Share

Chapter 3: Who's Melan?

Napakunot naman ang noo ko ng mabasa ko 'yon.

Anong babe?

Sinong 'tong Melan?

Nilingon ko si Ken at dahil sa gulat ay nabitawan ko ang phone n'ya, gising pala sya at matalim na nakatingin sakin ngayon.

"K-Kanina ka pa ba gi--"

"Sino bang nag sabi sayong pwede mong pakialaman ang phone ko?!" inis nitong saad sakin, kinuha 'yong phone n'ya at tinignan 'to.

"Tinignan ko lang naman kung anong oras--"

"Eh, bakit may binasa ka yata." Putol nya sa sasabihin ko.

Bakit yata galit sya? Ibang-iba sya kung magalit kapag pinapakialaman ko mga gamit n'ya.

Bigla namang sumagi sa isip ko yung si Melan, babae ba yang Melan? Tama babae nga 'yon, may babe...wait...para kay Ken ba talaga ang text na 'yon?

Bakit nya tinawag na babe si Ken? May... may relasyon... no way! Impossible naman 'yon.

"Sino si Melan?" Pag-iiba ko.

"Ano bang pake mo?" Tanong nya rin sakin pabalik.

What? Anong pake ko? Malamang may pake ako kase asawa mo ako Ken!

Naalala ko naman bigla yong may katawag sya sa telepono at parang narinig kong binanggit nya ang pangalan na Melan.

"Teka...yan ba 'yong katawag mo nong isang araw?"

"Mind your own business Trix!" Umayos sya sa pagkakahiga at tinalikuran ako.

"Ken," tawag ko sakanya.

"Ken! Ano ba sagutin mo 'yong tanong ko!" Pasigaw kong sabi sakanya. Malakas ko namang niyugyug 'yong balikat nya at pilit syang pinaharap sakin.

"The f**k Trix! Patulugin mo naman ako pwede ba! Pagod ako sa trabaho--"

"Trabaho ba talaga?" Kinagat ko yong labi ko at pinipigilang tumulo 'tong luha sa mga mata ko.

Lumingon sya sakin.

"Pagod din ako Ken, pagod na akong intindihan yang ugali mo! Hindi na kita maintindihan! Ano ba kaseng problema mo? Sa pagkakaalam ko kase okay naman tayo pero isang araw nagising nalang ako at para bang nag bago na ang lahat... nag bago ka na talaga..." tinignan ko sya sa mata at wala akong makitang emosyon sa mga mata nya.

"Tapos ka na bang dumaldal? Pwede na ba akong matulog?" Bagot niyang tanong. 

Dahil sa galit ay sinampal ko sya sa pisngi.

Para ba kaseng wala nalang ako sakanya ngayon. Nakakainis, nakakagalit, nakakalungkot ang pinapakita nyang ugali sakin. Basta hindi ko maintindihan ang nararamdam ko ngayon at mas lalong di ko maintindihan ang inaasal nya sakin.

"Sumusobra ka na Ken! Anong akala mo sakin biro lang? Sabihin mo nga sakin kung ano ang problema para maintindihan ko!!" Nabigla ako ng hawakan nya ang panga ko.

"Don't f**king act like you know nothing Trix!" Napaluha ako dahil sa higpit ng pagkahawak nya sa pisngi ko.

"H-Hindi ko naman t-talaga alam Ken. Kung alam ko lang di ako mag t-tatanong sayo. Ano bang tingin mo sakin sinungaling?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sakanya.

"Oh, really? Should I believe you then? And why would I? You're a liar Trix!" Singhal nya sakin sabay binitawan ako.

"A-Ako? S-Sinungaling? Talaga ba Ken?! Eh, sa ating dalawa mukhang ikaw 'tong nagsisinungaling. S-Sino nga ba yang Melan na yan ha? Babae mo? Nang bababae ka na ngayon!"

"Talagang nag bago ka na nga kase noon lalaki ang kabit mo ngayon babae na!"

"Hindi ka ba tatahimik? O gusto mong ako mismo mag papatahimik sayo?"

"Hindi mo dine-deny so totoo ngang babae mo sya?"

"I don't have to explain myself. Mind your own business Trix dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag ako hindi nakapagtimpi." Malamig na sabi nito sakin.

Iniwan nya akong mag isa dito.

Mas lalong tumulo ang luha ko at napatulala.

Ano na bang nangyayari samin? Hindi naman ito yong inaasahan ko. Ilang taon akong nag antay na mahalin nya ako pabalik at nangyari nga ang matagal ko nang hinihiling. Akala ko sapat na yong mga pinagdaanan ko sakanya noon, sapat na yong hirap at pag titiis ko pero hindi pa pala. Mas pinakamalala pa yata to kesa sa narasahan ko noon.

Akala ko magiging masaya na ako, kami pagkatapos naming ikasal pero hindi. Katulad ng dati puro akala lang pala ako hanggang ngayon.

Napatingin ako sa gilid ko ng may biglang nag ring at nakita ko namang naiwan pala ni Ken ang cellphone nya. Dahan-dahan ko 'yong kinuha ng makitang Melan ang nakalagay don sa caller.

Ganitong oras na pero tumatawag parin ang babaeng 'to! Hindi na nahiya talaga, mga walanghiya! Di nya ba alam na may asawa na si Ken? O baka naman alam nya at sadyang makati lang talaga ang pagmumukha nya isama mo narin yang p*kp*k nya!

