Ika-dalawang Bahagi
"Wala na ba sila?" tanong ni Marius na nagtatago sa likod ko.
"Hindi ko alam..."
Biglang may kumatok nang marahan sa pinto.
"Sino kayo?" matapang kong itinanong.
"Prinsepe Theodorin," tawag ng boses mula sa labas. "Ito ang hari ng Hermosa, si Haring Domingo." Nanlaki ang mga mata ni Marius. "Kasama mo ba sa loob ng silid ang aking anak?"
Lumapit ako sa pinto at muling nagtanong, "Paano ako makasisiguradong ikaw nga si Haring Domingo?"
"Narito ngayon ang iyong ama..." sagot niya.
"Theodorin." Narinig ko ang boses ng aking ama na tila nananamlay. " Theodorin, buksan mo ang pinto," patuloy nito. "Hindi ba't binilinan namin kayo na huwag aalis sa silid sa baba?"
"Amang hari!" bubuksan ko na sana ang pinto, ngunit muling nag-alinlangan, "Ano po ba ang nangyari? Sino ang nagpumilit pumasok sa aking silid?"
"Anak, makinig ka nang mabuti..." sabi ng ama kong hari.
"Prinsipe Theodorin, importante ito..." si Haring Domingo muli, "Natanggal ba ang maskara sa mukha ng aking anak?"
"Itay..." ani Marius.
May narinig kaming bumalibag sa pintuan.
"`Di na bali... mukhang gayon nga ang sitwasyon..." sabing muli ng hari ng Hermosa.
"Ano po ang nangyayari, itay?" tanong ni Marius. "May kasalanan po ba kami? Hindi po namin sinasadyang matanggal ang maskara..."
"Anak... huwag kang magsalita," sagot ng kaniyang ama. "Buksan ninyo ang pinto, ngayon din..."
Nilapitan ko ang pinto, ngunit bago ko pa man mabuksan ito, ay muling tumawag si Haring Domingo.
"Bago ang lahat, anak, takpan mo muna ang iyong mukha!"
"Bakit po kailangan takpan ang kaniyang mukha?" agad kong tinanong habang katabi si Marius, "Bakit po kailangan itago ang isang bagay na ubod ng ganda?"
"Ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat," sabi niya, "ngunit kailangan niyo munang buksan ang pinto.”
Hinarap ko si Marius. Tinakpan ko ng kumot sa kaniyang mukha at nilapitang muli ang pinto. Nalusaw sa pwesto ang gintong hawakan nito. Tuluyan ko itong tinumaw sa pamamagitan ng mahika na nakapagpapasunod sa bakal at tumawag ng hangin upang hipan palabas ang dalawang malapad na parte nito.
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa aming harapan ang isang kawal ng mga sundalong naka halandusay sa lapag. Namukhaan ko sila bilang mga bantay sa tore ko. Ang hari ng Hermosa ang tanging nakatayo, samantalang ang ama kong hari ay nakaakbay sa kaniyang balikat, at tila nanghihina.
"Ama!" tumakbo kaming palapit sa aming mga magulang na agad kaming niyakap. "Ano po ang nangyari? Bakit nagkalat ang mga walang malay na sundalo sa harap ng aking silid?"
"Bago ang lahat..." Hinawakan ni Haring Domingo ang mukha ni Marius sa ilalim ng takip nitong kumot. Isang itim na tela ang bumalot dito, tanging mata lang niya ang nakalabas. Matapos nito ay hinarap niya ang aking ama.
"Saan ba tayo maaring mag-usap?" tanong niya.
"Dito na rin sa loob ng silid ni Theodorin," sagot ni ama na mukhang hinihingal. "Malakas ang salamangka sa silid na ito."
Bumalik kami sa loob ng silid. Isinara nila ama ang pinto at naglagay ng dasal sa paligid upang walang kahit anong ingay ang makalalabas o makapapasok sa loob nito.
"Papatawan kitang muli ng dasal upang 'di ka maapektuhan ng kaniyang engkanto," sabi ng hari sa ama kong Emperador.
Tumango ang aking ama, at nagsimulang kumanta si Haring Domingo sa isang lenguahe na hindi ko naiintindihan. Matapos noon ay tila nakahinga na nang malalim ang ama ko. Umupo siya sa aking kama at nagbuntong hininga.
"Ama, ano po ba ang nangyayari?" tanong kong muli, ngunit hindi niya ako pinansin.
"Aalisin ko na ang takip sa mukha ng aking anak," ani Haring Domingo.
"Sige, gawin mo na," sagot ng aking ama.
Inalis ni Haring Domingo ang takip sa mukha ni Marius at iniharap ang kaniyang anak sa Emperador. Pansin ko ang pawis na tumulo sa noo ng aking ama, na tila ba hirap siyang tumingin ng diretso sa munting prinsipe.
