Halos isang linggo akong hindi nakapasok sa school kaya hindi ko namalayang mag ga-graduation na pala. At pagkatapos naman ng graduation ngayong Marso ay papasok naman ang buwan ng Abril at ang kaarawan ko naman ang daraan.
Pagpasok ko sa school namin ay wala na pala kaming ginagawa kundi ang mag-practice para sa graduation namin. Mabuti na lang at ginawa ko na ang mga home work at project ko kahit na may bulutong ako. Nawala naman kasi ang lagnat ko at hinintay ko na lang mawala ang mga butlig na tumubo sa aking katawan. Kaya naman hindi ako naghabol ng mga activities pagpasok kong muli sa aming paaralan.
"Wow! Ilang weeks na lang talaga at makaka-graduate na tayo!" masayang wika ni Carol.
Isa sa mga kaibigan namin sa school. Hindi masyadong sumasama sa amin si Carol, pero pagdating dito sa school ay parati itong nakadikit sa amin. Hindi namin alam pero ang sabi niya ay strikto raw kasi ang Tito niya. Ito 'yong maituturing kong palaging tumatalo sa akin pagdating sa pagiging beauty and brain!
"Edi wow! Malapit na ang graduation ni hindi manlang kami naka punta sa house ninyo!" sabat ni Shiela kay Carol na sinasamyo ang malakas na hangin na dumadampit sa kanilang mga mukha.
Nasa labas kami ng building ng mga oras na iyon. Ang bawat isa sa amin ay nakasalampak sa damuhan, si Shiela ay may dalang gitara at si Joan naman ay mga pagkain at ibat-ibang stistiria na pinabili ko ang bitbit. Samantalang ako ay naroon lang din at nakatingala sa mga dahon habang nasa ilalim kami ng silong ng malaking puno ng mangga.
"Grabe siya," sabi ni Carol. Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Alam ninyo na man na strikto 'yong Tito ko eh," sabi nito na ngumuso na lang.
"Ikaw ba? kamusta ang pakiramdam mo? Mahirap sigurong makulong sa kwarto ng isang linggo no? Sayang at hindi kita nadalaw," tanong nito na ako naman ang binalingan.
Nginitian ko naman ito bago sinagot, "Okay lang iyon, muntik pa nga akong madala sa ospital, mabuti na lang at sinunod nila ako na wag na lang. Paano kasi may isang epal na gusto pa akong ipadala sa ospital," sabi ko. At napapanguso pa ako habang nagsasalita.
"Ha!? Sino naman 'yong epal na iyon!?" gulat nitong tanong. Nahuhuli ito sa balita dahil sa hindi ito nakakasama sa mga lakad namin. Hindi nito alam ang tungkol sa mayamang lalaki na nakabangga namin.
"Edi sino pa! Si MR. SANTIVANIEZ!" sabay pang sabi nina Joan at Shiela, na kapag iyong taong iyon ang pinag-uusapan ay nabubuhayan ng dugo ang dalawa.
"SANTIVANIEZ!?" naulit ding sabi ni Carol, napalabi ito at napa isip.
"Oo, mayabang iyon! Pumasyal kami sa mall niya, nabangga na nga niya ako, at kaiiwas ko sa kanya ay nabangga ko si Shiella, aba! Sa halip na mag-sorry binigyan ba naman ang dalawa ng calling card! Bilhin daw namin ang gusto namin kahit saan," naiinis ko pang kwento kay Carol.
"Eh talaga naman wala kaming pangbili doon Girl! Sayang nga eh, baka pwede pa nating gamitin yun!" nabiglang sabi ni Shiela. Parang may isang bumbilyang lumabas sa tapat ng ulo nito gaya nang sa cartoons kapag nanonood ako ng telebisyon.
Kaya napahalakhak ako sa tawa. At nagtinginan sa akin ang tatlo. "Bakit? Gumana na naman kasi ang katalinuhan mo," sabi ko na lang sa kanila.
"Patingin naman nong calling card," sabi ni Carol sa dalawa. At inilabas naman iyon ni Joan at inabot kay Carol ang calling card.
Nang makita ni Carol ang calling card ay nanlaki ang mga mata nito. Napatakip ito ng kamay sa bibig. Nagtaka naman kami sa ikinilos niya.
"Bakit Carol? May problema ba sa card na yan?" nagtataka ko ring natanong sa kanya.
