Share

Chapter 9

Nang gabi’ng `yun, kinausap ako ni Mama at ni Dad.

”Sabi ni War, pinilit mo raw s’ya pumasok sa kuwarto mo,” sabi ni dad. ”Naamoy ka raw n’ya kaya `di s’ya nakapagpigil ng sarili.”

”Ho?!” nagulat ako sa sinabi n’ya! ”S-si War po ang pumasok sa kuwarto ko! Sabi po n’ya tutulungan n’ya `ko, kasi...” natigilan ako.

”Kasi ano?” 

”Kasi... may estrus ako... kaya tinulungan n’ya ako’ng magbihis...”

”Ano? Nagpapasok ka ng alpha sa kuwarto mo, eh alam mo’ng may estrus ka?!” galit na bulyaw ni Dad. Napakagat ako sa labi, nagpigil ng luha.

”Josh, `di ba sabi ko sa `yo, `wag kang maglalalapit sa mga Kuya mo, lalo na `pag in heat ka?!” mahinahon na sabi ni Mama, ”`Di ba’t kabilin-bilinan din namin na `wag kang papasok sa kuwarto nila? Dapat `di mo rin sila pinapapasok sa kuwarto mo!”

”Josh, alam mo namang pareho’ng alpha ang mga Kuya mo, parang lason sa kanila ang amoy mo, lalo na kapag in-heat ka!” sabi pa ni Dad.

”Umiinom naman po lagi ako ng gamot, eh... kanina nga lang... painom pa lang ako, kasi kakakain ko lang...” tumingin ako kay Mama para kampihan ako, pero galit din ang tingin n’ya sa `kin.

”Kahit pa may gamot ka, dapat lagi ka pa rin nag-iingat! Kita mo nga, muntik nang may mangyari sa inyo!”

”At tingnan mo nangyari sa Kuya War mo! Hanggang ngayon, bagsak dahil sa sinaksak mo sa kanyang suppressant! May exam pa naman sila bukas sa university!”

”S-sorry po, Dad...”

”Sorry is not enough!” sigaw nito. Si Mama naman ang hinarap n’ya, “This is why I told you to send him to a boarding school!”

Napatingin ako kay Mama na hindi makaimik.

”Kausapin mo `yang anak mo,” sabi ni dad. “Ayoko’ng maulit pa `to sa pamamahay ko!”

Niyakap ako ni Mama paglabas ni dad ng kuwarto ko.

“Ayos ka lang ba, anak? Hindi ka ba nasaktan?”

“Hindi po, Mama... totoo po ba? Gusto ako ni dad ipadala sa boarding school?” nanginig ang boses ko. “Ayaw po ba n’ya sa `kin?”

“Hindi anak, iniingatan ka lang ng Daddy mo, kaya gusto ka n’yang ilayo sa mga Kuya mo...”

“Eh, mommy, bakit ang apelyido ko, Safiro pa rin, parang sa papa ko. Bakit hindi ako naging Diaz, tulad mo?” Tuluyan na ako’ng napaiyak. “Dahil ba sa ayaw ako ni Dad maging anak?”

“H-hindi, anak, a-ako talaga nagpilit noon! Ano... swerte kasi pangalan mo... kaya hindi ko pinapalitan!” Hinalikan ako ni Mama sa ulo. “Saka... `di ba mas maganda ang Safiro kesa Diaz? Mas unique! Eh, ang dami nang Diaz sa Pinas!”

Pinunasan ni Mama ang luha ko.

“O, anak, tahan na, sige ka, baka makamukha mo ang Daddy mo, laging lukot ang mukha!”

Natawa ako sa sinabi ni Mama. Lagi nga nakasimangot ni dad, noon ko nga lang ata s’ya nakitang nakangiti, noong sinabi n’ya na nililigawan n’ya si Mama.

”Sorry talaga, Mama.”

