Allysa Chloe Hernandez"What do you think your doing?"Gulat kong sambit kay Dave Arkiel ng makita kong inaayos niya ang kama kung saan ako matutulog. Nagulat din siya ng makita ako at biglang tumalikod sa akin. My ghad I forgot naka bathrobe nga lang pala ako ng lumabas sa bathroom. Mabilis akong pumasok sa bathroom at malakas na isinara ang pinto. Nakakahiya, bakit ba kasi siya nandito. Lumabas ako ng may sout ng damit pang bahay. Ipinusod ko ang buhok dahil mamaya na 'ko magboblower ng buhok ko."Ano bang ginagawa mo dito?"Naiinis kong tanong sa kanya."Ano pa eh di matutulog."Sagot naman niya sa akin habang nakaupo sa couch sa loob ng kwarto."Dito ka matutulog? Sige ako na lang sa guest room."Sagot ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ko ang aking maleta at nagsimula ng lumabas sa pintuan. "Teka lang, ano bang iniisip mo? Dito tayo parehas matutulog."Paliwanag niya sa akin. Humarap ako sa kanya at nagsalita."Ano pang pinagsasasabi mo? FYI Mr. Enriquez hindi ibig sabihin na
Allysa Chloe HernandezDumiretso ako sa shower ng makaakyat ako sa aking kwarto. Ano bang iniisip nila? Na totoong inlove kami sa isa't isa. Hayss. Nakakainis, ano ba 'tong gulong pinasok ko. Kung hindi lang talaga magagalit si Daddy, hinding-hindi 'ko gagawin 'to. Pagkatapos 'kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba. Naabutan kong nakaupo sa couch si Dave Arkiel hawak pa rin ang red envelope na binigay ng parents niya. "Saan ka pupunta?"Tanong nito sa akin ng mapansin niyang bumaba ako. "Sa bookstore lang."Tipid kong sagot sa kanya. "Samahan na kita. Saglit lang magbibihis lang ako."Pagkatapos ay dali dali siyang umakyat pataas. Hindi man lang niya hinintay na sumagot ako kung papayag ba akong samahan niya. May pagkapaladesisyon pala ang lalaking 'to. Maya maya pa ay bumaba na rin siya. Naka sout ito ng khaki shorts, black shirt at white sneakers. Infairness bagay sa kanya ang sout niya. "So let's go?"Tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at sabay kaming luma
Allysa Chloe HernandezNang makarating ako sa park ay nagpunta ako sa paborito kong pwesto at doon naupo sa upuang naroon.Nagbabakasakaling makita ko ulit si Kent Liam, tulad noong nakaraang araw. Hindi ko alam pero kumportable akong kasama siya, hindi ako nahihiya, naiinis o kaya ay kinakabahan. Hindi tulad kapag si Dave Arkiel ang kasama ko. Habang nakaupo ako at nagbabasa ng librong binili ko sa bookstore kanina ay napansin kong dumaan yung lalaking binilhan namin ni Kent Liam ng ice cream noong nakaraan. Tumigil ito sa may gilid dahil may mag-inang nais bumili kaya naman lumapit din ako. "Kuya isang tig 20 pesos nga pong ice cream sa cup, yung cheese lang po ah."Sambit 'ko sa magtitinda ng ice icream.Nang iabot niya ang ice cream sa akin ay napangiti siya. Pagkatapos ay nagsalita. Siguro ay natatandaan niya ako. "Diba ikaw yung kasama ni Kent Liam noong nakaraan tama ba? Ako nga pala si Mang Bert.""Ah opo, ako nga po."Nakangiting sambit ko dahil mukhang mabait at approacha
Allysa Chloe HernandezMabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang lunes- ang araw na aking pinakahihintay. Dahil bukod sa makukuha ko na ang book kay Kent Liam ay makikita ko pa siya. Papasok pa lang ako sa university ay para akong teenager na excited nang makita ang crush niya. Sabi kasi ni Liam lunch time daw ako pumunta sa Engineering Building dahil sure siya na hindi siya aalis during lunch time. Chinat na rin niya 'ko sa ig kung anong floor at room number, ang tanging gagawin ko na lang talaga ay pumunta roon. Isasama ko nga pala si Bea, para hindi masyadong nakakahiya. Pagdating sa university ay dumirestso agad ako sa Business Ad. building. Habang nagkaklase ang prof. namin sa Salesmanship ay inip na inip ako. Gusto ko ng bumilis ang oras para makapunta na lang agad ako sa aking crush. I can't wait to see him. After class, lunch time na dali dali kong hinila si Bea palabas ng room. Nagpaiwan na si Kenny dahil gusto na daw niya dumiretso sa cafeteria. Siguro ay nagugu
