Share

CHAPTER 17

Tiningnan ni Rose ang sarili niya sa salamin. Sakto lang ang dress na binigay sa kanya ni Xavion. Iyon nga lang ay hapit na hapit sa katawan niya, revealing her curves. Ngayon lang siya nakapgsuot ng damit na ganoon.

Inangat niya ang mga kamay niyang nanginginig. Muli na naman niyang makakaharap ang ina ni Xavion, at ngayon pati na rin ang ama nito. Paano kung ganoon din ang tingin sa kanya ng ama ni Xavion? Ayaw niyang magmukhang kawawa.

Isa pa sa posibilidad na mangyayari ay ang maitanong ang buhay niya sa syudad. Hindi niya pwedeng sabihin na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo o nagkaroon ng maayos na trabaho. Mas lalo siyang mamaliitin.

Pero kung magsisinungaling siya, paano kung magbackground check ang mga ito sa kanya? Napasapo siya sa kanyang ulo sa kaiisip ng mga bagay-bagay. Siguro hindi na lang siya magsasalita.

Napaigtad siya nang biglang may kumatok sa pinto. Tiningnan niya muna ang itsura sa salamin at sinuri kung may kulang pa ba. Hindi naman siya mahilig sa make-up kay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status