“Tahan na baby ko, `wag ka’ng mag-alala, kakausapin ko ang Daddy mo para `di na magalit, basta, tandaan mo, ha? `Wag ka na’ng lalapit sa mga Kuya mo, lalo na kay War! Noon pa man, alam ko na’ng may pagka manyakis ang isang `yun! Pati ang Kuya Win mo, `wag ka na rin muna maglalalapit, at busy `yun sa pag-aaral, graduating pa naman `yun.”

“Opo, Ma, hinding-hindi na po ako lalapit sa kanila.”

Mula nga noon, hindi na `ko lumapit kay War. Buti na rin at dumalas `uli ang pag-uwi n’ya ng gabi, kaya bihira na rin kami magkita sa bahay. Ang madalas ko’ng maabutan, si Kuya Win na graduating sa kurso n’ya’ng medicine. Lagi nga lang s’yang busy sa kuwarto, nag-aaral.

Noon nagsimula ang mga bangungot ko.

Sabi ni Mama, tulog mantika raw ako, mula pa nang bata. Dati nga, nagkasunog sa lugar namin, ni `di ako nagising, nagulat na lang ako, kinabukasan, nasa evacuation center na kami.

Pero mula nang mapagalitan ako ni dad, madalas na ako’ng nananaginip na may malaking halimaw na dumadagan sa `kin. Umuupo s’ya sa dibdib ko, ang hirap tuloy huminga! Tapos may sinasaksak s’ya sa bibig ko, tapos `pag gising ko kinabukasan, parang ang lagkit ko lagi.

Inisip ko naman, baka dahil lang `yun sa sama ng loob ko kay War, kasi, nagsinungaling s’ya, nagalit tuloy si dad sa `kin. Pero, nakakatakot talaga mabangungot, kaya minsan tuloy, ang tagal ko’ng makatulog sa gabi, kasi baka mapanaginipan ko nanaman s’ya.

Isang gabi, nagbibilang ako ng kidlat sa labas. Malakas ang ulan, at hindi ako makatulog dahil baka bangungutin nanaman ako. `Di ko alam kung ano’ng oras na no’n, nakadapa lang ako sa kama, yakap ang unan ko.

Narinig ko bumukas `yung pinto ko. Inisip ko, sinisilip ako ni Mama, kaya nagkunwari agad ako’ng natutulog, baka kasi mabisto n’ya na nagpupuyat ako.

Lumundo `yung kama nang umupo si Mama. Inikot n’ya ko para humiga nang maayos at tinanggal `yung unan na yakap ko. Nanatili ako’ng nakapikit para `di n’ya `ko mabisto. Ang tagal n’ya `kong tinititigan, `di s’ya gumagalaw, ako naman, sige, pikit pa rin.

Nagulat ako nang dumagan s’ya sa dibdib ko.

Inisip ko, baka niyayakap lang ako ni Mama, pero binuka n’ya ang bibig ko at may kung anong pinasok dito.

Napadilat ako.

Pagtingin ko sa harapan ko, may nakita ako’ng anino na nakaupo sa dibdib ko! Malaking tao s’ya, nakayuko sa `kin, at mukhang may kapit s’yang b****a na nakapasok sa bibig ko!

“AHHHHHHH!!!! MAMAAAA!!!” sigaw ko!

Laking gulat ng mamaw nang magsisigaw ako! Dinuraan n’ya ko sa mukha at nagmamadaling umalis sa tuktok ko!

”MAMA!!! MAY HALIMAW!!! MAMA!!!”

Nagwala `yung halimaw!

Bumagsak s’ya sa kama ko, tapos tumayo `uli, tapos bumagsak `uli sa sahig, at saka tumakbo palabas ng kuwarto ko!

”Ayy!” napasigaw si Mama sa labas!

”MAMA!!! MAMA!!!” nanginginig man sa takot, tumayo ako sa kama para tignan kung ano’ng nangyari!

”Josh?! Anak?!” nagkasalubong kami ni Mama na patayo mula sa lapag, mukhang tinulak s’ya nung mamaw!

