Janine POV "Yes.”Nagtilian ang mga kababaihan, samantalang ang mga kalalakihan ay nagsisigawan."Kiss, kiss.." Tudyo nang mga ito. Kahit na nakakaramdam ako ng hiya ay hinayaan ko pa rin si Rigor na halikan ako sa harapan nilang lahat. He kissed me, a kiss that full of love. Kung maari lang hindi na matapos ang araw na ito ay ayoko nang matapos. Sobrang saya, lahat nang bumabagabag sa aking kalooban ay nabura. "I love you misis Esguerra." he said after we kiss.I chuckled. "Excuse me, hindi pa po tayo naikakasal Mr. Rigor Esguerra, remember kaka-proposed mo pa lang. Saka mo na ko tawaging ganyan kapag kasal na tayo." Pinisil ko ang kanyang ilong na ikinatawa nito. Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid namin. "Bakit? Ikakasal na din naman tayo kaya, pwede na kitang tawagin sa apelyido ko. Depende na lang kung uurong ka. Pero hindi mangyayari yun dahil akin ka lang Miss. Janine Mhae Santos. Akin ka lang." He kissed me again a torrid kiss. Dah
Janine POV "Anong sabi mo?!.”Tanong ulit nang inay sa kabilang linya. "Magpapakasal na po kami ni Rigor. Buntis po ako." Matagal nanahimik ang nanay bago nakapagsalita. "Ang sabihin mo sa boyfriend mo ay umuwi dito at kausapin ang iyong ama." Pinutol ko na ang tawag, parang hindi ko na kayang makipag-usap kay nanay. Sobrang kaba pa rin nang dibdib ko. Tumingin ako kay Rigor na nasa aking harapan. Siya ang nagsabi sa akin na tumawag ako sa aking ina para sabihin ang pagdadalang tao ko. Ngunit hindi ko iyon magawang ibalita sa kanya nang may galak dahil ramdam ko at alam ko na mali ang mga pangyayari, mas una akong nabuntis kaysa magpakasal. Alam kong gusto pa rin ni nanay na magpakasal muna ako bago gumawa nang magiging anak. Iyon kasi ang kinalakihan nila, at tama naman iyon, mali ang mabuntis nang walang basbas nang Diyos o nang simbahan, pero wala na akong magagawa, para sa akin ay pakakasalan naman ako ni Rigor at parang ganoon na rin iyon. Ngunit sa mata nang i
Janine POV "Wala na naman tayong magagawa. Nandyan na yan, kaya ang pakiusap ko lang sayo na magawan mo nang paraan para maikasal kayo. At saka kung maari lang isama mo ang iyong magulang para mapag-usapan kayo nang maayos." Tahimik lamang ako sa tabi ni Rigor habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Tatay. Seryoso ang bawat pananalita nito. Tinatago nito ang kanyang nararamdaman pero nakikita ko ang pagpipigil nito nang emosyon. Ibang iba si Tatay, mas istrikto siya kay nanay, pero hindi tulad ni nanay, hindi siya nagsasalita nang maikasasakit nang kalooban nang sino man. Kahit na may hinanakit siya sa tao ay hindi niya ito ipinapakita. Kapag wala na ang taong pinaghihinakitan niya ay saka niya ibubuhos kay nanay ang mga nararamdaman niya. Ang galit na gusto niyang ilabas. Kailangan niya iyon gawin dahil sa karamdaman niya. May sakit siya sa puso at kapag hindi niya nailabas ang kanyang kinikimkim na sama nang loob ay baka atakihin siya. Pero mas pinipili niyang i
3rd Person POV Sino nga ba hindi pangarap na maikasal?. Ang maikasal sa lalaking pinakamamahal mo. Ang magsuot nang puting gown at belo habang naglalakad papuntang altar. Kung saan sa dulo noon ay naghihintay ang taong pinakamamahal mo. Kasabay nang musikang malumanay na sumasabay sa bawat mong hakbang. Habang ang oras ay nasa inyo lamang dalawa. At ang mga mata nyo ay nakatitig lamang sa isa't isa. Ang atensyon nang mga tao ay pawang sa inyo lamang rin dalawa. Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam?. Ang saya'y walang paglagyan. Dahil sa wakas ang pagiisang dibdib ninyong dalawa ay masasaksihan rin ng lahat. Hindi lamang sa mata nang madla. Kung hindi, lalong lalo na sa mata nang Panginoon.Preparasyon bago ang kasal.. Nakatingin si Janine sa isang napakagandang white gown. Ang totoo ay itong ang pinapangarap niyang suotin. Ngunit sa halaga nito ay hindi nila kakayanin. Narinig pa nito ang sinabi nang kanyang magiging biyenan. "Balae mas okay siguro kung mag-h
