Share

CHAPTER 66

“Huwag po kayong mag-alala, nakatulog lamang daw si Sir sabi ng doktor,” anunsyo sa kanila ni Secretary Dem nang lumabas ito sa kuwarto kung saan nila dinala si Reedz na bigla na lamang nawalan ng malay.

Mangiyak-ngiyak sina Meredith at Calynn na nagkatinginan sa isa’t isa, pero sa parehong oras ay lubos naman silang naginhawaan.

May tunog na bumuntong-hininga si Secretary Dem. “Ito ang sinasabi ko sa kaniya kahapon; ang magpahinga na lang siya at ako na ang bahala sa lahat. Ang tigas kasi ng ulo niya.”

“Ano ang ibig mong sabihin, Secretary Dem?” napamaang na tanong ni Calynn.

Habang sinasagot ang tanong na iyon ni Secretary Dem ay magkakasunod silang pumasok sa silid. Nakita nila roon si Reedz na natutulog.

Nanghihina ang mga tuhod na nilapitan ni Calynn ang asawa. Maingat na ginagap niya ang isang kamay nito at ikinulong sa dalawang palad niya.

“Kahit hindi pa niya kaya ay pinilit talaga niya ang sarili niya para matapos lang ang ng gulo,” pagtatapos ni Secretary Dem sa kuwento.

San
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Clifford Macasaet
Update pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status