Janine POV
"Talagang lalo kayong blooming sa araw-araw ma'am, iba talaga kapag may boyfriend." Napatingin ako kay Liezel nang marinig ko ulit ang sinabi niya noon. Inirapan ko ito.
Minsan napapansin kong masyado na itong pakialamera, ang lahat na lang ay napupuna niya.
Tumayo ako at nagtungo sa restroom. Pinasadahan ko ang aking mukha sa malaking salamin nito. Ang totoo ay may pinag-iba nga ang awra ko. Nagtataka rin ako, dati ay hindi ako mahilig sa make-up. Pero nitong nagdaang araw ay malimit ang pagbili ko ng mga pampaganda. Hindi ako palaayos, sa face powder ay okay na ako, ngunit ngayon, araw - araw akong may make-up kapag pumapasok sa office. Gusto kong maganda palagi ako at presentable sa paningin ng ibang tao, lalo na kay Rigor. Nagre-touch muna ako bago lumabas ng restroom, inayos ko ang aking damit at umikot pa para makita ang aking likuran ko saka ako tuluyang lumabas. Sa ngayon ay kailangan ko munang tumutok sa marami kong gawain sa trabaho. Ayoko munang pansinin ang mga sinasabi ni Liezel, naiirita lamang ako.
***
Nadatnan ko na sa bahay si Rigor. Kasalukuyan itong nagluluto. Nang maamoy ko ang kanyang niluluto ay bigla na lamang akong napaduwal mabuti na lamang at mabilis akong nakatungo sa lababo. At doon inilabas ang lahat ng laman ng aking tiyan.
"Mahal?!. Ayos ka lang ba?.” Kaagad na lumapit sa akin si Rigor. May pag-aalala ang tono ng boses nito.
"O-oo," hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa nangangasim kong sikmura, pakiramdam ko ay babaliktad ulit ito. Lahat na ng laman ng tyan ko ay nailabas ko na pero panay pa rin ang pag-udwa ko.
Hinimas ni Rigor ang aking likod. Inabutan niya ako ng isang basong tubig.
Kitang kita sa mga mata nito ang pag-aalala. Ininom ko ang tubig sa baso pero hindi ito nangalahati. Pinunasan ko ang aking labi gamit ang likod ng palad ko.
"Alisin mo ang amoy na yon.” Nahihirapan kong pakiusap kay Rigor. Naguluhan ito kaya, itinuro ko ang kawali na nasa kalan. Iniwan ako nito at lumapit doon. Pinatay niya ang apoy, pagkatapos ay isinalin ang nilutong kalamares sa plato. Muling umasngaw ang amoy nito, kaya nakaramdam na naman ako ng pagbaliktad ng sikmura. Sinenyasan ko siya na ilayo ang niluto nito, hindi niya alam kung saan niya ito ilalagay kung itatapon ba o ilalabas ng bahay. Tinakpan niya na lamang ito ng takip ng kawali, saka muli akong nilapitan.
Nakatitig lamang sa akin si Rigor habang nakaupo kami sa magkabilang upuan sa sala. Inalalayan niya akong maupo dito matapos kong magsuka. Tila naguguluhan ito sa nangyayari. Samantalang ako ay parang lantang gulay na nakahilig sa sofa at hindi rin mawari kung anong nangyayari.
Nang makabawi na ako ng lakas ay nag-umpisa akong magsalita.
"Mahal." malamyos kong tawag sa kanya.
"Bakit mahal?” tila nangangalapang tanong ni Rigor.
"Maaari mo ba akong ibili nang pregnancy test." Ang buong akala ko ay mabibigla siya sa sinabi ko pero naging normal lamang ang reaksyon nito. Para bang alam na niya ang mga susunod na mangyayari.
"Sigurado ka ba na kailangan mo iyon?.”Kuryosong tanong nito.
Tumingin ako sa aking tiyan.
"Hindi ko alam, pero makakasigurado lang ako kung gagawin ko iyon." sagot ko sa mababang tono.
"Sige, hintayin mo ako dito bibili lamang ako. Teka may gusto ka pa bang ipabili na iba?.” Napangiti ako na parang bata nang tanungin niya iyon. Tila gumanda ang mood ko nang marinig ang sinabi niya.
"Donut at saka dalandan." nagtaka ang mga mukha nito, ngunit napangiti na rin. Tumayo ito at nagtungo sa kwarto para magpalit ng damit, lumapit si Rigor sa akin at hinalikan ako sa labi bago umalis.
"Ito na mahal ang pinabibili mo." Iniabot nito ang tatlong plastic. Gaya nang sinabi ko bumili nga ito ng donut at dalandan. Nagtagal ang tingin ko sa isang plastic na naglalaman ng pregnancy test.
