Share

CHAPTER 8

Hindi nakaimik si Hexy at bigla siyang namutla. 

Agad siyang inalalayan ng kaniyang katrabaho upang maupo sa isang silya nang muntikan itong matumba dahil sa panginginig ng kaniyang tuhod.

"H-Hindi..."

Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha kaya napatakip siya sa kaniyang mukha habang umiiyak.

Agad namang ibinaba ng kasama niya ang kaniyang cellphone at hinaplos siya sa likod.

"Hexy, ilang beses na kitang gustong kausapin na may fiancee na si Sir Brix, kaso hindi mo naman kami minsan kinakausap," wika nito.

"M-Matagal niyo nang alam, Drea?" Tanong ni Hexy at tumingin sa kaniya.

Dahan-dahang tumango ito sa kaniya.

"Akala namin ay alam mo dahil minsan na silang na-cover ng isang magazine, tsaka may social media si Ma'am Joyce at doon siya nag-uupdate," sagot nito.

Napahilamos naman ng mukha si Hexy habang hindi mapigilan ang paninikip ng kaniyang dibdib.

"Hindi k-ko alam. Hindi ako nag-oopen ng social media," nanlulumo niyang sambit at hindi na niya mapigilang mahikbi.

"Hexy."

Napalingon silang dalawa sa dumating na si Maverick.

Agad namang umalis si Drea at naupo si Maverick sa harap ni Hexy.

"M-Mavs, niloko niya ako," umiiyak na sabi ni Hexy sa kaniya. Hinawakan naman siya ni Maverick sa kaniyang balikat at hinaplos-haplos iyon.

"N-Naalala ko, never ko siyang tinanong kung may girlfriend na siya. Ang hindi ko alam, may f-fiancee na pala siya," dagdag pa niya at ilang beses siyang umiling-iling habang pinupunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang mga kamay.

"It's okay to cry. Huwag mo lang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo," mahinang sambit ni Maverick.

"P-Paano, Mavs? Nakunan ang fiancee niya. D-Dahil ba sa'kin?" Wika ni Hexy sa pagitan ng kaniyang paghikbi.

"No. Don't say that. Hindi naman natin alam ang nangyari," pagpapakalma ni Maverick sa kaniya saka tumabi at patuloy na hinaplos ang balikat nito papunta sa kaniyang likod.

"N-Nahihiya akong lumabas, Mavs. Baka kung ano'ng sabihin nila sa'kin. Lalo na ng mga taong nakakita sa'min," nag-aalalang sambit niya saka lumingon kay Maverick.

Tumayo naman si Maverick at inilahad ang kamay nito sa kaniya. Nagtaka naman siya.

"Mag-absent tayo today," saad ni Maverick.

Pinunasan naman ni Hexy ang kaniyang luha gamit ang kaniyang kaliwang kamay saka inabot ang kamay ni Maverick gamit ang kanang palad.

"Hahanapin nila tayo sa restaurant," wika ni Hexy nang makarating sila sa kanilang tambayan.

"Don't think about anything right now," sagot naman ni Maverick.

Natahimik naman siya at muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha. Pinigilan niyang humikbi at kinagat ang kaniyang labi.

"I wanted to tell you that before. Noong nakita mong nag-away kami ni Brix, I confronted him kung bakit ka pa niya nilalapitan even when he's already engaged," kalmadong sambit ni Maverick saka kumuha ng upuan at naupo sa harap ni Hexy.

Napatingin naman si Hexy sa kaniya at naalala ang naging reaksyon niya noon.

"S-Sorry. Hindi ko alam," wika niya. Tumango naman si Maverick.

"Pero sana sinabi mo na lang sa'kin, para hindi na umabot pa sa ganito," dagdag niya pa.

"I'm scared na baka masaktan ka, because you're always happy kapag kasama mo siya," sagot naman ni Maverick. 

"S-Sana sinaktan mo na lang ako, Mavs," saad ni Hexy at mas lalong naiyak. Wala namang nagawa si Maverick kung hindi ang hawakan ang kaniyang balikat habang nakatakip ang mga palad nito sa kaniyang mukha.

"K-Kaya pala," sabi ni Hexy at ibinaba ang kaniyang mga kamay.

"Kaya pala isang linggo pa lang niya akong nakakasama, umamin na siya a-agad. Ginawa niya akong panandalian."

"It's not your fault," wika naman ni Maverick saka hinawakan ang kanang kamay nito.

"P-Pero may batang nadamay. H-Hindi ko kakayanin—"

"Hexy, hindi natin alam ang nangyari kung paano siya nakunan," pamumutol naman ni Maverick sa kaniya.

"W-What if, dahil sa'kin? Paano kung nalaman niyang may kinikitang iba ang fiance niya? Baka 'yon ang dahilan," sunod-sunod na tanong niya habang humihikbi.

