Antok na antok man, pilit dinidilat ni Yelena ang mata habang ka-video call ang kanyang ina. Nagpaalam siya ritong pupunta sa pool party ng isang kaibigan. Pumayag ito. Mabait ang kanyang mama kaya hindi siya naglilihim rito. Inamin niya rin rito na nagsinungaling siya sa kaniyang tiyahin sa pag-asang payagan siya nitong umalis ngunit bigo siya. Naintindihan nito.
"Bukas na ang alis mo. Hindi mo kabisado ang Maynila. Mag-iingat ka doon ha?" panglimang beses na yatang bilin nito."Opo, 'Ma." Panglimang beses niya na ring sagot."Makibalita ka sa mga kaibigan mo. Mamaya hindi natuloy.""Tuloy po." Inabot niya sa bedside table ang invitation card na pinabigay ni Tyler sa kanya ng nakaraang araw at pinakita sa ina. "Settled na po lahat. Sa Villa nina Theya po gaganapin ang party. More on reunion po naming magkakaibigan 'yon keysa birthday party."Tumango ito. "Susunduin ka ba diyan?""Opo. Dalawa kami ni Eureka ang susunduin ni kuya Tyler." Si Eureka ay ang kaibigan nila na may pag-aaring restaurant sa kanilang bayan. Actually ay labing-apat silang lahat na magkakaibigan at successful na halos lahat. Ngunit iilan na lang silang naiwan sa bayan ng San Ignacio. Karamihan sa kanila ay sa Manila at ibang bansa na namamalagi."Sige pala.""Opo. Thank you, 'Ma. Love you."---Kinabukasan ay maagang nagising at naghanda si Yelena. Hindi siya kinakausap ng kanyang tiyahin.Noong una'y hinahayaan niya lamang ngunit nang marinig ang busina ng sasakyan ni Tyler ay nagdesisyon na siyang lumapit rito. "Aalis na po ako, Tiya," paalam niya rito.Inabot niya ang kamay nito upang magmano ngunit pumiksi ito at nakairap na tinalikuran siya.Mabigat ang loob na umalis siya ng bahay. Sa harap ng tarangkahan ay naroon nakatayo si Tyler kausap ang tiyo Jimmy niya na hindi niya alam na lumabas mula sa bahay ng mga ito. Madilim pareho ang mukha ng dalawa kaya nahinuha niyang hindi maganda ang takbo ng usapan ng dalawa.Nanlalamig siyang nagmano sa tiyuhin. "Aalis na po ako, tiyo."Naningkit ang mga mata nito. Clear anger blazed in his eyes as he gazed at her. "Huwag ka ng babalik rito kapag umuwi kang buntis tulad noon sa nanay mo!" he snapped.She looked down, trembling, refusing to meet her uncle's eyes because of the savage anger on his face, until her uncle walked away muttering unprintable expletives.Bumukas sara ang pintuan ng sasakyan sa kaniyang tabi sa pagbaba ni Eureka. Yumakap ito sa kanya. "Grabe ang pamilya mo, bes. Ang sakit magsalita. Okay ka lang ba?"She looked up and blinked back her tears. "Yeah." Pilit siyang ngumiti at kinalama ang sarili. "Let's go."Tinapik niya ang dalawang kaibigan sa braso bago tumalikod.Minsan mas okay na ngumiti, magpanggap na ayos lang ang lahat keysa ang magkuwento, dahil habang isinasalaysay mo ang problema, doon mo mas lalo mapagtatanto kung gaano kalupit sa iyo ang mundo.Napilitang sumunod sa kanya ang mga kaibigan.Palihim niyang pinahid ang namamasang mata. Ayaw niyang mag-alala sa kaniya ang mga kaibigan niya. Alam niyang may pinagdadaanan ding problema ang mga ito. Ayaw niya ng dumagdag pa.Nang masigurong kaya niya ng ngumiti ng totoo ay pabiro niyang hinaplos ang sasakyan ni Tyler. Isa 'yong audi allroad wagon na kulay itim. "Wow, kuya. Maliban sa amoy Australia ka pa, mukhang wala ka na namang magawa at nagdagdag ka na naman sa koleksyon mo. Nung huli kitang makita, ang dala mo Chevrolet Silverado. Iba talaga kapag mayaman, noh? Ang pagpapalit mo ng sasakyan, parang pagpapalit mo lang ng babae."Natawa si Eureka. "Tama. Chickboy kasi 'yan si kuya.""Excuse me. Lovable ang tamang term."Natawa silang tatlo.