Share

V: Wo Ai Ni

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

HINDI MAGKAMAYAW ANG mga estuyanteng sa hallway sa panunukso kay Naomi nang dumaan sila sa hallway. Nakagapos ang mga kamay niya ng pulang lubid na ang dulo'y hila-hila ng isang Kupido. Ang isang kasamahan naman nito'y nakasunod sa kaniya – nagbabantay sakaling tumakas siya.

Parang may krimen naman siyang ginawa kung makagapos at makabantay ang mga 'to.

"Uyyyyy~ Wedding Booth 'to si girl for sure!"

"Kainggit! Bakit hindi pa ako dinadampot?"

"Sure na ba? Sure na bang walang gumasto sa akin para sa Dating Booth?"

"Sino kaya groom niya?"

"Hala! May nabiktima na naman!"

Yumuko nalang ang namumula sa hiya na dalaga. 'Lintek! Ano ba 'to?! Sino'ng Hudas ang trinaydor ako?! Oras na malaman ko kung sino ang hinayupak ang na 'yon. Humanda siya!'

Nag-ngitngit siyang nag-iwas ng tingin sa mga tumitingin sa kanila.

She hated being the center of attraction. Nilalamon kasi siya ng insecurities niya.

Napa-atras siya para hindi mabangga sa nakaunang Kupido nang bigla itong huminto sa harap ng isang classroom. Lumapit siya rito. "E-Excuse me po. A-Anong gagawin ko po rito? K-Kuya, baka naman palampasin niyo nalang 'to, o. Dodoblehin ko kung magkano ang binayad nila sa inyo."

Hindi siya nito pinansin. Bagkus binuksan nito ang pinto. "May isang bride pa rito!"

Sumilip siya sa loob.

"D-Diyos ko..." Napalunok siya. Gusto niyang mawala na parang bula sa nakita. "Seryoso ba talaga sila?'

Nagkakagulo ang nasa loob sa mag-me-make-up at sa pagsusukat ng mga gown sa mga babaeng estudyante na ikakasal kuno.

Ito ang ayaw na ayaw niya. Make-up at gown.

Aatras na sana siya nang bumangga ang likod niya sa dibdib ng isang Kupido na noo'y nakangiti na sa kaniya. "Pasok na po kayo, Ms. Sandoval."

"Hehe." Pagak niyang ngiti. "S-Sigurado ba kayong Naomi Ruth B. Sandoval ang nasa papel? N-Naku, ang dami pa namang Naomi sa eskwelahan! S-Sa mundo!"

Niyuko nito ang hawak na papel. "Pero ikaw lang ang Naomi sa Section Jupiter, tama?"

Bahagya niyang nasilip ang hawak nito. 'Requested by...' "Tang*na..." Palihim niyang mura. '...Chad Michael Jaime.' "Letse ka, Chad..." Nangangalaiti siyang pumasok sa classroom.

"Bobby? Sino 'yan?" tanong ng isang babaeng estudyante na siyang nagmamando sa mga kapwa estudyante rin na nag-me-make-up sa ikakasal. "Bagong dampot?"

"Oo." Binalingan siya nito at nilahad ang kamay sa papunta sa bakanteng upuan sa harap ng salamin. "Upo ka doon, Ms. Sandoval."

"Bobby! May dadamputin tayo sa Section Sampaguita!" tawag rito ng isang Kupido sa labas.

"Andiyan na!" Dali-dali nitong tinanggal ang lubid sa kamay niya sabay tumakbo palabas.

Nang mawala na ito'y agad siyang nagplano na tumakas pero...

Tumikhim ang dalawang Kupido rin na nagbabantay sa pintuan.

"May kakambal ako!" sigaw niya. "Mali ang nadampot ninyo, mga sir..."

May lumapit sa kaniyang babae at inakay na siya palapit sa upuan na may salamin sa harap. Mangiyak-ngiyak nalang siyang nakasunod rito.

'Sinusumpa kita,Chad. Hanggang sa libingan ko!'

Hunter kissed the back of his bride's hand. "Thank you for joining."

Pulang-pula ang pisngi ng babae habang nagtitilian naman ang mga kaibigan nitong saksi sa kasalan nila kuno. Hindi magkandaugaga ang mga ito sa pagkuha ng litrato nila.

"Thank you, Hunter," nahihiyang sagot ng kapares niya.

In their white wedding ensemble, Hunter held her hand as he walked her out of the makeshift church. Pagkalabas na pagkalabas ay nawala bigla ang pagkamahinhin nito nang tumakbo ito palapit sa kaibigan at naghihihiyaw sa kilig.

"Kyaaaaaaa!!! Ang gwapo shiitttt!!!"

Hunter turned to look at the wedding ceremonies still being held at the front. Pawang mga estudyante rin ang mga pari at sacristan.

He wiped the sweat trickling down his neck. He thought this was easy.

He stands corrected.

Lumapit siya sa mga nakahilerang fish bowl sa gilid kung saan andoon ang mga nilukot na papel na may pangalan ng mga ikakasal sa kanila.

So far, Hunter's bowl is already half-full. 'They wanted to get married to me? Why?' Tiningnan niya ang sarili sa kalapit na salamin. 'Hindi naman ako gwapo, a.' Nagkibit-balikat siya. 'Napagtripan lang siguro ito ng mga kaibigan nila.'

Dahil wala pang ikakasal sa kaniya'y umupo na muna siya at niluwagan ang kwelyo ng suot na damit.

Wearing an all-white tuxedo with his usual lazy hair in an upward slide above his forehead – he wore a silver earring on his left ear to give more mature emphasis.

Habang pinagmasdan ang mga kinakasal ay sumandal siya sa kinauupuan sabay ngumiti.

Ilang babae na ba ang binigyan niya ng apelyidong Lin?

His father will kill him for sure if this is true.

His father, Bo Lin, is conservative, and loyalty is one of their core values. Unlike most Chinese husbands' people knew who had countless mistresses, his dad doesn't even have female contacts on his phone other than his mother and relatives.

It's one of the many things Hunter appreciated.

His parents are loving that's why it's hard for him to refuse their wishes of him to study business and eventually succeed their business.

Will everything change if he tries, even once, tell them what he really feels?

Natauhan siya nang may tumabi sa kaniya.

Zaina, in white cocktail dress, crossed her legs. "Tired?"

"Yeah." He raised his gaze away from her legs. "Kailangan ba talaga ako ang ikakasal?"

She flipped her hair back. "Of course. They paid to be wedded to the groom of their choice."

"Basta walang mag-aaway-away kung sino ang legal kong asawa." He laughed and pointed at his fish bowl. "I think there are still 50 girls in there."

Zaina cleared her throat. On her hand is a rolled paper with her name on it. "It will be 51 soon."

"What do you mean —"

Naputol ang pag-uusap nila nang tinawag na si Hunter sa wedding organizer. "Lin! Ikaw na susunod."

Tumayo siya at inayos ang damit. "Another Lin again." Binalingan niya ang babae. "I wish this will be the last one," biro niya at naglakad sa aisle papunta sa altar.

He stood gallantly as he turned to face the church door waiting for the white curtains to be drawn.

A slow, piano version of A Thousand Miles flavored the air.

 Making my way downtown walking fast ♪

 Faces pass and I'm home bound ♪

The curtain slowly parted at the middle, showing a girl on a ruffled and lacy white wedding dress that frames her small body perfectly.

 Staring blankly ahead just making my way♪

 Making a way through the crowd ♪

His heartbeat is slow yet beating hard. He frowned. The girl sure had all Hunter's attention that moment for he anticipates who it was.

 And I need you ♪

The murmurs inside the church died down.

 And I miss you ♪♪

All of them turn to look at the door.

 And now I wonder 

His heart skipped a beat or two as he caught back his tongue. All of the people inside the church gasped as well.

The pristine white curtain revealed a different Naomi – a feminine version no one had ever seen until this day. Her long hair is in a French bun atop her head with few tendrils curled and dangled down the sides of her face. She's wearing a pair of pearl earrings and a thin gold necklace. She's donning a light- nude make-up yet her cheeks are in their natural pink blush.

