SA loob ng drawing room, itinuloy ng mag-anak ang aminan ng mga lihim."Mula pagkabata ay tatlo kaming magkakasama nina Orlando at Sebastian. Daig pa ang magkakapatid," salaysay ng nakatingin sa labas ng bintana na si Emileen. "Mas matanda sila sa akin at iba ang kalagayan sa lipunan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming samahan, dahil ang mga ama namin ay matatalik din na magkakaibigan noong araw— ang aking tatay Julian, ang tatay ni Orlando na si tiyo Alberto, at ang biyudong tatay ni Sebastian na si tiyo Artemio. Noong namatay ang tiyo Alberto, ang nanay ni Orlando na si tiya Juana ay pinakasalan ni tiyo Artemio. Kahit pa magkaibigan ay hindi tinanggap ni Sebastian ang mag-inang Orlando at Juana. Sa huli namin nalaman na matagal na palang may inggit si Sebastian kay Orlando na lalong tumindi nang pamanahan ng mas malaki ang mag-ina noong pumanaw si tiyo Artemio at noong. . . noong sinagot ko ang pag-ibig ni Orlando. Hindi ko alam na gusto niya ako. Hanggang sa kidnap-in niya
Maaliwalas ang panahon, mabituin ang kalangitan, at napakatahimik ng paligid.Isang dalaga sa kaniyang silid ay tahimik na kaharap ang papel, habang nag-iisip kung paano ipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng panulat.Ilang sandali pa ay gumana na ang kaniyang kamay...Hi. I am Yelena Montero. 23 years old. Slim, matangkad, matalino, tahimik, mahiyain, at mabait. Fine Arts fresh graduate. Cum laude. Maraming nagsasabi na napaka-perfect ko. Ang ilan pa nga sa mga classmates ko tahasang sinasabi na sana sila na lang ako. Sa mga iyon ay ngumingiti lang ako.Wala silang alam. Hindi nila alam na sa likod ng kinaiinggitan nilang talino at mukha, nagtatago ang isang malungkot na puso.Nag-iisa akong anak. Ang mama ko ay single mom. Ayon sa kuwento niya, nakilala nya ang papa ko sa Maynila at nagpakilalang binata. Nagmahalan sila at ako ang naging bunga. Kaya lang, doon nalaman ni mama na may pamilya pala si papa. Tunay na pamilya at lima ang anak niya. So anak ako sa labas. Iniwan ni mama
"Lenaaa!"Kasabay ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng kuwarto ni Yelena ay ang malakas na pagtawag sa kanya ng kaniyang tiyahin na si Ediza. Pupungas-pungas siyang tumayo at sinilip ang oras sa kanyang cellphone. 5:34am, ayon doon.She groaned. Napakaaga pa, susko! Ang tiyahin niya talaga oo. Magmula pa noong bata siya, ang gusto nito kapag gising na ito, gising na rin ang lahat. Hindi niya maaaring irason na puyat siya sa kapipinta dahil unang-una ay hindi naman ito sang-ayon sa propresyon niya. Ganoon rin ang uncle niya na katabi lang ang tinitirhan nila. Ani ng mga ito'y gutom ang inaabot ng mga pintor dahil mahirap magkapera sa pagpipinta. Bagay na hindi na niya sinalungat pa. Never naman siyang sumagot sa mga ito. Natapos niya lamang ang kurso niyang Fine Arts dahil sa pamimilit ng mama niya sa mga ito.Ang tiya niya na isang matandang dalaga at ang uncle niya na may dalawang anak ay parehong nakatatandang kapatid ng mama niya. Ang mga ito ang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya
Antok na antok man, pilit dinidilat ni Yelena ang mata habang ka-video call ang kanyang ina. Nagpaalam siya ritong pupunta sa pool party ng isang kaibigan. Pumayag ito. Mabait ang kanyang mama kaya hindi siya naglilihim rito. Inamin niya rin rito na nagsinungaling siya sa kaniyang tiyahin sa pag-asang payagan siya nitong umalis ngunit bigo siya. Naintindihan nito."Bukas na ang alis mo. Hindi mo kabisado ang Maynila. Mag-iingat ka doon ha?" panglimang beses na yatang bilin nito."Opo, 'Ma." Panglimang beses niya na ring sagot."Makibalita ka sa mga kaibigan mo. Mamaya hindi natuloy.""Tuloy po." Inabot niya sa bedside table ang invitation card na pinabigay ni Tyler sa kanya ng nakaraang araw at pinakita sa ina. "Settled na po lahat. Sa Villa nina Theya po gaganapin ang party. More on reunion po naming magkakaibigan 'yon keysa birthday party."Tumango ito. "Susunduin ka ba diyan?""Opo. Dalawa kami ni Eureka ang susunduin ni kuya Tyler." Si Eureka ay ang kaibigan nila na may pag-aaring
