Share

Kabanata 5

MASYADONG MABILIS lumipas ang oras kung kaya't hindi na namamalayan ni Pauleen na masyado ng nalasing si Bruce nang malingunan niya ito pasado alas dyes kwarenta ng gabi.

And because she was her pretend girlfriend for the night. Na hindi na rin lingid sa kaalaman ng mga kaibigan nito dahil nandito si Cassandra. She played her role vitaly. Walang kaabog-abog na nilapitan niya ang lalaki.

"Kailangan mo ng umuwi."

"Mamaya na," sagot nito.

"Lasing ka na." Sa sinabi niyang iyon ay nagpang-abot ang kilay ni Bruce na iniharap ang baso sa kanya na sa tingin ni Pauleen ay ang pinakamatapang na inumin na siyang kanina pa nito tinutungga. "Sinong lasing?"

"Dapat hindi ninyo siya hinahayaang umiinom kung ganyang Broken Hearted ito sa dating nobya niya," tuloy ay nakatanggap ng speech sina Henjie at Barkley sa kanya dahil ito lang naman ang mga kainuman ni Bruce. The rest ay may sari-sarili ng mundo.

Napapansin niya ang kanina pa pagnanakaw ng tingin ni Cassandra sa kanila. At si Zeus na nasa sulok lang katabi si Kendra ay ikinampay ang hawak na shotglass para sa kanya.

People were all drank. At kung hindi niya pa ilalayo si Bruce sa lugar na ito. She was afraid that she, too will get drank too. Nang may kumalabit sa kanya.

Si Xorxell.

"Enjoy the night Ms. Alegre. Don't mind Bruce there. Malaki na naman iyan. Better yet, accept this shotglass para naman magkaroon ka rin ng ideya kung gaano kasarap ang inumin. And oh, by the way this is a ladies drink."

Inabot niya kaagad iyon kay Xorxell nang may biglang umagaw niyon sa kamay niya.

"Bawal siyang maglasing," then Bruce stare dropped at her. "Bata ka pa. Bawal pa sa'yo saka na kung lagpas bente ka na."

"Come on Bruce. Ms. Alegre is not a kid. She's 25 year-old for gracious grace!"

"Bakit parang mas magaling ka pa sa'kin Xorxell? Kapag nalasing iyan ay ako pa ang mag-abala. Ikaw ay taga-panood lang," namutawi ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Xorxell bago kinindatan siya. Bahagya pang napaurong si Pauleen dahil hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Xorxell babes niya.

Napangiti siya ng lihim dahil mukhang tinamaan na naman yata ang puso niya dahil roon.

"I said she will not drink anything," hinila siya ni Bruce paupo sa lamesa ng mga ito at madilim na mukha ang paraan ng paninitig sa kanya.

"Hindi ako lasing."

"Kausapin mo utot mo. Umuwi na nga tayo!"

"Saka na Pauleen. Let's enjoy the night. Bawal ang KJ." He smirk bago tinungga ang baso na bigay ni Xorxell para sa kanya saka ito napamura.

"Lokong Xorxell na iyon ah! Jack Daniels isn't a ladies drinks for pete's sake! Kaya ikaw babae. Sinasabi ko sa'yo. Huwag kang papauto sa Xorxell na iyon dahil nagsisinungaling rin iyon. Ladies drink huh? Balak ka nga yatang lasingin ng gago na 'yon ah!"

"Tama na nga 'yan Bruce! Uuwi na tayo."

"Sinabing ayoko pa...hindi mo ba naiintindihan iyon?"

"Bruce, bud? Kalma. There's no need to shout. Naririnig ka naman ni Pauleen eh. Kalma ka lang, babae 'yan." Singit ni Henjie na papikit-pikit na rin ang mga mata pero kagaya ni Bruce ay tuwid pa rin kung magsalita.

"Saan ka pupunta Pauleen?" Tanong ni Bruce ng magkaroon siya ng pagkakataong makatayo para lapitan si Beverly pero ang hudyo ay kung ano-ano nalang ang sinasabi. "Lalapit ka na naman sa Xorxell mo?"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Nagkakaila ka pa. Hala uwi!"

"E di'ba ay ayaw mo pa ngang umuwi? E di kay Cognac nalang ako makikitulog since malapit lang ang bahay niya dit—"

"Uwi,"

Nalukot ang mukha ni Pauleen. Maraming pagkakataon na nagdududa siya sa ugali nitong hindi niya mapagsino. Dahil talagang hanggang atay niya ang lahat ng negatibong pantukoy dito.

