Share

Chapter 3

KASALUKUYANG nakaupo sa waiting area ng opisina ni Adrian Lagdameo si Rizel habang hinihintay itong tawagin para sa interview niya.

Dahil nga sa nabigo siya kahapon sa pagkuha ng impormasyon, kinausap niya ang kaibigan na tulungan siyang makapasok bilang server sa bar ni Mr. Lagdameo. Naisip niyang mas marami siyang makukuhang impormasyon tungkol dito kapag nakapasok siya do'n. At dahil close naman si Adrian at ang kaibigan niya agad naman itong pumayag nang irekomenda siya nito.

Busy siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang intercom kaya bahagya pa siyang nagulat.

Tumayo na ang sekretarya ni Mr. Lagdameo at nakita niyang pumasok ito sa loob ng opisina.

Hindi pa siya nakakapagbilang ng sampo nang lumabas ito at pinuntahan siya.

"Pwede na kayong pumasok ma'am." Tumayo siya at iginaya naman siya nito papasok.

Agad siyang nagpasalamat nang pagsarhan siya nito ng pinto.

Namamanghang inilibot niya ang tingin sa loob ng opisina pagkapasok niya.

"Baka gusto mong umupo."

Agad na napabaling ang tingin niya sa lalaking nagsalita at kulang na lang tumulo ang laway niya sa sobrang pagkatulala. Bakit ba naman kasi ang gugwapo ng mga magkakaibigang ito?

Hindi niya namalayang ang tagal niya na pa lang nakatitig kung hindi pa ito tumikhim para kunin ang atensyon niya.

Agad niya itong nginitian at naupo na sa upuang nasa harapan ng lamesa.

"Good morning sir." Magalang na bati niya.

"Good morning Miss Rodriguez." Pormal namang bati nito habang nakatingin sa resume na binigay niya sa sekretarya nito kanina.

Tiniklop nito ang folder at tumingin sa kanya. "Well I heard from Rose-Anne that you're only applying for a part time job."

Agad siyang tumango. "Opo. Kailangang-kailangan ko po kasi ng pera ngayon para sa pag-aaral ng kapatid ko." Okay she's lying. Wala talaga siyang kapatid pero may pinsan naman siyang pinag-aaral kaya parang gano'n na rin 90/10. 90% na kasinungalingan kasi bukod sa wala naman talaga siyang kapatid, iba rin ang rason niya kung bakit gusto niyang magtrabaho rito. Pero siyempre hindi niya sasabihin dahil hindi naman siya tanga para ipahamak ang sarili niya. 10% naman ang katotohanang may pinag-aaral nga siya.

"Well I won't asked anymore questions. I trust Rose-Anne and I'm sure na hindi ka naman niya irerecommend kung hindi ka magaling at masipag kagaya niya." Ngumiti siya rito at agad na tumango. "Opo makakaasa po kayo." Bilib na talaga siya sa kaibigan. Akalain mong pinuri na nga ito, sinabi pang pinagkakatiwalaan din. Ay iba!

"Okay then I'll assign one of my staff to give you an orientation regarding on your work at the restaurant." Anito kaya agad siyang nataranta. Hindi pwedeng sa restaurant siya magtrabaho. Kailangan sa bar nito para mas madali siyang makakuha ng impormasyon.

"Ahm sir. Hanggang anong oras po ba open ang mga restaurants niyo?" Tanong niya. Agad namang kumunot ang noo ni Adrian pero sumagot din naman. "Ten p.m. why?"

"Yon po kasi 'yong problema sir kasi hanggang seven p.m. po ako sa trabaho at baka pagdating ko sa restaurant eight na. So bale dalawang oras lang ako makakapagtrabaho kaya parang wala lang din po kapag gano'n." Pagpapalusot niya. Ang totoo niyan, five p.m. talaga ang out niya.

"So what are you trying to say?" Hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo nito.

"Di ba may bar naman po kayo? Pwede bang do'n na lang ako para mas marami 'yong oras para magtrabaho?" Nalaman niya kay Rose-Anne na hanggang 3 a.m. open ang bar nito.

Sumandal ito sa upuan saka tumingin sa kanya. "Sorry but I don't hire women to work at my bar. Ayokong may nababastos na empleyado ko. And I know how guys behave when they're drunk."

"I can protect myself sir." Tinignan niya ito at halatang hindi kumbinsido sa sinabi. "Sige na po sir parang awa niyo na. Kailangang-kailangan ko po talaga ng trabaho. Para sa future ng kapatid ko." Pagmamakaawa niya rito.

