Share

FINALE: HIRAYA

Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay.

Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira.

Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya.

Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako.

Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status