"Umuwi ka na lang Pauleen. Utos ng boyfriend mo dahil mukhang hindi nagustuhan na sa ibang bahay ka pa makitulog."

"Kung ganoon ay mauna na kami." Nagpaalam na rin siya kina Zeus at Kendra bago kay Beverly at Xander na maya't-maya ay nagkakalat. Halik dito, halik doon. Naman! Pinanindigan talaga ng boba ang katotohanang pareho ng nararamdaman ang mga ito sa isa't-isa.

She thought for herself kung kailan kaya ang time niya. Her feelings for a deserving guy na mamahalin rin siya ng buo. Tapat at walang kaabog-abog.

There's always time for everybody. Kung matiyaga kang maghintay ay swak na swak rin ang blessing.

Napaungol si Pauleen ng maramdaman ang mabibigat na braso ni Bruce sa balikat niya. Dahil katangkaran, nahihirapan siyang kargahin ang buo nitong bigat.

"B-Bruce hoy! For pete's sake, malayo-layo pa ang lalakarin natin patungong villa mo."

"I can lend you my car." Blessing in disguise ang pag sulpot ni Owen sa kanyang likuran. "Wait at kukunin ko lang,"

"Don't bother Owen."

"No, bud. I insist. Mahihirapan si Pauleen kapag...oh great," umayos kasi ng tayo si Bruce na nagmukhang zombie dahil sa pasuraray kung maglakad.

"I guess he doesn't want a help. Well, uhm...kaya mo na siguro iyan Pauleen. Just uhm—shit!" Pareho silang dinaluhan si Bruce ng mabuwal ito sa paglalakad at diretsong natumba sa pavement.

"I don't need help. Hindi ako lasing."

"Anong hindi? Gusto mo bang masundan pa iyang kalampahan mo..."

"You can help me through your shoulders Pauleen. No one else would dare, just you."

"Go," udyok sa kanya ni Owen. "Naglalambing ang boyfriend mong hilaw Pauleen."

"I am not. Isa pang salita..."

"O, kita mo na?" Muntikan na naman kasi itong matumba mabuti nalang at mabilis siyang nakalapit dito kaya naagapan. "Bumubwelo pa kasi e hindi na naman kaya."

"I should leave you two. Take care of him Pauleen."

"Kahit naman ayaw ko ay wala narin naman akong magagawa Owen." Humalakhak lang ito bago naglakad na palayo sa kanila. Pauleen can't help, but to laugh looking at how Bruce having a hard time pulling his whole weight because of so much drunkenness. Masyadong matigas ang ulo nito para itakwil ang tulong na ibinigay niya.

"Abnoy ka Bruce! Halika na nga, matatagalan talaga tayo kung ganyang ayaw mo akong tulungan ka. Ayan! Pakalasing pa."

"Hindi nga ako lasing. Tabi! Mauna kang maglakad."

Pinameywangan niyang hinarap ang dakilang lasing. "May sa lahi ka yatang Mr. Bean eh. Kani-kanina lang ay hindi mo kailangan ang tulong ni Owen dahil sabi mo nandito naman ang mga balikat ko. Ngayon ay tinatabing mo na ako. Umamin ka nga sa'kin? Nagda-drugs ka no?"

"Mabigat ako. Ayaw ko namang iasa sa'yo ang buong katawan ko. Magmukha kang mushroom tingnan."

"Kahit laitin mo pa ako. Bukas na kita babatukan dahil antok na talaga ako. Kaya halika na."

Bruce grunted pero hindi na nakipagtalo sa kanya. Panay na lang ang pag-igik nito kung sakaling mawawalan siya ng balanse dahil nadadala ang katawan niya kung sakaling gigilid ang katawan ni Bruce.

"Shit! Ikaw yata ang lasing eh. Diretso lang naman ang daan papuntang villa ko ah. Bakit hindi mo pa maitama?"

"Huwag ka nang maraming satsat at—ay palaka!"

Kasabay ng pag-inog ng katawan ni Pauleen ay ang paglapat ng labi ni Bruce sa labi niya ng mawalan siya ng balanse at nasagi pa ng bato ang paa niya kung kaya't bumagsak ang katawan niya sa lupa with Bruce of course.

Sumakit ang likuran niya pero hindi niya na nagawang magreklamo bagkus ay tinabing si Bruce na noo'y agad nahiga sa lupa dahil lupaypay na ang katawan nito.

