Share

GHOST HUNTER 1

GHOST HUNTER FOR HIRE

EMERSYN

“Tumabi ka pare. Dadaan ang baliw.”

“Eww. Anna lumayo ka diyan ‘wag mong ipadapo ang balat mo sa babaeng ‘yan. Baka mahawa ka sa kabaliwan niya.”

“Freak.”

“Nerdy freak to be exact.”

“Sabi nila may third eye daw siya.”

“Yeah. They say she can see ghost.”

“At may nakakita rin daw sa kanya na may kinakausap sa isang room noong nakaarang taon kahit wala namang tao roon. Gosh! She’s so creepy!”

Kahit gusto ko man iikot ang mata ko sa kanila ay nagbuntong hininga nalang ako. It has been the daily routine of students to talk about me behind my back—or even infront of me from being the number freak of Willows High School. And just like the other students, it has already been a routine for me naibalewala ang mga pinagsasabi nila. Well, kahit ako aaminin ko na may tama naman sila sa mga paratang nila sa akin pero hindi kasama doon na ilabel ako bilang isang ‘freak’. Hindi ako baliw sadyang naiiba lang ako sa kanila.

I am different from them because I have this ability. An ability that has served to be a blessing and a curse to me.

It’s a blessing. Hindi gaya ng ibang tao, I can see things that are not visible to the normal naked eyes of humans. Nagagawa kong makita, nakakausap at mahawakan ang mga multo. I can say that I am special to have this ability. At gamit ang abilidad na ito ay nagagawa kong tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga taong nagagambala ng mga multo.

It’s a curse. I might be special in a way that only people like me can understand yet for others, for normal people I’m different. Being gifted by this ability, I’ve been bullied for I think all my life. Hindi naging madali ang buhay ko na nakatanggap ako ng ganitong abilidad. Maraming tao ang natatakot sa akin dahil sa abilidad na taglay ko. Natatakot silang kaibiganin ako dahil baka mahawa sila sa abilidad ko at matulad sila sa akin kung kaya wala akong kaibigan sa school.

Not to mention, even the teachers are scared of me. Ako kasi ang tinuturo nilang salarin sa mga nangyayaring kababalaghan ng paaralan. Kulang nalang na ipatalsik nila ako ngunit hindi nila magawa dahil sa magandang record ko sa school at isa rin ako sa honor student ng fourth year. Nagawa ko nalang na masanay sa ganitong get up ng buhay ko. Mas mabuti ang ganito dahil naging madali lang sa’kin na ikubli ang sekreto ko kahit minamaliit at pinagsasabihan ng mga masasamang bagay ng ibang tao.

At dahil sa nakayuko ang ulo ko sa paglalakad para maiwasan ang mga taong nakatingin sa’kin ay hindi ko nakita ang paang nakaharang sa dinaraanan ko. Nadapa ako at napasubsob sa malamig na sahig. Nahulog at nagkalat ang mga libro ko pati ang eyeglasses ko ay nahulog. Narinig ko ang tawanan ng mga taong sa paligid.

“Hahaha. Baliw na nga lampa pa!”

“Serves you right freak!”

Ang sakit! Bwiset ang mga taong ‘to! Walang magawang matino sa buhay! Hindi ko naman sila ina ano ah! Minadali kong ipulot ang mga nahulog kong gamit. Nakakahiya at nakakababa tingnan sa sarili na pinaglalaruan at minamaliit ako ng mga tao pero natigilan akong pulutin ang salamin ko.

The eyeglasses that became my temporary shield against ghost. The specially made eyeglasses is use to prevent me from seeing ghost that I got from work. Kailangan ko ito dahil kailangan ko rin magpokus sa aking pag aaral. Baka kasi pagmakita at mapansin ng mga multo na aware ako sa kanilang presensiya hindi nila ako tatantanan at kukulitin ako sa klase gaya ng ginawa ng mga multo sa’kin noong elementary.

