Share

Hanzai Academy
Hanzai Academy
Author: Rommel Bayutas

Prologue

—Copyright—

This is a work of fiction.

Names, Characters,places,businesses,events and incidents are either the products of the Author's imagination or use in a fictitious manner.any resemblance to actual person,living or dead or actual events are purely coincedental.

—Grammatical errors ahead—

———————————————————————

"Saan ba tayo pupunta papa?"ani ko ng may ngiti sa mga labi."di ba birthday ko po bukas?dun po ba eh cecelebrate ang 10th birthday ko?saan po ba?"dugtong ko habang masayang nakatingin kay mama.

Nasa bahay lang kami palagi simula ng pinanganak ako,wala kaming kapitbahay at sila mama at papa ang kasama ko sa bahay.Kahit ang paglabas ng bahay ay bawal.Lahat ng pintuan at bintana ay doble² ang kandado.Di ko pa din nakita ang mundo,di ko pa nakita kung anong meron sa labas kaya nang lumabas kami ngayon nila papa at mama ay  sobrang saya ko.binuksan ni papa ang pintuan ng sasakyan sa likoran at saka mabilis niya kong pinapasok.Mabilis namang pumasok sina papa at mama sa loob ng sasakyan na sa tingin ko'y nagmamadali.Tumingin ako sa salamin sa harap na kung saan nakikita ko ang mukha ni papa na mukhang nag aalala.

"Ma,san po ba tayo pupunta?"Di ko alam kung matutuwa ba ko dahil nakalabas nako sa bahay,bigla akong kinabahan nang makita ko ang mga mukha nila papa at mama.Biglang sumagi sa isip ko ang palaging sinasabi sakin ni mama pag sinusubukan kong lumabas.

"Delikado ang mundo sa labas"mga salitang paulit ulit na pumasok sa isipan ko habang nakatingin kay mama.

Kumunot naman ang noo ko nang may marinig akong tunog na parang laruan,Hinanap ko kung saan nagmula ang tunog at nakita ang hugis parehaba na bagay na may kulay itim na nakatakip.Inalis ko ang tela at kumunot ang kilay ko nang makita ito.Di ko alam kung anong bagay ito,mukhang orasan ito pero bakit maraming wire na nakapalibot.

"Pa"sambit ko saka hininto ni papa ang sasakyan.

Tumingala ako at tinignan si papa,nakatingin siya sa bagay na nakita ko.

"Lumabas kayo"ani niya habang nakatingin sa bagay na ito na nanlalaki ang mata sa gulat."bilis!"Sigaw niya na ikinagulat ko.Bubuksan na sana ni mama ngunit ayaw nito magbukas.mabilis na lumapit saakin si papa.Sinubukan nya ring buksan yung pintuan na nasa gilid ko pero ayaw din nitong magbukas.inabot ni mama kay papa ang isang tools saka pinokpok sa salamin ng pintuan dahilan para mabasag ito.Agad akong binuhat ni papa para makalabas sa sasakyan.napasigaw naman ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagtama ng basag na salamin sa bente ko.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sinunod ko na lamang ang mga pinapagawa ni papa saakin.pinatakbo niya ko palayo sa sasakyan.tumakbo naman ako kahit hirap ako dahil sa sakit ng bente ko dulot ng bubog na nakatusok sa bente ko.ramdam ko ang mainit na dugo na dumadaosdos ngayon mula sa sugat ko at ang mainit na likido na lumabas mula sa aking mga mata nang marinig ko ang malakas na pag sabog mula sa likoran ko.Lumingon ako at nakitang nagliliyab na sa apoy ang sasakyan na ginamit namin kanina.

"Mama....Papa....."

"Kunin nyo na ang bata"Rinig ko saka naramdaman ko ang kung anong bagay na tinusok sa leeg ko.Saka nakaramdam ako ng matinding antok at unti unting nagsara ang mga talukap ng mata ko

Nagising ako sa isang malaking kwarto pero nang iminulat ko ang mga mata ko ay ang mga bata na kasing-edad ko ang una kong nakita.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa paligid ko.

Nasaan ako?anong nangyari kina papa?pa'no ako napunta dito.

"Anong pangalan mo?"tanong ng batang lalaki na tinignan ko lamang at di sinagot.

"Benge ba siya?"tanong ng batang babae.

"Baka di makapagsalita"wika ng isa pang batang lalaki.

"Hayaan niyo na siya,nagugutom ako eh.Di na naman tayo pinapakain ni tatay."sabi ng isa pang babae sabay hawak sa tiyan.

Sinong tatay?

"Tignan kaya natin sa kusina baka may natira pang tinapay,sasama ka ba bata?sigurado nagugutom ka din."anyaya nito na binalewala ko lang.Ngayon lang ako nakakita ng mga bata na katulad ko,Kaya hindi ako komportable at naiilang ako na lumalapit sila saakin.

"Di ka ba talaga marunong magsalita?tara na nga Dave,tignan natin ang kusina baka may pagkain."wika nito sabay labas ng madilim na kwarto.Mayamaya ay nakarinig kami ng sigaw ng mga bata,nagsitakbuhan palabas ang mga batang kasama ko sa loob ng kwarto.sumunod ako sakanila hanggang sa makarating kami sa kusina.Nakita ko doon na pinapalo ang dalawang bata na umalis kanina.

"Dahil sa ginawa niyo ay hindi ko kayo bibigyan ng pagkain bukas ng umaga"galit nitong wika habang patuloy sa pagpapalo ng dalawang bata gamit ang isang stick.

Kinaumagahan ay mag-isa akong nakaupo sa hagdanan sa labas habang umiiyak at hinahanap sila papa at mama.

"Bata,nagugutom ka ba?ito oh tinapay"sabi ng batang babae sabay abot ng tinapay saakin.kinain ko ang tinapay na patuloy parin ang pag iyak na ikinakunot ng kilay ng batang babae."natatakot ka ba?"tanong nito na tinignan ko lang.

hinubad niya ang kwentas niyang gawa sa liston ng sapatos na may pendant na singsing saka isinout sa leeg ko.

"Pagsuot ko yan nawawala ang takot ko,kaya wag ka nang matakot ah"sabi nito na ikinatigil ng pag iyak ko.Pinunasan ko gamit ng kamay ko saka tumingin sakanya at ngumiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status