"Hoy, Yelena. Nakikinig ka ba?"Napaatras pabalik si Yelena nang hilahin siya sa damit ni Tyler. Inis siyang tumingin dito. "Oo, kuya. Ginagawa mo akong bata." Noong una ay pinagpalit siya nito ng damit. Hindi siya nagpatinag rito kahit sinabi nitong mas mukha siyang aattend ng first communion keysa pupunta ng bar sa napili niyang dress. Doon siya mas komportable."Mukha ka roong laro sa diyaryo.""Ano'ng laro?""Spot the difference. Ikaw ang different." Iniamba niya rito ang kamao pero nagpatuloy ito. "Lahat ng mga babae doon, nagpapa-sexyhan.""Hindi ako ibang babae. Gusto ko lang maranasan pumasok sa isang bar.""Pumasok lang pala." Hinila siya nito sa braso papasok, ngunit nakadalawang hakbang palang sila sa loob, hinila na siya nitong muli palabas. "Ayan. Nakapasok ka na. Uwi na tayo."Yelena stomped her foot in frustration. "Usok lang ang nakita ko, Kuya. Gusto ko maranasan uminom, sumayaw at sumigaw doon.""Good grief... Kung gusto mong magrebelde sa pamilya mo, 'wag rito. Para
Did she just say yes to this stranger? Ano ang nangyayari sa kanya? Ano itong pakiramdam niya na hindi niya maintindihan? Lihim na tinatanong ni Yelena ang sarili habang nakatitig sa mga mata ng estrangherong katabi. Hindi pa siya umiinom, but her mind was already clouded with thoughts she didn't know she was capable of.Tila may kuryente at mainit na bagay na tumutulay sa mga ugat niya mula sa kamay nitong humahaplos sa batok niya pakalat sa kaniyang katawan.Nasubukan niya na rin namang madikit kina Tyler at Kiel, pero hindi niya naramdaman ang ganito.Ipinilig niya ang ulo. No! Umoo siya dahil gusto niya lang tumikim ng alak. Iyon lang 'yon. "Tikim lang," she said in a small voice. "Gusto ko lang ma-try kung ano'ng lasa."Pero paano kung totoo ang sinasabi nito na epekto ng alak at mapahamak siya? Pinaalalahanan na siya ni Tyler.Isa ba ang estrangherong kaharap sa sinasabi ni kuya na agila na dumadagit ng sisiw? piping tanong ni Yelena sa sarili.Alam niyang ang ibig sabihin ni Ty
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yelena nang mapagtanto ang ginawa. Nanlalaki ang mata na pabigla niyang itinulak ang estranghero at nagmamadaling tumakbo palayo rito. Hindi niya ito kayang tingnan.Wala sa sariling itinutulak niya ang mga babae at lalaking bumubunggo at humaharang sa dadaanan niya.Ano ang ginawa niya? Ano ba ang nangyayari sa kanya?Sa nanlalabong paningin ay sinundan ni Yelena ang signs patungong rest room at hinihingal na pumasok doon.Hindi siya makapaniwala. Epekto man ng alak o hindi ang ginawa ay gusto niyang sabunutan ang sarili. "Hindi na ako 'to," bulong niya sa sarili, habang nakasapo sa noo ang dalawang kamay. All her life, she had never felt like that and she had never did such foolishness before.Nang makitang walang ibang tao sa loob ng rest room ay nagpakawala siya ng naiinis na sigaw. Dismayado sa sariling tinitigan niya ang repleksiyon sa salamin.Namumula siya. She don't know if it's the effect of liquor, irritation to herself, frustration,
Gaya ng inaasahan, inulan ng sermon ng tiyahin at tiyuhin niya si Yelena. Kahit masasakit ang mga naririnig ay hindi siya umiimik. Sobra ang guilt na nararamdaman niya. Ang alam lang ng mga ito na kasalanan niya ay ang pagsisinungaling niya tungkol sa party ni Theya. Hindi alam ng mga ito na pumunta siyang bar, uminom, at nakipag-usap sa isang estranghero.Wait, hindi lang pala siya nakipag-usap. Ayaw na niyang banggitin. Lalo lang siyang magi-guilty sa harap ng tiya at tiyo niya."Papauwiin ko rito si Erlinda. Para alam niya kung gaano katigas ang ulo mo." Ang Erlindang tinukoy nito ay ang kaniyang mama.She bit her lower lip. Naidamay niya ang ina."Opo," nakayuko niyang sagot. Sa lahat ng litanya ng mga ito, 'opo' lang lahat ang itinugon niya. Wala siyang karapatang sumagot sa dami ng kasalanan niya sa mga ito.---Sa sumunod na mga araw ay lalong humigpit ang tiyahin at tiyuhin ni Yelena.Hindi siya pinapalabas ng mga ito ng bahay, at hindi na pinapa-contact sa kaniyang mga kaibi