Nakita niyang napapikit ito ng mariin saka bumuntong-hininga. "Fine. I'll give you a chance." Agad na nagliwanag ang mukha niya sa narinig. "Pero..."at agad ding nawala nang magsalita itong muli. "...kapag may nambastos sa'yo do'n kahit isang beses lang, mapipilitan akong tanggalin ka." Anito at tumango naman siya bilang tugon.

"Sige po. Pumapayag ako sa gusto niyo. Maraming salamat." Nakangiting aniya.

"Okay you'll start later. You may go now."

Agad siyang nagpasalamat rito at tumayo na para umalis.

Pagkalabas niya ng building, agad niyang tinawagan ang kaibigan.

"Hello bruha. Kumusta?" Masayang bungad nito.

"Success!" Nakangiting tugon naman niya.

"Oh sabi na nga ba sa'yo mabait 'yang si Adrian eh."

"Oo nga sobrang bait. Sana gano'n din 'yong si Kade noh?" Ngayon siya nagtataka kung bakit naging kaibigan ng mga 'yon si Kade. Kasi base sa mga kuwento ni Rose-Anne, napakabait din no'ng boss niya. So paano ang mga ito nagkaroon ng kaibigang demonyo?

"Oy bruha mabait din kaya si Kade. Actually mababait silang lahat na magkakaibigan. Well, except for one, si maligno. At dahil isa siyang maligno, ni isang katiting na kabaitan, wala siyang taglay."

Agad na nalukot ang mukha niya sa narinig. "Alin sa ugali niyang 'yon ang naging dahilan para maging mabait siya aber? At sino ba 'yang maligno na 'yan? 'Yong kinuwento mo bang naka-ano mo? "

"Hey! Bunganga mong bruha ka! At anong naka-anong sinasabi mo. Tangina wala akong maalala. " Ang lakas ng naging tawa niya sa sinabi nito. Sigurado siyang umuusok na naman ang ilong nito sa galit. Paano ba naman kasi, pinaalala na naman niya ang pangyayaring gustong-gusto na nitong kalimutan. Napakapikunin talaga. Ang hilig mang-pikon pero napakadaling mapikon. Kapag ito nakahanap ng kapareho ng ugali, ewan na lang niya.

"Hindi 'yan ang sasabihin mo tungkol kay Kade kapag nakilala mo na siya ng husto." Pag-iiba nito ng usapan pagkalipas ng ilang minuto kaya agad siyang napangisi.

"Ah kagaya no'ng sa'yo. Kasi nga di ba hindi mo pa siya gano'n kakilala no'n at inakalang napakabait nito kaya isinuko mo ang bataan? Pero ng makilala mo na, nagsisi ka ng sobra." Natawa siya. "Sorry pero wala akong balak na kilalanin ang totoong Kade Aragon dahil baka mas malala pang pagsisisi ang gagawin ko kesa sa'yo."

"Hello! Sorry bruha anong sinasabi mo? Hindi kita masyadong marinig choppy ka." Mas lalo siyang natawa dahil alam niyang nagpapalusot na naman ito dahil nasasapol na naman sa mga sinasabi niya. "Hello? Andiyan ka pa ba? Naku! Parang wala na. Patayin ko na nga." At pinatay nga nito ang tawag kaya ang lakas ng naging tawa niya.

Napailing na lang siya at inilagay ang cellphone sa bag. Kahit kailan bruha talaga ang kaibigan niyang 'yon.

KINAGABIHAN agad siyang naghanda para sa pagpasok niya sa trabaho.

Pagkalabas niya ng kwarto, nadatnan niya ang tiyahin at ang asawa at anak nitong nanunuod sa sala. Nagpaalam naman siya sa mga ito pero hindi man lang siya pinansin. Kahit tapunan lang sana siya ng tingin, hindi pa magawa ng mga ito. Lahat tutok sa pinapanuod kaya napailing na lang siya at lumabas na.

Mahigit isang oras siyang bumyahe bago makarating sa bar dahil sa sobrang traffic.

Pagpasok niya napakarami ng tao sa loob ang iba pa ay nagsisimula ng magsayaw.

Agad siyang lumapit sa bartender na naghahalo ng mga inumin at nagtanong.

"Saan si sir Adrian?" Maingay sa loob kaya tinaasan niya kunti ang boses para marinig siya nito.

Tumingin naman ito sa kanya. "Ikaw ba 'yong bagong hire na server?" Tumango naman siya.

May kinuha ito sa isang kabinet at binigay sa kanya. "Yan suotin mo at magseserve ka mamaya sa VIP. 'yon kasi ang bilin ni boss. Sa VIP ka lang daw magseserve ngayon." Agad naman niyang kinuha ang damit at nginitian ito. "Salamat."