Hinawi ng babae ang viel na nakatakip sa mukha nito.

Nagtama ang kanilang mga mata.

"Na-Naomi?" He stuttered and muttered underneath his breath.

Namilog ang mata ng dalaga nang makilala ang binata. "H-Hunter?" Biglang nanigas ang mga paa ni Naomi. Aatras na sana siya nang may mga brasong pumulupot sa magkabilang braso niya. "P*tang—" Sina Chad at Austin. "K-Kayo!!!" Namumula siyang nagpupumiglas. "Kayo talaga ang may pakana nito! Sasaksakin ko talaga kayo ng lapis!"

Hindi natinag ang mga ito. Bagkus, hinila siya ng dalawa palakad sa aisle.

Kiniliti siya ni Austin. "At least naka-experience ka ng ganito, Sandoval."

"Heh!" Bulyaw niya. "Pake ko?!"

"Huwag kang KJ, Sandoval. Alam kong kinikilig ka!" Tawang-tawa naman si Chad

"Magkano, ha? Magkano binayad ninyo!" Nagsisigaw na siya sa kaba at hiya. Her heart seems to beat right out of her chest. Nang hindi siya nito binitawan ay pinaghahampas niya ang dalawa ng flower bouquet na hawak. "Mga walang magawa sa mundo!"

"Naomi."

Nahigit niya ang hininga nang pagharap ay nakalapit na pala si Hunter.

He is standing of her – intently... looking at her.

"A-Ano?" Hindi niya magawa-gawang titigan ito pabalik. Hindi rin niya namalayan na binitawan na pala siya ng dalawang kumag.

Hunter lends his hand. "Be my bride?"

Yumuko siya. "M-May mali rito, Hunter. Baka nagkamali sila na dinampot na Naomi. B-Baka pareho kami ng pangalan at apelyido pero magkaiba ang middle initial—"

In a low yet gentle voice, he spoke, "Then be my favorite mistake, Naomi."

She bit her lower lip as she can't control the surge of emotions within her. 'K-Kalma, N-Naomi... s-sinabi lang niya 'y-yan ka si nga d-diba... isa siya sa mga groom. T-Tama...' Pagpapakalma niya sa sarili.

She took a deep breath and looked up to him. "O-Okay. Okay." Tumango siya.

His contagious smile immediately lit up his face – so does his chinky eyes. "Good!"

He then stood beside her and together, they walk down the aisle towards the altar.

If I could fall into the sky 

Do you think time would pass me by? ♪

While the music filled the place, Naomi turned to look at Hunter underneath her lashes. His eyes says it all – excitement, happiness and...

Pinilig niya ang ulo. Ayaw niyang mag-assume.

'Cause you know I'd walk a thousand miles

If I could just see you tonight 

They stopped just in front of the improvised altar. Nang simulan na silang basbasan ng nagkukunwaring pari ay si Hunter naman ang lumingon kay Naomi.

He marvels how beautiful she is at the moment her simple make-up brought out the youth she supposed to embrace at her young age. Her smooth shoulders can tempt anyone who lays their eyes on them. Her lips pucker with an orange liptint, making her more... breath-taking.

Nasa gilid naman sina Chad at Austin na kumukuha ng mga litrato sa kanilang dalawang kaibigan. The whole 'church' is quiet as if a real wedding ceremony is being held. Di rin mapigilan ng mga manonood na mapangiti. Ang cute lang kasi tingnan ng dalawa.

"Ms. Naomi, pakilagay ng singsing sa daliri ni Hunter." Ngumisi ang 'pari' matapos ang mahaba at purong biro nitong seremoniya.

Naomi rolled her eyes and picked the ring tied on a silky pillow. 'Tae... para 'tong totoo ah.' Sinuri niyang singsing.

'Nasasangla ba 'to?'

"Don't worry. It's just a cheap imitation bought in sidewalks," sagot ni Hunter na para bang nababasa nito ang iniisip niya. "Wish it was real though."

Napatingin siya rito. "A-Ano?"

Sumingit ang pari. "Ms. Naomi?"

Hindi halos matingnan-tingnan ni Naomi si Hunter sa takot na baka nasira na ang make-up niya dulot ng pawis.

Nanginginig ang mga kamay niya at huminahon lang na hinawakan ni Hunter ang mga iyon. His fingers are gentle, his touch is with understanding. Slowly, he slid the silver band on her ring finger which fits her perfectly.

Di mapigilang ngumiti ni Naomi – para kasing hinulma iyon para sa kaniya. Fake diamonds made the ring exquisite.

"Ms. Naomi?" Untag sa kaniya ng pari.

"A-Ay, sorry!" Dali-dali niyng sinuot ang singsing sa daliri ni Hunter.

Ibababa na sana niya ang kamay nito nang hindi nito bintawan ang kamay niya. Tiningala niya ito. "H-Hunter?"

"Yeah?" He kept staring at her.

"I-Iyong kamay ko..." Pero kahit mismo sa sarili niya'y ayaw rin niya itong bitawan.

"By the power vested in me!" naaaliw na sigaw ng pari. "I know pronounce you, husband and wife! Isang masigabong palakpakan naman diyan!"

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" sigaw nina Chad at Austin.

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Nagsigawan na rin ang mga tao roon.

Nakatitig pa rin sa isa't-isa sila Naomi at Hunter nang magsalita uli ang pari"Hunter Lin, you may now kiss your wife, Naomi Sandoval-Lin."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Naomi at napalingon rito. "H-Ha? A-Anong kiss? Umayos ka diyan, Raymundo!" Inambanan niya ito ng kamao.

"Ano ba naman 'to..." Natatawang napakamot ito sa batok. "Ikaw lang 'ata ang kinasal, Sandoval, na hindi kinilig."

"Heh!" angil niya rito. Anong hindi kinikilig? Halos maihi na nga siya sa kinatatayuan niya.

"Huwag ka na kasing pabebe. Laro-laro lang naman kasi 'to. Sumakay ka nalang," giit pa rin ng pari kuno.

"Humanda ka mamaya, aabangan kita sa gate!" Pinandilatan niya ito.

"As if may ka-frat ka!"

"Ikaw—"

Naputol ang sana'y pag-abot niya sa leeg ng pari nang hapitin siya ni Hunter sa beywang sabay hinalikan sa pisngi.

"Ayiiieee!!!" Yumanig ang buong simabahan sa lakas ng kantiyaw ng mga nanonood.

Nakanganga sa gulat na sinapo ni Naomi ang hinalikang pisngi.

He then smiled with those famous chinky eyes diasappearing.

Halos hindi na sya makahinga sa bilis nang tibok ng kaniyang puso. It was quick... yet very warm.

Hunter's lips on her cheeks — her rough cheeks!

Gusto niyang maiyak sa hiya!

"Kiss! Kiss!" sigaw ni Chad.

Matalim ang tingin niyang binalingan ito. "Hinalikan na nga niya ako! Bulag ka ba!" Quota na talaga ang lalakeng ito sa paglalapastangan sa kaniya.

"Si Hunter lang ang hahalik, gan'on?" giit naman ni Austin.

Nag-dirty finger siya sa dalawang nag-vi-video noon ng buong pangyayari.

Hunter pressed her hand that he's been holding all the time. "Nah, don't mind them."

Sabay na humarap ang bagong kasal sa mga manonood na agad nagsipalakpakan. The cheers and happy shouts inside went louder as the noise drew attention from the outside. May nakikiusyosong sumilip at nakikitukso na rin.

Palihim na tiningnan ni Naomi ang katabi. Hindi niya akalain na mararamdaman niya ang sinasabi nilang butterflies in one's stomach.

How lucky the girl who'll win the heart of this gentle... Chinito. Ngayon pa lang naiingit na siya kung sino man iyon. Kasi, natitiyak niyang maganda rin iyon, matangkad at babaeng-babae

Niyuko niya ang sarili.

Hindi tulad niya.