---Samaniego VillaElizalde Village, ManilaGustong mailang ni Yelena sa suot. Hindi siya sanay magsuot ng nakikita ang maputing balikat at dibdib sa itaas, at makinis na hita sa ibabang damit. Pero dahil mga kaibigan naman niya ang mga kasama, napilitan siyang lumabas sa kaniyang inookupang kuwarto.Abalang-abala na ang lahat dahil sa paghahanda para sa kasiyahan mamaya. Ang dalawang kaibigan nilang lalaki ay parehong may hawak na pamaypay at may iniihaw habang ang mga kababaihan naman ay natanawan niyang abala sa pagsiset-up ng mga gagamitin habang tila nagtatagisan ng pagandahan ng katawan suot ang kani-kanilang swimming attires, bagaman may ilan na konserbatibo ang pagkakayari ng damit.Lumapit siya sa mga ito. Agad siyang napansin ni Kiel. Nakakunot ang noo nito habang pinapasadahan siya ng tingin. "Ano 'yang suot mo, Lena?" anito.Niyuko din niya ang sarili. Napapantastikuhan rito. "Uhm, short at sando?""Oo nga pero bakit ganiyan?"Tuluyan na siyang nagtaka. "Ano'ng bakit ganiyan?"Natatawang tinapik ni Kyira sa balikat si Ezekiel. "Hindi ka pa ba sanay? Hindi naman nagsusuot ng maiikli si Lena."Umupo siya sa bakanteng upuan na naroon. "Hindi naman kasi puwede. Pagagalitan ako nina tiya at tiyo Jimmy.""Puro ka na lang tiya, tiyo," palatak ni Aiessa, na siyang may suot ng pinakarevealing na damit. Hindi naman na siya nagulat, dahil ganoon talaga ito manamit maliban pa sa isa itong international model. Tumabi ito sa kanya bago nagpatuloy, "Sorry, bes ah? Pero for once, sundin mo rin kung ano ang gusto mo, hindi 'yong puro gusto na lang nila. In the first place, hindi ka naman nila naaappreciate. Gumawa ka rin ng mga bagay na alam mong magpapasaya sa 'yo."Napayuko siya sa sinabi nito. Mayroon din siyang gusto kung alam lang nito.Papadilim na nang magsimula ang kasiyahan.Nagdesisyon siyang ilayo ang upuan sa mga kaibigan. Nag-iinuman kasi ang mga ito at hindi naman siya umiinom.Lumapit sa kaniya si Tyler at umupo sa kaniyang tabi. "It is so unlike you," komento nito. "Dumidistansya ka sa amin." Tumungga ito sa noon niya lang napansin na hawak nitong bote ng alak. "Ikaw ang pinakamagaling makisama sa ating magkakaibigan. Naalala mo ba, nabuo ang grupo natin dahil sa'yo? Ikaw ang best friend ng lahat."Bahagya siyang natawa. "Ikaw ang una kong male best friend.""Naalala mo ba ang tawagan natin noon?""Mister.""Misis."Sabay silang natawa. Ginulo nito ang buhok niya na tila siya isang bata na kinatutuwaan nito.Naputol ang kasiyahan nila nang mag-ring ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng short niya.Bigla siyang kinabahan nang makita ang pangalan ng caller. Napatingin siya kay Tyler. "Si Tiya Ediza."Tyler shrugged. "Sagutin mo.""Bakit kaya siya tumatawag?" mahinang tanong niya sa sarili. Kagat-labi niyang pinindot ang answer button.Ang akma sanang pagdikit niya ng cellphone sa tainga ay naudlot nang marinig ang malakas na sigaw ng tiyahin mula sa kabilang linya. "Manang-mana ka talaga sa nanay mong haliparot. Malandi ka! Sinungaling!"Kinabahan