"Napakalakas ng kaniyang alindog, na para bang ako ay nagagayuma!" sabi ng aking ama. "Napaka hirap pigilan ang aking sariling magpakatirapa sa kaniyang harapan."
"Na siyang dahilan kung bakit namin naisipang dalhin siya rito sa kabisera," paliwanag ng hari ng Hermosa. "Kahit ang kaniyang ina at mga kapatid ay nahihirapang makisalamuha sa kaniya nang di naaapektuhan ng kaniyang mahika. Ako man ay laging mataas ang depensa kapag nasa paligid niya. Napaka lakas ng impluwensiya ng kaniyang mga salita, at napaka hirap niyang suwayin."
"Ngunit lahi ninyong mga enkantadong ’Dilang Pilak’ ang mga katangiang ito, paanong nangyari na `di ninyo mapigilan ang kapangyarihan ng sarili ninyong anak?" tanong ni ama.
"Pinanganak siyang kakaiba sa lahat ng mga engkantadong ’Dilang Pilak’,” paliwanag ni Haring Domingo. ”Kahit ang mga nakatatandang mga pantas sa aming bansa ay nahirapang gumawa ng paraan upang mabawasan ang kaniyang impluwensya sa ibang tao. Ang iyak lang niya ay nagtatawag ng mga tao upang siya'y iligtas sa anu mang kapahamakan, tulad nang nakita mo kanina... aba, nang siya'y ipinanganak, nagsuguran ang lahat ng mga kawal sa silid ng komadrona nang magsimula siyang ngumawa!" napa buntong hininga ang hari. "Kinailangan ko silang patulugin upang `di magambala ang aking asawa na kapapanganak pa lamang!"
Tahimik akong nakinig sa kanilang usapan.
Tinatrato nila akong tila wala sa silid, samantalang ang kanilang mga mata ay nakatitig kay Marius na mangiyak-iyak sa kanilang harapan. Hinawakan ni itay ang buhok ni Marius na napapikit sa takot. Iniangat niya ang kaniyang mukha. Nakita ko ang luhang tumulo sa pisngi ng aking bagong kaibigan.
"Bitawan ninyo siya!" bigla kong sambit. Napatingin sa akin ang dalawa na mistulang nagulat sa aking presensya. "Hindi ba ninyo nakikita na hindi naiintindihan ni Marius ang mga pangyayari? Natatakot siya sa mga sinasabi ninyo!" Hinatak ko si Marius palayo at niyakap siyang mahigpit. Humihikbing niyakap niya ako pabalik at tahimik na umiyak sa aking d****b. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo ipinaliliwanag ang lahat sa amin," ika ko. "Dapat yata ay hindi ko kayo pinapasok sa aking silid!"
"Theodorin. Tumahimik ka." Sabi ng aking ama, ang kaniyang tinig, malakas, galit. "Ikaw ay anak ko lamang, at ako ang Emperador. Ang lakas ng loob mong magsalita nang ganiyan sa iyong Emperador." Lalong napa hagulgol si Marius.
Galit na tumayo ang aking ama at itinaas ang kanang kamay. Dumadaloy ang kidlat dito at itinuro niya iyon sa direksiyon namin ni Marius. "Ibigay mo sa akin si prinsipe Marius!" utos niya.
"Maghunos dili ka, Emperador Leonsio." Lumapit si Haring Domingo sa aking ama at hinawakan siya sa braso. Biglang nanlambot ang aking ama na halos mahulog sa lapag, ngunit nasalo siya ni Haring Domingo. Ang ama kong napakalaking tao ay kinarga niya na parang isang munting paslit, at ihiniga sa kama.
"Anong ginawa mo sa aking ama?!?" sigaw ko sa kaniya, handang tumawag ng kapangyarihan upang kalabanin siya.
"Huwag kang mag-alala. Pinatulog ko lamang siya," kalmado niyang sagot. "Sabihin mo sa akin, prinsipe Theodorin, paano mo nagawang tanggalin ang maskara sa mukha ng aking anak?"
"Bakit hindi mo siya tanungin?" Pabalang kong sagot.
"Marius?" tawag niya sa kaniyang anak.
Hinarap siya ni Marius.
Nakangiti siya, walang markang galit ang kaniyang makinis na mukha at ubeng mga mata. "Maari mo bang ilaad sa akin ang mga pangyayari?" Umiling si Marius, natatakot mag-salita sa kaniyang ama. "Huwag kang mag-alala, anak," pang-aamo niya, "Hindi ako basta-basta tatalaban ng iyong mahika. Tandaan mo, ako ang hari ng mga enkantado sa isla ng Hermosa. Isa rin akong Dilang Pilak na may dugo ng mga diwata." Ngumiti siya at hinawi ang pilak na buhok ni Marius.