Pinahiran ko ang luha ko.

Sinagot ko na nga yong tawag at pinakinggan muna ang sasabihin nito. [Hello? Babe? Pupuntahan mo ba ako ngayon?] Napangisi naman ako sa huling tanong nito.

Talaga lang ha?! So, hindi nga talaga ako nagkakamali may babae nga si Ken!

[Hello? Sumagot ka naman? Ano nandyan ba yong isip bata mong asawa kaya hindi ka makasagot??] Kumunot ang noo ko sa sinabi nito sakin.

Ako isip bata?? Kilala nya ba ako huh?! Pano naman sya nakakasiguradong isip bata ako!

"Talaga lang ha? Isip bata ako? Gusto mo bang sampalin kita in mature way?!" Diin kong sabi habang ang noo ko ay nakakunot.

"Oh, hi! Ikaw pala yan Mrs. Fernandez soon to be Ms--"

"Ang kapal naman nyang pagmumukha mo para sabihin yan sakin!"

"For you information lang huh, hindi ko nilandi ang asawa mo kasi sya mismo ang kusang lumandi sakin." Tumawa sya pagkatapos sabihin 'yon. "Hindi ko naman kasalanang pinangak akong maganda at sexy, sadyang pinagpala lang ako kaya di mo kailangang mainggit Trix kase ang pagiging maganda nasa dugo yan, kung pinangak kang pangit mamatay kang pangit."

"Well, I guess nasa dugo mo rin ang pagiging malandi! Magsaya ka lang dyan, tumawa ka lang hanggat gusto mo kase kapag nakita kita mismo, kayong dalawa ng asawa ko... magpaalam ka na sa pamilya mo dahil sa araw na yon, ililibing kita ng buhay tandaan mo yan!"

"Gosh, so scary naman Trixie!" Um-acting pa ito sa boses na para bang natatakot at saka tumawa.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa gigil ko sakanya.

Ang sarap-sarap nyang tirisin! Bwesit!

Nagulat naman ako ng may biglang humablot sa cellphone na hawak ko at si hubby pala 'yon. Hindi ko man lang namalayang nakapasok na ulit siya dito sa kwarto.

"Who the heck gives you permission to touch my f**king phone Trix?!!" Galit nitong sigaw sakin. Parang huminto naman bigla ang paghinga ko dahil sa gulat.

Kailangan ko pa ba ng permission nya bago ako humawak sa cellphone nya?? Talaga ba? Hindi ko alam na wala na pala akong karapatan na namakialam sa cellphone nito!

Pinipigilan ko ang luha ko ngayon habang nakatingin sakanya at ang mga mata nitong nakatingin sakin na para bang lalamunin na nya ako ng buhay.

"A-Asawa mo ako K-Ken kaya ba't parang pinagdadamot mo yang cellphone mo sakin ha!! Dahil ba dyan sa b-babae mo nagkakaganyan ka na ngayon!!"

"Asawa lang kita at hindi ibig sabihin non mahal kita Trix!!" Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi nya.

Ba't kailangan saktan nya ako ng ganito? Hindi pa ba sapat yung mga ginawa nya sakin noon? Akala ko tapos na ang pagdudusa ko sa mga salitang ganyan. Hindi ko akalain na makakarinig ulit ako ng salitang ganyan galing sakanya.

Mahal nya ba talaga ako? Minahal nya ba talaga ako? O baka naman pinagbigyan nya lang ako kase naaawa nya sakin noon? Pero... Pero kung hindi nya ako mahal ba't nag bago sya? Iniwan nya si Dave dahil saki diba? Kase na nga sabi nya sakin na-realized nyang ako na ang mahal nya.

Baka naman hindi lang talaga ako ang tipo ng babae na may magtatagal na lalaki... Siguro nga minahal ako ni Ken pero mabilis syang nagsawa sakin. Pero ba't ganon? Ba't ba kailangan ako ang masaktan? Nagmahal lang naman ako, hindi ba pwedeng mahalin din nya ako kagaya ng pagmamahal ko sakanya? Hindi ko naman hinihiling na mahalin nya ako ng mas higit pa sa pagmamahal ko sakanya, kahit katiting lang ang ibigay nyang pagmamahal sakin ayos lang.

Hindi ko mabilang kung ilang luha na ang tumulo sa mga mata ko at mas lalong hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak at nasaktan dahil sakanya.

Huminga ako ng malalim at saka pinahiran ang luha ko.

"Just behave yourself Trix kung ayaw mong saktan kita--"

"B-Behave? Putang*nang ano bang pinagsasabi mo Ken?? Naririnig mo ba yang pinagsasabi mo ha?! Sabihin mo yan mismo sa sarili mo Ken! Pagsabihan mo yang dalawa mong etlog na mag behave dahil talagang masasaktan silang dalawa kapag tinuhod kita! Saka ba't kase... Ba't kase di mo nalang sabihin na lumalandi ka sa iba kaya nagbago ka na Ken?! B-Ba't kase hindi mo nalang sabihin ang totoo sakin na sadyang nangangati yang bayag mo kaya naghanap ka ng iba!!"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko sakanya at bilang ganti ko ay sinampal ko din ng malakas sa magkabilang pisngi.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status