Share

CHAPTER 66

Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya.

Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit.

Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status