"Ama..." ani Marius, "nais lang namin makita ang aking mukha..." paliwanag niya, "ipinakita sa akin ni Marius ang salamin, at pareho kaming nagtaka kung bakit tila may sumpa ang maskara na nakasuot sa akin..."
"Kaya ba naisipan ninyo itong alisin?"
"Ako po ang nag-utos sa kaniya na alisin ang maskara. Ako ang nagtanggal nito." singit ko habang masama ang tingin sa hari ng Hermosa. "Walang anu mang kasalanan si Marius!"
"At paano mo naman nagawa iyon, prinsipe Theodorin?" tanong ni Haring Domingo.
"Naalala ko po ang isang kuwento kung saan ang sumpa ay natanggal sa pamamagitan ng isang h***k..."
"Isang h***k?" Napatawa bigla ang hari ng Hermosa. Ang tinig niya ay parang mga ibong nag-aawitan sa umaga. "Napaka simpleng lunas – ang h***k ng tunay na pag-ibig!" patuloy siyang tumawa. Napatingin ako kay Marius na nakangiti sa kaniyang ama, at napangiti na rin ako. Maya-maya ay tatlo na kaming tumatawa sa loob ng silid habang ang ama ko ay patuloy na natutulog nang mahimbing.
Ika-tatlong Bahagi "Itay, totoo po ba na mapanganib ako sa ibang tao?" tanong ni Marius sa kaniyang ama. "Kailangan ko po bang magsuot muli ng maskara? Habambuhay?" Malungkot na tinitigan ni Haring Domingo ang munting prinsipe. Napabuntong hininga siya at niyakap ang kaniyang anak. "Hayaan ninyo akong magpaliwanag." Tumignin siya sa akin. "Sapagkat ang bagay na ito ay nauukol sa inyong dalawa." "Ang mga purong maharlika na mula sa pamilyang Ravante ay may lahing diwata,” paliwanag niya, “kaya tayo ay ipinapanganak na mga enkantadong malakas ang kapangyarihan sa mahika. Ang elemento natin ay tubig na nagbibigay ng buhay, at ang ating kapangyarihan ay ang pagmamanipula ng mga tao.” “Isa sa mga katangian ng mga pamilyang Ravante ay ang napaka gandang mukha na nakakapang-akit, lalo na sa mga nilalang na mas mahina sa atin. Isa pang kakayahan na bihirang lumabas sa ating dugo ay ang Dilang Pilak, na siyang namana nating dalawa
Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i
Ika-apat na Bahagi “Handa ka na ba, Marius?” kumatok ako sa pinto bago ko binuksan ito. Nakita ko si Marius, ang aking matalik na kaibigan, na nakatitig nanaman sa salamin. Tanging maiksing tuwalya lang ang kaniyang suot na nakatakip sa kaniyang p*********i, at nakita kong basa pa ang mahaba niyang buhok na kulay pilak. “Hay, hanggang ngayon ba naman ay pinagmamasdan mo pa rin ang iyong sarili?” tanong ko sa kaniya habang pumipili ng damit sa kaniyang aparador. “Magmadali ka na, Marius, parating na ang aking ama mula sa kabisera!” “Theo, sa tignin mo ba ay masyadong namumula ang aking mga mata?” tanong niya sa akin. Ako naman ay napailing. “Ayan ay dahil nagpumilit ka pang hintayin ang pag-ulan ng mga tala kagabi,” paalala ko sa kaniya. “Inabot tuloy tayo ng pagsikat ng araw.” Kinuha ko ang mas malaking tuwalya na nakabalumbon sa kaniyang kama at pinunasan ang kaniyang buhok. “Hindi kaya mapansin i
Ika-anim na Bahagi “Sigurado ka bang ayaw mong kumain kasama ang iyong mga bisita?” tanong ko kay Marius pagdating ng tanghali. Kasalukuyan kaming nasa pangalawang palapag ng kuwadro ng mga kabayo. Nakahiga kami sa sahig na puno ng dayami. “Sobra akong nanghina sa dami ng mga taong bumati sa akin na hindi ko naman kilala,” sabi ni Marius na minamasahi ang magkabila niyang panga. “Kinailangan ko pang ulitin at batiin ang kanilang mga pangalan!” “Nanghina ka ba talaga? Samantalang hindi ka naman tumayo man lang sa upuan mo?” sarkastiko kong sagot. “Nakakalula pa rin iyon, Theo!” nakasimangot nanaman siya sa akin. “Buti na lang at nakamaskara ako, kung hindi, ay malamang nangalay na ang mukha ko sa pilit na pagngiti!” “Hindi mo naman kailangan ngumiti, sa ganda ng iyong mukha ay sapat na iyon pambati sa lahat ng iyong mga bisita.” Natuwa ako nang makitang namula ang mukha ni Marius. Inabot ko ang ka
Ika-pitong Bahagi “Nananaginip ka ba ng gising?” naiinis kong sagot kay prinsipe Lucuis. “At paano mo naman balak makipag-bigkis sa amin ni Marius?” hindi ko napigil na matawa. “Ang proseso nang pagbibigkis ng isang enkantong Dilang Pilak ay nangyayari lamang, isang beses sa kaniyang tanang buhay, at isang tao lang ang kaniyang nakakaparehas. Paano mo nasabing nais mong makipag-bigkis sa amin?!” “Sa pamamagitan ng isang kapatiran,” sagot niya sa akin. “Sa isang samahan na hindi kayang pigtasin nino mang babae o lalaki.” “Isang samahan?” ulit ko. “Oo, isang kasunduan na maging kasangga ninyo at kapatid, habang dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat.” Napatitig ako sa prinsipe ng Ignus, ang kaharian na matagal nang may hidwaan sa aming mga taga-Heilig. Nakatitig siya sa akin, diretso at maliwanag ang tingin ng kaniyang mga mata. “Isang kapatiran?” tanong kong muli sa kaniya.
