"Oooh... what a sudden question," saad ko at mapaklang tumawa, hindi ko inaasahan ang naging tanong niya."I just want to know, para worth it naman kung sakaling ipaglaban kita at isa iyung malaking premyo para sa 'kin," saad niya na mas lalong ikinaawang ng bibig ko.This man makes me... caught off guard.Pero agad ko ding iniwasto ang sarili ko at sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ko."Segurista ka pala," saad ko at tumungo ako sa dining table at itinukod ko sa ibabaw nito ang kaliwa kong kamay na walang sugat at saka ko siya pinakatitigang mabuti."Of course, mahirap naman sumugal kung hindi worth it ang mapapanalunan at isa pa hindi ko ugaling kumuha ng second hand lalo na kung alam kong magiging gamitin ko siya nang pangmatagalan," makahulugan niyang sambit kaya napahugis O ang bibig ko bilang reaksyon.Natawa tuloy ako sa isipin na madali ko lang siyang mapapaikot sa mga kamay ko. Mukang nagkamali ako. Naalala kong matalino nga rin pala ang isang 'to."What if, sabihin kong
Matapos naming mananghalian nang sabay ni Harley ay nagpaalam na rin ito dahil mayroon pa raw siyang importanteng gagawin.Kasalukuyan akong nakahiga sa ibabaw ng malambot kong kama habang may yapos na unan, tulala lang ako sa itaas ng kisame.Naalala ko ang nabanggit ni Harley kanina na isa siyang hacker, and it gave me a worry na baka anytime malaman nito ang tunay kong trabaho. Hindi kasi malabo dahil mukang kasing IQ niya si Dana na talaga naman nakakapagaalala.Napabangon ako mula sa pagkakahiga at ginulo ko ang buhok ko dahil bigla akong na-stress! Imbyerna! Nababasa niya agad kapag hindi totoo ang sinasabi ko."Mukang mali ata akong siya ang gamitin," saad ko sa sarili at pinagsisisihan kong inaya ko pa siyang mag-kape kanina. Ako pa ngayon tuloy ang nakuhaan ng impormasyon, tiwala ka kasi sa maamong mukha ni Harley! You're reckless, Ruby!Napabaling ang tingin ko sa phone ko nang tumunog ito kaya agad kong kinuha sa ibabaw ng side table agad kong sinagot."Hello, Ruby!" tawag s
Kinabukasan, nagising ako sa sunud-sunod na pagtunog ng door bell mula sa labas kaya agad akong bumangon at pupungas-pungas na tumungo sa pinto. Tiningnan ko sa intercom kung sino ito at ganu'n na lang ang pagkabigla ko nang makita si Charley sa labas. Anong oras na ba? Ang aga naman niyang mambulabog.Pagtingin ko sa wall clock ay alas nuwebe pasado na pala ng umaga, sh*t! Napahaba ang tulog ko."Hello Charley, good morning! Pakihintay lang ako sandali," saad ko sa kanya sa voice ng intercom at dali-dali na 'kong tumungo sa banyo.Agad akong nag-hilamos at nag-toothbrush. Nang matapos ay tumungo ako sa closet at naghanap ng susuotin dahil naka-silk dress lang ako na ubod ng nipis, at kahit hindi na silipin ay kitang-kita na ang aking n*pple.Tshirt at shorts lang ang napili ko at dali-dali akong nag-bihis, inayos ko lang ang buhok ko para mag-mukha naman akong fresh in the morning kahit walang make up.Nang okay na ay bumalik na 'ko sa pinto at agad itong binuksan, bumungad sa 'kin a
Kita kong may bumakas na kung ano sa mga mata niya, bakit nahihirapan akong basahin siya? Parang may pader sa pagitan naming hindi ko mawari.This is strange, I'm Ruby Red Mandelly, ang makamandag na si Red Lips ng under SoC. Pumapalya? This is unacceptable."So, masama ang loob mo sa 'kin?" tanong niya na ikinasalubong ng dalawang kilay ko.Kailan pa naging mahalaga ang nararamdaman ko? He's acting strange. Baka naman... nahuhumaling na rin siya sa alindog ko?? Ayaw niya lang aminin sa 'kin at sa sarili niya? Pero kung sakaling tama ang hinala ko, this is very f*cking good news!"Stop asking as if you're concern," saad ko sabay irap dito."I'm not concerned, wala kong pakialam sa 'yo pero sa ama at kapatid ko meron, I'm here to offer you a huge amount na p'wedeng-p'wede ka nang humiga sa salapi buong buhay mo. So, name your price and stay out of our lives," saad nito sa malamig niyang tinig na ikinabigla ko.Pero saglit lang at agad akong bumalik sa sarili at nginisihan siya, ang aka