Kaagad kong kinuha ang plastic ng donut Binuklat ko agad iyon, naupo ako sa sofa, at binuksan ko ang tv. Nilalantakan ko nang kain ang donut na binili ni Rigor habang nanonood ng television.
"Mmmm.. Ang sarap." Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakakain ng donut dahil sarap na sarap ako dito.
Nakatitig lamang sa akin si Rigor at pinapanood ang pagkain ko. Naubos ko ang limang piraso ng donut na binili niya ang totoo ay nabitin pa ako. Sobrang sarap kasi ang paborito ko kasing brand ng donut ang binili niya kaya halos naubos ko lahat.
Ibinaling ko naman ang tingin sa plastic ng dalandan na nakapatong sa mesa. Tumayo ako para kunin iyon. Dadamputin ko na ang isang piraso ng dalandan ng hawakan ni Rigor ang aking kamay. Tiningala ko ito.
"Huwag mong sabihin na sunod mo yan kakainin?” kunot noong sabi nito.
Tumango ako habang nakalabi na parang bata.
"Mahal baka naman sumama ang timpla ng tiyan mo kapag kinain mo rin agad yan." Protesta nito. Pinigilan niya akong kainin iyon.
Tiningnan ko ito nang masama.
"Huwag matigas ang ulo." Saway nito.
Wala akong nagawa kundi magmartsa pabalik sa upuan.
Napatingala ako nang iniabot nito ang nakabukas ng pregnacy test. Tiningnan ko ang mukha nito. Makikita ang kaseryosohan doon. Bahagya akong natigilan at nakaramdam ng kaba. Natatakot ako kung anong magiging resulta noon. Humugot ako ng malalim na hininga bago inabot iyon sa mga kamay ni Rigor.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ang naging resulta. Kung lungkot ba o saya. Kung manghihinayang ba ako o matutuwa. Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang resulta. Nakapanglulumo parang babagsak ang aking mga paa. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa ng makita ko ang dalawang guhit. Halos ang tagal kong nakatitig doon. Nagulat pa ako nang kumatok sa pintuan si Rigor at tawagin ako.
"Mahal tapos ka na ba?”
Napahawak pa ako sandali sa aking tiyan. Hindi pa rin ako makapaniwala na may mayroong buhay sa loob nang aking sinapupunan. Gaano na kaya siya katagal doon?.
Tuluyan na akong lumabas ng pintuan nang nakadalawang tawag si Rigor. Hawak ang resulta sa aking kamay ay nabungaran ko ang nag-aalalang mukha ni Rigor at tila halo-halong emosyon ang makikita sa mukha nito.
Kahit mahirap sa akin ay nakangiti kong iniabot kay Rigor ang resulta. Nanlaki ang mga mata nito nang makita iyon. Napangiti ito at tila hindi makapaniwala sa nakikita. Kaagad nito akong niyakap ng mahigpit at pinaulanan ng halik sa noo.
"Pangako ko sayo magiging mabuting ama at asawa ako sa inyo nang magiging anak natin." Masayang -masayang wika nito. Habang patuloy ang dampi ng labi sa aking buhok.
Gusto kong suklian nang ngiti ang sinabi nito, ngunit hindi ko iyon magawa. Hindi ko magawang maging masaya, may takot akong nararamdaman.
***
"Hindi ka ba masaya?." Nag-angat ako ng tingin kay Rigor ng magsalita ito, hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng aming kwarto, masyado kasing lipad ang aking isip sa mga nangyayari.
Ibinaba ko ang tingin sa sahig para hindi niya makita ang mukha ko.
Naramdaman ko ang pagtabi nito sa aking kinauupuan.
"Magsabi ka nga mahal." Tila may hinanakit ang tono ng boses niya. Alam ko ang ibig nitong sabihin.
I sighed.
"Masaya ako. Masayang-masaya pero hindi ko magawang maging masaya dahil--” napatigil ako. Hindi ko maituloy ang aking sinasabi.
"Dahil ayaw mo pa?. Dahil hindi ka pa handa.” tila may halong tampo ang pagkakabigkas na iyon ni Rigor.
Binalingan ko ito at kaagad itinama ang mga sinabi nito.
"Hindi totoo yan. Ang totoo masaya ako dahil magkaka-anak na tayo. Ang inaalala ko lang ay si nanay at tatay." Humina ang boses ko nang sambitin ko sina nanay at tatay.
"Hindi ko alam kung paano ko ipaaalam sa kanila na buntis ako. Lalo na't nabuntis mo ako ng hindi pa tayo kasal."
Hinawakang mahigpit ni Rigor ang aking kamay. Pinag-tagop niya ang mga daliri namin at pinagmasdan ito.
"Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sayo, sa anak natin. Gagawin ko ang lahat basta magtiwala ka sa akin."