Nagtungo na siya sa C.R. na itinuro nito at doon nagpalit.

Pagkalabas niya, agad na kumunot ang noo sa nakita. Paano ba naman kasi, lahat ay napatigil sa ginagawa literal as in lahat at tumingin sa mga bagong dating.

Binigyan din ang mga ito ng daraanan ng mga nagsasayaw. Para silang f4 na siga sa school. Ang pinagkaiba lang pito sila kaya f7 ang dating.

Tinignan niya ang mga kababaihan na kulang na lang tumulo ang laway sa sobrang pagkatulala. Halata rin ang pagnanasa sa mga mata ng mga ito. Well, hindi niya masisisi ang mga ito. Ang gugwapo rin naman kasi ang mga magkakaibigang ito.

Tinignan niya isa-isa at sa bawat isa sa kanila napapahanga siya.

Pero biglang umasim ang mukha niya no'ng kay Kade na siya napatingin. Oo, inaamin niyang sobrang gwapo nito pero gigil pa rin siya rito. Lalo na kapag naaalala niya ang sinabi nito sa kanya do'n sa mall.

Linipat niya ang tingin sa panghuling lalaki na nasa likuran ni Kade at napakunot ang noo. Ito lang kasi ang nag-iisang nakayuko at parang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang lungkot ng itsura. Pero gayun pa man, sobrang gwapo pa rin nito.

Sinundan niya ng tingin ang mga ito habang naglalakad sa hagdan papunta sa nag-iisang silid sa second floor na may nakasulat na 'Room for Bachelors' and she knows that it's a VIP room.

Agad siyang napatampal ng noo no'ng may maalala. VIP? Di ba ito 'yong sinabi ng bartender kanina kung saan siya magseserve? Gosh! Hindi pwede! Paniguradong makikita siya ni Kade at dahil maganda siya, agad siya nitong makikilala at lalo maghihinala sa kanya.

Lumapit siya sa bartender at nagtanong. "Magseserve na ba ako? Dumating na 'yong mga VIP."

"May nakaserve na do'n. Mamaya na lang kapag tumawag si boss at naubusan na sila." Tumango lang naman siya at naupo sa isang stool na nasa harap nito at tinignan ang ginagawa.

"Wow ang galing mo naman." Puri niya habang namamanghang pinapanuod ang paghalo nito ng iba't-ibang uri ng inumin.

"Eh masarap ba naman 'yan?" Tanong niya rito. Sa totoo lang mukha itong masasarap kasi ang gaganda ng mga kulay pero may mga gano'n naman di ba? Masarap lang tignan pero ang lasa hindi naman.

Nakita niyang ngumiti ito sa kanya saka siya inabutan ng isa. "Gusto mong tikman?" Agad siyang umiling. Nakibit balikat lang naman ito at tinuloy na ang ginagawa. Ayaw niyang uminom dahil natatakot siyang baka malasing siya. E di hindi na niya nagawa ang plano niya kapag gano'n. At baka masesante rin siya agad-agad.

Mahigit isang oras na rin ang lumipas at nakaupo pa rin siya sa may stool. Hindi rin naman lumalabas sila Kade para magsayaw kaya wala siyang napapala.

"Hindi ba talaga ako pwedeng magserve ng maliban sa VIP?" Nakita niyang ang sama na makatingin sa kanya no'ng bartender na nakilala niya sa pangalang Elymar. Paano ba naman kasi eh eto na yata ang pangbenteng pagkakataong tinanong niya ito. "Ilang beses mo pa bang tatanungin 'yan ha?"

Agad siyang umirap dito. "E kanina pa kasi ako nakaupo rito. Nangangawit na rin ang puwit ko. At isa pa, sumasakit na rin ang mga mata ko kakatingin sa mga nagsasayaw." Reklamo niya rito.

Kanina pa siya nabobore at uwing-uwi na pero iniisip niya ang impormasyong kailangan niyang makuha kaya hindi niya magawang umalis.

Nagulat sila ni Elymar nang may isang staff na biglang sumulpot sa likuran nito at may dalang tray ng inumin at pulutan.

"Iserve mo daw do'n kina boss." Anito kaya agad na nagliwanag ang mukha niya.

"Oh my gosh! Buti naman may ipapagawa na kayo sa'kin. Akala ko tutunganga na lang ako buong magdamad dito." Aniya at masayang kinuha ang tray na inilapag nito sa counter at nagmadaling naglakad. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa no'ng dalawa pero hindi na niya pinansin.