Umaga at kita ko ang itim na usok sa dulo ng hallway na unting naging itim na pigura ng isang tao. And without a doubt, it’s definitely a ghost. Agad kong nilagay sa bag ko ang salamin at nagmadaling tumayo. Kailangan kong sundan ang itim na pigurang iyon. Tatakbuhin ko na sana ang direksyon ng multo ngunit hinarangan ako ng tatlong lalaki sa aking harapan. From just looking at their faces masasabi kong mga bullies itong mga kaharap ko. ‘Yong mga tipo na palaging humahanap ng away.

“Where do you think you’re going freak?”wika ng matabang lalaki sa gitna na ubod sa daming pimples at blackheads sa mukha. Ugh. Hindi ba uso sa kanya ang facial wash?

Sa pagkakaalam ko sa kanila, sila iyong mga varsity ng football team ng school. At kung susubukan kong kalabanin ang mga taong ‘to ako lang ang magmumukhang nasa mali dahil pabor sila sa mga guro at ibang tao sa faculty dahil sa mga panalo nila sa football na ikinabenepisyo ng paaralan.

Hindi ko pinansin ang unang sinabi ng lalaki at sinubukan kong lagpasan sila ngunit hindi nila ako pinadaan. Kinuyom ko ang kamay ko, ako ang tipong tao na kakarampot lang ang pasensya. Ngunit hindi ko pwedeng ipakita sa kanila ang kakayahan ko. Baka ipagtaka nila ang pagkatao ko at maging sentro ako ng atensyon na siyang iniiwasan ko.

“Padaanin niyo ako.”

Nagkatinginan silang tatlo at naghagalpak ng tawa. Pinagmasdan lang kami ng mga estudyante sa mga gilid na para bang nanunuod sila ng eksena sa isang teleserye.

“Woah. Ang tapang,”sabi ng gitna. Madiin na hinawakan ng lalaking nasa kaliwa ang balikat ko. “Kilala mo ba kami freak?”sabi ng kaliwang lalaki.

If only they knew how much I want to punch their faces. Masama ang tingin na pinukol ko sa kanila. Kung nakamamatay lang mga tingin kanina pa nakabulagta ang tatlong ungas na’to!

“Kailangan pa ba iyon? Wala naman akong pakialam sa mga taong gaya niyo,”sagot ko. At mukhang mali ang naging sagot ko dahil ang kaninang nakakaasar nilang hitsura ay napalitan ng galit at inis.

Uh oh. This is bad.

“You want to taste my fist, freak!”

Pinikit ko ang mata ko at hinarang ang mukha gamit ang libro ko para iwasan ang kamaong paparating sa’kin.

“Lay a hand on her and you’ll be suspended,”maawtoridad na sabi ng pamilyar na boses sa tenga ko. Napamulat ako at nakita kong ang naka ambang kamao ng lalaki sa ere pero nakatuon ang atensyon ko sa lalaking nasa likuran ng mga ungas.

Holy pancakes!

Parang nagdiwang ng piyesta ang sistema ko ng magtama ang mga mata namin. Ang ubod ng gwapo at talino na si Stefan Roderic Reyes. Shoot! How can he be so handsome wearing our school uniform? He is so perfect. Not to mention he is the Student Council President. And gosh! Is he here to save me from this lunatics? My knight in shining neat uniform.

“Shit! Nandito naman ang gago!”

Sinamaan ko sila ng tingin ngunit wala sa akin ang atensyon nila dahil na kay Stefan iyon. “Bro, alis na tayo bago pa tayo masuspende. Lagot tayo kay coach,”sabi ng kanan sa matabang nalaglagan ng durian sa mukha sa ubod ng daming acne. Sinabihan din ng lalaking nasa kaliwa ang kanilang matabang leader pero hindi nakinig ang may katigasan din sa ulo na lider nila.

“Bakit naman kami makikinig sa iyo?”sabi ng matabang lider nila.

“I am the Student Council President and as the president I am given the authority to deal with morons like you,”seryosong wika ni Stefan na binigyang diin ang ‘morons’. Gusto kong matawa sa mga mokong na’to. And what the heck! Mas bumilis ang tibok ng puso ko kay Stefan. One thing that caught the attention and captures the hearts of girls (including mine) from him was his dreadful serious attitude and how he can speak with such authority that everybody needs to comply with all his orders.

