"From bed to door? Nasa kama na kayo nakarating pa kayo rito sa pinto? Halatang nagsisinungaling ka, kami ni Dad hindi pa nakakahalik kay Ruby, ikaw pa kaya?" sarkastikong saad ni Harley.Tumayo na si Stefan mula sa pagkakaupo ngunit ang tingin niya ay nasa 'kin pa rin."This gold digger did not allow you to kiss her? Oh, that's strange," saad nito sabay ngumisi."So, answer me. What are you doing here Kuya? Why did you hurt Ruby?" tanong ni Harley buhat ng blangko niyang ekspresyon."Do you believe what she said? Me? Being violent? Come on!" pagtanggi ni Stefan kaya sinamaan ko siya ng tingin.B*stos na nga, sinungaling pa."You can't deny it, I know when she's telling the truth or she's lying," giit pa ni Harley sa pag-akusa sa kanyang kapatid."Fine, I'm just carried away by my emotions dahil ang galing mang-asar ng babaeng 'to kaya nasagad niya ang pasensya ko. But at the same time, she amazed me," pag-amin ni Stefan ngunit ang mga mata niya ay hindi niya iniaalis sa 'kin at kita
Matapos nang naging paguusap namin ni Harley hindi pa ulit kami nagpapangita tatlong araw na ang nakakalipas, marahil busy na ito kagaya ni Dana na halos hindi na napupuknat sa harap ng laptop dahil pinapanatili niya ang seguridad ng team. Hindi p'wedeng maging panatag dahil maraming buhay ang nakataya.Ang grupo ng Felonious ang isa sa nagpapasakit ng ulo naming lahat sa TUSS (The Underground Secret Society) na siya namang kinabibilangan ko. Kami ang pumalit sa mga magulang naming noon ay mga undercover din ngunit ang kaibihan lang, sila ay government police officer, kami hindi. Well trained lang kami pero wala kaming hayagang propesyon kaya hindi rin madali sa kanila ang tukuyin kung sinu-sino kami sa organization na kinasasalihan naming magkakapatid at sa madaling salita, nananatiling lihim lang ang lahat.Pero iba na ngayon dahil may isa nang nakakaalam nang tungkol sa 'kin, iyun ay si Harley. Kaya hindi ako p'wedeng mawalan ng kontrol sa kanya dahil anumang oras, hindi imposible
Inunat ko ang dalawa kong braso at hinawakan ang pole gamit ang dalawa kong kamay at nag-umpisa na 'kong umikot-ikot at ang paa ko ay sumusunod lang sa pag-ikot ng aking katawan sa madulas na bakal.Inilagay ko ang pwersa ko sa aking mga braso at sa bandang pulsuhan sabay inangat ko ang katawan ko kaya kasalukuyan na 'kong nakabaliktad habang ang dalawang binti ko ay nakapulupot sa matigas na pole bilang suporta para hindi sumubsob ang mukha ko sa sahig.Nanatili ako sa ganitong pwesto nang ilang segundo sabay bitaw ng isa kong kamay at binti, parang isa akong paru-paro na ang kalahati ng pakpak ay nakaipit sa sanga.Umikot-ikot ako sa ganitong posisyon habang tila dinadama ko ang bawat pag-unat ng aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam.Ilang sandali pa ay umayos ako ng pwesto paulo na hanggang sa tumungo ako sa taas ng pole habang binti lang ang suporta sabay iniunat kong muli ang aking balingkinitan katawan at umikot-ikot ako pababa."Wala pa ring kupas!" puri sa 'kin ni Paul na ma
HARLEY'S POV~Tanaw ko ng tingin ang papalayong sasakyan ni Ruby habang ako naiwang mag-isa rito sa may parking lot. Gusto ko lang naman siyang makasamang kumain ang kaso... napurnada pa. Napailing na lang ako."Where is she?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Kuya Stefan mula sa likuran ko."She drove away," tipid kong sagot.Nagtataka rin ako kung bakit ba 'to sumama sa 'kin dito? Eh, may usapan sila ni Daddy na may lunch sila together, kahit anong aya ang gawin niya hindi ako kakain kasama si Dad, dahil away lang ang kapupuntahan ng paghaharap namin."She has a mood swings, like a normal girl," biglang puna nito na ikinakunot ng noo ko."Bakit? Tingin mo ba hindi siya normal?" tanong ko kaya tinaasan niya ko ng isang kilay."Did I say she's not normal? I said she is in the mood swings like the other normal girl, wala siya sa mood makipag-usap at napakataray niya ngayon, unlike these past few days, she was sweet back then, but now, she's like a different person," saad nit
