Six months later:
Annie's Pov:
Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako. Iyon din ang sabi ni mama. Kapag daw natutulog na ako at saka dumarating ang asawa ko, binabantayan daw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Bagyo at asikasuhin multi ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni
Dave's pov:Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng buong NBI."Kamusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin."Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo?" sabi nito na nanlilisik ang mga mata."Hindi mo ba alam na anak ko si Churles! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin."Anak mo pala siya!" mariin kong sagot."Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo."Anak! na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan."Alam mo, Ikaw pa rin h
Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie."Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag. ********Six months later:Annie's pov:Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang. Kasalukuyan kaming narito sa batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bak
Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakinggan ang pasasalamat ng presidente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang Badong ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay n
Annie POV: Year: 2010 Nandito kami ngayon nina Joan at Shiela sa isang kilalang mall. Sabi nga nila sa akin ay sikat na sikat daw ang mall na ito, isang dating action star daw ang may-ari ng mall na ito at nang magsawa sa pag-aartista ay naisipang mag negosyo at ngayon, isa na siya sa pinaka mayamang negosyante sa bansa. In other words bilyonaryo! Well, alam ko naman ang lahat ng iyon, hindi kasi nila alam na ang taong sinasabi nila ay isa lang naman sa mga very important client ng mga magulang ko. Ang pamilya namin ay nagmamay-ari ng isang malaking security company na nag-e-escort sa mga mayayamang tao, katulad ng artista, negosyante, politiko at iba pang may kakayahang magkaroon ng mga profesional personal body guards. Noong umpisa ay sila Kuya lang naman sa miyembro ng pamilya namin ang unang tauhan ng business namin, kaya nga kaming magkakapatid ay pinag-aral ng martial arts. Importante raw kasing marun
Dave POV: Nasa opisina na ako ng mall kung saan may kakatagpuin akong kliyente sa araw na ito. Hindi ko inaasahang makikita ko rito sa mall na ito ang isang taong kailan man ay hindi ko ini-expect na makikita ko. Si Annie, the girl I see last year in the school of my nephew. At ngayon ay sweet sixteen na siya, sa mga susunod na buwan ay mag lalabing pitong taon gulang na siya. Napabuga ako ng hangin sa isiping napaka bata pa rin pala ng babaeng iniisip ko. Isang bagay na matagal ko nang pinipigilan. Sa tingin ko ay hindi ko na dapat pa bigyan ang sarili ko ng pagkakataong makita pa ang taong hindi ko dapat makita. Kaya naman ginawa ko na ang lahat para lang hindi na magtagpo pa ang aming mga landas pero pilit padin kaming pinagtatagpo ng tadhana. Sa lahat naman ng kumpanyang makakapasa sa bidding ay Buenaventura pa ang nakapasok para mag provide ng mga bago kong bodyguards. Sadyang mapaglaro ang tadhana, yung mga taong pinipi
Simula ng gabing iyon ay hindi na naging maayos pa ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero may kung anong naging dahilan at bigla na lamang akong nagkasakit at hindi na nakapasok sa school ng mga sumunod na araw. May tatlong araw yata akong nakaratay sa aking kama at inaapoy ng lagnat. At nakita nga sa aking katawan ang mga butlig-butlig na napaka kati. "Hala! bulutong lang pala, akala namin ng Papa mo ay kung ano na ang nangyayari sa aming bunso," sabi ni Mama nang dalawin niya ako sa aking kwarto. "Ha! Mama, you mean I have a chicken fox!?" tanong ko sa kanila dahil hindi ako makapaiwala na nagkaroon ako nang ganoong sakit. Nahawakan ko pa nang dalawa kong kamay ang aking mga pisngi. "Siya nga pala anak, ililipat ka namin sa hospital," sabi ni Mama na ikinagulat ko naman. "Bakit po!?" pabigla kong nasabi. At bigla ring napabangon sa pagkakahiga. "Ano bang nangyayari sa'yo anak? Humiga ka nga muna uli," ta
Halos isang linggo akong hindi nakapasok sa school kaya hindi ko namalayang mag ga-graduation na pala. At pagkatapos naman ng graduation ngayong Marso ay papasok naman ang buwan ng Abril at ang kaarawan ko naman ang daraan.Pagpasok ko sa school namin ay wala na pala kaming ginagawa kundi ang mag-practice para sa graduation namin. Mabuti na lang at ginawa ko na ang mga home work at project ko kahit na may bulutong ako. Nawala naman kasi ang lagnat ko at hinintay ko na lang mawala ang mga butlig na tumubo sa aking katawan. Kaya naman hindi ako naghabol ng mga activities pagpasok kong muli sa aming paaralan."Wow! Ilang weeks na lang talaga at makaka-graduate na tayo!" masayang wika ni Carol.Isa sa mga kaibigan namin sa school. Hindi masyadong sumasama sa amin si Carol, pero pagdating dito sa school ay parati itong nakadikit sa amin. Hindi namin alam pero ang sabi niya ay strikto raw kasi ang Tito niya. Ito 'yong maituturing kong palaging tumatalo sa akin pagdati
A few weeks later: April 2,2010: Idinaos ang aming graduation, at gaya nga ng alam ng marami ay nakamit ko ang titulong "Salutatorian" At ang lahat ay masayang-masaya sa kaganapang iyon ng aking buhay. Naroon ang aking Mama, at ang usapan namin ay sama-samang kakain sa isang restaurant kasama ang buong pamilya. Ngunit bago umuwi ay nagpaalamanan na muna kaming magkakaibigan. Uuwi na sana kaming lahat upang makipag bonding sa mga pamilya namin. Nang bigla namang magsalita si Carol at hindi namin inaasahang dadalo si Mr. Santivaniez sa graduation na ito. Noon kasi ay never naming nakita ang guardian ni Carol, kahit na sa anong okasyon sa school. Pero nang araw na iyon ay dumalo ito at nakipagsaya sa marami na para bang simple lang siya tulad ng iba. Sabagay halos lahat rin naman ay mayayaman tulad niya. Ang kaso lang alam nang lahat kung gaano ito kayaman. Inaamin naman naming lahat na wala kami sa kalingkingan nito. "Gusto sana ng Tito ko na im