Hindi nakapagtimpi ang tabachoy. “Gago ka!” Akmang susugurin ng matabang lalaki si Mr. President ngunit pinigilan siya ng dalawang alipores niya. Pinakita ni Mr. President ang fountain pen niya na mula sa side pocket ng kanyang uniporme. “Video recording pens really comes in handy these days. Ipagpatuloy mo ang gusto mong gawin sa akin ngunit sa pagkakataon na’to ay wala ka nang kawala sa mga offenses mo. Everything is recorded in this pen,”wika ni Mr. President na winagayway ang fountain pen niya.

“Bwiset!” Marahas na kumulas ang tabachoy sa hawak ng dalawa niyang kasama, tumalikod at sadyang binangga pa ako ng mokong bago umalis. Agad naman siyang sinundan ng dalawa. Ha! Cowards!

Matalim na tiningnan ni Mr. President ang mga estudyante sa mga gilid. “Anong tinutunganga niyo d’yan!? Kanina pa nagbell magsipasok kayo sa klase niyo!”

Wala namang umangal at nagsipasok ang ibang estudyante sa kani-kanilang classroom. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang lumapit si Stefan sa’kin. And looking at him this up close, you can really see how perfectly handsome he is. And gosh! I can’t stop staring at his beauty.

“Hey! Stop staring and go to your class!”nakakunot noo niyang sabi sa’kin.

Yikes! Pati ako hindi nakaiwas sa rules and regulations niya. What do you expect from a walking rule book? Sa pagkakaalam ko, plano ni Mr. President na maging lawyer. Shocks! Nakakahiya na tinititigan ko siya kanina na parang tanga!

“Y-Yes Mr. President,”nauutal kong sabi.

Tumalikod ako at nagsimula ng humakbang palayo ngunit huminto ako nang may naalala ako at muli kong hinarap ang nakakunot noo at nakapamewang na si Mr. President. Bahagya kong yinuko ang ulo ko. “Thank you.” Hindi ko na siya tiningnan nang tumalikod ako at tumakbo.

“No running in the hallways!”pahabol niyang sigaw.

Buong araw ay hindi ako masyadong nakapokus sa pakikinig sa mga guro dahil palaging lumilipad ang utak ko kay Stefan. Bumabalik sa utak ko ang scene kaninang umaga nang pinagtanggol niya ako sa mga bullies. Kahit isipin na pinagtanggol niya ako dahil iyan ang ginagawa niya bilang isang Student Council President. Ayos lang. It’s not every day that a knight in shining neat uniform will save a damsel in distress.

Biglang sumagi sa utak ko ang multo kanina. Tss. Nakalimutan ko palang sundan ang multong iyon. Oh well. May araw din ang multong iyon sa’kin. Natapos na ang huling klase at nagsilabasan na ang mga estudyante at ako nalang ang natira sa room. Inayos ko ang mga gamit sa bag ko nang mapahinto ako ng magvibrate ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko. Kinuha ko ito at nakita kong nagpakita ang logo ng GFH at sumunod ang isang unknown number ng caller.

Sinagot ko ang tawag at tinapat sa aking tenga ang telepono. “Hello.”

“H-Hello. Ito ba si Emerald.” Isang tinig ng babae ang narinig ko mula sa kabilang linya at maririnig ko rin ang garalgal at takot sa boses niya.

“Yes Maam. Ano pong maitutulong ko sa inyo?”

“M-May multo rito sa condo unit ko. Please. Tulungan mo ako,”pagsusumamo ng babae sa kabilang linya.

“Saan ang lokasyon niyo Maam?” Inipit ko sa aking tenga at balikat ang cellphone habang kinuha ko ang ballpen at kapirasong papel mula sa bag ko. Nang maibigay niya ay lokasyon ay mabilis ko itong sinulat at nilagay sa bulsa.

“I’m on my way Maam.”

~*~*~

Pagkatapos kong magbayad sa driver ay agad akong bumaba sa taxi. Tumingala ako at namangha sa magara at mataas na building pero agad ko iyong iniwaksi at dumiretso sa may lobby. Kinausap pa ako ng mga nasa information desk na agad din nila akong pinayagan na tumuloy nang matawagan na nila ang kliyente ko. Hinanap ko ang condo unit 101 nang mahanap ko na ay agad akong kumatok sa pinto. Bumukas ang pinto at sinilip ako ng babae.