HARLEY'S POV (2)"You're so cruel," nangangalit ko saad habang nakakuyom pa rin ang dalawa kong kamao ngunit wala pa rin emosyong mababakas sa kanyang mga mata."Think before you talk because I won't allow you to disrespect me," saad niya sabay talikod na at tumungo na sa kanyang sasakyan.Pagkasakay niya sa driver's seat ay agad niya nang pinasibat ang kanyang sasakyan kaya naiwan ulit akong mag-isa rito sa parking lot.Nagtatangis ang kalooban ko at matalim ang tinging ipinupukol ko sa papalayong sasakyan niya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. May araw ka rin sa 'kin. Kayo ni Dad, marahil nagagawa niyo 'kong dikdikin ngayon pero darating ang araw na kayo ang luluhod sa 'kin at kakainin niyo lahat ng mga masasakit na salitang binitiwan niyo para pailaliman ako.Iwinasto ko muna ang aking sarili at pilit na kumalma, kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang mag-ring ito at agad akong napangisi sabay sagot ko ng tawag."Greene!" bungad sa 'kin ni Trevor mula sa kabilang lin
Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng aming base nang makasalubong ko si Dana na halatang inaabangan na ang pagdating ko."Bakit ganiyan suot mo? Hindi ka man lang nagpalit, ang nipis ng sando mo tapos ay naka-cycling shorts?" puna nito ngunit dire-diretso na 'ko sa opisina ko.Yes, may sarili kaming opisinang mga Agent, para may privacy at nakakapag-discuss kami nang tungkol sa mga kanya-kanya naming trabaho."Wala na 'kong time na magpalit pa dahil sa dalawang ungas na 'yon," saad ko at inilagay ko ang bag ko sa may bakanteng sofa."Sinong tinitukoy mong dalawang ungas?" curious nitong tanong habang nakakunot ang noo."Edi, sino pa ba? Iyung magkapatid na Stefan at Harley, pumunta sila sa Oxeine Dance Pole Studio at doon ako binulahaw, ito pa ang siste, oras ko ng pahinga ang inabala nila! ME time ko," sumbong ko sa kanya na ikinaawang ng bibig niya."Sinundan ka nila ro'n?? Meaning, naka-monitor ka na kay Harley o kay Stefan?? Hindi 'to maganda, Ruby. Baka masundan ka nila kap
"Kailangan din matuto ni Dana kung paano mag-improve ng sarili, hindi palaging ganiyan, minsan kasi nakakasira na rin siya ng diskarte kakapigil niya sa 'tin." Naguumpisa na manakit ang ulo ko, sa mismong kapatid ko pa na sa halip ay makatulong.Hindi naman nakapagsalita si Mike, alam niyang may punto ako dahil siya mismo ay halatang nahihirapan na rin itong tantayahin lalo na sila ang palaging magkausap at madalas na magkasama."Naiintindihan ko," tanging tugon niya."Alam niyo naman na ang isa sa ayoko ay iyung nakakakita ng malalambot, at mahina, talagang nawawala ako lalo sa mood imbis na ganahan ako, pati trabaho ko naaapektuhan at hindi ako makapag-focus ng maayos, pansin ko 'yun sa sarili ko dahil wala nang ginawa si Dana kung hindi manduhan at pa-nerbyusin ako, hindi ako makapag-isip ng tama, parang pati ako naging nerbyosa na rin," mahabang litanya ko."Ikaw rin pala, ganiyan ang nararamdaman mo, akala ko ako lang. Parehas pala tayo," reklamo niya sabay napatingala na lang siy
"Bakit hindi niyo sabihin sa harap ko ang lahat ng mga iyan? Nag-mu-muka kayong mga back stabber." Sabay kaming napalingon ni Mike nang bumungad si Dana sa tapat ng pinto at blangko ang mukha niyang nakatingin sa 'ming dalawa.Back stabber? Ang isip bata talaga.Hindi na 'ko nagulat, alam kong kanina pa siya sa labas at nakikinig. Hindi naman talaga siya umalis at alam din ni Mike kaya nginisihan na lamang niya ito."Alam kong nakikinig ka," saad ko habang prente lang akong nakatingin sa gawi niya."Hindi ko alam na ang pagaalala ko pala para sa inyong dalawa ay nakaka-sira lang pala sa misyon niyo." Tama, ngunit sarkastikong ang pagkakasabi niya."You still don't get it," tabang kong sambit."Narinig mo na napag-usapan namin simula umpisa, hindi mo pa inunawa? Ewan ko sa 'yo Dana," saad ni Mike na hindi na naitago ang pagka-asar sa boses.Akala namin maiintindihan niya na, sinadya ko talagang sabihin ang mga 'yon dahil alam kong nakikinig siya kanina pa sa labas."Pakiramdam ko pinagt