siya. "T-Tiya...""Nakita ko ang imbitasyon mo dito sa kuwarto mo."God. Napatakip siya ng palad sa mukha. Nakalimutan niya 'yon sa kanyang mesa sa tabi ng kama."Exhibit palang hitad ka. Kailan pa naging exhibit ang Pool Party?" Napapikit siya ng mariin. "Ano ang dinidisplay niyo dyan? Hubad na katawan? Sa bagay, pare-parehas naman kayong magkakaibigan na mga kaladkarin!"Napahikbi siya. Bawat salita nito'y patalim na sumusugat sa kaniyang pagkatao. Gusto niyang sumagot at itanggi ang mga paratang nito pero tanging iyak ang naisagot niya rito. "Wala kang kwentang napalaki. Wala kang delikadesa. Ikinakahiya kita, naiintindihan mo? Nakakahiya k—" Bigla niyang pinatay ang cellphone. Hindi niya na kayang marinig ang mga sinasabi nito. Walang ingay siyang humagulgol sa mga palad."Bakit, Lena?" nag-aalalang tanong ni Tyler. Pero iling at hikbi lang ang isinagot niya rito.Hinayaan siya nitong umiyak ng umiyak.Maya-maya'y tahimik na lang siyang nakapikit at nakakuyom ang dalawang palad. Lihim na namumuo ang galit sa kaniyang dibdib. Bakit ganoon ang kaniyang pamilya?Biglang bumalik sa alaala niya ang sinabi ng mga kaibigan noon sa kaniya..."Walang tama sa paningin ng tiyahin mo kundi sarili niya.""Matapobre 'yang tiyahin mo. Kahit na mapatunayan niyang mali siya, hindi siya aamin.""Walang matinong pamilya ang ipagbabawal na maranasan mo ang maging masaya.""Suwayin mo na ang utos nila.""For once, sundin mo rin kung ano ang gusto mo, hindi 'yong puro gusto na lang nila. In the first place, hindi ka naman nila naaappreciate. Gumawa ka rin ng mga bagay na alam mong magpapasaya sa 'yo.""Gawin mo ang mga bagay na alam mong sasaya ka."Bagay na magpapasaya sa kaniya?Bigla siyang napaangat ng tingin nang may maalala. Ang ginawa niyang list!Wala sa sarili siyang nagdesisyon. "Kuya Tyler, puwede mo ba akong ihatid?""Oh. Saan ka pupunta?""Sa bar.""Hoy, Yelena. Nakikinig ka ba?"Napaatras pabalik si Yelena nang hilahin siya sa damit ni Tyler. Inis siyang tumingin dito. "Oo, kuya. Ginagawa mo akong bata." Noong una ay pinagpalit siya nito ng damit. Hindi siya nagpatinag rito kahit sinabi nitong mas mukha siyang aattend ng first communion keysa pupunta ng bar sa napili niyang dress. Doon siya mas komportable."Mukha ka roong laro sa diyaryo.""Ano'ng laro?""Spot the difference. Ikaw ang different." Iniamba niya rito ang kamao pero nagpatuloy ito. "Lahat ng mga babae doon, nagpapa-sexyhan.""Hindi ako ibang babae. Gusto ko lang maranasan pumasok sa isang bar.""Pumasok lang pala." Hinila siya nito sa braso papasok, ngunit nakadalawang hakbang palang sila sa loob, hinila na siya nitong muli palabas. "Ayan. Nakapasok ka na. Uwi na tayo."Yelena stomped her foot in frustration. "Usok lang ang nakita ko, Kuya. Gusto ko maranasan uminom, sumayaw at sumigaw doon.""Good grief... Kung gusto mong magrebelde sa pamilya mo, 'wag rito. Para