Halos iningudngod ng nag-make-up sa kaniya kanina ang foundation at concealer para matakpan lang malalaking niyang pores at eyebags at pimples.

Tiningnan niya ang magkadaop nilang palad.

This is her moment and she needs to enjoy it while it lasts. Youth only passes once in our lifetime, ika nga

She is happy that once upon a time, a very handsome boy named Hunter held her hands and kissed her bumpy cheek.

Tiningala niya ang katabi na noo'y tumatawa na kausap ang mga kaibigan. She should at least return the kiss.

Taman nga naman sila. Dapat hindi siya KJ. Walang personalan.

Humawak siya sa balikat ni Hunter at tumingkayad para halikan ito sa pisngi.

Hunter, surprised byNaomi's sudden grip on his shoulder, turned to her.

The whole crowd inside the church shuts into a silence.

Na-estatwa si Austin. Nanlaki ang mata ni Zaina. Si Chad nama'y agad ginising ang sarili at nilabas ang cellphone para kunan ang nakita ng litrato.

Ang pari namang si Raymundo'y napaubo sa iniinom nitong tubig.

Sa namimilog na mata'y niyuko ni Naomi ang magkadikit nilang labi ni Hunter!

"Ahhhh!!!" tili niya sabay tinulak ito dahilan para mapasandal siya sa dingding na gawa sa plywood. Gumalaw ang plastic flower vase at dire-diretsong nahulog sa ulo niya. Pero hindi niya alintana ang sakit. Mas ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. "S-Sorry!" Namula 'ata pati talampakan niya. "S-Sorry! Sorry!"

Hunter, caught off guard by their accident kiss, is still... dumbfounded. Lips are in awe.

Dali-daling dinampot ni Naomi ang laylayan ng kaniyang wedding gown hanggang tuhod sabay kumaripas ng takbo palabas.

Naiwang tahimik angbuong simbahan.

Sa pagmamadaling makalayo sa lugar ay hindi na namalayan ni Naomi na malayo-layo na pala ang natakbo niya.

Tinalo pa niya 'ata ang mga atleta sa bilis ng takbo patawid sa malawak na school grounds hanggang sa marating niya ang lumang building ng eskwelahan nila. Dahil medyo masukal ang lugar na iyon ay natapilok siya sa nakausling ugat ng puno sa lupa.

Nang madapa'y hindi niya sinubukang tumayo. Bagkus, humilata siya sa damuha at tumingala sa bughaw na langit.

Sa mabibigat na paghingal ay dinama niya ang nagririgodon niyang puso. "N-Naomi... a-anong ginawa mo?" Hindi pa rin nawawala ang paruparo sa tiyan niya. "Hinalikan mo si Hunter."

Naalala niya ang halik.

Tinakpan niya angmukha – pati na rin siguro tighiyawat niya namumula na rin. "Hinalikan ko si Hunter!!!"

Mabilis na hinubad ni Hunter ang itim na bowtie sabay niluwagan ang kwelyo.

"Where are you going?" Zaina asked.

"I need to find Naomi." Sunod na hinubad niya ang puting tuxedo.

"B-But..." Nilingon ni Zaina ang altar kung saan may panibagong pares na ikinakasal. "... the activity's not over yet."

Napahinto siya at nilingon ang fish bowl niya na maraming pang papel sa loob. He sighed exasperatedly. He needs to find Naomi as soon as possible. He knows her to be an overthinker. Baka kasi ano na ang iniisip no'n lalo na't hindi agad siya kumilos kanina matapos no'ng halik nila.

Humarang si Zaina sa harapan niya. "Mamaya mo na siya hanapin. Nagpapahangin lang siguro 'yon."

Umiling ang binata. "I just need to explain to her before she misunderstood."

"Paano kapag nagreklamo ang mga nagbayad para makasala sa'yo —"

Naglabas siya ng isang libong piso. "I hope this will cover the refund. If it's not enough, I'm willing to issue a public apology. I..." He ran towards the exit before turning to her. "I'm sorry, Zaina."

Sa inis ay tinapon ng babae ang nakalukot na papel sa lupa na naglalaman ng pangalan nito.

"SIR TUPA?" Hinihingal na sinilip ni Hunter ang classroom nila. Naomi's chair was empty.

"Oh?" Napahinto sa pagsasalita ang guro sa harapan.

"Dumaan po ba rito si Naomi? Si Sandoval?"

Umiling ito. "Akala ko ba'y kinasal kayo?"

Umani iyon ng mga kinikilig na tukso at sipol mula sa mga kaklase nila.

"Hehehe..." Napakamot na lang siya sa batok. "O-Oo nga, e. Pero tinakbuhan ako – I mean, tinaguan ako." He looked both sides of the hallway. No sign of Naomi.

He then left the classroom and searched for her on every possible place she'll be at.

Rooftop, clinic, laboratory, library, canteen...

Wala pa ni anino ni Naomi. Huli niyang pinuntahan ay ang parking lot ng eskwelahan.

Naitukod niya ang mga kamay sa tuhod nang marating niya ang parking lot. Wiping the sweat off his chin, his eyes immediately saw her bike chained on a post.

It's a sure sign Naomi never left the school.

"Where are you,Naomi?"

NAPAUNGOL ANG NAKATULOG na si Naomi nang tumaglid siya mula sa pagkahiga sa damuhan. Nakapikit siyang inabot ang likod nang makaramdam ng kati. "Mama..." tawag niya. "Ang kati ng likod ko, M-Mama... p-pakikamot po." Kumibot ang talukap ng mata niya nang matamaan ng matulis na damo.

Damo...

Damuhan...?

Ba't may–

Napabalikwas siya ng bangon.

Bakit may damuhan sa kwarto niya–

"Aray! Aray!" Mabilis siyang tumayo at tumatalon-talon dahil sa gumapang ng langgam sa loob ng damit niya partikular na sa likod. "Bwesit! Ahhh!!!" Kahit anong pilit niya'y hindi niya maabot ang zipper sa likod ng wedding gown na suot. Grabeng malas niya ngayon!

Bukid-bukid na nga ang kaniyang mukha, pati ba naman buong katawan niya?!

"Ang kati—" Naudlot ang pagkamot niya nang makita niyang papalubog na ang pala ang araw. "S-Si Hope!" Mabilis siyang tumakbo na pilit paring kinakati ang likod. Agad siyang kinabahan. Mahirap kapag akalain ng kapatid niya na hindi siya nito susunduin. Baka naglakad na iyon pauwi. Delikado!

Narating niya ang classroom na ginawang make-up studio kanina. "Tao po!" Dinamba niya ang pinto. "Tao po!" Sumilip siya sa bintana. Nasa loob kasi ang bag niya. At lintik! Andoon rin ang susi ng padlock ng bike niya.

Sa classroom naman nila'y wala na siyang magawa kung hindi ang tingnan mula sa malayo ang bag niya na nasa upuan pa.

Sumandal siya sa pinto at dumausdos paupo sa sahig. "Ano nalang ang sasabihin ng mga tao pag naglakad ako pauwi na suot itong traje de boda?

Hindi pa niya nasilip ang mukha niya sa salamin. Malamang kung sino ang makakakita sa kaniya, aakalain talaga na siya ang white lady kuno na nagmumulto sa eskwelahan.

Sambakol ang mukha niya na tumayo at sa mabibigat na hakbang ay naglakad siya papunta sa parkeng lot kung saan ando'n ang bike niya. Nagbabasakaling sira ang padlock ng kadena. May pagpipilian pa ba siya sa pagitan nang uuwing hubad o uuwing naka-wedding gown.

"Tsk!" Inis niyang sinipa ang mga bato sa lupa. "Humanda ka bukas, Chad!" Pagsusumpa niya sa pangalan ng lalake. "Ikaw talaga pasimuno sa —"

"Where have you been?"

"Ay palaka!" sigaw niya nang may biglang nagsalita. Paglingon niya sa gawing kanan ay nakita niya si Hunter na nakasandal sa kotse nito. "H-Hunter?"

Nakasuot na ito ng knee-length short at asul na hoodie jacket. Lumapit ito sa kaniya. "Where have you been?"

