Share

Chapter 4: Luha

"Wala kang karapatang saktan ako Ken! Di porket ako ang babae, ako ang mahina at saka pagsabihan mo yang alaga mong ahas na Melan na 'yan hindi ako isip bata!"

"Hindi naman kita sinasaktan kase mahina ka, sinasaktan kita kase 'yon ang nararapat sa kagaya mo. You don't deserve me, you don't deserve my love and also you don't deserve any kind of love Trix." Pagkatapos niya sabihin ang mga masasakit na salitang 'yon ay iniwan nya ulit ako dito mag isa sa kwarto.

Ano bang ibig nyang sabihin sa kagaya ko? Ano ba kase ako? Ano bang tingin nya sakin demonyo huh?? Kaya hindi ko deserve na mahalin? Ano bang karapatan nya para sabihin ang mga masasakit na salitang 'yon sakin?!!

Alam ko sa sarili ko na deserve kong maging masaya, deserve ko na magmahal at mas lalong deserve ko na may magmahal sakin! 

"I... I d-deserve love, w-what I don't deserve is this kind of p-pain Ken!" 

Siguro nga hindi ko kailangan ng mga taong paulit-ulit lang akong sinasaktan. 

Para kang isang cactus na nakatira sa puso ko Ken, lagi nalang akong natutusok. Sinadya man o hindi, sinaktan mi parin ako.

Dahil sa bigat ng loob ko ay hindi ako nakatulog. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa sakot na nararamdam ko.

Ito na yata ang pinaka worst sa lahat. Sa araw na 'to ilang luha ang nasayang ko pero kahit ganon hindi ko mapigilang ang sarili ko na patuloy lang sa pag iyak.

Kase kahit ano bang sabihin nitong utak ko sakin, kahit anong masasakit na salita ang sabihin nya sakin ay di maitatanggi ng puso ko na sya ang laman nito!

Nagagalit ako sa sarili ko kase sya lang ang tanging taong sinasaktan ako ng ganito, pinapaiyak ako ng ganito pero sya din yong taong lubos na mahal na mahal ko!

Dahil sa sobrang tahimik dito sa kwarto ay tanging pag hikbi ko lang ang naririnig ko. Napahinto ako sa pag iyak ng may makitang anino sa labas ng pintuan kaya agad kong pinahiran ang luha ko at pinikit ang mga mata ko.

Dinig ko ang dahan-dahang pag bukas ng pintuan. 

'Gusto kong tumingin kahit alam kong si Ken 'yon wala nang iba.'

Hindi ko alam kong anong oras na talaga pero sa palagay ko ay nasa 6 or 7 am na yata.

Medyo nagulat ako ng may maramdamang dumampi sa pisngi ko. 

Mabuti nalang ay hindi gumalaw ang katawan dahil sa gulat.

Kamay 'yon ni Ken na dahan-dahang hinihimas-himas ang pisngi. Iyon yata ang pisngi na sinampal nya kanina.

Hindi mapigilan ng luha ko na tumulo ng halikan ako ni Ken sa noo.

Wag mong gawin yan Ken, kase kapag ginagawa mo yan sakin ay nawawala lahat ng kasalanan mo sakin. Parang natutunaw ako, ang puso ko at gusto nalang limutan nitong utak ko ang lahat ng nangyari at mga sinabi mo sakin.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nilibot ang paningin. Ako lang mag isa dito sa kwarto at hind naman nakakapagtaka 'yon sakin kase paniguradong nasa trabaho na sya sa mga oras na 'to o di naman kaya nasa babae nya.

Napahawak ako sa ulo dahil sumakit ito bigla. 

Dahil siguro wala akong sapat na tulog kaya sumasakit ang ulo at pati narin ang mata ko, dahil ito sa pag iyak ko malamang. Sa palagay ko sobrang liit na nitong mata ko dahil sa pamamaga.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Malapit na palang mag 11am, antagal kong nagising. 

Mabuti nga at nagising pa ako.

Nabigla ako ng mag ring itong cellphone na hawak ko. Akala ko kung sino si Tito lang pala, daddy ni Ken.

"Hello po, Tito. Good morning!" Masayang bati ko sakanya.

[Oh, ija? Anyare sa boses mo? Ba't namamaos ka yata? May sakit ka ba?]

"Uhm, ano lang Tito medyo masakit lang po ang lalamunan. Ano kase nagsisigaw ako kanina haha!" Saad ko at pekeng tumawa.

[Ba't ka naman nagsisigaw?]

Ba't nga ba?

Napakamot ako sa ulo bago sumagot.

"I mean, nag videoke kase ako kanina Tito hehe alam mo na nasobrahan lang."

