Share

Chapter 6

Kinaumagahan. Alas tres palang ng madaling araw nang akoy pumasok. Wala pang ka tao-tao ang building maliban sa akin. Nakasuot pambahay parin ako. Sinadya ko'ng pumasok ng madaling araw para makapag linis .

Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga ng malapit ko ng matapos ko ang pag mo-mop sa buong sahig ng bawat floor .

Kakapagod maging janitress ngunit ginagawa ko nalang itong libangan pampalipas ng pagod .

It's almost 4:30 ng matapos ako sa ginagawa. Nagpahinga muna ako saglit bago ko napagpasiyahang maligo. Dito na ako maliligo kesa uuwi pa ako ng bahay para lang maligo.

Ilang minuto akong nakaloblob sa tubig dahil sa pagod. Ang lamig ng tubig nakapag-tanggal  ng pagod.

Nang matapos na ako, ay siya namang pag dating ni Manong guard.

Nagulat pa ito ng makita ako dahil akala niya multo.

"Ma'am

Yellaang

aga

n'yo

naman

pong

pumasok," sambit niya na hanggang ngayon ay kabado parin.

Ngumiti ako, "Ganun

po

talaga

kapagjanitress."

Nagpaalam na ako Kay Manong guard . Pupunta muna ako sa malapit na kainan dahil malapit naring sumikat ang araw . Bente pesos lang ang laman ng aking bulsa, hindi na ako nag abalang bumalik pa ng opisina dahil may kalayuan na rin ang aking nahakbang.

"Magkano po itong pancit  niyo ate?" tanong ko sa babaeng kaharap ko.

"Bente peso," may katarayan nitong sagot.

Chineck ko ulit ang aking pamulsahan kung may dala pa ba akong ibang pera ngunit wala na talaga. Lumipat nalang ako sa kabilang kainan . Isang scrumbble egg at kanin lang ang kumasya sa bente pesos, may libreng tubig na rin kaya hindi na ako nahirapan.

Marami ng dumating nang makabalik ako sa opisina. Nasanay na ako sa kakaibang titig ng aking mga kasamahan sa akin tuwing akoy papasok ng opisina.

"Yella kanina kapa hinahanap ni Ma'am!" salubong ng aking kasamahan. Npakunot noo ako sa sinabi niya, sinong ma'am?. Hindi ko na ito natanong kung sino ang tinutukoy niya dahil nagmamdali din  ito.

Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pumasok sa loob ng office ni Chase. Hindi na ako nagulat ng bumungad si Clare sa aking harapan. May kahulugan ang ngiting ibinigay niya sa akin at inikot niya ang swivel chair na kanyang inupuan.

"Anong kailangan mo?" tanong ko rito.

Huminto s'ya sa kanyang ginagawa at nginitian ako bago tumayo.

"Can you buy me a coffee-" utos nito na may kaartihan at binaba sa mesa ang pera.

My forehead furrowed, "Boss na rin ba kita?

mayhalong asar kong tanong.

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa gulat, siguro hindi niya inasahan na sasagutin ko siya ng ganun.

"You almost forgot Yella that i can fired you anytime i want. just to remind you , I'm Chase fiance now!" wika niya at madiin na binanggit ang huling salita. Nakaramdam ako ng biglaang kirot ngunit hindi ko nalang ito pinansin, dahil para saan pa.

"Congrats! finally nakuha mo rin ng ilang taun mo ng hinangad." Kinuha ko agad ang pera sa mesa. Rinig ko ang malakas niyang buntong hininga bago paman ako tuluyang makalabas ng office.

Padabog kung binaba ang dala kong kape sa mesa na siyang gumawa ng ingay sa loob ng opisina . Nabaling ang atensyon ni Chase sa akin na kanina lang ay sa kanyang laptop at agad n'ya ring binawi, pati na rin si Clare .