"Huwag ka nang makikipagkita sa kaniya," sabi ni Maverick saka binitawan ang kamay niya. Tumango naman siya.

"S-Sana iniwasan ko na lang siya. K-Kung hindi lang ako uminom sa bar, h-hindi ko sana siya makikilala."

Napakunot-noo naman si Maverick.

"You know, I always wonder kung paano ka napunta sa kuwarto niya."

"Hindi ko rin alam, wala akong maalala. Hindi rin nag-wowork ang CCTV doon," sagot naman ni Hexy.

"Sana pala nakinig na ako sa'yo dati," malungkot na sambit niya saka pinunasan ang kaniyang luha.

Naglabas naman ng panyo si Maverick at ibinigay iyon sa kaniya.

"A-Akala ko kasi hate mo ako," dagdag pa niya at ginamit ang panyo nito.

"I never hated you," sagot naman niya.

"Ikaw ang pinakamatagal ko nang kilala sa kanila, at halos nakasama na kita sa lahat. Thank you," mahinang saad ni Hexy. Tumango naman si Maverick saka naglabas ng yosi.

"Bakit ba lagi kang nagyoyosi?" Pilit na pag-divert ng atensyon ni Hexy.

"Pangpawala ng stress," sagot naman nito saka humithit ng sigarilyo.

"Baka puwede ako?"

Tinignan naman siya nang masama ni Maverick.

"Baka ipakain ko sa'yo 'to," sabi niya.

"Gusto ko lang mawala ang sakit," sambit naman ni Hexy. Hindi naman umimik si Maverick at tinignan lang siya.

"Grabe. Isang linggo ko pa lang siyang nakakasama, pero pang-isang taon 'yong sakit," dagdag pa niya.

"But you liked him," sambit ni Maverick.

Tumitig naman sa kaniya si Hexy.

"Even if hindi mo sabihin, I can sense it. Noong nasa cinema pa lang tayo, I already knew," pagpapatuloy ni Maverick.

"H-Hindi. Hindi ko pa siya gusto nu'n," sagot naman niya.

Napangisi naman si Maverick saka nagbuga ng usok.

"Your actions don't lie, Hexy."

"Sana pinigilan mo ako," sambit ni Hexy.

Umiling-iling naman si Maverick.

"At ano'ng sasabihin ko? Na ako lang ba dapat ang mahalin mo?"

Bumilis naman ang tibok ng puso ni Hexy ngunit dahan-dahan siyang tumango.

"Stay here, bibili ako ng pagkain."

Hindi pa man nakakasagot si Hexy ay umalis na ito.

Biglang nag-vibrate ang cellphone niya at agad niya itong inilabas mula sa kaniyang bag na nakapatong sa lamesa.

Napaluha siya nang makitang si Brix ang tumatawag.

Nanginginig niya itong pinindot at inilapit sa kaniyang tainga.

"Hexy, I'm sorry—"

Hindi natapos si Brix sa kaniyang sasabihin nang patayin din agad ni Hexy ang tawag.

Ibinalik niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag at napaiyak na naman.

"Huwag mo munang isipin 'yon," paalala ni Maverick matapos silang kumain ng lunch dahil doon na sila nagpalipas ng oras.

Tumango naman si Hexy at saka tumingin sa kaniya.

"I can't even look at your eyes," wika ni Maverick.

"Kasalanan 'to ng Brix na 'yon. Hindi ko siya mapapatawad," sambit niya saka umiwas ng tingin.

"Wait a minute. If alam ko ang tungkol kay Brix, alam kaya nina Shantal ang tungkol dito?" Tanong ni Maverick kaya bumalik ang tingin ni Hexy sa kaniya.

"N-Ngayon ko lang din naisip 'yan. Lagi nila akong pinupush sa kaniya. Alam kaya nila?" Wika rin ni Hexy.

Nagbuga ng usok si Maverick habang nakakunot-noo.

"Kung alam nila ang about sa fiancee ni Brix, t-they betrayed me," dagdag pa ni Hexy.

"Hexy!"

Napalingon silang dalawa nang marinig ang boses ni Shantal. Laking gulat nila nang makita nilang kasama niya sina Rio, Aldrin, at Vanessa.

Agad siyang niyakap ni Vanessa nang makalapit sila.

"We're here now, Hex," mahinang sambit ni Vanessa habang niyayakap siya.

"Lint*k talaga 'yang Brix na 'yan," inis na sambit ni Shantal.

"Bakit hindi natin 'to nalaman?" Nagtatakang tanong ni Rio.

"H-Hindi niyo alam? Akala ko alam niyong engaged na siya," sabi naman ni Hexy nang kumalas si Vanessa sa kaniya.