Pumikit si Naomi nang maramdamang sinusumpong siya ng sakit sa ulo. "T-Teka lang... bago tayo mag-usap, uunahin ko muna si Hope, okay? Naghihintay siya tiyak—"

"I already picked her up from her school and sent her home safely."

Natigilan siya. "T-Talaga? Hinanap niya ba ako—"

"Why did you run away?"

Napabuntong-hininga siya. "Hunter—"

"We kissed."

Pumikit siya nang maalala uli ang halikan nila. "Aksidente iyon, okay? Bigla ka kasi lumingon kaya—"

"Then why did you leave?"

"K-Kasi nagulat ako..." Nagdadalawang-isip siyang tingnan ito sa mata. "Baka sabihin ng mga tao na—"

"Why are you hiding from me?"

"Pwede ba, patapusin mo muna ako—"

"Were you angry?"

Doon na niya ito tiningala. "Huh? Ako? Galit sa'yo?" Umiling siya. "Nakatulog kasi ako. Iyon lang."

His Chinito eyes are still unconvinced.

Tinaas niya ang kanang kamay. "Promise. Nagulat ako kayo kita tinakbuhan pero hindi ako nagtatago sa'yo. Nakatulog lang ako doon sa may lumang school building."

"Are you sure?"

She rolled her eyes. "Tinaas ko na nga kamay ko, o!"

"Hindi ka galit sa akin?"

"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"

"Because I didn't react to our kiss."

Sinapo niya ang noo. "P-Pwede ba? Huwag mo nang ulit-ulitin 'yon? Sumasakit ang ulo ko sa'yo—"

"I'll repeat it as much as I want to, Naomi."

Napabuga siya ng hangin. "Aksidente nga kasi—"

"Then it is my favorite accident."

Natigilan siya sabay nag-iwas ng tingin. "Hunter... t-tapos na ang kasal-kasalan, okay? Tama na—"

"I'm serious, Naomi."

Binalik niya ang tingin rito.

"Why can't you take me seriously?" He sighed his frustrations.

Huminga siya nang malalim. "Hindi ako galit sa'yo, Hunter." Sinalubong niya ang mga titig nito. "...and I mean it."

Dumaan ang ilang segundo bago umaliwalas ang mukha nito. "Thank, God..." Napahawak ito sa mga balikat niya pagkatapos ay niyakap siya.

Napangiti siya. "Nauntog ba ulo mo?" Hinagod niya ang likod nito.

"I just don't want you to get angry at me, Naomi." His voice was muffled from burying his face on her shoulder. "Really."

"Bakit naman? Ikaw nga 'tong dapat magalit kasi hinalikan kita bigla." Sa tangkad nito'y nakatingkayad na pala siyang nakayakap rito.

"I am not."

"Sure ka, a. Baka nasayang ang first kiss mo sa'kin na may dry at cracked lips."

Kumawala ito at tinitigan siya.

"A-Ano?"

Hunter tapped a finger on her lips. "It wasn't my first kiss. I had mine last year."

Umismid siya. Hindi nalang niya ito tatanungin kung sino ang babaeng iyon baka makulam niya ng wala sa oras. "Sana all."

"But..." His gaze fell on her lips. "Am I your first?"

Sumimangot siya. "Oo. P-Pero big deal ba 'yon? Kiss lang naman 'yon, 'di ba?"

"Ahhh..." Hunter's shoulders fell. "It's just a kiss. Yeah..."

Tumango si Naomi. "Walang big deal. Mawawala naman talaga sa isang tao ang mga first kiss nila – sa taong gusto man nila o hindi. Nagulat lang talaga ako kanina." Nilingon niya ang kotse nito. "Uy... pasakay naman diyan pauwi, o."

Walang ganang nilingon nito ang kotse nito. "Sure. Hop in."

Nagtaka si Naomibakit parang...nanlulumo ito.

'May nasabi ba akong mali?'

Naging tahimik ang durasyon ng biyahe nila pauwi. Sa hindi alam ni Naomi na dahilan ay mabigat ang hangin sa loob ng kotse. Palihim niya itong sinisilip sa gilid ng mga mata.

Tumikhim siya. "Hunter?"

"Hmm?" He drove his car confidently with one hand.

"K-Kamusta pala ang Wedding Booth? Pinakasalan mo ba lahat?" She tried engaging him in a light conversation. "Ikaw pa naman 'ata ang mabenta doon."

"You were my last bride," sagot nitong nakatingin lang sa kalsada.

'Ano'ng ginawa ko?!'

Nang marating nila ang eskinita papasok sa bahay nila Naomi'y hininto ni Hunter ang kotse.

Hinakot niya ang sidsid ng gown niya at lalabas na sana nang hindi siya mapakali sa biglang pananahimik nito. "May problema ba?"

Umiling ito. "Wala naman."

"O...kay?" Itutulak na sana niya ang pinto pabukas nang binalingan niya uli ito. "Hindi ka okay, Hunter—"

"I like you, Naomi," direkta amin ni Hunter sa nararamdaman nito sa kaniya. His intent dark eyes are saying it all – the genuity of his confession. He maybe blushing but he's also trembling, showing how much strength it took for him to confess.

Hindi agad siya nakahuma. Nabitin ang kamay niya sa handle ng pinto ng kotse. "Ano?" 'Ano raw? Tama ba narinig ko?' Parang may sumabog lang na bomba sa tainga niya.

He nervously rakes his hair with his fingers. "I like you..." Pag-uulit nito. "... Naomi."

Nanginginig na tinuro ni Naomi ang sarili. "A-Ako ang tinutukoy mong Naomi?"

"Who else?" His shyly looked at her.

"S-Sira ba m-mata mo?"

"My eyes are perfectly fine."

"Pero..." 'Teka nga... ba'ng nangyayari sa mundo ngayon...'

Umayos ito ng upo. Mga kamay ay namumutla sa higpit na hawak nito sa manibela. "I just wanted to tell you that. Y-You don't have to answer back."

Tumango nalang siya at marahan na lumabas ng kotse. Pinili nalang niyang hindi kumibo baka ano pa ang masabi niya na pagsisisihan niya sa huli.

Pagkalabas ay sinundan niya ng tingin ang papalayong kotse. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang boses ni Hunter.

"Gusto kita, Naomi."

"Gusto kita, Naomi."

"Gusto kita, Naomi."

Pinilig niya ang ulo."Gusto niya ako? A-Anong ibig sabihin no'n?" Kinalawang 'ata utak niyabigla. "Gusto niya ako?" Tinuro niya ang sarili. "S-Siya... may gustosa'kin?" Tiningnan niya ang dumaang pusa sa taas ng pader. "Mingming! SiHunter may gusto sa'kin! Waaaaaaaahhhhhhh!!!" Para siyang baliw nanagsisigaw patakbo papunta sa kanilang bahay. "Mamaaa!!! Papaaa!!!"

Sa bahay ng mga Sandoval ay nilapag ni Lumen ang mga nilutong ulam para hapunan sa hapag-kainan. "Hope!"

Sumilip sa kusina ang noo'y nakaupo sa sofa at nakikinood ng panggabing balata na si Hope.

"Hindi pa ba umuuwi ang Ate Naomi mo?"

She wiggled her hands to signal that her older sister is not yet home.

"Mamaaa!!! Papaaa!!!"

Napalingon si Hope at ang kaniyang mga magulang sa pinto nang makarinig na may sumisigaw sa labas.

Kumunot ang noo ng ama nila. "May sunog ba?"

Nilapitan ni Lumen ang pinto at saktong pagbukas ay ang pagluhod ni Naomi sa paanan ng ginang. "Mamaaa!!!"

Hindi agad nakahuma si Lumen sa hitsura ng anak – naka-gown at nagmamantikang mukha dahil sa make-up na nasira. "A-Anong—"

"Ma—"

Pinalo nito ang dalaga ng tsinelas sa ulo. "Tumahimik ka nga! Para kang tinakbuhan ng ikakasal sa'yo! At bakit nakasuot ka ng traje de boda, ha?!"

