Share

Kabanata 3

NAKAPASKIL na sa mukha ni Pauleen ang iritasyon ngayong nasa harapan na siya ng kwarto ni Bruce. May placard pang nakalagay sa pintuan nito na 'knock twice' pero dalawang katok na ang ginawa niya gamit ang paa ay hindi pa rin siya nito pinagbuksan.

"Senyorito. Yohoo! Nandito na ang agahan mo," batid niyang may sarkasmong tinig ang pagkakabanggit niya niyon.

Si Zeus na mismo ang nagsabing ang maton na lalaking ito na ang bahala sa kung ano ang gagawin nito sa kanya. Kaya heto ang drama niya ngayon. Katulong. Gusto niyang sipain ang pintuan ng kwarto nito sapagkat nangangalay na ang mga kamay niya sa food tray na hawak niya.

Masyado ba siyang maaga e alas sais trenta y cingko pa lang naman. Nasanay siya ng ganoon sa trabaho niya. Nilang dalawa ni Beverly. At hindi niya talaga inaasahan na maski ang bakasyon niya dito sa FVC ay mauuwi pa sa isang bangungot.

"Bruce hoy!"

Nang sa wakas ay dahan-dahang bumukas ang pinto revealing Bruce's messy hair. Ang damit ay lukot-lukot pagkatapos ay nabaling ang tingin ni Pauleen sa papungay-pungay na mga mata nito bago niyon kinusot.

"Why the fuck are you yelling woman?" He muttered a curse kaya natauhan doon si Pauleen. He maybe an angel outside, but he is an evil inside. Idinutdot niya sa dibdib ng binata ang hawak niyang food tray.

"Ayan! Kainin mo 'yang lahat."

Namutawi ang ismid sa bibig ni Bruce. "Mamaya may lason pa 'to. Hindi na."

Anong...

"Hoy! Kahit na gustong-gusto kitang lasunin. Hindi naman ako mamamatay tao para gawin iyon. Tse! Mabilaukan ka sana..."

"Saan ka pupunta?" Nagmamaktol kasi siyang naglakad pababa.

"Uuwi sa bahay ni Cognac!" Sigaw niya na may dalang pagka-irita.

"Nakalimutan mo bang wala ka nang uuwian doon dahil nasa poder kita? Kung babalik ka kay Cognac. Iiwanan mo ba ang mga gamit mo dito sa bahay ko ganoon? Itatapon ko lahat 'to."

Napabalik ng wala sa oras si Pauleen paakyat sa kwarto ng butihing guardian niya. Kung hindi ba naman kasi likas na matabil ang dila nito para magsumbong kay Zeus. Hindi ganito ang mangyayari sa kanyang bakasyon. Isa pa iyong si Beverly. Nagkaroon lang ng boyfriend, iniwan na siya sa ere. Wala na nga talaga siyang maaasahan ngayon kundi ang sarili niya lang.

Napakaganda talaga ng buhay bakasyon niya di'ba? At ang mas malala...isang buwan ang bakasyon niya dito sa FVC. Na-extend kasi dahil iyon ang napagkasunduan ng mga magulang niya at magulang ni Beverly.

"Bakit umiiyak ka?"

"I'm not."

"Hindi ka lang pala bayolente no? Sinungaling ka rin."

"Luha ito ng iritasyon ko sa'yong putang-ina ka! I must enjoy myself dahil bakasyon ko nga. Pero linsyak lang dahil nagkaroon pa ako ng encounter sa'yong lalaki ka. Hindi ko na tuloy masilayan ang gwapong mukha ni Xorxell babes ko." Pinahiran niya ang mga luha, but Bruce just shrug.

"You're fascinated with Xorxell." That was a pure statement.

"Lahat ng FVC members ay gusto ko. Maliban sa'yo. Hindi na kita gusto. Oh, well, there's always been Xorxell in my dreams. Kaya ekis ka na sa'kin. Punit na ang pangalan mo sa booklist ko. Hah! O, bakit ganyan ka makatingin?"