"No. We're clueless, Hex. Nalaman ko na lang din kanina sa office nang tanungin ako ng katrabaho ko if alam ko na ang latest news dito sa lugar natin. I didn't even know na may page pala for news dito!" Sabi ni Shantal at napahawak pa sa kaniyang ulo habang nakahawak sa baywang niya ang kaniyang kaliwang kamay.

"Hindi naman din kasi ako active sa social media. Nalaman ko lang kaninang tumawag si Shantal," saad naman ni Rio.

"Unless, we're blocked?" Tanong ni Vanessa. Napatingin naman sila sa kaniya.

"Hindi natin makikita ang news about it kapag naka-block tayo sa page. I heard na relative nila ang handler ng page. Did Brix plan this?" Dagdag pa niya.

"Ungas pala 'yon, eh," komento naman ni Aldrin.

"The question is, bakit niya ginawa 'yon?" Tanong ni Rio.

"Ang naiisip ko lang ay ang saktan ang fiancee niya," sagot naman ni Aldrin.

Napabuntong-hininga naman si Hexy at umiling-iling habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.

"Kakausapin ko si Joyce," wika niya.

Napatingin naman silang lahat sa kaniya.

"For what? Aawayin ka lang no'n, Hex," sambit naman ni Vanessa at hinawakan siya sa balikat.

"H-Hindi ko sinasadya ang lahat, dahil wala naman akong alam sa kanila," nanlulumong wika ni Hexy.

"Hindi ka naman nila sinisisi, Hex. Ang sinabi lang sa page ay nakunan siya. Walang na-mention kung ano ang dahilan bakit siya nakunan. And for sure, nagpapagaling pa siya," sabi naman ni Shantal at naupo.

"What if, kami ang kumausap sa Brix na 'yon? We'll ask him bakit niya ginawa 'yon kay Hexy, tapos nadamay pa tayo," wika naman ni Aldrin.

"No. Huwag muna. Paniguradong galit na galit ang Daddy ni Sir Brix ngayon, pati na rin ang parents ng fiancee niya," sambit naman ni Vanessa. Napatingin naman si Hexy sa kaniya at naalala ang sinabi ni Brix na parang amo niya ang kaniyang ama.

"Titignan ko sa social media kung may dinagdag silang news about that Joyce," sabi ni Shantal saka inilabas ang kaniyang cellphone.

Napakunot-noo agad siya nang mabuksan niya ito.

"Someone sent me a video of Brix after their seminar kanina," saad niya.

Inilapag niya ang kaniyang cellphone sa lamesa at pinindot ang play button sa video.

"Regarding sa news about sa miscarriage ng fiancee niyo, Sir. Is it true na kaya siya nakunan dahil she found out that you're associated with another girl?" Rinig nilang tanong ng reporter.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pinigilan ang panginginig ng kaniyang mga kamay at tuhod.

"No, that's not true. We've been together for so long, and Joyce is my fiancee. I can't do that to her. I don't know why people are accusing me of something I can't even think of. I don't do such a thing and I don't have time para maghanap ng ibang babae," deretsahang sagot ni Brix.

Halos matigil ang paghinga ni Hexy at muling bumuhos ang kaniyang luha.

"P*tangina talaga!" Inis na sambit ni Shantal.

"See? Ang galing niyang magpanggap. Napakakupal," komento ni Aldrin saka umiling-iling.

"Sana binasag na natin ang mukha niya kahapon," wika naman ni Rio.

Hinawakan naman ni Maverick ang kanang kamay ni Hexy sa ilalim ng lamesa. Lumingon ito sa kaniya habang umiiyak.

Kinabukasan ay hindi maiwasang kabahan ni Hexy nang makababa siya sa traysikel.

Nailang agad siya nang makita niya ang mga katrabahong papasok na rin.

"Hexy."

Napalingon siya sa tumawag sa kaniya at bahagya siyang napaatras nang makitang si Brix iyon.

"Hexy, let's talk, please?" Wika nito na parang nagmamakaawa.

Tumalikod naman agad si Hexy ngunit nahawakan siya ni Brix sa kaniyang kaliwang braso at pilit na iniharap sa kaniya.

"Bitawan mo ako," lakas-loob na sambit ni Hexy saka puwersahang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya.

"I'm sorry, Hexy. Wala akong choice—"

"Wala kang choice kung hindi ang saktan ako? Gag* ka," pigil-galit na saad ni Hexy.

"No, Hexy. Please, let me explain," pagmamakaawa nito at hinawakan ang kamay ni Hexy.

"Umalis ka na!" Sigaw ni Hexy at binawi ang kaniyang kamay.

Biglang napaatras si Brix dahil sa pagdapo sa kaniya ng isang malakas na suntok mula kay Maverick.

"Maverick," mahinang wika ni Hexy at nanlaki ang kaniyang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status