Ika-walong Bahagi Nahulog ang maskara sa lapag sa pagsara ko ng pintuan sa aking silid. Agad akong hinarap ni Marius, tapos ay biglang sinampal! “Anong problema? Bakit mo ako pinagbuhatan ng kamay?” tanong ko sa kaniya. “Nakipagsayawan ka sa prinsipe ng Ignus!” singhal niya, “Bakit mo ginawa iyon? At sa tao pa na nais akong dakipin!” “Ako’y nakipag sayaw lamang!” tugon ko sa kaniya habang nakakunot ang nuo, “Bakit ka nagagalit? Isa pa, sa tingin ko ay walang kinalaman si prinsipe Lucuis sa tangkang pagdakip sa atin.” “At paano ka naman nakasisiguro?” galit pa ring tanong ni Marius. “Kinausap niya ako, kaya siya nakipag sayaw sa akin. Nais niyang makipag kaibigan sa atin!” paliwanag ko sa kaniya. “Isang kapatiran, isang pagbubuklod ng mga kaharian ang nais niya, bakit siya manggugulo sa iyong pagdiriwang kung nais niyang makipag sundo sa atin?” Natahimik si Marius, ngunit hindi nawa
Ika-siyam na Bahagi Nagmantsa ang pulang dugo sa aking puting sapin. Napansin ko lang iyon kinabukasan, nang magising ako sa tanghali. Tulog pa rin si Marius na nagpapahinga sa aking d****b. Pareho kaming walang saplot, at nababalot lang ng kumot at sa natuyo naming pawis. Hinawi ko ang pilak na buhok sa mukha ng aking sinisinta at hinalikan siya sa noo. Babalik pa sana ako sa pagtulog, nang may mahinang katok na tumunog sa aking pinto. Ako’y nainis, ngunit sa taas ng posisyon ng araw sa labas ng bintana, ay alam kong masyado nang napahaba ang aming tulog. Dahan-dahan kong inalis sa pagkakahiga sa aking d****b si Marius at marahang tumayo sa kama. Naglakad na ako papuntang pinto at binuksan ito. “Prinsipe Theodorin, magandang araw,” bati ng punong mayordomo namin na si Simon. Tumingin siya lampas sa akin, sa aking kama, at muling napatingin sa katawan ko na tela lang ang tabing. Na
Ika-sampung Bahagi Natagalan kami sa pagbaba sa comedor dahil kinailangan ko pang gamutin si Marius. Buti na nga lang at naibsan ang pananakit ng kaniyang likuran at nagawang maglakad nang may alalay mula sa akin. Palabas na ng silid ang ama kong Emperador nang kami ay dumating. “Bakit ngayon lang kayo dumating?!” pagalit niyang sinabi. “Paumanhin po, mahal na Emperador,” sagot ni Marius bago pa ako makapagsalita. “Masama po ang aking pakiramdam, at kinailangan pa akong alalayan ni prinsipe Theo upang makababa rito sa comedor.” Masama ang tingin ni ama sa maskarang suot ni Marius. “Umupo na kayo.” Muli siyang bumalik patungo sa mesa. “Importante ang ating pag-uusapan.” “Kumain muna kayo...” sabi ni Haring Domingo sa aming paglapit. “Hindi! Wala nang panahon,” sabat ng aking ama. “Kasalanan nila kung sila ay magutom man. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon!