Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw sa labas ng bintana ng classroom namin. It's our first day pero hindi ko maipaliwanag kung bakit kanina pa mabigat ang pakiramdam ko. Mula no'ng lumabas ako ng dorm namin hanggang sa makarating kami rito ay hindi mawala ang kakaibang pakiramdam na 'yon.“Ang tagal naman ni Ma'am!”Napatingin ako sa katabi kong babae. Siya si Lana. My best friend slash enemy at the same time. Mula pa high school ay magkaibigan na kami. Tapos parehas pa kami ng course kaya hindi na kami napaghiwalay.Hindi ko na lang siya pinansin at muling tumingin sa labas ng bintana. Kita ko ang quadrangle kung saan maraming mga estyudante na naglalakad.“Jane, tignan mo, oh!”Muli akong napatingin kay Lana no'ng kinalabit niya ako.“Ano?” nakakunot ang noong sabi ko.Hindi ako nilingon ni Lana. Nakanguso lang siya kaya sinundan ko 'yon ng tingin.Lawrence?Natigilan ako nang makita ko kung sino 'yong nginunguso siya. Bakit andito rin siya? Papasok siya sa loob ng classroom. Um
“Hoy, ano’ng nangyari sa ‘yo?” puno nang pagtatakang tanong ni Lana sa akin. “Bakit mo sinungitan yung dalawa?” Hindi ko siya sinagot. Kunyari ay wala akong narinig habang inilalabas ko ang mga damit ko mula sa maleta ko. Nasa loob na kami ng kwarto namin at sa sobrang kamalasan ko pa ay katapat ng kwarto namin ang kwarto nila Lawrence. Bakit ba kasi gano’n? Bakit na isip pa ng dean ‘yon? Hindi ba niya alam na hindi tama na pinagtatabi ang mga kwarto ng babae’t lalake? Naka-move on na ako kay Lawrence. Kaso, ewan ko. Hindi mawala yung guilt na nararamdaman ko. Alam kong matagal na ‘yon. Diyos ko! Five years na ang nakalipas! Siguro naman ay napatawad na niya ako, ‘di ba? “Jane!” tawag ulit sa akin ni Lana. Pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na pala siya sa tabi ko at nakapamaywang pa. Itinigil ko ang ginagawa ko at tiningnan siya. “Bakit ba?” “Nakakahiya!”“Ano’ng nakakahiya ro’n? Ayaw ko silang makausap. Kung gusto mo siyang kausapin edi pumunta ka sa kwarto nila.” Itinuro ko
Masasabi kong nagkaroon na kami ng closure ni Lawrence matapos naming magkausap. Kagaya noong nasa high school pa lang kami. Kaming apat ang naging magkakaibigan. Noong una ay medyo na ilang pa ako. Syempre? Ex ko pa rin siya kahit papaano. Lalo na no'ng nalaman ko na talaga pa lang nag-transfer sa university namin si Lawrence para lang magkausap kami. Bigla tuloy akong nakonsensya. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin ako sa kanya nakipagbalikan. Tsaka sabi naman niya ay ayos lang iyon dahol naging magkaibigan naman kami ngayon. Madalas ay napunta silang dalawa sa kwarto namin. Sabay-sabay kaming apat kumakain palagi. Never kong na imagine na magiging masaya pala nang ganito ang last year ko sa college. Swerte pa namin na palagi kaming magkakasamang apat tuwing reporting. Kagaya ngayon, nandito si Lawrence at Carlo sa kwarto namin. Report kasi namin bukas kaya kailangan na naming matapos ang kakailanganin namin. Ako, na nasa higaan ko ay naghahanda ng mga questionnaire. Sina Carl
Dali-dali akong bumalik sa building namin noong makuha ko na ang wallet. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang kaba ko habang naglalakad. Pakiramdam ko kasi ay hawak-hawak ko ang pinaka importanteng gamit ngayon sa school. Papaliko na sana ako sa room namin noong bigla akong may nakabunggo. Napangiwi ako at magagalit na sana pero natigilan ako noong matitigan ko kung sino ang nakasalubong ko. “I'm sorry. Ayos ka lang ba, hija?” nag-aalalang tanong ng matandang lalaking nasa harapan ko.Napaatras ako at agad na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. “A-Ayos lang po ako! Sorry!” kinakabahang sabi ko at agad na tumungo. “Ayos lang. Nagmamadali rin ako. Mag-iingat ka sa dinadaanan mo. Baka mapahamak ka lalo.”Agad kong napatingin sa kanya. Bigla akong binalot ng takot dahil sa kaniyang mga ngiti. Pakiramdam ko ay may kakaibang kahulugan ang kaniyang sinabi. Tumango na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Kilala ko siya. Madilim ang paligid kagabi ngunit tanda ko ang pustu
Tulala ako sa buong klase namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong mapanood ang video ni James. Hindi ako makapaniwala na ang isang Rodrigo Navarro ay isa pa lang mamamatay tao. Nakita ko siya noon dahil siya ang may-ari ng eskwelahan na ito. Once a year nagpupunta siya rito para bisitahin ang buong school. Noong unang kita ko sa kanya ay masasabi ko naman na mabait siya. Napaka galang niya sa mga tao at marespeto sa mga babae. Kaya nakagugulat nagbabalat-kayo lang pala siya. Halang ang kaluluwa. Muling bumalik ang ulirat ko noong marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Agad na napuno ng bulungan ang loob ng classroom namin. “That's it for today, class. Don't forget your assignment for our next meeting,” paalam ng prof namin. Agad na sumagot ang mga kaklase ko ng “Yes ma’am!” at nagsipaghandaan na para sa paglabas. Pero ako? Nanatili akong tulalang nakatingin sa unahan namin. Hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na lumabas ng silid na ito. “Hoy, Ja