Share

Chapter 3:Note

Zackary's Point of view

"Sigurado ka ba?"tanong ko nang sinabi niya sakin kung saan ang dorm niya.

Malapit nako sa Dorm ni Shaniah para kumuha ng mga gamit niya.Doon na muna siya sa dorm ko mananatili dahil sa usapan namin na magiging slave ko siya sa loob ng tatlong araw.malayo pa ko sa pintuan ng dorm ni Shaniah pero habang palapit ako ng palapit ay may napansin akong papel sa baba ng pintuan ng Dorm niya,Kumunot ang noo ko at tumakbo patungo sa dorm.Dahil sa kyuryusidad ay pinulot ko ito at binasa.

"Mag tiwala ka lang sakin,Ako lang ang pwede mong pagkakatiwalaan sa loob ng lugar na'to,i can keep you safe hanggang sa makahanap ako ng paraan kung pano makalabas dito.For the mean time,Iwasan mo si Zackary.Ipapahamak ka lang ng lalaking yan"sulat ng papel na ikinalito ko.Who is this j*rk?!Ba't niya nilalayo sakin si Shaniah.?

Daladala ko na ang bag na may laman ng mga gamit ni Shaniah pumasok ako sa Dorm ko at saka nilapag sa kama ang bag.

"Anjan na ang mga damit mo"walang emosyon kong sabi saka hinagis sakanya ang papel na nakita ko kanina."kung sino man nyan wag kang maniwala sakanya,target ka siguro niyan kaya pinaglalaruan ka."tugon ko na ikinakunot ng noo ni Shaniah."From now on.....wag kang umalis ng mag-isa.We should stick together.You want to survive right?Ahmm don't get the wrong idea,naisip ko lang pag namatay ka wala nakong mauutusan"dugtong ko habang umiiwas sa mata ni Shaniah.

"O-okay"nauutal nitong sabi.hinubad ko ang damit ko saka hinagis ko sa mukha ni Shaniah saka nagtungo sa banyo upang maligo.

"Shaniah!pakiabot ng towel."Sigaw ko.Binuksan ko ang pintuan ng banyo nang kumatok si Shaniah upang iabot saakin ang tuwalya na ikinagulat nito.Bahagya akong tumawa nang makita kong tinatakpan ni Shaniah ang kanyang mata ng isa niyang kamay at saka inabot sakin ang towel.

"Bakit?"tanong ko.

"Nakahubo't hubad ka?"tanong nito na ikinatawa ko.

"Oum"ani ko sabay tango"Bakit?May gusto ka bang makita?i assure you di ka madidisappoint pag nakita mo to"tugon ko nang may ngiti sa mga labi.

"Baliw ka ba?"tanong nito saka tumalikod at tumakbo palayo na ikinatawa ko.

Nagbihis ako at saka inabot kay Shaniah ang mga lalabhan.

"Ang dami"nakatulala nitong tugon na bahagya kong ikinatawa.

"Shaniah!!"sigaw ko."magluto ka ng ulam,nagugutom nako"dugtong ko.

"Di pa ko tapos maglaba Sir!"sagot nito.

"Maluto ka muna,saka mo na taposin yan."Utos ko.

Nagluto siya ng ulam saka hinanda ang pagkain sa hapag kainan.kumunot ang noo ko nang umupo si Shaniah sa harap ng lamesa.

"Anong ginagawa mo?"tanong ko.

"Di pa ba tayo kakain?"tanong nito.

"Maglalaba ka pa diba?taposin mo muna yun"ani ko na ikinainis nito.saka masaya akong kumain habang nilalasap ang masasarap na pagkain na niluto ni Shaniah.Maya maya ay natapos na si Shaniah sa paglalaba at naghanap ng pagkain.

"Bumili ka nalang ng ulam sa labas,naubos ko kasi"tugon ko.

"Samahan mo ko"ani nito habang tinitignan ako ng masama.

"Why would I?" Tanong ko sakanya.

"Pag ako namatay di ka na magkakaroon ng katulong na kasing ganda ko"walang emosyon nitong sabi na ikinatawa ko.

"Ang lakas ng hangin"ani ko sabay tayo at saka lumabas.