" Naku s-sorry ha mga girls," mahina nitong sabi, na tila nag-aalangan pang sabihin ang nais niya.
" Tell us, wag kanang mahiya Carol." sabi ko dahil nakita kong parang nag-aatubili siyang sabihin.
"Bakit ano bang probleama?" tanong ko uli sa kanya.
"Eh...kasi...siya ang Tito ko," napalunok pa ito ng laway bago tuluyang nasabi ang lahat ng katagang iyon.
Kaming tatlo naman ay napanganga sa narinig namin. Ang tinatawag kong epal kanina pa ay ang Tito pala ng matalik ko ring kaibigan. Iyon pala ang dahilan kung kaya hindi ito parating nakakasama sa amin. Dahil nga sa mahigpit ang Tito niya na siyang nagpapaaral sa kanya.
Bakit nga ba hindi ko naisip ka agad na magkamag-anak sila, pareho naman ang apelyido nila. Sa isang banda ay nakadama naman ako ng awa para kay Carol, ang hirap kasi nang nakikitira ka lang sa kamag-anak mo. baka pag-uwi niya ay pinagta trabaho pa siya nito sa kanilang bahay.
"Okay ka lang ba sa Tito mo?" tanong ko ka agad sa kanya. Kasi nga naiisip ko kaagad 'yong sitwasyon ng mga napapanood kong kagaya niya na nakikitira lang sa kamag-anak. Tapos ay pahihirapan sa mga gawaing bahay at inaapi.
"Oo naman!" natatawang sagot nito sa akin.
"Sure ka baka naman hindi mo lang inaamin sa'kin ha!?" sabi ko sa kanya na hindi ako makapaniwala na okay lang ang trato nito sa kanya.
"Grabe ka naman Annie, ano naman ang palagay mo doon kay Mr. Handsome! ang gwapo niya para maging bad person no!" exaggerated na sabi ni Joann sa akin.
"Bakit ba! Hambog kasi siya! ayaw ko sa kanya!" sabi ko pero para bang may kumurot sa puso ko na lihim kong ininda. At inirapan naman ako ng dalawa.
Maya maya ay may narinig kaming nagsisisgawan sa buong campus. Mga kababaihang nagtitilian na para bang nakakita ng artista. Maging ang mga naglalaro ng basketball na mga kalalakihan ay napahinto at nagsilingunan sa mga pinagkakaguluhang mga tao.
Napalingon kami sa di kalayuan at nakita namin ang grupo ng mga kalalakihang puros mga nakaitim. At una kong nakita ang Kuya ko. Napalabi naman ako at napa isip na din kung bakit naririto ang mga ito. Saka ko lang napansin ang VIP nila na nauna na sa kanila na makalapit sa amin.
"Oh, Hi Miss Annie, nandirito ka rin pala, Im glad to see you again." At ngumiti ito sa akin.
"Eh? Bakit ako?" malaking question mark ang lumabas sa aking isipan. Tanong na hindi ko rin alam ang kasagutan.
Nagulat akong ako kaagad ang binati nito. At dahil doon ay hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko. Tipid akong ngumiti para hindi naman ito mapahiya. Medyo umirap din ako nang maalala kong hindi pa pala kami okay.
"Tito, bakit po kayo napasugod dito?" singit na nagtatakang tanong ni Carol.
Bumuntong hininga muna ito sa kanya bago sumagot. "Well, just for you." maiksi nitong sagot sa kanyang pamangkin. Pero sa akin nakatingin.
"Sinusundo niyo na po ako?" tanong muli ni Carol.
Ngunit tumingin muna ito sa akin bago tumango sa pamangkin. Ako naman ay walang reaksiyong naka tingin lang din sa kanila. Nagkunwari akong deadma lang sa mga nangyayari, kahit na sa totoo lang ay binagsakan ako ng napakalaking question mark sa ulo ko. Hindi ko tinawag ang kuya ko upang hindi na maka agaw pa ng pansin sa iba.
Tumayo naman si Carol at tumingin sa amin at itinaas ang dalawang kilay para magpaalam sa amin.
"Bye girls!" masayang sabi ni Carol. Napansin kong sumilay ang saya sa mga mata ni Carol.
Kami naman ay sumagot nang tingin lang. Dahil sa nagulat din kami at ang dalawang kaibigan ko pa ay parang na freez na sa sobrang pagka-star struck sa kanila.