”Mama! Nakita n’yo `yung halimaw? Sinaktan ka ba n’ya?!”

Tumingin ako sa paligid, noon ko nakita si Kuya Win na nakaupo rin lapag, sa may paanan ni dad, mukhang tinulak din s’ya nung halimaw!

”May halimaw sa kuwarto ko! Ang itim n’ya at ang laki! Balak n’ya ko’ng hampasin ng b****a sa mukha!”

”Josh, sandali, huminahon ka muna!” niyakap ako ni Mama.

”Pero `yung mamaw... Nakita mo rin s’ya `di ba?” napatingin ako kay Kuya Win na boxers lang ang suot. Mukhang namamaga ang kaliwang mata n’ya ”Ikaw, Kuya Win? Nakita mo rin `yung halimaw? Sinaktan ka ba n’ya?”

Hindi ako sinagot ni Kuya Win. Ni hindi s’ya makatingin sa `kin.

”Anong nangyayari rito?” tanong ni War na sumilip mula sa kuwarto n’ya.

”Wala!” sigaw ni dad, ”Walang halimaw!”

“Pero-“

“Magsibalikan na kayo sa mga kuwarto ninyo!”

“Pero... eto, o!” pinunasan ko yung malagkit na plema sa mukha ko, “Dinuraan ako nu’ng halimaw nang nagsisigaw ako!”

Pinakita ko `yon kay dad na mukhang lalong nagalit.

“Pfft...” napatingin ako kay War na nagpipigil ng tawa. “Tama, may halimaw nga! Pustahan, cyclops `yun.”

“Hindi! Si bangungot `yun!” pilit ko, “M-madalas na `ko’ng bangungutin mula nang magalit sa `kin si Dad!”

“You don’t say?” lalong natawa si War, lumapit naman sa `kin si Mama na yumakap sa `kin.

“Sinabi nang walang halimaw, eh!” pilit ni dad na tumataas na lalo ang boses. “Bumalik ka na sa kuwarto mo!” sigaw n’ya sa `kin, “At matulog na kayo’ng lahat!”

“Halika na, anak, sasamahan na lang kita para `di ka na bangungutin,” sabi sa `kin ni Mama.

Kinandado n’ya `yung pinto ko pagkapasok namin sa loob. Narinig ko may sumisigaw sa labas, pero, sinama ako ni Mama sa kama at magkayakap kaming humiga rito.

“Halika nga anak,” pinunasan n’ya ang mukha ko, “ba’t naman `di mo sinasabi kay Mama na binabangungot ka pala?” tanong n’ya na parang galit.

“Eh... akala ko, panaginip lang `yun... hindi ko naman alam na may mamaw talaga rito!”

Suminghot ako. `Di ko masabi sa kan’ya na dahil `yun sa bihira na kami magkita, kahit pa sa iisang bahay lang kami nakatira.

“O, umiiyak ba ang babay ko?” humigpit ang yakap n’ya sa `kin, ”Tahan na, narito na si Mama, wala na `yung bangungot mo...”

Lalo lang ako’ng naiyak sa yakap n’ya.

Minsan talaga, iniisip ko na sana, `di na lang ako nagkaroon ng bagong Daddy. Sana, kami pa rin ang magkasama ni Mama sa maliit naming apartment sa Bambang.

“Sige na, tulog na ang baby ko...”

Kinantahan pa ako ni Mama.

Magkayakap kaming nakatulog noon, at sa wakas, `di na `ko nakapanaginip nang nakakatakot.

psynoid_al

- One Way Talk - Kung ikaw si Josh, hahayaan mo lang ba na baligtarin ka ni War? a. Oo, gustong-gusto ko ang mabitin nang nakatiwarek. b. Hindi, lintik lang ang walang ganti. c. Hindi, pero wala nman ako'ng magagawa kung `di patawarin siya (hikbi). d. (post your own answer on the comment section)

| Like
Comments (1)
goodnovel comment avatar
ghost the gray
c - sana all! .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status