"Ma~" Yumakap si Naomi sa binti ng ina.

"Sinasabi ko sa'yo, Naomi..." Iwinasiwas nito ang binti. "...papatayin talaga kita kung pumapatol ka sa mga foreigner sa Peysbuk!"

Tumingal ang anak sa ina niya. "Ma..."

Napapakit ito. "Pwede ba... tumayo ka nga diyan at maglinis! Sinumpa ka ba at ganiyang kapangit mukha mo?"

Lumapit si Hope sa pintuan at malapad ang ngiting hinawakan ang gown ni Naomi. She sign-language: 'Bagay sa 'yo, ate.'

"Ma! Ma!" Niyugyog ni Naomi ang binti ng ina. "Hindi ba't pangit ako?"

"Oo! Pangit ka, kaya bitawan mo tuhod ko!" utos ni Lumen pero 'di pa rin bumibitaw ang dalaga. "Ano ba!"

Hope gestured:

'Bakit, ate?'

"K-Kung pangit ako..." Niyakap ni Naomi ang sarili. "...bakit may nagkagusto sa akin?"

Napatingin saisa't-isa sina Lumen at si Hope.

ADELIA LIN, Hunter's mother, welcomed her son by the entrance after hearing a car parked at the garage. "Hunter, dear, you're not answering your phone—"

"Good evening, Mom." Hunter kissed his mother's cheek and immediately ran upstairs.

Hindi na natapos ni Adelia ang sasabihin at sinundan nalang ng tingin ang binatilyong anak.

"Nakauwi na si Hunter?" tanong ni Bo na kakapasok lang mula sa hardin. Nagpupunas ito ng kamay na may bahid ng gasolina mula sa pag-kukumpuni nito ng nasirang drone.

"Oo." Nasa ikalawang palapag pa rin ang tingin ng ginang.

"Adelia?"

"Nakauwi na siya ka 'ko," paglilinaw ni Adelia. Nakangiti itong tumabi sa asawa.

"Why are you smiling?" he asked.

Niyakap nito ang braso ng kabiyak. "Nagbibinata na ang anak mo."

"Paano mo naman nasabi?"

"He arrived blushing..." She looked at him. "...like really blushing."

Tumatango-tango ito. "It's fine. As long as it won't disturb his studies."

Pinalo ni Adelia ang braso ng katabi. "Oo naman! I know our son. Just let him be for now. Para namang hindi ka dumadaan sa gano'ng stage."

"Oo na..."

Hunter threw his bag at the floor before dropping himself on his bed on his stomach. "Shit..." Sinubsob niya ang mukha sa kumot. "Why the hell did I say that?"

Those words slipped right out of his tongue because he's been thinking about Naomi non-stop since she left him at the altar earlier

"Why the hell did I say that?!!" Tumihaya siya na nakatakip pa rin sa mukha ang kumot.

His whole body is on fire!

He wanted Naomi not to be awkward with him but look what happened?! He made it worst!

Maybe her nonchalant attitude towards having her first kiss stirs that male ego in him.

"Ahhh!!! Shit!" Nagsisipa siya sakama at hindi pa rin mapalagi sa nangyari.

Kanina pa pabaling-baling din sa kama si Naomi. Mabuti nalang talaga't sarado ang convenience store ngayon kasi inaayos ang sirang kisame kaya may panahon siyang tumulala muna.

Pero hindi niya lubos akalain na...

Binalingan niya ang alarm clock. 2:30a.m.

...hindi talaga siya dinalaw ng antok!

Ginulo niya ang buhok sabay niyakap ang unan. Para kasing bumubulong ang boses ng binata sa tainga niya. "Hunter... utang na loob. Patulugin mo naman ako, o!"

"Gusto ko kita, Naomi."

"Gusto ko ba si Hunter?"

Inalala niya ang mga pagtatagpo nila ng lalake. No'ng nag-iwan ito ng ice pack sa may bisikleta niya.

Kinuha ni Naomi ang plastic bag na naglalaman ng dalawang ice pack. Ito iyong inalok ni Hunter sa kaniya kanina na marahas niyang pinagtabuyan.

Iyong bumisita talaga ito sa kanila para humingi ng patawad.

Hunter reached for her swollen cheek. "I am truly... deeply... sorry, Naomi."

Iyong nagkasipon ito dahil iniwan nito ang jacket no'ng isang gabi para sa kaniya dahil raw umuulan at nagbibisikleta lang siya.

Hunter smiled despite his reddening nose when she lent him her handkerchief and medicine.

At iyong nakakuha siya ng malaking marka sa pagsusulit.

"Oo! Tatlo lang ang mali ko, Hunter! Tatlo lang!!!" hiyaw ng dalaga at niyakap si Hunter na masayang-masaya rin sa markang nakuha niya.

Tsaka kanina... sa wedding booth.

"Be my favorite mistake, Naomi."

Napadaklot nalang sa siya sa kaniyang dumagundong na puso.

In slow yet sweet rhythmic beat, she closed her eyes. "Hunter..."

She drifted to sleepwith the boy with Chinito-eyes on her dreams.

"SHIT!" Napabalikwas ng bangon si Hunter nang maaninag ang maliwanag na sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng kaniyang kwarto. Mabilis siyang bumaba ng kama at diretso sa banyo.

Mag-aalas tres na kasi nang madaling-araw siya nakaidlip at hindi pa maayos ang tulog niya kasi sa tuwing napapanaginipan niya si Naomi na sasagot na sa confession niya ay nagigising siya.

With heavy footstep down the stairs, fresh-from-bath Hunter is buttoning his uniform. "Mom! Can you please pack my breakfast? Kakainin ko nalang iyan mamaya sa eskwelahan. I'm already late. Dad, can I use the..." Papasok na sana siya sa kusina nang may makitang bisita sa sala nila. "...car."

Agad dumako ang tingin niya sa I.D. sling na suot ng bisita.

Woodridge International School.

He immediately felt numb.

"Good morning, baby." Humalik sa pisngi niya ang in ana may bitbit na tray ng cookies.

His eyes still fixated at his father and the guest who are talking and laughing at the same time.

Parang nabasa ng kaniyang ina ang iniisip niya. "That is Head Master Hamlet from Woodridge. Your dad and I submitted your grades and achievements for evaluation and guess what?"

Binalingan niya ito. "I... I did not fill-up any application."

"I did," sagot ng ama niya mula sa sala. "They opened a very limited slots this coming school year. So, your mother and I grabbed the chance."

Niyakap siya ng ina. "You'll do great there, son."

Hunter looked at the happy faces of the headmaster and his parents as they continued their conversation. He swallowed a lump in his throat. 'You didn't ask me what I want, Mom... Dad. I wanted to fly... I wanted to transport people to their happiest destinations...'

"Hunter?" untag ng ina nakaupo na pala sa tabi ng ama niya. "Can you skip the morning classes today? Mr. Hamlet here will discuss the requirements for your admission."

He lowered his headand nodded. "Yes, mom." He robotically responded.

Pasimpleng nilingon ni Naomi ang likurang bahagi ng classroom. The last chair on her row is empty. 'Absent siya?' Binalik niya ang atensiyon sa blackboard. 'May sakit siya?'

Nang mag-recess, sinundan lang niya ng tingin sina Austin at Chad na nagtatawanang lumabas ng classroom. 'Tatanungin ko ba sila? Hindi ba ako magmumukhang weird?' Pinilig na lang niya ang ulo at kinuha ang baon sa bag.

Hanggang sa nagsimula uli ang klase matapos ang break ay wala pa rin ni anino ni Hunter.

Napabuntong-hininga nalang siyang nilalaro ang hawak na ballpen.

Kinahapunan, nang pabalik si Naomi sa classroom mula sa paggamit ng banyo ay nakita niyang nag-uusap ang adviser at ang principal nila sa may hallway. Yumuko siya na dumaan sa likuran ng mga ito.

"Kindly arrange an early final exam for Hunter, Ms. Barquera," saad ng principal.