Sinundan ko na lang sila nang tingin habang papalayo sa amin.
"Uy! Wala na sila!" untag ko sa dalawang naka tulala pa rin.
"Grabe! Ngayon lang nakapunta dito si Mr. Handsome!" Kinikilig na sabi ni Shiela. At pinanginig-nginig pa nito ang balikat.
"Oo nga sobrang nakaka..." sabi rin ni Joan. Pero bigla itong napa-isip.
"bakit ganoon, ngayon lang sinundo si Carol ng Tito niya ha? Sa tagal na nating magkakaibigan at nag-aaral sa school na to!?" sabi nitong talagang may pagtatakha sa mukha niya.
"Oo nga no!" sabi ni Shiela. Na napasang-ayon sa kaibigan. At ang dalawa ay sabay na napatingin sa kin.
"E-ewan ko!" sabi ko sa kanila sabay pinaikot ko ang bilog ng aking mga mata.
Ang pangyayaring iyon ay nag-iwan ng marka sa aking isipan. Bakit nga kaya? At bakit ako ang una niyang binati sa halip na ang pamangkin niya? Bakit panay ang tingin niya sa akin na parang may gustong sabihin?
Naisip ko na lang na baka nais na nitong humingi ng sorry dahil sa hindi naging maganda ang una naming pagkikita. At naisip ko na ang dati kong inis sa kanya ay tila napapalitan ng di maipaliwanag na paghanga. Mukhang nahahawa na ako sa dalawa kong kaibigan na kinikilig at humahanga sa kagwapuhan nito.
Oh my gosh! Hindi ito pwede!
A few weeks later: April 2,2010: Idinaos ang aming graduation, at gaya nga ng alam ng marami ay nakamit ko ang titulong "Salutatorian" At ang lahat ay masayang-masaya sa kaganapang iyon ng aking buhay. Naroon ang aking Mama, at ang usapan namin ay sama-samang kakain sa isang restaurant kasama ang buong pamilya. Ngunit bago umuwi ay nagpaalamanan na muna kaming magkakaibigan. Uuwi na sana kaming lahat upang makipag bonding sa mga pamilya namin. Nang bigla namang magsalita si Carol at hindi namin inaasahang dadalo si Mr. Santivaniez sa graduation na ito. Noon kasi ay never naming nakita ang guardian ni Carol, kahit na sa anong okasyon sa school. Pero nang araw na iyon ay dumalo ito at nakipagsaya sa marami na para bang simple lang siya tulad ng iba. Sabagay halos lahat rin naman ay mayayaman tulad niya. Ang kaso lang alam nang lahat kung gaano ito kayaman. Inaamin naman naming lahat na wala kami sa kalingkingan nito. "Gusto sana ng Tito ko na im
April 2010 One month later: Natapos na nga ang buwan ng Marso at dumating ang buwan ng Abril, ito ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko sa aking buhay. Well, sino ba naman ang taong ayaw dumating ang kanyang kaarawan. Hay, ano na kaya ang magaganap sa'king birthday? Sa pagdating ng araw na iyon ay magiging ganap na akong seventeen years old. Pero naisip ko hindi pa iyon sapat para payagan ako nina Mama at Papa na maka punta sa abroad ng mag-isa. Syempre nag-iisa akong babae sa aming pamilya kaya naman sina Papa at Mama ay lubos ang pag-aalala sa akin. Naalala ko nang sabihin ko ang mga plano ko matapos ang graduation namin: "Bakit naman sa America mo pa gustong mag-aral n
Pagkaraan ng limang minuto ay nasa fourth floor na kami ng bahagi ng hotel. Hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kaibigan kong ito ang bar na iyon. Mayroon palang isang bar na wala namang ibang tao kundi ang isang lalaking bartender. Nagtataka ako kung bakit walang tao sa bar na ito, ang napansin ko lang ay mayroong napakaraming bote ng alak doon sa may counter, mabilis ngang nakalapit doon ang dalawa upang humingi ng alak. Ako naman ay lulugo lugong napasunod sa kanila. Umupo kami mismong counter kung saan maaari naming maituro ang mga wine na gusto namin. Napakaraming alak sa wine shelf nila. Naalala kong mayroon ding ganitong lugar sa bahay, may isang silid sa bahay nami