Allysa Chloe HernandezNang makauwi sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto upang magbihis. Lunes ngayon at maraming school works na kailangang tapusin kaya't naisipan ko munang magmeryenda sa baba bago magstart sa aking mga gawain. Kumain lang ako ng cookies at uminom ng pineapple juice. Pagkatapos ay muli akong umakyat sa kwarto. Nagsimula na akong gumawa ng school works. Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko. Last day feeling ko nagugustuhan ko na si Dave Arkiel, and the next day si Kent Liam. Siguro ay dahil sa mga actions na pinapakita nila sa akin. Mabilis pa namang akong ma-attached sa isang tao. Yun pa naman ang bagay na pinaka ayaw ko sa sarili ko. Habang nagtatakedown ako ng notes ay tumawag si Kenny. Ano na naman kaya ang dalang chismis ng kaibigan kong ito. "Uy girl, may problema tayo."Sambit nito sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag niya."Ano namang problema yan?"Tanong ko naman sa kanya. Baka kasi mamaya nampaprank lang pala ito. "Eh kasi naman next we
"Why did you do that Allysa Chloe? You ruined the reputation that we had. Ano na lang ang sasabihin ng Daddy mo kapag nalaman ito?"Galit na tanong ni Mommy ng makarating kami sa loob ng bahay. "As I said Mom I really don't know kung bakit napunta yung answer key na yun sa bag ko."Paliwanag ko sa kanya habang nakaupo sa couch."Pati ba naman ako pagsisinungalingan mo? Kung kanina napaniwala mo yung mga faculty members na wala kang kinalaman sa nangyari. Pwes ako hindi at isa pa kailan ka ba titigil dyan sa pagsisinungaling na ginagawa mo?""But I'm just telling the truth. Yung mga sinabi nila kanina that's a false accusation Mom. Wala talaga akong kinalaman sa nangyari at isa pa bakit ko naman gagawin yun? Mukha ba akong uhaw sa academic validation? You know me Mom, hindi ako ganoong klaseng tao. Simula ng mag-aral ako lahat ng achievements na nakukuha ko sa school pinaghihirapan ko yun Mom, kaya bakit ko naman gagawin yung bagay na makasisira sa akin?"Mahabang paliwanag ko sa kan
Allysa Chloe HernandezKinabukasanSaturday ngayon at maaga akong nagising dahil kailangan kong pumunta ng school, 6:00-10:00 am ang community service ko. Ayaw ko sanang gawin 'to dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan pero pumayag na si Mommy and I can't say no to her. Ayaw ko din naman siyang ipahiya kay dean kahapon at lalo lang akong mapapagalitan. Alam ko na medyo matigas ang ulo ko pero inilulugar ko naman iyon at dinedepende sa sitwasyong kinalalagyan ko.Inayos ko ang bag na aking dadalhin. Nagdala ako ng extrang t-shirt, towel at jogging pants. Nagbitbit din ako ng tumbler na may cold water at sandwich habang palabas ng bahay. Nang makita ko si Manong Jose ay nagpahatid ako papunta sa school. Nang makarating ako sa school ay wala pang masyadong tao maliban sa security guard na nakabantay sa gate ng aming university.Bago pumasok ay nagtanong ako sa security guard."Kuya ako lang ba ang naka schedule na mag cocommunity service ngayong araw?""Sa mga regular studen
Allysa Chloe HernandezNang dumating si Mommy at Daddy sa clinic ay umuwi na kami. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang pauwi. No one wants to start a conversation. Ayoko din namang magsalita dahil baka magtalo pa ang Mommy at Daddy.Bumaba ako sa kotse ng makarating sa bahay. Inalalayan ako ni ate Helen papasok sa loob. My brother looked so worried. Nilapitan niya ako at tinanong kung okey na ba ako? Sinabi ko naman sa kanya na okey na 'ko at huwag na siyang magalala. Alam ko na sobrang mapang-asar si kuya Allen sa lahat ng oras but he's really cared for me. Pinahatid ako ni Mommy kay ate Helen sa taas para makapagpahinga at sinabing dadalhan na lang ako ng launch para hindi na ako bumaba. Pumayag naman ako. Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong nagpalit ng damit pangbahay. Naupo ako sa gilid ng aking kama at kinuha ang aking cellphone. Nagbabrowse ako ng mga ig stories ng mga friend ko ng madaanan ko ang ig story ni Kent Liam. Isang stolen shot na may caption n