"Bakit ba ang bagal mo Yella, ayaw ko na 'yan, pwede  bang palitan mo nalang ng iba?!" reklamo niya na naka ismid ang mukha.

Niliitan ko siya ng mata sabay tingin sa wall clock, " It's already 7:54 and i think wala na dapat akong sinilbihan sa oras na'to dahil maraming tambak na papelis pa ang naka-abang sa akin..." sinadya kung lakasan ang aking boses para marinig ni Chase , hindi naman ako nabigo dahil sinara niya ang kanyang laptop at tumayo .

" We should buy by our own Clare , let's go." Napangiti ng malawak si Clare dahil sa sinabi ni Chase. Hinawakan rin ni Chase ang bewang niya at inirapan muna ako  bago sila tuluyang mawala sa pangingin ko.

Paglabas ko ng opisina , inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakapagtataka dahil ilang oras ng late si Ate Maria ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito.

"Jane napansin mo ba si Ate Maria?" tanong ko sa isang kasamahan.

"Hindi mo ba nabalitaan Yella?" Umiling-iling ako, "Ang alin?"

"Nag retired na si Ate Yella kahapun lang," nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat .

"Excuse me," paalam nito, napatango-tango na lamang ako dahil hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

Hindi ako makapag focus sa trabaho dahil nag-alala ako para kay Ate Maria. Hindi ko namalayan na malapit nang magtanghali - ngunit heto parin ako, malalim ang iniisip . Gusto kung tanungin ang aking mga kasamahan kung saan nakatira si Ate Maria ngunit wala akong malapitan dahil abala ang lahat sa kanilang ginagawa.

Habang abala ako sa ginagawa, biglang tumunog ang aking cellphone na umagaw saaking pansin.

*Arizona is calling 

Agaran akong napatayo at tumungo sa banyo para sagutin ang tawag.

"A*i bakit ka napatawag?"

"Yella si Abagail nag wawala, gusto  na n'ya raw umuwi. Pinakalma na namin siya ng doctor pero ayaw parin!" nagmamadali niyang sambit at bakas sa kanyang boses ang pag-alala at takot.

"Pupunta na ako jan."

Agad kong in-end call at nagmamadaling lumabas ng banyo. Napatingin ako sa wall clock . It's almost lunch . Hindi ko na hihintayin pa ang oras ng break namin. Kailanga ko nang makapunta ng hospital .

Hindi na ako nakapagpaalam kay Chase o kanino man dahil sa pag mamadali. 

"Ma'am Yella saan po kayo?" tanong ni Manong guard dito sa labas .

"Manong guard uuwi muna ako,  may emergency lang sa bahay." Tumakbo ako ng mabilis sa makakaya ko papuntang waiting area para mag abang ng taxi. 

Pagdating ko ng hospital, lakad takbo ang ginawang paglapit ko sa silid ni Abigail. Naabutan ko si A*i na pinapatahan ang aking kapatid .

"Abigail..." mahina kong binanggit ang pangalan ng kapatid na siyang umagaw sa atensyon nilang dalawa.

"Ate—" Umiiyak niyang sambit . Yumakap ako sa kapatid para patahanin ito habang hinahaplos ang kanyang likuran.

"Ate ayaw ko na rito... gusto ko ng umuwi," dagdag sambit niya at nag patuloy ito sa paghikbi.

I caressed her face, " Abigail makinig ka kay Ate, lalabas ka rito kapag okay kana okay? Bibilhan ka ni ate ng maraming teddy bear kapag naging okay kana," paliwanag ko at pinunasan ang b**a nitong mukha.

"Ganito, kapag walang pasok si Ate pupunta tayo ng park para mamasyal ," dagdag sambit ko. Dahan-dahan itong tumango bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.

"Kailangan mo munang matulog at kumain ..." 

Ako muna ang nagrepresentang magpakain at alaga sa kanya . Alas dos ng hapon na ito nakatulog. Napagpasiyahan korin na bukas na ako papasok para makapag pahinga din.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status