“Ikaw ba si Emerald?”tanong niya sa’kin.

“Yes Maam. I am Ghost Hunter Emerald, at your service,”sabi ko sabay pakita sa GFH ID ko.

Agad niyang tinanggal ang safety lock ng pinto niya at pinapasok ako. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng lugar niya at hindi mapagkakaila na ang ganda ng condo unit niya. Mas magara at maganda pa kaysa sa condo unit ko.

“Tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako,”garalgal na sabi ng babae.

Nasa mga 20’s pa ang edad niya. Maganda siyang babae na pwedeng ipamalas sa mga glossy magazines ngunit bakas sa hitsura niya ngayon ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata at ang maputla niyang kutis. Nakakabahala rin ang kanyang mata na puno ng takot at ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan at parang anumang oras ang mahihimatay siya.

Nilagay ko ang dalawang kamay sa balikat niya at pinaupo siya kanyang sofa. Umupo rin ako sa single sofa at sinimulan ko siyang kausapin patungkol sa multo na gumagambala sa pamamahay niya. Kahit nahihirapan siya ay nagawa niyang ipinaliwanag sa’kin ang kanyang sitwasyon. Ayon sa kaniya na nagpakilala si Ms. Carla Roxas ay recently this week ay ginagambala siya ng multo tuwing gabi. Gabi gabi siyang tinatakot ng multo, ginagambala niya ang kanyang tulog at nagugulat nalang siyang makita na unting unti napupunit ang kanyang damit hanggang sa wala na siyang saplot. At mas natakot siya nang nararamdaman niyang parang ginagahasa siya ng tanging itim na pigura ng lalaki ang nakikita niya. Sinubukan niyang lumipat ng condo unit ngunit palagi parin siyang sinusundan ng multo sa kahit saan siya mapunta. Natakot siyang pagsabihan ang ibang tao tungkol sa nangyayari sa kanya dahil baka isipin ng iba na nahihibang o nababaliw na siya lalo ngayon na hindi pa nawawala ang isang scandal na nadawit ang kaniyang pangalan. Baka pagkakamalan lang nila ang pangyayaring iyon  ay dahil sa nadidepress na siya sa mga nangyayari sa career niya. Kaya nang nakita niya ang website ng Ghost Hunter For Hire ay hindi na siya nagdalawang isip na humingi ng tulong sa amin.

Gamit ang website o app ng Ghost Hunter For Hire ay agad namin dinudulog ang mga problema tungkol sa mga multo. Dito magawang makahingi ang mga tao sa problema nila sa mga multo na sumisira at tinatakot ang kanilang mga bahay, negosyo at kahit ang kanilang buhay. Isang malaking kompanya ang GFH na kayang magbigay ng serbisyo sa buong Pilipinas at kahit sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa bawat kliyente at mission na aming ginagawa ay gumawa kami ng report sa website patungkol sa mga nagawa naming misyon. Kinailangan namin gawin iyon upang maibahagi namin ang mga impormasyon tungkol sa mga multo. Sa kung anong paraan namin sila kayang pugsain, sa mga s*****a na aming gamitin at sa kung anong klase ng ghost ang kinakalaban namin. It will help us especially in the future as the company is trying make more effective weapons to exterminate ghost.

“I-I don’t know what to do. Baka tuluyan na akong mabaliw sa kakaisip ng paraan para mawala ang multong iyon. Ilang araw na akong walang sapat na tulog at naging balakid na ang mga nangyayari ito sa aking trabaho. Gagawin ko ang lahat kahit magbayad man ako ng malaking halaga para mawala na ang multong iyon sa buhay ko. Natatakot ako baka hindi na ako—hindi na ako,”naputol ang kanyang gustong sabihin dahil humagulgol ito sa pag iyak. Hinagod ko ang likod niya trying to ease the emotions that are pilling up.