Binagalan niya ang paglakad.

"Sige po, Ma'am Amodia. Sasabihan ko po ang ibang teachers ni Hunter," sagot naman ng guro.

'Early final exam?P-Para saan?' Nang palapit na siya sa classroom nila'y nakita niya sina Chad at Austinsa likuran na seryosong nagbubulungan.

IT WAS NOT a busy night in the convenience store that night. Naomi was left alone with her overthinking thought at the counter. Kahit may hawak siyang libro ng El Fili ay wala doon ang atensiyon niya.

'Mabaho ba ang hininga ko no'ng hinalikan ko siya?'

'Na-offend ba siya na hindi ko sinagot ang confession niya?'

'Binangungot ba siya ng mukha ko at hindi na nagising?'

'Utak mo, Naomi, Diyos ko!' Ginulo niya ang buhok.

Gustong-gusto na talaga niyang magtanong kina Chad at Austin kanina pero nauunahan lang talaga siya ng hiya.

The butterflies on her stomach yesterday were replaced by tensed knots. Kinakabahan siya at hindi mapakali.

Tiningnan niya ang wall-clock. Kinse minutos nalang at matatapos na ang duty niya sa gabing iyon. Wala pa ring nakangiting Hunter na pumasok sa tindahan.

'Papasok 'yon bukas, Naomi. 'Huwag kang OA—' Tumunog ang door chime hudyat na may pumasok. Mabilis na umangat ang paningin niya. "Hunter—"

Naglakad palapit si Aling Dolor na siyang may-ari ng tindahan. "M-Magandang gabi, hija,"

Namula siya sa hiya.

'Di ka masyadong atat, 'no, Naomi?' "Magandang g-gabi po."

Ngumiti ito at nilibot ang paningin. "M-Mag-isa ka yata? S-Saan 'yong gwapo mong kasama?"

"A-Absent po, Aling Dolor." Alanganin niyang ngiti.

"G-Gano'n ba?" May nilahad itong sobre. "Heto nga p-pala. Sahod mo!"

Nabuhay bigla ang kaniyang diwa. "S-Sahod?" Agad niya itong kinuha at sinilip ang pera sa loob. 'U-Unang sahod ko!' Kulang man ito sa pagagamitan niya'y hindi pa rin mawala ang kasiyahan niyang nahawakan na rin sa wakas ang kaniyang unang sahod! "Salamat po! Salamat po!"

"Walang anuman, hija. A-Ang laking tulong m-mo sa amin."

Sinundan niya ito ng tingin nang magpaalam na ito. Muli niyang sinilip ang sobre.

'Konti nalang!Konting-konti nalang!' Lumawak ang ngiti niya sa labi.

NANG SUMUNOD NA araw, matapos maihatid niya sa eskwelahan nito si Hope ay nagbibisikleta na siya papunta sa Don Mariano High School. 'Uutang nalang ako kay Mama pandagdag ng pambili no'ng bola. Tapos babayaran ko nalang siya sa susunod kong sahod. Baka kasi hindi na discounted—'

Mabilis niyang naapakan ang brake ng bike nang makita niyang nakatayo sina Chad, Austin at Hunter sa may nagtitinda ng fishball sa labas ng eskwelahan.

Ngumiti siya at akmang tatawagin sana ang binata nang mapansin niyang madilim ang mukha ng mga ito na para bang may nalaman itong masamang balita.

Nakita siya ni Chad na kinalabit naman si Hunter at ininguso ang gawi niya.

Lilingon na sana ito nang mabilis siyang nagpedal papasok ng gate. Ewan ba't parang kinakabahan siyang kausapin ito.

"At ano na naman excuses ninyo ngayon, Jaime? Villegas?" sita ni Ms. Annie sa dalawang binata na late nang pumasok sa unang klase nila nang umagang iyon.

Ngumisi lang ito at napakamot sa batok na naglakad papunta sa likuran.

Sinundan ni Naomi ng tingin ang dalawa. 'Parang malumbay 'ata ang dalawa?' Tiningnan niya ang pintuan ng classroom, nag-aasam na kasunod lang ng mga ito si Hunter.

Sa huli'y hindi pa rin pumasok ang binata hanggang matapos ang araw.

Nang pauwi na lahat kinahapunan ay tahimik na naglakad si Naomi sa pathway papuntang parking lot.

Medyo nakaramdam siya na panlulumo kung bakit hindi niya kinibo o kinamusta man lang si Hunter kanina nang makita niya itong kausap ang mga kaibigan.

Ginulo niya ang buhok.

Bakit ba kasi siya nauunahan ng hiya?

Napabuntong-hininga ang dalaga.

Na-mi-miss niya ito. Kahit hindi siya angnginingitian nito'y damang-dama naman niya kung gaano nakakadala ang presinsya nito sa classroom nila. Wala nang nangungulit sa kaniya o biglang tatawag sa kaniya...

"Miss me?" whispered a deep voice from behind.

Mabilis niyang tinakpan ang tainga at nilingon ang may-ari ng boses. "H-Hunter?!"

He welcomed her with a wide smile. "Hey."

"H-Hi." Lumingon siya sa paligid bago binalik ang tingin rito. "I-Ikaw ba talaga 'yan?"

"I-In flesh?" Natatawa ito nang hinawakan ni Naomi ang dibdib at mukha ng lalake upang kumpirmahin nga ito nga nakikita ng dalaga. He held her hands. "It's me, Naomi."

She looked at him. "B-Bakit absent ka? May nangyari ba? Nilagnat ka ba?" Sinuri pa niya ang mga braso nito kung may sugat ba.

Instead of answering her, he asked. "Nagmamadali ka ba?"

"A-Ako? Hindi naman. Half-day lang kasi si Hope. Kanina pa siya sinundo ni Mama. Bakit?"

"Nothing... just wanted to spend some time with you." He smiled.

But this time... it didn't reach his Chinito eyes.

Both of them sat on the school grassy fields under the shade of the tree. The wind blew gently as the school gets emptier minute by minute as students fled to go home.

The sun slowly setting at the horizon.

Dumaan ang ilang minuto'y wala pa ring nagsasalita sa kanila.

Nilalaro ni Naomi ang strap ng kaniyang bag na nasa kandungan niya. Palihim niyang nilingon ang katabing binata na nasa malayo ang tingin at malalim ang iniisip.

"Hunter, may problema—"

"Let's play game." Nakangiti na itong lumingon sa kaniya.

Hindi niya magawang ngitian ito pabalik. May mali talaga. Hindi ito masaya katulad ng dati. Pero hindi naman niya magawang tanggihan ito. Tumango nalang siya.

"Game?"

Pilit nalang niyang inaliw ang sarili. "Oo na, oo na. Ano ba kasi iyan?"

Humarap na ito sa kaniya. "Maglalaro tayo ng Isang tanong, Isang sagot. I get to ask you question and you're going to answer with only a yes or no. No explanation."

"Okay..." Napakamot siya sa noo. "Pero salitan ba tayo nang pagtatanong o—"

"Masarap ba magluto mama ko?"

Napabuga siya ng hangin. "Diyos ko namang tanong iyan—"

"Yes or no?" He grinned.

"Iyong spaghetti medyo maalat—"

"Naomi..."

"Hindi, Diyos ko! Hindi!" Tinakpan niya ang namumulang mukha. "I'm sorry, Mrs. Lin!"

"Masaya pa kasama sina Austin at Chad?"

"Oo naman."

"Crush mo pa ba si Kuya Todd?" patungkol nito sa nakakatandang pinsan na naging crush ni Naomi noon.

"Huh? Nakapag-move on na ako—"

"Yes... or no?"

"Hindi na. Matagal nang hindi na."

"Magaling ba ako sa soccer?"

"Hindi pa kita nakitang naglaro pero sa tingin ko, oo."

"Guwapo ba ako?"

She gave him a deadpan look. "Seryoso ka ba?"

He laughed as he nudged her knee playfully. "For the spirit of fun, Naomi. Please indulge me."

