- 47 -
Katabi ko na si Marius sa aking paggising.
Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.
Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.
“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.
“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.
“Ayaw ko pa ring bumangon...”
Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.
Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,
- 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma
- 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong
- 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r
Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako
Ginto't Pilak Unang Bahagi Una ko siyang nakilala nang magkaroon ng isang pagsasalo sa palasyo. Siya ang ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Ravante na kilalang mga Encantado mula sa isla ng Hermosa. Ako naman ang ika-apat na prinsipe ng pamilyang Heilig, anak ng kasalukuyang Emperador, at susunod sa trono. Kami ang mga Panginoon ng Kulog at Kidlat na may kapangyarihang pasunurin ito. Pitong taon ako noon, siya, mag lilima pa lang, at pareho kaming sabik sa kalaro. Madalas kaming nakakulong sa palasyo, iniingatan, inilalayo sa mga mabababang uri ng nilalang na maaring 'makadumi' sa amin. Kaya laking tuwa namin nang maiwan kami sa loob ng silid aklatan, habang ang mga magulang namin ay nagtungo sa ibang lugar upang mag-usap. "Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya, "Ilang taon ka na? Bakit may takip ang iyong mukha?" "Ako si Claudius Marius Angelo Rav
Ika-dalawang Bahagi "Wala na ba sila?" tanong ni Marius na nagtatago sa likod ko. "Hindi ko alam..." Biglang may kumatok nang marahan sa pinto. "Sino kayo?" matapang kong itinanong. "Prinsepe Theodorin," tawag ng boses mula sa labas. "Ito ang hari ng Hermosa, si Haring Domingo." Nanlaki ang mga mata ni Marius. "Kasama mo ba sa loob ng silid ang aking anak?" Lumapit ako sa pinto at muling nagtanong, "Paano ako makasisiguradong ikaw nga si Haring Domingo?" "Narito ngayon ang iyong ama..." sagot niya. "Theodorin." Narinig ko ang boses ng aking ama na tila nananamlay. " Theodorin, buksan mo ang pinto," patuloy nito. "Hindi ba't binilinan namin kayo na huwag aalis sa silid sa baba?" "Amang hari!" bubuksan ko na sana ang pinto, ngunit muling nag-alinlangan, "Ano po ba ang nangyari? Sino ang nagpumilit pumasok sa aking silid?" "Anak, makinig ka nan
Ika-tatlong Bahagi "Itay, totoo po ba na mapanganib ako sa ibang tao?" tanong ni Marius sa kaniyang ama. "Kailangan ko po bang magsuot muli ng maskara? Habambuhay?" Malungkot na tinitigan ni Haring Domingo ang munting prinsipe. Napabuntong hininga siya at niyakap ang kaniyang anak. "Hayaan ninyo akong magpaliwanag." Tumignin siya sa akin. "Sapagkat ang bagay na ito ay nauukol sa inyong dalawa." "Ang mga purong maharlika na mula sa pamilyang Ravante ay may lahing diwata,” paliwanag niya, “kaya tayo ay ipinapanganak na mga enkantadong malakas ang kapangyarihan sa mahika. Ang elemento natin ay tubig na nagbibigay ng buhay, at ang ating kapangyarihan ay ang pagmamanipula ng mga tao.” “Isa sa mga katangian ng mga pamilyang Ravante ay ang napaka gandang mukha na nakakapang-akit, lalo na sa mga nilalang na mas mahina sa atin. Isa pang kakayahan na bihirang lumabas sa ating dugo ay ang Dilang Pilak, na siyang namana nating dalawa
Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i