Janine POV Nakita ko kung paano, nasisiyahan si Rigor sa ginagawa sa kanya nang babae. Ngayon ko lang ulit nakita si Rigor na ganoon kasaya. Nakita ko na hinalikan niya sa labi ang babae. Kasunod noon ay ang pagtanggal nila nang kani-kaniyang suot. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, tila sasabog na ang aking dibdib nang makita ko kung paano angkinin ni Rigor ang babaeng kasama nito. Mga manloloko!. Paano niyo nagawa sa akin ito?!. Nahihirapan na ako sa paghinga. Kung kaya't malakas kong itinulak ang pintuan. Nakita ko ang gulat na reaksyon nilang dalawa. "Mga hayop kayo!.” Sigaw ko. "Teka lang Janine magpapaliwanag ako." Awat sa akin ni Rigor. Hindi ko iyon pinakinggan. Matunog ko siyang sinampal. Pagkatapos ay akma kong susugurin ang babaeng kasama nito. Ngunit hindi ko iyon nagawa, dahil pinigilan ako ni Rigor at itinulak. Napatda ako sa ginawa niya. "Tumigil ka na Janine, hindi na kita mahal. Maghiwalay na tayo." Sigaw ni Rigor. Hi
Janine POV "Congratulations!!... It's a girl." Saad ni Dra. Jimenez. Walang paglagyan ang saya ko nang malaman kong babae ang magiging anak ko. Maging si Rigor ay sobrang saya din. Sino kaya ang makakamukha niya sa aming dalawa?. Iyon palagi ang nasa isipan ko. Tiningnan ni Dra. ang heartbeat ng baby ko. Nanligid ang luha ko nang marinig ang tibok ng puso niya. Samantalang nakita ko kung paano mamangha ang mukha ni Rigor nang marinig ito, dama ko rin ang pagiging masaya niya. Kahit na palagi namin naririnig ang tibok nang puso ng baby namin sa bawat check-up ko sa doctor ay hindi pa rin kami makapaniwala na may buhay sa loob ng sinapupunan ko. Sa tuwing schedule nang check up ko ay hindi naliliban nang pagsama sa akin si Rigor. Gusto niya ay lagi akong may kasama. Kung tutuusin ay kaya ko naman ang mag-isa, minsan pa nga ay itinataboy ko na siyang hindi sumama. Kapag check up ko at nagkataong may pasok siya ay nakikipagpalit siya nang schedule sa iba, para lan
Janine POV "Ang bango naman nang asawa ko." Nakiliti ako sa ginawa sa akin ni Rigor. Kasalukuyan akong nagluluto nang yakapin ako sa likuran nang asawa ko at inamoy amoy ang ang leeg ko. Halos magtayuan ang balahibo ko sa ginawa niya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at humarap dito. Tiningnan ko ito nang masama. "Niloloko mo naman ako. Hindi pa ako nakakaligo at amoy ulam pa ako. Paanong magiging mabango ako?.” Naiinis kong sabi. "Iyon na nga diba kaya nga ang bago mo kasi ang bango nang ulam natin." Pang-aasar nito. Nainis ako sa kanya akma ko siyang hahampasin nang sandok na hawak ko. Pero hindi ko iyon nagawa ng bigla ako nitong hapitin sa baywang. "Nagbibiro lang naman ako. Hindi ka na nasanay sa akin. Totoo naman na mabango iyong mahal ko." Saad nito. Pagkatapos ay ngumiti ito nang nakakaloko. Inirapan ko siya at nagkunwaring naiinis pa rin. Ang totoo palabas ko lang din naman na naiinis ako. Saka hindi ko naman talaga siya hahampasin. Sanay na ako sa kan
Janine POV "Janine?.. Keith! Keith!.." Napatingin kami parehas ni Rigor nang marinig namin ang boses na tumatawag kay Keith, si Andrew. Itinigil ko ang aking pagkain, at tumayo para magtungo sa labas. Nakita kong nakatayo sa labas ng pinto si Andrew. Kitang kita sa mukha nito ang tila hindi pa naiibsan ng pagod. "Nandyan ba si Keith?." Agarang tanong ni Andrew ng makita ako. Tumango ako."Oo, nasa loob siya. Pasok ka muna at kumain ka." Pag-aya ko. Ngunit tumanggi ito."Hindi na, nakaluto na rin naman ako. Susunduin ko lang si Keith para kumain." Nakaramdam ako nang awa kay Andrew. Sa oras na ito, imbes na tapos na siyang kumain at namamahinga na lang para sumabak ulit mamaya sa trabaho ay siya pa ang nagluto pagkarating, na dapat ay nagagawa na agad ni Keith, bago pa siya umuwi. "Oh.. Bakit nandito ka?." Napalingon ako nang magsalita sa likuran ko si Keith. Naiinis pa ito, base sa tono ng pananalita nito. "Umuwi ka na. Tapos na akong magluto. Kakain na