Fast forward

Pauwi na kami at tahimik lang kaming naglalakad habang ako ay nasa likod ni Shaniah.Napakunot noo ako habang nakatingin sa malayo ng makita ko si Serafeena na may kasamang ibang lalaki sa harap ng pintuan ng dorm na hula ko ay pagmamay-ari ng lalaki.Di na ko nagulat sa ginagawa niya,that was last year nung una ko siyang nahuli na nakikipaghalikan siya sa ibang lalaki.Parang......parang s*x lang ang habol niya sakin.Pinupuntahan niya lang ako pag gusto niya makipags*x.Kinatatakotan ako ng mga estudyante pero di ko inakalang ganito kalakas ng loob at kakapal ng mukha niya para gawin akong tanga at gawing s*x slave.bahagyang lumingon si Serafeena sa direksyon kung saan kami naglalakad ni Shaniah,kaya hinila ko si Shaniah at hinalikan upang di ako makita ni Serafeena.Tumahimik ang paligid namin at ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga mabibilis na pagtibok ng mga puso naming dalawa ni Shaniah.I don't know what i really feel while kissing her but i find myself Touching her face and entered my tongue in her mouth.hindi ko na inintindi si Serafeena at pinatuloy ang paghalik kay Shaniah,napapikit ako habang hinahalikan si Shaniah saka tumigil at inilayo ang aking labi na kanina ay nakalapat sa kanyang labi.

"Sh-Shaniah"nauutal kong sambit ng pangalan niya.It feels strange,Di naman ako nakakaramdam ng awkwardness pagkatapos kong makipaghalikan kay Serafeena noon."Shaniah"sambit kong muli nang nakatulala na lamang si Shaniah habang hinahawakan ng kanyang daliri ang kanyang labi.Maging ako ay di ko alam ang gagawin ko pagkatapos kung halikan siya,di pa din mawala sa isip ko kung ba't ko iyon nagawa.

"Shaniah,Okay ka lang?pwede na ba tayo magpatuloy sa paglalakad?"tugon kong muli.

"Huh?ah o-oum"nauutal na sagot ni Shaniah saka naglakad.

Nakarating na kami sa dorm ng tahimik lang,iniiwisan niya ko at maging sa pagtingin sa mata ay di namin magawa.Palaging pumapasok sa isip ko kung paano ko siya halikan at kahit na inaalala ko lang ang mga yun ay nagagawa pa rin nitong pabilisin ang pagtibok ng puso ko.

Shaniah's Point of view

Di ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga pagkakataong iyon,Parang tumigil ang mundo ko at walang ibang naririnig kung hindi ang mga tibok lang ng mga puso namin.Ito ang unang pagkakataon na napatanong ako sa isipan ko.....kung may nararamdaman kaya para sakin si Zackary,bawat titig niya sakin ay nakakaramdam ako ng kilig pero naisipan ko rin na malabo,Alam ko naman na hindi ako kasingtulad o makakalampas sa kung ano man ang meron ng girlfriend niya.At mali rin na magkagusto ako sakanya.Gabi na at tulog na din si Zackary,nagdesisyon na kong umalis at bumalik na sa dorm ko dinala ko ang bag ko at saka lumabas sa dorm at bumalik sa dorm ko.Ngunit bago pa man iyon ay muli kong narinig ang boses ng lalaki sa likuran ko.

"Please just trust me,Kailangan mong maniwala sakin para mailigtas kita."ani nito.

"Please kailangan kong makilala ka,kung sino ka talaga.Para sa ganun mabibigay ko na sayo ang tiwala ko"sagot ko nito.

"Dadating din tayo jan pero sa ngayon magtiwala ka sakin at sundin lahat ng sasabihin ko sayo.Tomorrow,you'll get a note.Malalaman mo,kung ano ito bukas ng umaga sa dorm niyo.Simula bukas wag kang makialam sa mga ginagawa ng iba o umiwas ka muna sa gulo,upang sa ganun ay di ka gaanong mapapahamak."tugon nito na ikinakunot ng noo ko dulot ng pagkalito.Saka ako nagmadaling pumunta at pumasok sa dormitoryo ko.

Kinaumagahan ay naglalakad ako patungo sa silis aralan ko.Bago pa man ako makarating sa silid aralan ko ay nakarinig ako ng hikbi na nagmula sa isang daanan papunta sa cr.dahil sa kyuryusidad ay sinundan ko ang tunog at ang hikbi na naririnig ko.Hanggang sa makita ko si Luke Del Mundo habang hinuhubaran ang isang babae na ngayo'y tahimik na umiiyak.