Did she just say yes to this stranger? Ano ang nangyayari sa kanya? Ano itong pakiramdam niya na hindi niya maintindihan? Lihim na tinatanong ni Yelena ang sarili habang nakatitig sa mga mata ng estrangherong katabi. Hindi pa siya umiinom, but her mind was already clouded with thoughts she didn't know she was capable of.Tila may kuryente at mainit na bagay na tumutulay sa mga ugat niya mula sa kamay nitong humahaplos sa batok niya pakalat sa kaniyang katawan.Nasubukan niya na rin namang madikit kina Tyler at Kiel, pero hindi niya naramdaman ang ganito.Ipinilig niya ang ulo. No! Umoo siya dahil gusto niya lang tumikim ng alak. Iyon lang 'yon. "Tikim lang," she said in a small voice. "Gusto ko lang ma-try kung ano'ng lasa."Pero paano kung totoo ang sinasabi nito na epekto ng alak at mapahamak siya? Pinaalalahanan na siya ni Tyler.Isa ba ang estrangherong kaharap sa sinasabi ni kuya na agila na dumadagit ng sisiw? piping tanong ni Yelena sa sarili.Alam niyang ang ibig sabihin ni Ty
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yelena nang mapagtanto ang ginawa. Nanlalaki ang mata na pabigla niyang itinulak ang estranghero at nagmamadaling tumakbo palayo rito. Hindi niya ito kayang tingnan.Wala sa sariling itinutulak niya ang mga babae at lalaking bumubunggo at humaharang sa dadaanan niya.Ano ang ginawa niya? Ano ba ang nangyayari sa kanya?Sa nanlalabong paningin ay sinundan ni Yelena ang signs patungong rest room at hinihingal na pumasok doon.Hindi siya makapaniwala. Epekto man ng alak o hindi ang ginawa ay gusto niyang sabunutan ang sarili. "Hindi na ako 'to," bulong niya sa sarili, habang nakasapo sa noo ang dalawang kamay. All her life, she had never felt like that and she had never did such foolishness before.Nang makitang walang ibang tao sa loob ng rest room ay nagpakawala siya ng naiinis na sigaw. Dismayado sa sariling tinitigan niya ang repleksiyon sa salamin.Namumula siya. She don't know if it's the effect of liquor, irritation to herself, frustration,
Gaya ng inaasahan, inulan ng sermon ng tiyahin at tiyuhin niya si Yelena. Kahit masasakit ang mga naririnig ay hindi siya umiimik. Sobra ang guilt na nararamdaman niya. Ang alam lang ng mga ito na kasalanan niya ay ang pagsisinungaling niya tungkol sa party ni Theya. Hindi alam ng mga ito na pumunta siyang bar, uminom, at nakipag-usap sa isang estranghero.Wait, hindi lang pala siya nakipag-usap. Ayaw na niyang banggitin. Lalo lang siyang magi-guilty sa harap ng tiya at tiyo niya."Papauwiin ko rito si Erlinda. Para alam niya kung gaano katigas ang ulo mo." Ang Erlindang tinukoy nito ay ang kaniyang mama.She bit her lower lip. Naidamay niya ang ina."Opo," nakayuko niyang sagot. Sa lahat ng litanya ng mga ito, 'opo' lang lahat ang itinugon niya. Wala siyang karapatang sumagot sa dami ng kasalanan niya sa mga ito.---Sa sumunod na mga araw ay lalong humigpit ang tiyahin at tiyuhin ni Yelena.Hindi siya pinapalabas ng mga ito ng bahay, at hindi na pinapa-contact sa kaniyang mga kaibi
Nagmamadaling pumasok ng bahay si Yelena sa sigawang naririnig. Nandilim ang paningin niya sa naabutang tagpo. Sinasabunutan ng tiya Ediza niya ang kaniyang mama!"Mamaaa!" Her nose flared with anger. Lumapit siya at umiiyak na tinulak ang kaniyang tiya.Nakaupo ang mama niya sa sahig habang hila-hila ito sa buhok ng tiyahin.Nang maghiwalay ay pumagitna siya sa mga ito at hinarap ang tiyahin. "Sumusobra ka na! Lahat ginawa ko para maging masaya ka. Para maipagmalaki mo ako. Para maging mabait ka sa akin. Nitong huli lang kita sinuway, tiya. Bakit ka ba ganiyan? Sobra ka naman na para saktan pa ang mama ko."Tumayo si Erlinda at hinawakan siya sa braso para pigilin pero hindi siya nagpaawat. Muli niyang hinarap ang tiyahin. "Wala kang karapatan na saktan ang mama ko! Pati ang panghihimasok mo sa buhay ko, wala kang karapatan!" Dinuro niya ito katulad ng lagi nitong ginagawa sa kanya. "Sino ka ba, ha? Sino ka ba? Isa ka lang matandang dalaga na nag-alaga ng hindi mo anak pero lagi mong