Tumawa naman ito sa sinabi ko.

"Btw, Tito ba't ka nga pala napatawag sakin?" Takang tanong ko.

[Si Ken kase hindi sumasagot sa mga tawag ko at akala ko busy lang don sa opisina pero nandito ako ngayon sa companya at wala naman sya dito. Nagtanong-tanong ako dito sa mga employees nya kase hindi ko nakita ang secretarya niya ngayon at may nakapag sabi lang sa akin na cancel ang mga meetings ni Ken ngayong araw. May pag-uusapan lang kami regarding sa business proposal nong isang kaibigan ko.]

"Ahh, ganon po ba." Tanging 'yon lang ang nasabi ko habang tumango-tango na para bang timang.

Mukhang hindi nga ako nagkakamali, magkasama silang dalawa ng secretarya niya! At talaga bang i-cacancel niya pa ang mga meetings nya para lang sa babaeng 'yon?! Siguro nga gustong-gusto ni Ken makasama yong Melan na 'yon kase nagawa nga nyang hindi pumasok sa trabaho.

[Trixie? Ija nakikinig ka ba sakin?]

"Po? Pasensya na Tito medyo lutang lang ako. Ano nga ulit ang sinabi mo?"

[Pakibigay muna sa asawa mo ang cellphone, kakausapin ko sya--]

"Hindi ko po sya kasama Tito. May p-pinuntahan po sila ng secretarya."

Ewan ko ba kung bakit parang tinutulungan ko pa si Ken at ang babae nya na di malaman ang pinaggagawa nilang dalawa.

Kase sa totoo lang pwedeng-pwede ko syang isumbong kay Tito ngayon sa mga pinaggagawa nyang kahibangan sakin at sa pagtrato nito sakin. Pero ayoko, ayokong malaman ni Tito at lalo na ang mga magulang ko. Kase alam kong masasaktan sila saka alam kong masakit rin kay Tito kapag nalaman nyang umiiyak na naman ako dahil kay Ken. Simula noon palang ay suportado na si Tito sakin para sa anak nya at itinuring akong anak ng dad ni Ken.

[Ganon ba ija? Akala ko pa naman magkasama kayong dalawa kase nakapagtataka ipinacancela nya ang mga meetings eh, ginagawa niya lang yun kapag may sakit ka. Mga importanteng meeting pa naman 'yon.]

"Ahm... sige Tito paalam na, pakikamusta nalang ako kay Tita. May kailangan pa kase akong gawin heheh."

[Sige ija, mag iingat ka dyan lagi.]

Binaba ko na ang linya at huminga ng malalim.

Ano kayang magiging reaksiyon ni Tito kapag nalaman nyang niloloko ako ng anak nya? Parang katulad lang rin nang dati ang nangyayari ngayon, ang kaibahan lang si Dave lalaki at si Melan babae. At may pangalawa papalang kaibahan, noon um-agree ako sa relasyon nilang dalawa ni Dave at Ken pero ngayon wala akong natatandaan na nakiusap si Ken sakin na um-agree ako sa relasyon nila ni Melan?? 

Ang galing diba? Hanggang ngayon ako parin yata ang palaging third party. Hiyang-hiya naman ako sa sarili ko kase hinahayaan ko syang ganituhin ako!

Umiling na lamang ako para alisin itong iniisip ko.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto dahil masakit na ang tyan ko dahil sa gutom. Pagkalabas ko ng kwarto ay sobrang tahimik lang, mukhang ako nga lang talaga mag isa dito sa loob ng bahay.

Bakit ba parang nakaramdam ako ng takot bigla? Takot na ako lang mag isa? Sanay na naman ako sa ganito... pero kase ngayon parang iba, iba ang nararamdam ko hindi katulad nong dati.

Nang makababa ako ng hagdan ay dumeretso ako sa kusina para tignan kung may luto ba na pagkain. Nagbabasakali lang naman ako na baka pinaglutuan ako ni Ken kahit imposible na mangyari 'yon. Pero baka kase may natira syang pagkain kanina kung sakaling dito man sya kumain kaninang umaga.

Pero wala akong nakitang pagkain. Tanging papel na nasa mesa at ballpen lang ang nakita ko.

Kinuha ko 'yon at tinignan kung ano ang nakasulat don.

Parang nawala bigla ang lakas ng tuhod ko matapos mabasa 'yon. Umupo ako sa upuan dahil nanghihina ang tuhod ko at ang kamay ko unti-unting nanginginig.

"D-Divorce paper? Gusto niyang makipag divorce sakin??"

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rosalyn Albarracin
update Po pls
goodnovel comment avatar
Josefine Lejoc
pa update na po ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status