"O-Oo." Namumula siyang nag-iwas ng tingin. "Dapat pa bang itanong iyan? Bentang-benta k-ka nga sa Wedding Booth 'di ba?"

"Masaya ka ba kung ako ang kasama mo?"

"Oo naman lalo na kapag kasama mo sila Austin—"

"I'm asking you, Naomi?"

"Huh?" Nilingon niya ito.

His dark eyes speak of innocence and of admiration. "Masaya ka ba kung kasama ako..."

She nodded as a sad smile crept on her face. "Oo, Hunter. Masaya ako."

"Will you be sad if I leave?"

Hindi siya kumibo. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ang sa kanina'y masayang pag-uusap nila'y nahalinan nang nagbabadyang kalungkutan. Gone are the playful glint in his Chinito eyes.

"Oo, Hunter." Bukal sa loob niyang sagot rito. "Malulungkot ako... n-ng sobra." Sa oras na iyo'y hindi na siya nakaramdam pa nang hiya. Hunter wanted the truth and she'll grant it.

"Should I be honest to them how I really feel?"

Alam niya na ang tinutukoy nito ay ang mga magulang nito. "Oo."

"Will I lose something?"

Inabot niya ang mga nanlalamig nitong mga kamay. "Walang mawawala sa'yo, Hunter. In fact, you'll gain something in return." Kinagat niya ang mga labi para hindi maiyak pero hindi niya napigilan ang pagkabasag ng boses niya. "You'll gain courage to fight for your dream."

He looked down and tangled his fingers with hers. "But I'll surely b-break their hearts."

"...yet you'll earn their respect."

He remained passive and it breaks her heart hearing Hunter sniffing back his tears.

"A-Aalis ka?" Ang sakit ng tanong na iyon pero kailangan niyang itanong. Isa ang katotohanang iyon na bumabagabag sa isipan niya. It seems she can hear her heart shattered into tiny pieces when he nodded. "K-Kailan?"

He looked at her, tears pooling at the corner of his eyes. "T-Tomorrow."

Kinagat niya ang mga labi. "A-Ang bilis naman, 'ata." Pilit niyang ngumiti pero trinaydor siya ng mga sariling luha na noo'y nag-uunahang lumandas na sa kaniyang pisngi.

Hunter crossed their distance to hug her tight.

She buried her face on his shoulder. "N-Nagpaalam ka na ba kina Austin at Chad?" Tahimik siyang humagulhol at yumakap na rito.

Tumango ito.

So, he came here not to play... but to say goodbye to her then.

But Hunter can't make himself say those painful words for he doesn't wantto say farewell to his friends... and to Naomi as well.

YAKAP-YAKAP NI Naomi ang mga tuhod habang nakaupo sa kaniyang kama kinagabihan. Narinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Sumilip sa loob si Hope.

Her sister gestures: 'Hindi ka kakain, Ate?'

Umiling siya.

'May problema? Kilala kita.'

"Malungkot lang si Ate, Hope."

Lumapit ito at umupo sa kama niya. 'Ayokong malungkot ka, Ate.'

"Masakit lang dito..." Tinuro niya ang kaniyang dibdib. "...masakit p-pero hindi ko alam."

'Si Hunter?'

Natigilan siya. "Paano mo nasabi?"

'Bukod sa akin, siya lang kasi nagpapangiti sa 'yo 'eh.'

Mapait siyang ngumiti at tumango. "At may kayang magpalungkot sa akin. Tulad mo." She tapped her little sister's nose.

'Nag-away kayo?'

"Hindi naman." Sumandal siya sa pader at nilingon ang bintana. "Siguro malungkot ako... k-kasi aalis na siya." Uminit na naman ang sulok ng kaniyang mga mata. "Mag-aaral 'ata siya sa abroad."

'Magkikita pa naman kayo, diba?'

Bigla nalang siyang napaiyak. "I-Iyon ang kinalulungkot ko, Hope. Hindi k-ko kasi alam kung magkikita pa ba kami. N-Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi k-ko magawang itanong iyon sa kaniya kasi takot ako kung ano ang magiging sagot niya." Humihikbi siyang sinubsob ang mukha sa pagitan ng mga tuhod niya. "A-Ang bigat l-lang sa dibdib... A-Ang bigat l-lang..."

Kinalabit siya ng kapatid at nag-sign language ito: 'May nararamdaman ka para sa kaniya, Ate.' It was not a question but a statement.

Doon na siya napahagulhol nang malakas. "Hoooooope..." Her cries were her confirmation that she indeed has feelings for that smiley, Chinito boy.

Ngumiti ito sabay ginalaw uli ang mga kamay. 'Hindi mo kasi namamalayan na unti-unti ay naging parte na siya ng buhay mo, Ate Naomi.'

"K-Kaya nga ayokong maging malapit s-sa isang tao, Hope..." Bumuluhaw siya nang malakas. Sobrang lungkot niya sa oras na iyon.

'Ate... gustuhin mo man o hindi ang maging malapit sa isang tao, puso mo kasi ang masusunod sa ganiyang aspeto. Malayang binuksan ng puso mo ang pinto nito para kay Kuya Hunter. You don't want people to enter your life because you hate changes. But the moment you chose to talk to Kuya Hunter, it only means that somewhere deep in your heart... you wanted someone to color your life.'

Crying her heart out, she crawled at the bed and whined on Hope's lap. "A-Anong gagawin ko... H-Hope... Ayoko siyang u-umalis. A-Ayoko..." Tiningala niya ito. Hindi na niya ito halos makita dahil sa walang patid na pamumuo ng luha niya.

Hope gestured. 'Huwag mo kasi takbuhan ang pag-ibig, Ate. Dinadama kasi iyon – masakit man o masaya. That's what makes it exciting.'

Naalala ni Naomi ang nakuha niyang kasabihan sa Fortune Cookie niya.

'Love favors the brave. Don't run away from it.'

Ngumiti si Hope. 'Love is the strongest emotion in the world. It can either break us... o strengthens us.'

Dumaan muna ang ilang minuto nang katahimikan sa pagitan nilang magkakapatid.

"H-Hope?"

Her sister tilted her head.

"Bakit mas maalam ka sa m-mga ganitong bagay? Nagkaboyfriend ka na ba na hindi ko alam?"

Ngumiti ito. 'Sa pagmamasid lang sa mga tao sa paligid ko, Ate. Lalo na kay Mama at kay Papa. Sa iyo at kay Kuya Hunter.'

"Ako 'ata ang may diperensya sa'ting dalawa."

Tumawa nalang ang bunso niya at niyakap siya.

LIKE A LIFELESS robot that morning, Hunter looked at his luggage being placed inside the car's trunk by their family driver.

"I'm so excited for you, son!" Masayang niyakap ni Adelia Lin ang binatang anak. "You'll do great there for sure!"

Sinagot niya lang ito nang matipid na ngiti. Nilingon niya ang ama. Bo Lin is all smiles talking to someone over the phone – obviously bragging about his son entering the most coveted international school.

Inayos niya ang pagka-zipper ng jacket niya bago hinalikan sa pisngi ang ina. Pagkapasok sa loob ng kotse'y nagpadala siya ng mensahe sa mga kaibigan.

📱Hunter: "Psst. Aalis na ako. Walang iiyak, a. Babalik ang b3b3 b0i ninyo.

Hindi pa nga dumaan ang limang segundo ay nag-uunahan na ang dalawa sa pagsagot. Austin and Chad are obviously waiting for his text.

He personally requested them to not see him off. Mas lalong kasing mahihirapan siyang iwan ang mga ito at ang lugar na kinalakihan kapag nakita niya ang dalawang gunggong sa huling pagkakataon bago siya umalis.

Napangiti siya sa pabiro at bastos na mga sagot nito.

Hunter knew Austin and Chad are forcing themselves to feel happy for him. Sa pilit ng mga ito na ngumiti at tumawa ay mas nakikita ni Hunter ang kalungkutan ng dalawa.

Tinanguan niya ang driver upang ito'y magmaneho na.

Binuksan niya ang bintana at kumaway bilang pamamaalam sa ama't ina.