It is true that we are paid for our services. A big payment to be exact. Malaki ang binabayaran ng mga kliyente na halaga sa aming serbisyo madalas sa aming mga kliyente kasi ay mga nasa matataas na antas gaya ng mga businessman. Isa kasi sa kanilang problemang kinakaharap ng mga negosyante ay mga multong gumagambala sa kanilang pinapatakbong negosyo. 50% ang hatian naming mga ghost hunter at sa kompanya ng GFH sa nagiging payment.

“I think I heard enough. Hindi niyo na kailangan mabahala maam I will surely exterminate this ghost no matter what. He deserves to rot in the pits of hell!”

Tumayo ako at sinimulan ko na ang paghanda sa mga gamit ko. I put on my tool belt full of things I needed for a fight, talismans, beads, dagger and bottles of holy water. Nang lumingon ako kay Maam Roxas ay nahimasmasan na ito at pinagmasdan ako sa aking paghahanda.

“‘Wag kayong mabahala maam maisisiguro kong makatulog na kayo ng mahimbing pagkatapos ng gabing ito at para magawa ko ito ay kinakailangan ko po ang kooperasyon niyo.”

She gave me a questionable look yet soon nodded  her head as an answer. Muli akong umupo sa single sofa at pinaliwanag ko ang plano sa kaniya. Nung una ay nagdalawang isip pa siya sa plano ko. Natakot siya pero dahil sa gusto na niya matapos ang pangyayaring ito ay pumayag siya sa sinabi ko.

9:46 P.M.

Sinagawa namin ni Ms. Carla ang plano ko, siya ang pain ng plano ko. Nakahiga siya sa kanyang kama. Nasa loob ako ng kaniyang closet na binabantayan ang mga nangyayari mula lang sa makikita ko na maliit na siwang ng closet. Ilang oras rin akong nag antay, nangangawit na nga ang mga paa ko sa masikip na espasyo rito sa closet.

Agad akong naging alerto ng gumalaw ng kaunti ang puting blanket ni Ms. Carla ang inakala ko ay dahil sa gumalaw si Ms. Carla ngunit nag iba pagiisip ko nang umangat ang blanket sa ere. It’s like something is making it float in mid-air. I won’t doubt what that something is.

“Please. Stop. Tama na,”dinig ko ang boses ni Ms. Carla na nagmamakaawa sa ere. Nakaupo na siya at nakatuon ang atensyon sa lumulutang na blanket pero hindi parin nagpapakita ang multo. Hinigpitan ko ang hawak ko sa pamalo ko. Not yet.

Napasigaw si Ms. Carla nang unting napunit ang suot niyang satin night gown. Nakasandal ang likod niya sa headboard ng kama at niyakap ang sarili. Patuloy parin sa pagmamakaawa, sigaw at pag iyak niya habang unting unti napupunit ang kanyang damit. Hanggang sa bumagsak ang blanket at biglang nagpakita ang isang itim na pigura sa harap ng kama ni Ms. Carla na siyang nakatalikod sa’kin. Fear registered in Ms. Carla’s face. The black shadow suddenly forms into its original form that only those who have my ability can see.

Now!

Bigla kong sinipa ang closet at lumabas mula roon. When the ghost faces my way I immediately splash the contents of the holy water at his face. For holy water is something like acidic chemicals when it comes in contact with your skin it will burn. Napahiga ang multo sa sahig at nagpagulong gulong habang ang mga kamay niya ay nasa mukha. The screams of pain of the ghost wailed on all four corners of the room that only I can hear. He was going insane from the burning sensation on his face. There was also black smoke coming out from his face.

Sinenyasan ko si Ms. Carla na umalis at magpakalayo layo sa unit niya. Agad niyang naintindihan at saka tumakbo patungo sa pinto ngunit nahawakan ng multo ang paa ni Ms. Carla.

“Waaah!”sigaw ni Ms. Carla.

“Oh no you don’t!” Sinipa ko ang mukha nang multo dahilan para mabitawan niya ang hawak niya kay Ms. Carla.

“Takbo!”sigaw ko kay Ms. Carla agad siyang tumakbo paalis ng kwarto niya.

Naiwan ako kasama ang multong nakarecover sa sakit at tumayo na puno ng galit ang itim niyang mata. Hindi ko na madescribe ang mukha niya dahil sa mga itim na usok at sugat na pumipinta sa kanyang mukha. He suddenly grin from ear to ear which brought a shiver to my spine. Bigla siyang naglaho na parang bula at nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Inihanda ko ang aking pamalo sa kung ano mang surprise attack ng multo na gagawin sa’kin.