Janine POV Halos na late na ako sa pagpasok sa office ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay napakabigat nang buo kong katawan. Hindi ko na naabutan si Rigor, marahil ay nakaalis na ito. Maaga kasi ang pasok niya five thirty pa lang nang umaga ay umaalis na siya nang bahay. Ayaw niya akong naiistorbo ang tulog kaya siya na lamang ang naghahanda nang kanyang agahan at baon. Nakita ko na lamang ang inihanda niyang pagkain sa mesa. Pakiramdam ko ay napakabigat ng talukap nang aking mata. Dahilan siguro iyon nang hindi ko maayos na tulog kagabi. Magdamag akong gising, hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-iisip. I still can't quite get over the fact that I'm pregnant. Iyon palagi ang gumugulo sa isipan ko. Ano nang mangyayari ngayong nalaman ko na buntis na ako. Bago pumasok ay hindi ko pa rin kinalimutan ang mag-ayos, ayoko na magmukha akong losyang. Ngunit hindi naitago ng make-up ko ang malaking itim sa gilid ng mata ko. Late na ako ng ten minutes bago nak
Janine POV Pinauuwi na ako ni ma'am sa bahay para doon mas makapagpahinga. Ipahahatid niya raw ako sa sasakyan. Ngunit tumanggi ako. Nagpumilit akong bumalik sa kumpanya, masyado pang maaga at marami pa akong magagawa. At isa pa maayos naman ang pakiramdam ko, nakatulog ako nang kaunti sa clinic kanina, marahil ay kulang lang ako sa tulog kaya ako hinimatay. Hindi na ako napilit ni ma'am na umuwi ng bahay, magkasabay kaming bumalik sa office sakay sa kanyang sasakyan. Habang nasa daan ay sinasabi niya sa akin ang mga tagubilin ng doctor na dapat kong gawin. Isa na roon ang huwag ma-stress. Ibinigay rin niya sa akin ang mga gamot na inireseta ng doctor, karamihan doon ay vitamins para sa amin ni baby. Normal lamang daw ang pagsusuka, dala daw iyon ng pagbubuntis, marami daw magiging pagbabago sa akin during my pregnancy, isa na ang pag-ayaw sa ibang mga pagkain. Ang pagbabago ng pang-amoy sa halip na mabango sa pang-amoy nang iba ay mabaho naman iyon para sa akin.
Janine POV "Yes.”Nagtilian ang mga kababaihan, samantalang ang mga kalalakihan ay nagsisigawan."Kiss, kiss.." Tudyo nang mga ito. Kahit na nakakaramdam ako ng hiya ay hinayaan ko pa rin si Rigor na halikan ako sa harapan nilang lahat. He kissed me, a kiss that full of love. Kung maari lang hindi na matapos ang araw na ito ay ayoko nang matapos. Sobrang saya, lahat nang bumabagabag sa aking kalooban ay nabura. "I love you misis Esguerra." he said after we kiss.I chuckled. "Excuse me, hindi pa po tayo naikakasal Mr. Rigor Esguerra, remember kaka-proposed mo pa lang. Saka mo na ko tawaging ganyan kapag kasal na tayo." Pinisil ko ang kanyang ilong na ikinatawa nito. Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid namin. "Bakit? Ikakasal na din naman tayo kaya, pwede na kitang tawagin sa apelyido ko. Depende na lang kung uurong ka. Pero hindi mangyayari yun dahil akin ka lang Miss. Janine Mhae Santos. Akin ka lang." He kissed me again a torrid kiss. Dah
Janine POV "Anong sabi mo?!.”Tanong ulit nang inay sa kabilang linya. "Magpapakasal na po kami ni Rigor. Buntis po ako." Matagal nanahimik ang nanay bago nakapagsalita. "Ang sabihin mo sa boyfriend mo ay umuwi dito at kausapin ang iyong ama." Pinutol ko na ang tawag, parang hindi ko na kayang makipag-usap kay nanay. Sobrang kaba pa rin nang dibdib ko. Tumingin ako kay Rigor na nasa aking harapan. Siya ang nagsabi sa akin na tumawag ako sa aking ina para sabihin ang pagdadalang tao ko. Ngunit hindi ko iyon magawang ibalita sa kanya nang may galak dahil ramdam ko at alam ko na mali ang mga pangyayari, mas una akong nabuntis kaysa magpakasal. Alam kong gusto pa rin ni nanay na magpakasal muna ako bago gumawa nang magiging anak. Iyon kasi ang kinalakihan nila, at tama naman iyon, mali ang mabuntis nang walang basbas nang Diyos o nang simbahan, pero wala na akong magagawa, para sa akin ay pakakasalan naman ako ni Rigor at parang ganoon na rin iyon. Ngunit sa mata nang i