Nang makalayo at umayos siya sa pagkasandal sa upuan sabay tumingin sa labas.

These green fields and humble lifestyle will soon be gone once he'll pass the exam because he'll be at Germany by then.

Nilagpasan nila ang eskinita papunta kina Naomi.

Naomi Ruth.

Their last meeting yesterday was a silent and bittersweet parting.

The car passed by the places he grew to love.

His school...

The convenience store...

He closed his eyes to refrain himself from getting emotional.

"T-Teka lang!!! Tigil! Tigil!"

Napadilat siya at napatingin sa likuran ng kotse.

He saw Naomi monstrously pedaling her bicycle to catch-up to them. Hindi nito alintana kung sabog na mula sa pagkapusod ang buhok nito o may malaking punit sa gilig ang t-shirt na suot nito. Halatang kakagising lang nito.

"N-Naomi..." He turned to look at the driver. "Stop the car."

"Hunter!!!" Malakas na sigaw ni Naomi. "Sandali! Wait! Hintay!!!"

Hindi pa halos huminto ang kotse pero nagmamadaling nang lumabas si Hunter para salubungin ang dalaga.

"Waaaaaahhhhhh!!!" tili nito sa gulat. Dahil hindi agad nito na-preno ang bisikleta'y dire-diretso itong sumalpok sa likuran ng kotse.

"Naomi!" Dadaluhan na sana niya ang natumbang dalaga ay mabilis na itong tumayo kahit may dumi ito sa mukha at damit.

"H-Hunter..." Hinihingal nitong sambit sa pangalan niya. Ngumiti ito.

"W-What are you doing—" Napayuko siya nang may nilahad ito sa kaniya na tumama sa sikmura niya.

It was a soccer ball.

"A ball?"

"Hehehe. Pamalit ko sa nasirang mamahalin mong bola."

"But y-you don't have to—"

"Class A i-imitation lang iyan sa..." She was catching her breath heavily. "...sa o-original mong Adidas Brazuca pero sana'y—"

"Naomi—"

Tinaas nito ang kamay para pigilan siyang magsalita. "...pero sana ay tanggapin mo ang regalong iyan. Pinaghirapan ko iyan! Ilang sweldo ko sa convenience store ang inipon ko p-para mabili iyan."

"I thought—"

"At sana'y tanggapin mo rin ang pag-ibig ko."

From looking down at the ball, Hunter's gaze immediately flew to her. "What?"

Buo ang loob ni Naomi na sinalubong ang titig ng binata. "K-Kasi sa b-bolang iyan... n-nagsimula ang kwento na'tin, Hunter." Tumingala ito para pigilan ang pagluha. "S-Sa bolang iyan... sinubukan ng puso ko ang mapalapit sa i-ibang tao – sa'yo, k-kina Chad at Austin." Tinakpan nito ang nakatingalang mukha pa rin nang nagsimulang umalog ang mga balikat nito at umiyak "S-Salamat dahil sinubukan mo akong kilalanin. Salamat at tinanggap mo pa rin ako... sinusuyo sa kabila nang pagtutulak ko sa 'yo palayo. Salamat at pinilit mong mapalapit sakin. Salamat dahil nagustuhan mo ang isang katulad ko na... mahirap mahalin." Humagulhol na ito. "Huwag ka sanang mapagod na mahalin ako kasi mahal na mahal kita, Hunter—"

Naputol ang ano pa mang sasabihin nito nang kabigin ito ni Hunter at hinalikan sa labi.

She closes her eyes as her sobs were being drowned by the sensations brought by his alluring lips tasting hers...

Hunter gently cupped her face as he deepened their kiss.

They were both catching their breaths as their foreheads touch each other.

Nanginginig pa rin ang babae nang hawakan niya ang mga kamay nito. Knowing Naomi, it sure took a lot of courage for her to open up her emotions to anyone – especially to him. "Naomi, I feel you."

Their eyes met.

He brought her hands to his lips. "You are the most lovable girl I've ever known." His words are as pure as his intention. "I am feeling you, Naomi. Your feelings are not ignored."

Ngumiti ito at bahagya siyang tinulak sabay huminga nang malalim. "H-Huwag mo muna sagutin ang pag-amin ko." Ito na ang humawak sa mga kamay niya. "Let's not make promises to each other."

He gladly nodded.

"Marami pa kasing dadaan sa buhay na'tin. Ayoko magbigay ng pangako na baka sa huli'y hindi ko mapanindigan. Baka iyon pa ang pipigil sa'tin na umunlad.

"I understand. I don't want to break any promises, either."

"Abutin mo lang kung anong gusto mo sa buhay, Hunter."

His knuckle touched her cheek.

"Basta't mag-ingat ka roon. Alagaan mo nang mabuti ang sarili mo..." She sniffed back as she zipped his jacket properly. "...at ang puso ko." Tinuro nito ang hawak niyang bola.

He grinned – showing those happy curves his Chinito eyes can make. "I will, Naomi." He pulled her again for one last... tight hug.

"Sagutin mo ako pagbalik mo, Hunter." Yumakap na rin si Naomi sa lalake. "Hihintayin kita." She laid her head on his chest.

"I'll definitely see you soon..." He kissed the top of her head.

"Wo Ai Ni..."

"Hmm?" Nagtataka siyang niyuko ito. "Ano sabi mo?"

"Sabi ko..." Ngumisi ang dalaga. "Mag-aral ka ng Chinese."

"You forgot I'm half-Chinese." He poked her nose.

Holding his ticket, Hunter checked-in his luggage at the counter.

"Kasali po bang i-ch-check-in ang bola ninyo, Sir?" tanong ng attendant.

He looked down at the ball he's holding then shook his head. "Nope. Hand carry ko nalang 'to."

"Sige po."

Tiningala niya ang malaking screen kung saan nakalista ang mga flights ng umagang iyon.

Naomi's right.

They are too young to promise each other anything because there will be a big chance that it will end up empty words. Wala pa kasi silang napapatunayan sa sarili nila at ang dami pa nilang susuunging pagsubok.

Sapat na sa kanila na alam nilang may pagtingin sila sa isa't-isa.

He really envied how mature she thinks.

The sound of speakers took his attention.

"To all passengers of Flight PR 123 of Philippine Airlines bound to Manila, the gate is now open for boarding. Once again, to all passengers..."

Agad niyang nilibot ang paningin para hanapin ang nakatokang gate sa flight na sasakyan niya.

He was enroute to the gate's direction when someone bumped him making the ball dropped to the floor and rolled away.

"Ow, shit." Sinundan niya ang papalayong bola. Dahil marami ang pasahero sa oras na iyon ay hindi magkamayaw si Hunter kung saan na iyon papunta.

Hanggang sa may nakita siyang may pumulot rito.

Agad niyang nilapitan ang nakapalot. "E-Excuse me, that's mine—"

Natigilan siya nang nilahad ng isang aircraft pilot ang bola niya. In a black long-sleeve coat studded with gold embroidery and black trousers, a middle-aged pilot smiled at him. "You play football, young man?"

Hunter then remembered the quote he got from his Fortune Cookie.

'Love will always have its way to reach you.'

Love doesn't just limit itself from people. It can also suggest love for oneself – love for pets... love for money...

For Hunter, it can also mean... love for his dreams.

May lumapit na flight attendant sa piloto. "Capt. Vasquez, they're waiting for you at the lobby."

The captain messed Hunter's hair playfully. "Ingat ka sa biyahe, bata." The man turned around as he wore his aviator cap.

Now, he realizes the circumstances: he kicked the ball that made him met Naomi. Now, the ball made him realize... that his parent's dreams were not his dreams – by coincidentally rolling towards a man whose job Hunter dreamed all his life.

A pilot.

His thoughts were cut off when his phone vibrated in his pocket.

It's his father calling probably wanted to check if he had already left.

He answered the call while staring at the ball. "D-Dad?" Dinikit niya ang noo sa bolang hawak. "T-There's something I need to tell you..."

Yes.

It's time for him to be courageous.

- NEXT EPILOGUE -

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status