"I can't believe it. Ngayon lang ako naka-encounter ng babae na maraming nagugustuhang lalaki, but Xorxell was the greatest...ano ba talaga Ms. Alegre?"

"Gusto ko kayong—silang lahat. Pero bukod tanging si Xorxell ko lang ang..."

"Yeah, yeah. Whatever. O ayan, hugasan mo 'yan sa sink." Ibinalik ni Bruce sa kanya ang food tray na hindi pa naman nabawasan ang pagkain doon. "Wala akong tiwala sa niluto mo. Sayang naman kung maaga akong mamaalam sa mundo dahil lang sa'yo e hindi ko pa nga nakikita ang bata na bunga ng binhi ko. Tss."

"Ayos ka rin e no? Kahalayan mo pa talaga ang iniisip mo e wala namang babae ang papatol sa'yo." Napansin niya ang pagbabago ng reaksyon nito pero hindi pa siya tapos. "Maraming mga tao ang namamatay sa gutom pero ikaw na abunda sa pagkain ay basta mo nalang itatapon—"

"Kainin mo 'yan kung gusto mo." Saka siya pinagsarhan nito nang malakas sa pinto. Napasigaw nalang siya sa labis na pagkamuhi sa binatilyo. When Bruce open the door again. Still with his sleepy eyes.

"After mo riyan. Ayusin mo ang sangkalan ng tubig doon sa itaas. Napapansin ko na may gitling ang PVC pipes na nandoon..."

"Pero Bruce hindi ako marunong—"

"Edi pag-aralan mo. Magaling ka naman di'ba? Good luck Ms. Alegre."

Hindi naman talaga iyon problema basta ba ay nasa ibaba lang iyon. Ang tinutukoy kasi nitong ayusin niya ay ang PVC pipes na kasangga ng ulan doon sa bubong. Takot siya sa matatas na bahagi for Pete's sake! Ayaw na ayaw niya sa mga bahaging iyon.

"P-pero hindi talaga..." Kahit ano pa man ang irarason niya kay Bruce. Hindi na nito naririnig ang hinaing niya dahil nakasarado na ulit ang pintuan ng kwarto nito. Mas lalo lamang siyang naiinis sa lalaki kung kaya't padaskol niyang pinaghugasan ang pinggan na nag-uungot ang sistema. Kaya nagulat pa siya ng matapos ay wala siyang nabasag kahit isa.

Lumabas siya sa bahay na napapalatak. Mabuti na lang at nakita niya agad ang hagdanan. Gusto niya sanang tanungin kung saang bahagi ng Pipes ang nag-leaking subalit nakakahiya naman sa senyorito gayong alam niyang natutulog pa iyon ngayon sa kwarto nito. Tumungo siya sa likurang bahagi ng villa at doon ay kitang-kita niya ang bahagi ng PVC na parang nilulumot na dahil sa katandaan. Napaismid si Pauleen saka isinandal na ang mahabang hagdanan sa pader pagkatapos ay sinimulan niya nang umakyat. Hindi niya alam na nakabukas pala ang kurtina sa bahaging bintanang kwarto ng senyorito kaya kitang-kita niya ito na tila ay nilubayan ng dugo ang mukha dahil bahagyang naninilaw ito habang nakatingin sa kanya.

May kung ano itong sinabi pero hindi niya narinig dahil may glass window pa rin ang namagitan sa kanila. Iling-iling na lang si Pauleen bago tinuloy na ang pag-akyat sa itaas ngunit sinalubong siya nang malakas na bulyaw ni Bruce na siyang ipinagtataka niya.

"What the hell are you doing? Nagpapakamatay ka ba?" Nabuksan na ni Bruce ang glass window.

Napapantiskuhan siyang tinitigan ang hudas. "Kung magpapakamatay ka. May chopper ako roon sa helipad. Gamitin mo rin kagaya sa ginawa ni Beverly para makatakas dito sa FVC that way...hindi pa ako makunsensya, hindi pa ako ang magbabayad sa funeral funds mo."