Excited siyang makita kung ano ang ginagawa ng mga magbabarkada. Baka may mga kasama ng babae ang mga ito doon kaya hindi na lumalabas para magsayaw. Pinagpapanalangin na lang niya na sana ay lasing na si Kade para hindi siya nito makilala.

Pagkarating niya sa second floor, kumatok muna siya bago pumasok.

Agad naman siyang nadismaya nang makitang walang ibang naroon kundi ang mga magkakaibigan lang.

Naglakad siya palapit sa lamesa habang nakatingin lang naman sa kanya ang mga ito. Maliban na lang sa isa na walang pakialam at tuloy lang ang pagtungga ng beer. Naconscious naman siya sa mga titig ng mga ito at bahagyang napayuko. Nakita pa nga niya ang matagal na pagtitig ni Kade sa kanya na parang sinusuri siya nito. At kung minamalas nga naman! Nakaharap pa talaga sa kanya si Kade habang nilalapag niya ang mga laman ng tray sa lamesa. Sinisilip siya nito dahil nakayuko siya.

Maya-maya pa...

"What the hell!" Anito at biglang napatayo nang makilala siya.

Dali-dali naman niyang nilapag ang mga laman ng tray na dala at walang lingon-lingon na biglang tumalikod at naglakad ng mabilis.

Pero hindi pa siya tuluyang nakakababa ng hagdanan nang may biglang humawak sa kamay niya at basta na lang siya hinila kung saan.

Nakarating sila sa storage room at agad siyang pinasok doon no'ng walang-modong humila sa kanya na walang iba kundi si Kade.

"Wow! Are you really that desperate?" Sabi nito pagkapasok na pagkapasok nila sa loob. At marahas na binitawan ang kamay niya habang nakatingin ito ng masama sa kanya.

Kumunot ang noot niya. "What are you talking about?"

"Bullshit!" Napapiksi siya sa biglaang pagsigaw nito. "Will you stop playing innocent all the time? I already know who you are Miss Rizel Rodriguez." Matigas na sabi nito.

"Pinaimbistigahan mo ako?!" Galit na bulyaw niya rito. Ngumisi lang naman ito sa kanya kaya mas lalo siyang nainis. "How dare you do that huh?!!"

"And how dare you follow me like that?!!" Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito tanda na galit na galit ito ngayon. "Why? To gather information for your report later on?" Tumawa ito ng nakakainsulto. "You know what? All of you from the media are so pathetic. You're invading one's privacy and making up nonsense stories for your own good." Lumapit ito sa kanya habang nag-aapoy pa rin ang mga mata sa galit. "Are you that happy when you're humiliating someone because of your made up stories?"

Agad siyang nangalaiti sa galit. Yes it's true that some of them are doing what he said. But why would he include her? He doesn't even know the real her and what she's coming from so he doesn't have the right to judge her or anyone on this field because they all have their reasons why they're doing it.

Tinignan rin niya ito ng katumbas ng pagtitig nito sa kanya. "Yes you're right. I followed you for my report but that was just one day and I got nothing so the report was passed to someone else. Kaya kung inaakala mong sinusundan na naman kita, well para sabihin ko sa'yo, tigil-tigilan mo 'yang pagiging assuming mo dahil nandito ako para sa pamilya ko, hindi para sundan ang walang-modong katulad mo." Gigil na gigil na siya rito at gusto na niyang sapakin.

Pero gano'n na lamang ang gulat niya nang bigla siya nitong hatakin at halikan ng mariin. Hindi siya agad nakagalaw dahil sa sobrang gulat. Pero ng mahimasmasan na ay agad niya itong tinulak at marahas na pinahid ang bibig.

"Bastos!" Sasampalin na sana niya ito pero agad nitong nahuli ang kamay niya.

"Tsk! Tsk! Tsk! Na ah." Anito at umiling-iling pa. "You wouldn't dare slapping my handsome face when you don't want to be in jail." Nakangising sabi nito dahilan para magngitngit siya sa galit. "Why don't you make a report on what just happened between us instead of gritting your teeth like that. Write there that you're my newest girl. How's that sounds?" Kinindatan pa siya nito pagkatapos marahas na binitawan ang kamay niya at tumalikod na.

"Jerk!" Sigaw niya rito kaya agad itong natigil sa paglalakad palabas at liningon siya.

"You can call me anything you want. I don't give a damn." Anito at tumalikod na ulit pero agad ding humarap. "Oh and by the way, enjoy wearing that uniform now because I swear this will be your last night working here." At tuluyan na itong umalis.

"Arrghhh!!!" Napapadyak siya sa sobrang inis.

'You're going to pay for this Kade Aragon. You really are. And I swear of that!'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status