Share

Chapter 4

"Yella!!" Napalingon ako kung saan galing ang boses na 'yon. Ngumiti si Clare sa akin bago humakbang papalapit sa kinatayuan ko .

"Ang liit nga naman ng mundo dito pa talaga tayo nag kita sa palengke," wika ko at tumawa .

"What a coincidence ... Magpapatulong sana ako Yella, may alam ka bang pagkain na gusto ni Chase?" Tanong niya bilang pag-iiba sa usapan.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at ngumiti,

"Ampalaya, favorite niya— ata." Pabulong kong binanggit ang huling salita.

"Really?" Kumunot ang kanyang noo,  "Gusto kaya n'ya 'yan? How can you be sure? " may pag-aalinlangan niyang sagot.

"Binasi ko lang sa ugali," pabiro kong sagot.

"Okay?" dagdag niya pa.

Tumitig siya sa akin,

"Kilala mo kung sino ang ex girlfriend ni Chase?" she ask out of nowhere. Natahimik ako saglit .

"Hindi," maikli kong sagot at iniwasan ang kanyang makahulugang titig.

"Tita told me hindi niya raw gusto ang babaeng 'yun kasi gold digger!"  paliwanag niya at ibinaling ang atensyon sa mga gulay.

Huminto ako,

"Baka may dahilan."

Sabay na kaming nag bayad sa cashier at sabay narin kaming lumabas,

"Yella sumakay kana rito, idadaan na kita sa inyo, " Aya niya.

"Huwag na Clare, nakahihiya naman," pag tanggi ko.

"Come on Yella! para namang ngayon lang tayo nag kakilala," pamimilit nito.

"Huwag na talaga  Clare, "

"Magpapaturo sana ako sa'yo kung paano 'to lutuin, you know na—hindi ako marunong ," pahayag niya .

Tumango nalang ako at sumakay sa sasakyan niya.

First time kung makapasok sa bahay ni Clare, may kalakihan din ito, wala kang makikitang kalat o dumi sa paligid, nahihiya tuloy akong tapakan ang sahig na mas makinis pa sa mukha ko.

Mag ta-tanong pa sana ako ngunit inunahan na niya ako,

"Feel free at home Yella, ako lang mag isa rito," sambit niya.

Binigay ko sa kanya ang recipe ng ampalaya, sinimulan kona ring lutuin ang aking mga binili.

"Galing mo talaga mag luto Yella! kaya nga matagal na kitang napansin noong highschool pa tayo," puri nito.

"Maaga kasi akong naging batang Ina,"

Dumaan ang gulat sa kanyang mukha,

"What? May anak kana pala?"

"What I mean Ina sa aking kapatid," pag tama ko.

"Ano 'iyang niluto mo?" pag iiba niya sa usapan.

"Pinakbet," maikli kong sagot.

"Patikim rin niyan." Tinikman niya ang kanyang niluto.

Her eyes widened at pa ulit ulit Tinikman ang niluto,

"Owemji... Ang sarap! First time ko makapag luto ng ganito kasarap kahit ampalaya lang, for sure magugustuhan ito ni Chase," Natikom ko ang aking bibig sa sinabi niya.

"Clare salamat sa pag hatid," Ani ko nang makalabas na ako ng sasakyan nito.

"Welcome, see you later,"  paalam nito.

Dumaan muna ako sa bahay para mag bihis ng pang office na damit bago ako pumunta ng Hospital.

"Arizona!" Sigaw ko sa pangalan ng kaibigan.

"Yella, bakit ngayon ka lang?"  tanong niya na may halong pag alala ang kanyang boses.

Nagpatuloy ako sa pag hakbang papalapit sa kanya,

"Dumaan pa kasi ako sa bahay ni Clare,"

Bigla niya akong hinarangan sa Daan,

"Clare?! " gulat n'yang tanong.

"Bakit?kilala mo?"

"Hindi." Binatukan ko s'ya dahil nagawa pa talagang magloko.

"Abigail pupunta na si Ate sa trabaho," paalam ko sa kapatid at humalik sa noo,  Tumango naman ito  bilang sagot.

Pinag patuloy ko ang trabaho sa pag check ng mga papelis mabuti nalang din at hindi pa dumating si Chase , uminom lang din ako ng kape sa labas pampalipas ng gutom.

Nakatuon lang ang aking atensyon sa ginagawa,  kaya Hindi ko agad napansin ang kasamahan ko na lumapit sa akin.

" Yella pinatawag ka ni CEO, " sambit ng kasamahan ko. Hindi ko rin napansin ang pag dating ni Chase.

"Good morning! anong kailangan mo?" masagana kong bati  kay Chase.

Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"I don't like your dress , you look like a maid," Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya , wala namang mali ata sa suot kong maroon longsleeves at jeans .

"Pati ba naman sa suot ko,  big deal sa'yo?"

"Yes, isn't ovbios? "

Nababuntong hininga ako ng mabigat.

"About sa mga papelis na pina check ko, how is it?" pag-iiba niya sa usapan, kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hindi ko pa tapos-" hindi niya ako pinatapos.

"Maybe I should fired you!" Inikot niya ang kanyang swivel chair.

Napalitan ng walang emosyon ang masaya kong mukha, magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Clare.

Napako ako sa aking kinatatayuan habang pinapanood ang pag lapit ni Clare kay Chase, binaba niya sa mesa ang dala niya.

"Oh! sorry for interruption, did I ruin your business conversation?" tanong niya Kay Chase .

"What are you doing here?"

"Dinalhan kita ng pagkain," paliwanag ni Clare at binuksan ang baunan.

Dumaan ang gulat sa mukha ni Chase ng makita niya ang ampalaya, I bet he likes it.

"Who did this?" Walang emosyon niyang tanong.

"Why? Ayaw mo ba? Pinaghirapan ko yan, nag pa tulong din ako Kay Yella," 

Napahawak si Chase sa kanyang ulo,

"I need water," utos nito, agad akong napakumilos.

"Yella dito ka nalang, ako na. " Clare insisted. Wala na akong magawa ng agarang lumabas si Clare.

"Saan ka kaya humugot nang kapal ng mukha?!" galit na utal ni Chase ng kami nalang dalawa ang naiwan.

Hindi agad ako naka sagot sa tanong niya.

"T-Tinulungan ko lang si Clare, Chase." nauutal kong sagot.

"Stop that bullshit, alam kung gumagawa kalang ng dahilan para pagkatiwalaan kita ulit!"

"At para saan Chase?"

"Look at your behavior Yella,"

"Kung alam mo lang Chase , nag ta-trabaho ako dito ng matino!" hindi kona mapigilang hindi malakasan ang aking boses.

Tumawa siya ng may mapang asar,

" Bullshit!"

"Yella..."

Natigilan ako ng biglang banggitin ni Clare ang aking pangalan galing sa pinto.

"C-Clare kanina kapa ba Jan?" nauutal kong tanong.

Humakbang siya papalapit Kay Chase at Kinuha ang pagkain na ni lagay niya sa mesa at bigla niya itong  itinapon sa aking damit na ikinagulat ko.

"You're a traitor!" sigaw nito.

" Clare-" she cut me off at sinampal ako ng malakas dahilan para ma pa tingin ako sa kaliwang banda dahil sa sakit.

" You're a bitch!" sigaw ulit nito, hindi ako makalaban o makagalaw man lang dahil sa gulat at bilis ng pangyayari.

"Ikaw Chase, mahal mo pa batong babaeng 'to?" tanong niya Kay Chase, walang luha ang lumabas sa kanyang mga chinitang mata at puro galit lang ang nakikita ko.

"Do what ever you want, I don't give her a fucking care! " He said without any hesitation on his voice.

"Really huh? Tignan mo kong anong gagawin ko sa babaeng ito," Binuksan niya ang hawak niyang water bottle at ibinuhos sa akin.

Pag labas ko ng pintuan, sa akin naka tuon ang atensyon ng lahat, I Smiled at them bago ako Tumakbo papuntang bathroom.

Tiningnan ko ang aking mukha sa harap ng salamin , sobrang hapdi ng aking pisngi at namumula din ito.

Nag simula naring magsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala na akong paki alam kung may makarinig man sa akin.

"Bakit hindi ka lumalaban Yella," duro ko sa sarili at sinabunutan ang aking sariling buhok.

"Ang hirap sa'yo Yella, mag papa alipin ka!"

Nag lagay ako ng kaunting pulbo para matakpan ang pasa sa aking mukha at lumabas ng cr na parang walang nangyari.

What a martyr I am.

Nag paalam muna ako para mag pahinga, dumeretso na ako sa hospital, tulog na si Abigail ng maabutan ko siya.

Hinawakan ni Ari ang aking likuran,

"Bakit basa itong damit mo ?" tanong niya na may halong pag alala sa kanyang boses, tears run down to my cheeks kaya naalis ang nilagay kong pulbo.

"Yella bakit may pasa ka sa mukha? Sinong may gawa nito?!" tanong niya, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang galit at pag alala.

"Ari please huwag ka ng mangingi alam pa,"

"Yella naririnig mo ba ang sarili mo? Ganyan ka ba ka martyr?"

Bahagya akong yumuko at tumango.

I will endure those painful things I've encountered for my sister and best friend.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status