"Salamat sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay niyo." Hindi alam ni Yelena kung ilang beses na siyang nagpasalamat.The man stopped in his midtrack. Naudlot ang pagpasok nito sa malaking pintuan ng mansiyon ng mga ito at nilingon siya. "One thank you is enough."Ang sungit talaga ni Kiel, bulong niya sa sarili.Dito siya humingi ng tulong. Binalikan niya ito sa Nagma Galleria dahil alam niyang hindi pa tapos ang selebrasyon ng opening nito. Pag-uwi ay kasama na siya nito.Hindi niya eksaktong sinabi ang problema rito. Pahapyaw lang niyang kinuwento ang nalamang pagkatao niya. Naawa ito sa kanya at tinulungan siya.Napalabi siya sa kaibigan. "Basta, thank you."Kiel groaned inwardly. "Nandito na sina mommy at daddy ngayon. Ako na ang kakausap sa kanila sa pag-stay mo rito. Kilala ka naman nila." May bahay sa San Ignacio ang mga Nagma kaya kilala ng mga ito ang pamilya niya. Ngunit itong mansion nila ay narito sa San Ildefonso, dalawang bayan ang pagitan mula San Ignacio."Thank you, Ki
Hindi alam ni Yelena kung ano'ng oras at kung paano siya nakatulog. Nang bumangon siya ay mataas na ang sikat ng araw. Kung wala pang kumatok sa pintuan niya ay hindi siya magigising.She heard an approaching steps so she stood up and opened the door, disoriented and barefooted.She frowned when she found no one outside, pero sa ibaba ay may kulay pink na stripe na paper bag.Tiningnan niya ang katapat na kuwarto. Bahagyang bukas ang pintuan no'n. Mukhang doon ang kuwarto ni Kiel.Nakanguso niyang dinampot ang paper bag at binuksan. Bagong toothbrush, tatlong pares ng damit, decent sun dresses, underwears, flat sandals with ankle strap at... gamit pangpinta!Nawala ang antok ng dalaga. Inilabas niya ang mga gamit na nakaagaw ng pansin niya. Acrylic paint set, a thirty by forty centimeter blank canvas board at sampung round paint brushes in different shape of tip.Ang ganda!Ang ginagamit niya usually sa pagpipinta ay mga mumurahing gamit lamang. Kapag mayroon siyang budget, doon laman
Hindi makatulog si Yelena. Pabiling-biling siya sa higaan. Nang ilang minuto na at hindi pa rin siya antukin ay dahan-dahan na siyang bumangon at tumanaw sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan. Tanging makukulay na bombilya lamang ang tumatanglaw sa buong solar ng mga Nagma.Pinagmasdan niya ang kalangitan. Hindi katulad ng nagdaang araw na ang ina at tiya ang bumabagabag sa kanya, ngayon ay iba. Sa estranghero nang pangalan lamang ang tanging alam niya. Niyuko niya ang paa na may nakasuot na sandalyas, at napangiti. Sa kanya galing ang mga damit, sandals at painting set na natanggap ko. Ni hindi pa siya nagpasalamat rito. Teka, paano nito nalaman ang sukat ng underwear ko? Nakakahiya. Nasapo niya ang dalawang nag-iinit na pisngi.Hindi siya bumaba upang kumain ng tanghalian dahil sa lalaki. Ayaw niyang makita ito. Nagkulong lamang siya sa kaniyang kuwarto.Oras ng hapunan nang dumating si Kiel. Nang nalaman nitong hindi bumaba si Yelena upang mananghalian ay kinatok nito sa