Janine POV "Wala na naman tayong magagawa. Nandyan na yan, kaya ang pakiusap ko lang sayo na magawan mo nang paraan para maikasal kayo. At saka kung maari lang isama mo ang iyong magulang para mapag-usapan kayo nang maayos." Tahimik lamang ako sa tabi ni Rigor habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Tatay. Seryoso ang bawat pananalita nito. Tinatago nito ang kanyang nararamdaman pero nakikita ko ang pagpipigil nito nang emosyon. Ibang iba si Tatay, mas istrikto siya kay nanay, pero hindi tulad ni nanay, hindi siya nagsasalita nang maikasasakit nang kalooban nang sino man. Kahit na may hinanakit siya sa tao ay hindi niya ito ipinapakita. Kapag wala na ang taong pinaghihinakitan niya ay saka niya ibubuhos kay nanay ang mga nararamdaman niya. Ang galit na gusto niyang ilabas. Kailangan niya iyon gawin dahil sa karamdaman niya. May sakit siya sa puso at kapag hindi niya nailabas ang kanyang kinikimkim na sama nang loob ay baka atakihin siya. Pero mas pinipili niyang i
3rd Person POV Sino nga ba hindi pangarap na maikasal?. Ang maikasal sa lalaking pinakamamahal mo. Ang magsuot nang puting gown at belo habang naglalakad papuntang altar. Kung saan sa dulo noon ay naghihintay ang taong pinakamamahal mo. Kasabay nang musikang malumanay na sumasabay sa bawat mong hakbang. Habang ang oras ay nasa inyo lamang dalawa. At ang mga mata nyo ay nakatitig lamang sa isa't isa. Ang atensyon nang mga tao ay pawang sa inyo lamang rin dalawa. Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam?. Ang saya'y walang paglagyan. Dahil sa wakas ang pagiisang dibdib ninyong dalawa ay masasaksihan rin ng lahat. Hindi lamang sa mata nang madla. Kung hindi, lalong lalo na sa mata nang Panginoon.Preparasyon bago ang kasal.. Nakatingin si Janine sa isang napakagandang white gown. Ang totoo ay itong ang pinapangarap niyang suotin. Ngunit sa halaga nito ay hindi nila kakayanin. Narinig pa nito ang sinabi nang kanyang magiging biyenan. "Balae mas okay siguro kung mag-h
Janine POV Nakita ko kung paano, nasisiyahan si Rigor sa ginagawa sa kanya nang babae. Ngayon ko lang ulit nakita si Rigor na ganoon kasaya. Nakita ko na hinalikan niya sa labi ang babae. Kasunod noon ay ang pagtanggal nila nang kani-kaniyang suot. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, tila sasabog na ang aking dibdib nang makita ko kung paano angkinin ni Rigor ang babaeng kasama nito. Mga manloloko!. Paano niyo nagawa sa akin ito?!. Nahihirapan na ako sa paghinga. Kung kaya't malakas kong itinulak ang pintuan. Nakita ko ang gulat na reaksyon nilang dalawa. "Mga hayop kayo!.” Sigaw ko. "Teka lang Janine magpapaliwanag ako." Awat sa akin ni Rigor. Hindi ko iyon pinakinggan. Matunog ko siyang sinampal. Pagkatapos ay akma kong susugurin ang babaeng kasama nito. Ngunit hindi ko iyon nagawa, dahil pinigilan ako ni Rigor at itinulak. Napatda ako sa ginawa niya. "Tumigil ka na Janine, hindi na kita mahal. Maghiwalay na tayo." Sigaw ni Rigor. Hi
Janine POV "Congratulations!!... It's a girl." Saad ni Dra. Jimenez. Walang paglagyan ang saya ko nang malaman kong babae ang magiging anak ko. Maging si Rigor ay sobrang saya din. Sino kaya ang makakamukha niya sa aming dalawa?. Iyon palagi ang nasa isipan ko. Tiningnan ni Dra. ang heartbeat ng baby ko. Nanligid ang luha ko nang marinig ang tibok ng puso niya. Samantalang nakita ko kung paano mamangha ang mukha ni Rigor nang marinig ito, dama ko rin ang pagiging masaya niya. Kahit na palagi namin naririnig ang tibok nang puso ng baby namin sa bawat check-up ko sa doctor ay hindi pa rin kami makapaniwala na may buhay sa loob ng sinapupunan ko. Sa tuwing schedule nang check up ko ay hindi naliliban nang pagsama sa akin si Rigor. Gusto niya ay lagi akong may kasama. Kung tutuusin ay kaya ko naman ang mag-isa, minsan pa nga ay itinataboy ko na siyang hindi sumama. Kapag check up ko at nagkataong may pasok siya ay nakikipagpalit siya nang schedule sa iba, para lan