Share

Chapter 9:Hanzai Academy

Jacob's Point of view

Nakaupo ako ngayon sa harap ng lamesa ko kung saan nakalagay ang computer at ang mga files tungkol sa mga Crime cases.Hindi ko pa nasolve ang mga ito ngunit malakas ang loob ko na may koneksyon ang mga ito.

"Sir"sambit ng pinakabatang police dito sa station namin na si Cjay Santos.

"Nagsalita na ba?"walang emosyong tanong ko.

"Hindi po,Lahat ng suspect ng brutal na pagpatay ay di pa nagsalita"sagot nito saakin.

"Di magkakakilala ang biktima at suspect,Walang koneksyon ang mga ito"wika ko habang tinitignan ang isang folder ng mga papel na may impormasyon tungkol sa krimen.

"Tungkol po sa kutsilyo,magkapareho po ang tatlong suspect ng Kutsilyo,Nagkataon lng ba 'yon?"tanong ni Cjay.

"Dagger like a crecent moon,Sigurado may pinagmulan to"sabi ko habang pinopokpok ang ballpen sa lamesa."Tignan mo ang history ng phone ng Suspect tignan mo kung saang site niya binili ang kutsilyo.Tapos gawin niyo ang lahat upang aminin ng suspect ang krimen niya."dugtong ko saka tumayo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status