"Luke Del Mundo!"sambit ko na kumuha ng atensyon ng dalawa na ngayon ay nasa harapan ko.

"Uy Hi Miss....Arcilas right?namiss kita ah long time no see.Wanna join?"nakangiti nitong tugon na ikinainis ko.naglakad ako patungo kay Luke saka sinuntok sa mukha na ikinatawa nito.Kumunot naman ako dahil sa ekpresyon na binigay ng mukha niya sakin.

"Pinapahanga mo talaga ako Ms.Arcilas sa tuwing nagkikita tayo,di ko alam pero palagi mo kong sinusurpresa sa mga galawan mo."nakangiti nitong sabi habang pinupunasan ang dugo sa labi nito gamit ang kanyang kamay."sa ngayon palalagpasin ko muna ito Ms.Shaniah Arcilas,may oras kadin."Ani nya habang tinitignan ako ng masama na may ngiti parin sa labi na nakakatindig balahibo saka umalis.

"Bakit mo siya hinayaan?Dapat sinipa mo yun para magtanda.Di pwedeng gawin nya sayo yun hanggang kailan nya gusto.

"Di mo alam ang sinasabi mo.Mas lalo ka lang mapapahamak pag nanlaban ka"ani nito habang pinupunasan ng daliri niya ang kanyang luha.

"Di pwedeng maliitin lang nila ang kakayahan ng isang babae,kaya mong lumaban.Alam kong alam mo yan.Kailangan mo lang pagkatiwalaan ang sarili mo"Ani ko.

"wag kang makialam sa ginagawa ng iba,ang alalahanin mo ay ang sarili mo,Sa mga pagkakataong ito dapat wala kang oras para intindihin ang ibang tao,minsan mas nakakabuti sayo kung magiging makasarili ka,May sarisarili tayong paraan ng pagsurvive dito sa loob ng empyernong ito,wag mo kong turuan kung pano mananatiling buhay dito.dahil sa nakikita ko sayo.Wala ka pang gaanong alam sa lugar na ito."tugon nito dahilan ng pagtulo ng luha ko.Tumalikod ang babae saka umalis.

Habang nagleleksyon ang guro namin ay bumabagabag saakin ang sinabi ng babae,Nasasaktan ako habang binibitawan niya ang mga salitang iyon.nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang pagod niya,Marahil ay tama nga siya,wala nga akong sapat na kaalaman tungkol sa lugar na ito.At siguro yun lang ang naisipan niyang paraan upang mananatiling buhay.Nawiwili ba talaga ang mga tao sa buhay nila?o sadyang takot lang sila mamatay.

Nang matapos na ang klase ay daladala ko ang kwaderno ko habang naglalakad sa hallway papunta sa locker room.

Napansin ko ang mga estudyante sa paligid ko na may hawak na itim na Card.kumunot ang noo ko saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang locker room at saka Binuksan ko ang locker ko para ilagay ang kwadernong hawak hawak ko.May nakita akong itim na card na ikinakunot muli ng kilay ko.Nagtaka ako at kinuha ito,Inilagay ko sa locker ang kwaderno at saka binasa ang nakalagay na sulat sa card.

"Hi there,In just 5 days we'll have an exciting event,A Prey and a Hunter Game.By friday you'll know if your a prey or a hunter,don't worry Hanzai academy students we'll give you a chance to know who's your preys/hunters are.I know this is so exciting my dear students but please be patient.have a good day kill kill kill HAHAHAHA"nakasulat sa itim na card na ikinalaki ng mata ko kasabay ng paglakas ng tibok ng puso dulot ng kaba.

Someone's point of view

Nakatanggap ako ng red card instead of Black at nakasulat dito na pwede akong pumili ng prey.isang babae lang ang pumasok sa isip ko nang mabasa ko ito,yun ay si Shaniah Arcilas.Agad akong nagtungo sa principal's office para ipag-alam kung sino ang target ko.

"I'm sorry but you're too late,May nakauna na sayo at pinili si Ms.Arcilas upang maging prey niya"Sabi ng principal na ikinakunot ng kilay ko.

"No!Hindi maaari,I can't let anyone touch that b*tch!Ako lang ang dapat papatay ng babaeng yun"Gigil kong tugon dahilan upang humalakhak ng tawa ang principal.

End of chapter.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status