"From bed to door? Nasa kama na kayo nakarating pa kayo rito sa pinto? Halatang nagsisinungaling ka, kami ni Dad hindi pa nakakahalik kay Ruby, ikaw pa kaya?" sarkastikong saad ni Harley.Tumayo na si Stefan mula sa pagkakaupo ngunit ang tingin niya ay nasa 'kin pa rin."This gold digger did not allow you to kiss her? Oh, that's strange," saad nito sabay ngumisi."So, answer me. What are you doing here Kuya? Why did you hurt Ruby?" tanong ni Harley buhat ng blangko niyang ekspresyon."Do you believe what she said? Me? Being violent? Come on!" pagtanggi ni Stefan kaya sinamaan ko siya ng tingin.B*stos na nga, sinungaling pa."You can't deny it, I know when she's telling the truth or she's lying," giit pa ni Harley sa pag-akusa sa kanyang kapatid."Fine, I'm just carried away by my emotions dahil ang galing mang-asar ng babaeng 'to kaya nasagad niya ang pasensya ko. But at the same time, she amazed me," pag-amin ni Stefan ngunit ang mga mata niya ay hindi niya iniaalis sa 'kin at kita
Matapos nang naging paguusap namin ni Harley hindi pa ulit kami nagpapangita tatlong araw na ang nakakalipas, marahil busy na ito kagaya ni Dana na halos hindi na napupuknat sa harap ng laptop dahil pinapanatili niya ang seguridad ng team. Hindi p'wedeng maging panatag dahil maraming buhay ang nakataya.Ang grupo ng Felonious ang isa sa nagpapasakit ng ulo naming lahat sa TUSS (The Underground Secret Society) na siya namang kinabibilangan ko. Kami ang pumalit sa mga magulang naming noon ay mga undercover din ngunit ang kaibihan lang, sila ay government police officer, kami hindi. Well trained lang kami pero wala kaming hayagang propesyon kaya hindi rin madali sa kanila ang tukuyin kung sinu-sino kami sa organization na kinasasalihan naming magkakapatid at sa madaling salita, nananatiling lihim lang ang lahat.Pero iba na ngayon dahil may isa nang nakakaalam nang tungkol sa 'kin, iyun ay si Harley. Kaya hindi ako p'wedeng mawalan ng kontrol sa kanya dahil anumang oras, hindi imposible
Inunat ko ang dalawa kong braso at hinawakan ang pole gamit ang dalawa kong kamay at nag-umpisa na 'kong umikot-ikot at ang paa ko ay sumusunod lang sa pag-ikot ng aking katawan sa madulas na bakal.Inilagay ko ang pwersa ko sa aking mga braso at sa bandang pulsuhan sabay inangat ko ang katawan ko kaya kasalukuyan na 'kong nakabaliktad habang ang dalawang binti ko ay nakapulupot sa matigas na pole bilang suporta para hindi sumubsob ang mukha ko sa sahig.Nanatili ako sa ganitong pwesto nang ilang segundo sabay bitaw ng isa kong kamay at binti, parang isa akong paru-paro na ang kalahati ng pakpak ay nakaipit sa sanga.Umikot-ikot ako sa ganitong posisyon habang tila dinadama ko ang bawat pag-unat ng aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam.Ilang sandali pa ay umayos ako ng pwesto paulo na hanggang sa tumungo ako sa taas ng pole habang binti lang ang suporta sabay iniunat kong muli ang aking balingkinitan katawan at umikot-ikot ako pababa."Wala pa ring kupas!" puri sa 'kin ni Paul na ma
HARLEY'S POV~Tanaw ko ng tingin ang papalayong sasakyan ni Ruby habang ako naiwang mag-isa rito sa may parking lot. Gusto ko lang naman siyang makasamang kumain ang kaso... napurnada pa. Napailing na lang ako."Where is she?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Kuya Stefan mula sa likuran ko."She drove away," tipid kong sagot.Nagtataka rin ako kung bakit ba 'to sumama sa 'kin dito? Eh, may usapan sila ni Daddy na may lunch sila together, kahit anong aya ang gawin niya hindi ako kakain kasama si Dad, dahil away lang ang kapupuntahan ng paghaharap namin."She has a mood swings, like a normal girl," biglang puna nito na ikinakunot ng noo ko."Bakit? Tingin mo ba hindi siya normal?" tanong ko kaya tinaasan niya ko ng isang kilay."Did I say she's not normal? I said she is in the mood swings like the other normal girl, wala siya sa mood makipag-usap at napakataray niya ngayon, unlike these past few days, she was sweet back then, but now, she's like a different person," saad nit