Naglabas ako ng d***g sa sakit na naramdaman ko ang mga kamay na humablot sa buhok ko. Hinila niya ang buhok ko para umatras ako patungo sa kama. The hell! Ang sakit! Ngayon lamang ako nakaramdam kong paano masabunutan. Ang sakit pala parang matatangal na lahat ng buhok sa anit ko.

“Bitawan mo ako!”

Hinampas ko ang baseball bat sa sikmura niya. Nabitawan niya ako at agad kong binuksan ang botilya ng holy water at muling binuhusan ang kanyang mukha. Nabaliw naman siya sa sakit na nararamdaman niya sa muli kong pagbuhos ng holy water sa mukha niya. There’s not much space in Ms. Carla’s unit so I use the distraction to run outside of Ms. Carla’s unit and stop to a more secluded part of the long hallway. Hinagis ko ang bag ko sa sahig at inihanda ang pamalo ko sa pararating na panganib.

“What are you doing?”

Without thinking I turn backward and swing my bat with full force to the one who just spoke behind me. Huli na ng rumehistro sa utak ko na hindi pala multo ang nagsalita. Walang kakayahan magsalita ang mga malignant ghost. Buti nalang at agad siyang nakaiwas na umatras ng ilang hakbang bago pa tumama sa ulo niya ang pamalo ko.

“Woah. Easy with the bat girl,”sabi niya na nakataas ang dalawang kamay biglang pagsuko.

“Sorry,”pagbibigay ko paumanhin sa lalaki.

Tinitigan ko siya. He was handsome with his messy black hair like he just woke up from a nap. But it bothered me that his skin was pale white, the same color as people that are dead. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He wore a plain white v-neck shirt, black ripped jeans, and converse shoes. But what caught my attention was his feet. It was drifting inches away from the floor.

Nagrehistro sa utak ko na hindi ito tao at matalim ang tingin ko sa kanya. Ihahampas ko sana ang bat sa kanya. But suddenly I felt a pang of shock shooting through my body when the malignant ghost suddenly appeared right infront of me. Parang bumagal ang takbo ng oras nang ngumisi ng nakakaloko ang multo.

Nabigla na lang ako nang may pwersang tumulak sa akin. Tumama ang likod ko sa pader bago bumagsak sa sahig. I was forcefully pinned on the wall. Napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko sa aking likod pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Buong diin niyang hinawakan ang leeg ko at sinasakal ako. Kahit nasasaktan at nahihirapan ako ay nagawa ko pang ihablot ang pamalo ko at buong lakas hinampas sa ulo niya. Nabitawan niya ako at napatumba siya sa sahig. Tumayo ako habang napapaubo at hinahabol ang hininga ko.

Nakita ko sa kanyang ulo ang parteng kulay pula sa ibabaw ng kanyang kaliwang tenga. The weak spot!

“GO TO HELL!”

Bago pa man siya makatayo ay hinampas ko ang bat. Napamura ako sa isip ng nakagulong siya sa gilid bago pa siya matamaan ng pamalo ko. Nakatayo ang multo at nand’on naman ang nakakairitang ngisi sa mukha niya. I lunge forward and swing my bat yet he was able to deflect it. Tinabig niya ang bat sa kamay ko at humagis iyon palayo. Bago pa man ako makagawa ng hakbang para sa isang offensive attack ay inatake niya ako ulit.

Ginamit niya ang kakayahan niyang gumamit ng pwersa para mapatumba ako sa sahig. Napahiga ako sa sahig nang subukan kong tumayo ay hindi ko nagawa. Dang it! He had me pinned down it’s like there some strong gravity pulling me. I can’t move my body which gave the monster the privelege to do anything with me.

Pumaibabaw ang multo sakin na may nakakalokong ngisi sa mukha niya. Biglang nag iba ang kulay ng kanyang mata mula sa pure black ay naging bloody red. Nasilaw ako sa kulay pulang ilaw na nilalabas nang kanyang mata. Nagulat ako sa unti unting pagkapunit ng uniporme kong suot mula sa medyas paitaas. Napamura ako sa isip. This is bad.