"Ano ang ipinuputok ng butsi mo?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin siya. "Ikaw ang nag-utos sa'kin na ayusin ko ang nag-leaking na Pipes sa bubong mo kaya bakit nag-iinarte ka riyan?"

"Anong nag-iinarte? Matalino ka naman siguro di'ba? Dapat maisip mo rin na binibiro lang kita tungkol doon e wala pa namang aberya ang mga kasangkapan ko rito sa FVC. Bumaba ka riyan."

"Alam mo Ikaw! Ang labo mong kausap—hoy!" Napatili na lang si Pauleen ng walang kahirap-hirap nitong hinaklit ang kanyang katawan para ilipat sya sa kwarto nito. Pagkatapos ay walang kahirap-hirap nitong pinatid ang hagdan na bumagsak agad sa ibaba. Nangunyapit siya sa katawan ni Bruce dahil likas nga naman talaga siyang matatakutin pagdating sa mga matataas.

"Kung makalambitin ay parang ahas."

Nagawa siya nitong ibaba. Pauleen took a glance at how depth she climb up to Bruce room. Bago siya muling binalingan ang binatilyo.

"Diyos ko! Ganoon na pala kalalim ang inakyat ko?"

"Oo kaya kung hindi ka naman pala tanga. Bakit ginawa mo talaga ang sinabi ko?" Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil lumakas ang talbog niyon. For sure kung hindi siya inagapan ni Bruce. Magkagutay-gutay panigurado ang katawan niya kung sakaling malaglag siya. Horror flashed an image of her lying on the ground at kung hindi mamamatay, imbalido naman.

Pauleen was thankful that he get her up before it's too late. "Ibalik mo iyong hagdanan sa kung saan mo man nakuha." Naglakad na ito patungo sa kama samantalang siya ay nanatiling nakatingin sa nakapagpakaba sa kanya ng ganoon katindi.

"Kapag hindi ka pa aalis riyan. Itutulak kita."

Nagmamadali siyang pumanhik sa loob ng kwarto nito pagkatapos ay siya na mismo ang nagsara sa glass window. At nag-usal ng pasalamat na hinarap si Bruce. Pero ang loko ay binara lang siya. Nawala tuloy ang magandang impresyon niya kay Bruce dahil napalitan na naman iyon ng iritasyon at pagkapikon.

"Ibalik mo na ang hagdanan kung saan mo man iyon nakuha. Pagkatapos mo no'n kung wala ka na talagang magawa. Pumunta ka sa bahay ni Xander at doon ka magbungkal ng lupa."

"E magmukha pa akong treespasser kung gagawin ko 'yon."

"Hindi ka naman pala tanga para akyatin ng ganoon kataas ang bubong kanina." Nagbabasa na ito ng kung ano sa cellphone ng hindi siya tiningnan. "Labas na."

"Okay."

"Teka sandali,"

"Bakit?" Ang hirap talaga nitong espelingin. Palalabasin siya tapos pipigilan. Ano ba talaga?

"Can you wear something decent for tonight. May party kasi na idaraos si Ferrer at maraming mga bisita ang dadalo."

"And?"

"Basta. May party. Dapat maganda ka mamaya at sexy."

"A-ano? Teka. Bigyan mo muna ako ng isang rason kung bakit ko gagawin iyon."

"Dapat maganda ka at sexy. Hindi iyong outcast ka tingnan."

Bruce only give her a finality look. At mukhang wala itong oras para palawigin pa ang kailaliman ng pang-uunawa niya sa mga sandaling iyon. Nandoon na naman ang labis na inis niya sa lalaki habang nakaupo sa sofa doon sa sala. Minsan talaga ay hindi niya maiintindihan si Bruce. Dalawang araw na siyang nandito sa poder ng binatilyo at walang araw na hindi sila magbabangayan. Tama nga ang sinabi ni Xander na hindi talaga ito magpapaawat kahit babae pa ang kasagutan nito.