Dave POV: Napakalakas ng tunog ng telepono na malapit pala sa ulunan ko. Nahihilo pa akong medyo bumangon para lang sagutin ang makulit na telepono sa pag ri-ring nito. "Hello," sabi ko na pupungas-pungas pa ako. "Hello sir, may mapunta po diyan sa kwarto niyo," sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Ha! bakit daw?" gulat kong sabi sa kausap ko. "sir, may hinahanap po kasi sila, yung anak po noong may event dito kagabi sa hotel yung nag birthday po___" "Oo nga! Ano nga!" galit kong tanong dahil naistorbo ako sa pagtulog ko. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko
Annie's POV: Isang agreement ang pinirmahan namin lahat na naroroon. Ako, ang pamilya ko, at pati na rin si Mr. Santivaniez. Maging ang secretary niya at abogado na pinatawag niya. Pinapunta rin niya roon ang dati kong classmate at kaibigan na si Carol. Upang mapagtibay ang usapan at agreement na aming napagkasunduan. Para kasi sa kanya ay iyon na lamang ang pinaka magandang solusyon upang hindi makaladkad pareho sa kahihiyan ang mga pangalan at pamilya namin. Para sa akin ang lahat ng pabor na nakasulat sa papel na pinirmahan namin. Iyon daw ay magiging valid hanggang sa makabalik ako galing America. Siya at ako ay hindi maaring makipag comitmment sa ibang tao liban na lang kung sabihin kong malaya na ang isa sa amin na gawin ang gusto ng bawat isa. Sa araw na makabalik ako.
Dave's Pov: Naisipan kong puntahan ang kaibigang kong doktor, siya ang pinamahala ko sa isa sa mga ospital na kasama sa mga naitayo kong negosyo. Matagal na kaming magkaibigan. Isa siya noon sa mga doktor na gumamot sa akin noong nasa army pa lang ako. Una akong naging U.S army sa L.A bago pa ako nagpasyang maging action star artist dito sa bansang ito. Ngunit sa kalaunan ng aking pagiging artista ay nakita kong hindi naman ako nag-evolve. Hindi maganda ang mga pelikulang nagagawa ko at alam kong hindi magiging tuloy-tuloy ang pagsikat ko. Kaya naman naisipan kong magtayo ng maraming uri ng negosyo. Mula sa mga minana kong kayamanan ng aming angkan at sa mga kinita kong pera. Yumaman ako nang yumaman, hanggang sa maabot ko na ang takdang bilang ng mga kayamanan ko. Marami akong prop
"Hello Joan! Nasaan na ba kayo?! Nandito na ako sa Airport," excited kong sabi sa mga kaibigan kong si Joan at Shiela. Simula nang umalis ako ay hindi naman kami nawalan ng communication nina Joan at Shiela. Kaya ngayong nakabalik na ako dito sa sarili kong bansa ay sila rin ang una kong pinagsabihan. Hindi ko muna pinaalam sa pamilya ko ang pagababalik ko dahil may gusto pa akong gawin ng ako lang mag-isa. May gusto pa akong lutasin nang ako lang sa sarili ko. Isa pa ay nasa tamang edad na ako, hindi ko na kailangan pang pumisan sa mga magulang ko. Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang dalawang naglalakad sa di kalayuan. Si Joan ang may hawak ng cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. Narinig ko na sa phone ko ang boses nito.
A few moments later:Wala na ang dalawa kong kaibigan, pinaikot ko ang paningin ko sa buong apartment na ngayon ay magiging tirahan ko. Sandali akong nasiyahan at nakaramdam din kaagad ng kalungkutan. Masaya sanang mamuhay nang ganoon, simple lang kasama ang lalaking itinadhana sa akin ng Diyos.May mga gamit na ang apartment bagay na ipinagtaka ko at nalimutang tanungin ang mga kaibigan ko. Mula sa kusina hanggang sa sala at sa kwarto ko ay kumpleto na rin ang mga gamit. Nagtaka ako kung saan naman sila kumuha nang pambili ng mga gamit na ito. May kamahalan pa ang ilang mga gamit na naroon.May dalawang kwarto ang aparment at isang banyo, at may kalawakang kusina. Naka tiles ang lababo at stainless naman ang pinaka hugasan ng mga pinggan. May mga nakasabit na gamit pang-luto at kumpleto ang laman ng kabinet at may mga delatang stock doon.Namangha ako ng sobra, ganito pala sila ka-organize sa pag-aayos ng matitirhan ko. Sobrang pasasalamat