"Bumangon ka riyan!" Napapalatak nalang siya dahil sa frustration. "Bruce, bumangon ka sabi eh, ano ba?"

The heck is wrong with this man?

"Bruce—"

"O, anong nangyari riyan?"

"Xorxell!" Halos yakapin niya na ang binata ng biglaang sumulpot-sulpot ito sa kanyang harapan kung kailan wala siyang alam kung ano ang itsura niya ngayon. "Kailangan ko talaga ang tulong mo. Ang lalaking ito ay..."

"Nasa iyo ang susi ng villa niya kaya mauna ka na doon at ako na ang bahala dito kay Bruce."

Naman. Superhero niya talaga ang Xorxell niya eh kaya mabilis siyang kumaripas ng takbo at agad tinungo ang kwarto ni Bruce ng maya-maya pa'y nakarating na ito. Hindi mapigilan ni Pauleen ang ngumiti ngayong nakatingin sa lalaki na walang kaalam-alam na kanina niya pa pinagmamasdan ang kilos nito habang dahan-dahang inihiga si Bruce sa kama nito.

"Huwag ka ng mag-abala pa sa lalaking iyan at matulog na." Xorxell grinned. "Affected pa rin talaga siya sa presensya ni Cassandra kaya nagpapakalasing. Hayaan mo na lang si Bruce, Pauleen. Bukas, pustahan pa. Walang maalala ang ugok na iyan kahit ang halikan portion ninyong dalawa—"

"Hala sya! Aksidente iyon."

"Accident or not. It doesn't changed the fact that you kissed."

"P-pero..."

"Goodnight Pauleen."

Bagsak ang balikat ni Pauleen na inihatid nalang ng tingin si Xorxell na ngayon ay papalabas na sa villa ni Bruce. Wala siyang matinong iisiping sa kung ano man ang persepsyon ng binata ngayon sa kanya. Binalingan niya si Bruce na nandidilim ang mukha. Kung hindi dahil sa buwitreng ito ay malinis pa sana ang pangalan niya kay Xorxell. As long as she can see her Xorxell. She wanted to looked good at hindi iyong nakita siya na kahalikan ang damuho.

Bakit naiinis siya?

All the more. Kahit anong pangsisisi ang gagawin niya kay Bruce. Sigurado si Pauleen na walang maalala ang hudyo dahil sa labis na kalasingan. Kaya nga kinabukasan nang magising ito at nakisuyo ng matapang na kape na walang sugar. Inubos ni Pauleen ang isang sachet para magtanda ito.

Nakahiga pa ang kumag sa kama ng madatnan niya ito. Nagrereklamo kung bakit masakit daw ang ulo.

"Sino ba kasi ang maysabi sa'yo na magpakalasing ng husto?! O ayan, kape mo senyorito."

"Thanks."

"Anong thanks? May bayad iyan."

"Ito." Inabot ni Bruce sa kanya ang pitaka nito. "Kumuha ka kahit ilan riyan. Layas na!"

"O, e teka lang..."

"Matutulog ako kaya kung saan mo man gagamitin ang laman ng pitaka ko. Sure you can use it."

"What will I get in return? E sobra-sobra naman ito. Bayad lang naman sa kape mo ang hiningi ko e nagcash advance ka na agad."

"That?" Itinuro nito ang pitaka na impit na ngumingiwi. "That was a payment for your jobe well done last night. Pretending to be my girl was your vital role. And...thank you. Leave now. Ilapag mo nalang sa lamesa ang kape ko."

"Pero Bruce, saan naman ako pupunta?"

"Hindi ko na iyon problema." Tumalikod ito sa kanya na nakatalukbong ng kumot at mukhang wala ng oras para atupagin siya.

"Bahala ka ha? Kapag naubos ko ito. Walang sisihan."

Hindi si Bruce sumagot kung kaya't ngiti-ngiti siyang tinapik ang balikat nito pagkatapos niyang mailapag ang kape sa sidetable.

"Aalis na ako ha? Salamat sa limpak-limpak na salapi mo. Bibilhin ko ang oras ni Xorxell para samahan ako, yeheyy! Thank you Bruce." Dahil sa labis na tuwa ay hinalikan niya ang noo nito bago nagtatalong bumaba at diretso na sa labas.

Hmm, nasaan kaya si Xorxell babes ngayon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status