"Kaya siguro wala akong naririnig na may babaeng iniibig ang lalaking iyon dahil masyadong pikonin."

Hindi niya na iyon problema. Kaya dahil wala siyang magagawa. Lumabas siya ng bahay at nagtungo sa mga pasyalan na hindi niya pa napuntahan. FVC is a wealthy place. Nakapaligid sa malapad na lugar ang mga villa na pagmamay-ari ng mga miyembro. Isa na nga roon si Bruce Bergman na instant guardian slash amo niya sa mga panahong ito. Hindi rin naman niya ipinagtataka kung bakit isa ang FVC sa mga namayagpag na pinakabisitahing lugar sa bansa dahil sa taglay nitong nakakahalina katulad nalang sa mga nakatira.

Kung siya lang talaga ang masusunod. Magpapagawa talaga siya ng malaki-laking negosyo dito sa FVC. Magkakapera na siya. Bonus pa ang paninilay niya sa mga lalaking dito nakatira. Mas bet niya ang ideyang iyon at handa na siyang lumagpas sa kanyang imahinasyon ng makarinig siya ng tikhim.

Bruce in his hawklike eyes welcomed her...again.

Sa mga sandaling ganoon ang mukha ng lalaki ay nagmukha itong gwapo na maliit lang ang pasensya. In short pikonin.

"Hindi mo ibinalik sa lagayan ang hagdanan. Pero...hindi ba kita nasabihan na dapat ay maghanda ka na para sa party mamaya?"

"Hindi."

"Ngayon sasabihan na kita. Bumalik ka sa bahay para magmukha ka namang tao na haharap sa mga bisita mamaya."

"Anong—hoy! Kahit hindi ako magpapaganda. Maganda na ako..."

"Hindi ko tinanong." Sabay bulsa ng mga kamay. "Balik na sa bahay." Bahagya pa nitong nilingon ang ulo para ituro ang daan na nasa kanya pa rin ang tingin.

"Ayaw mo? Sige." Tumalikod na ito at naglakad na. "Ako na ang magbabalik kay Zeus sa Black card na pinapabigay niya sa'yo—"

"Oo na nga!" Ibig sabihin kasi niyon ay mapapawalang-bisa ang isang buwan niyang bakasyon dito sa FVC kapag ibabalik ni Bruce ang Black card na pagmamay-ari niya. Kahit nawa'y may sarili ng mundo si Beverly dahil sa boyfriend nitong hot na Architect. Titiisin pa rin ni Pauleen na makasama sa isang bahay ang lalaking ito atleast nasa FVC pa rin siya magpasahanggang ngayon.

Nang makarating ay nagulat pa siya na may mga naglalakihang box ang nakapatong sa couch at mga branded pa ang nakatatak roon.

"Isukat mo," utos iyon.

"Anong susukatin?"

"Sa'yo ang mga gamit na 'yan. Nakuha ko ang size mo kay Bev dahil nagtanong ako sa kanya. Hindi naman Cup B iyang didbdib mo kaya agad kong nakuha ang dress na nababagay sa'yo. A baby dress."

"Hoy! Hindi ako bata." Katwiran niya kay Bruce.

"Hindi nga pero ang dibdib mo ay parang nagdadalaga pa lang. Isukat mo 'yan. Sa kwarto mo nalang dahil sigurado ako—"

"Wala rin akong balak na sa harapan mo magbihis no? Tse! Diyan ka na nga." Binitbit niya ang dalawang klase ng box paakyat sa kwarto niya na katabi lang sa kwarto ng binata.

"At least magpasalamat ka."

"Manigas ka."

Then she stormed inside her room sticking her tounge out kasabay ng pag-iling ni Bruce bago niya isinara ang pinto.

Hah! Bata pala ha? Makikita natin kung talagang bata ba ako kung titingnan sa party mamaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status