I can’t move my body and the dilemma that my clothes are slowly tearing apart to shreds is making things worse. Anong gagawin ko? Damn it! Kung hahayaan ko lang ay wala na akong matitira na saplot. It’s not like that is the only problem I have. Nasa ibabaw ko parin ang multo na mukhang nasasayahan sa expression ng mukha ko. I need to kill this ghost before it kills me.

Pinilit kong itaas ang mga kamay at paa ko ngunit hindi siya umoobra. Bigla nalang akong sinakal ng multo nang puno ng lakas at diin. Nararamdaman ko na ang lamig ng tiles ng sahig sinyales na nawala na ang mga damit at tanging underwears nalang ang naiwan sakin. Great! Mamatay ako sa sakal sa leeg at matatagpuan ang katawan kong ganito walang saplot. Sh.t!

It was getting hard for me to breathe and I’m seeing black spots in my vision. Anytime soon I’ll pass out and die. What should I do? Biglang sumulpot iyong multo kanina na inakala kong tao. Sumipol siya. “Nice legs, girl.”

Isa pa ang multong ito! Mapatumba ko lang ang isang ito ikaw ang isusunod ko! Nahihirapan na akong huminga.

“Need help?”narinig kong sabi ng multong lalaki. Ngunit hindi ko na siyang maaninagan dahil nandidilim na ang paningin ko hanggang sa wala na akong nakita.

“Hmm?...I’ll take that as a yes.”

“AAAHHH!”

Napahugot ako ng malalim na hininga ng mawala na ang mga kamay sa leeg ko. Pagmulat ng mata ko ay tanging itim na usok ang nalang ang nasa ibabaw ko at agad naman itong naglaho. Napaupo ako na hinawakan ang masakit kong leeg. Ilang ulit akong napaubo at hinabol ang aking hininga. When my breathing was okay ay nagmadali akong kinuha ang bag ko. Nilabas at sinuot ko ang isang tshirt at shorts.

Buti lang talaga walang tao dito sa hallway na’to kung hindi ay makikita nila akong walang saplot. . . well, except. Napalingon ako sa multo na tumulong sa akin kanina. May ngiti ito sa mukha na parang naaaliw siyang makita ako. Masama ang pinukol kong tingin sa kanya at nakakuyom ang mga kamao ko pero agad rin akong kumalma at napabuntong hininga. He did save my life. I don’t know what his deal but I still should be grateful that he helped me.

“For now I will spare your soul. Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko,”sabi ko waving my hand dismissively. Ngunit hindi siya umalis sa harap ko subalit tinaasan niya lang ako ng kilay at pinagkrus ang braso niya sa d****b.

“Geez. Is that your way of saying ‘thank you’?”sarkastiko niyang sabi.

I whipped my head to look at him. I can’t believe that I am face to face with a ghost that can speak like a normal person. He is unlike other ghosts I encounter in my missions. Malignant ghosts are insane ghosts that only hunger for dark power coming from the emotions of their victims. They feed on fear, hatred, jealousy, lust, horror, and other negative energy from humans. And this is the first time that a ghost talk to me with sarcasm.

And it is the first that a ghost helped me. It's kinda ironic. A ghost hunter has just been saved by a ghost. Pero anong pumasok sa kokote—ayy wala pala silang utak dahil kaluluwa lang sila—but the fact that he helped me, what was his reason for doing it? Shouldn’t he be happy that his comrade will kill a ghost hunter? That way his soul won’t be in danger, I won’t be able to reap his soul.

Nilabas ko ang isang bote ng holy water. “Are you gonna leave or I’ll burn your face with this?”

“Okay fine. Yeesh! Girls this days. Bye!”at may ngiting kumaway siya bago naglaho.

Nagbuntong hininga ako. Emersyn Callista Dela Torre, you are so worthless! Nagawa mong makatanggap ng tulong mula sa isang multo. Isang multo! Urgh! Paano ko ito irereport sa GFH mamaya? Anong ilalagay ko?

I, Ghost Hunter Emerald, just receive help from a ghost. How great is that?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status