kayo ng closure ni Cassandra? Like talking about your feelings both sides?"

"No. Pwede ba? Huwag mo ng pag-usapan pa ang tungkol doon?" Marahan niyang tinapik ang balikat nito. Bruce stare gives her a feeling that she couldn't describe at ang pagtambol ng kanyang dibdib na parang hindi normal. Ay ang nagpabigla sa kanya. Gayunpaman, agad na nagsalita si Pauleen.

"Alam mo. Kahit minsan ay ang sarap mong ingudngod sa tubigan, alugin gamit ang blender. I can't bare myself looking at you like this."

"Bakit? Hindi na ba ako ganoon ka-guwapo kagaya ni Xorxell?" Umirap siya. "Hindi naman talaga kayo magkasinggwapo—oo na nga! Gwapo ka pa rin naman pero bukod tanging..." Natigil si Pauleen sa pagsasalita ng makita kung sino ang papalapit sa kinaroroonan nila.

Si Xorxell.

"Hey, kayong dalawa pala ang nandito. Akala ko kung sinong magkasintahan ang naghahalikan..."

"Anong?" Umiling siya saka bumaling kay Bruce. She was giving her a stare na itama ang sinabi nito pero manhid ang gago. "N-no! Hindi kami naghahalikan Xorxell...oh please,"

"Bruce, bud?"

"What you think was right. We are kissing. Kaya pwede ka nang umalis dahil iniistorbo mo kami Xorxell."

"At your leisure, my friend." Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Xorxell ng umalis ito.

No!

"Xorxell wait! Isang kahibangan iyong sinabi ng kaibigan mo, wala na! Nakaalis na...bakit ba kasi ay iyon ang sinabi mo?" Nanggagalaiti siyang nilingon muli si Bruce. Akala pa naman niya ay gagaan na ang pakiramdam niya dito. Akala lang pala niya iyon.

"My God! Si Xorxell iyon, Bruce! Si Xorxell!"

"Alam ko." Naipikit niya ang mga mata dahil nagsimula na naman yata siyang tubuan ng sungay dahil sa lalaking ito.

"Time ko na sana iyon para lumandi..."

"Xorxell was a half Chinese. Kaya hindi kayo pwede."

"T-totoo?"

"Hmm, kaya kung ako sa'yo. Tigil-tigilan mo na iyang fascination mo sa kanya. Hindi ka rin naman magugustuhan no'n at mas lalong hindi ka papatulan." Nakaka-sad naman 'yon.

"Tara na at bumalik sa pagtitipon. Baka kako kung ano-ano nalang ang sasabihin ni Xorxell na ginagawa natin dito—"

"Hay naku! Good idea. Let's go."

"Ilingkis mo ang braso mo sa'kin para naman magmukhang girlfriend talaga kita..."

"Let me guess. May feelings ka pa kay Cassandra."

"Hindi naman ganoon kadali ang lumimot." Wika nito.

"Kung hindi ka lang talaga broken e, kanina pa nakatabingi iyang mukha mo." Masuyo niyang ipinasok ang mga braso sa braso ni Bruce at magkasabay silang bumalik sa FVC hall.

Agad natuon sa kanilang dalawa ang atensyon ng mga tao, particularly sa mga miyembro ng FVC. Kaya'y lihim na napangiwi nalang si Pauleen ngayong sinisimulan na siyang interviewhin Nina Barkley at Henjie.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status