Share

Chapter One - The Basurahan

Shazahna POV

'It'll reet self'

Salitang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko sa tuwing may hindi magadang pangyayari sa buhay ko, unexpectedly. It is my favourite mantra na tinutulungan akong maging calm and relax.

Proven quality effective with side effects. Charr!

Well, this is not the first time na di na naman ako pumasa sa interview ko tho masasabi kong I'm quite professional sa part na yun haha! 

Okay, di nakakatawa.

The last time na may potential employer na nag refused ng application was, kelan nga yun?... Oh, yesterday. Yes, it was the day before today.

Honestly naaawa na rin talaga ako sa sarili ko, really! Wala talaga ata akong swerte sa first impressions pero hindi ko rin naman magawang i-blame ang sarili ko for that... or maybe di lang talaga ako qualified? Whatever! I'm so doomed.

I need a job right now!!!

ASIN SALT RIGHT NOW!

Past two in the afternoon na nung maka-labas ako sa inaplayan ko sanang kumpanya. Feeling hopeless and seriously annoyed dahil sa mga palamuning bulate na kanina pa nag-iingay sa loob ng tyan ko! Gutom na gutom na ako pero naka budget na extra ko.

'Food or Money?'

I hissed talking to myself. No! hindi pa po ako nababaliw. Eh bakit ba? Minsan kailangan ko talagang kausapin ang inner self ko para malaman ko din ang opinion nya, at least pagka nagka gipitan na di lang ako ang masisisi diba?

Crap.

'Save a penny pandagdag allowance o bumili ng makakakain para sa nanggagalaiti kong sikmura?' Again, asking no one in particular. Feeling dejected, I chose the later.

Halos malapit nako sa fast food chain na pinaplano kong kainan. Di ko maintindihan kung bakit sa tuwing nag titipid ako eh mas lalo pa akong napapamahal! Is this tadhana?

No way! Crap ulit.

Habang naglalakad, may napansin akong kumikinang na bilog sa gilid ng kalsada. Nakakasilaw talaga ang limang pisong barya lalo na kung walang wala ka na Hashtag feeling blessed.

So ayun nga... tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, Walang nakatingin? go grab the opportunity girl!!!

As if walang nangyari, tumayo ako ng maayos at ipinagpag ang damit ko, kunyari may libo libong alikabok ang dumikit sa katawan ko at dahan dahan na akong naglakad papalayo.

"geunyeo gyeoteseo modu da mulleona

ijen jogeumsshik sanaweojinda

na eureureong eureureong eureureongdae"

Sinasabayan kong kantahin ang background music na naka play ngayon dito mismo sa loob ng Salime, at sa kung sino mang staff o crew nila ang nagpatugtog nitong kanta na Growl by EXO eh sure akong certified EXO-L rin sya. Hindi lang halata pero fangirl talaga ako ng K-pop bata pa lang, kaya sa tuwing may naririnig akong K-pop songs being played sa public lalo na pag kanta ng favourite groups ko eh natutuwa talaga ako.

Mag te-ten minutes akong pumila sa counter buti na lang at piniplay nila ang Growl kaya kahit na kanina pa nag gogrowl ang tyan ko, di masyadong naririnig ng mga nasa pila rin, talk about sumasayaw slash nagpaparty na mga bulate sa tyan? Lol.

While devouring my Spaghetti s.o many many sauce and Yumburger s.o more more dressing, nag isip na ako ng mga business establishments na pwede kong applayan. Bukas na bukas din eh mag ja-job haunting ulit ako and I'll make sure na matatanggap na ako. Sana.

**********

"Five minutes na lang promise"

"Anong five minutes pa? Mag aalas otso na Shah! Baka malate kana nyan, mamumudmod ka pa ng résumé diba?" sigaw ni Aleah sa akin. Kaibigan kong perfect attendance sa paninira ng umaga ko.

"Kaya nga five minutes pa" Diba nya makitang inaantok pa talaga ako?

"Naku wag ako! Iyang five minutes mo sure akong thirty minutes pa yan! At para sabihin ko sayo thirty minutes kang naliligo, ten minutes kang tulala, one hour mag bihis, another thirty minutes sa pagkain, tapos fou-"

"Oo na! oo na! Eto gising na! Maliligo na po. Happy?" Sabi kong bumabangon sa kama. May magagawa ba ako eh daig pa nya ang alarm clock sa ingay.

"Kelangan mo lang pala makarinig ng mathematics para bumangon eh" Proud na proud ang bruha.

"Di yun mathematics gaga" 

"Mathematics yun shunga, may solving diba?"

"Nagsolve ka ba? Naghanap ka ba ng X? ...So di yun math" sumbat ko sa kanya habang pareho kaming natatawa sa nonsense naming usapan.

"Kelangan ba laging hinahanap ang X para matawag na mathematics? Yang mga ex na yan salot lang yan sa buhay, bat pa ba sila hinahanap kung sila din naman ng iwan!"

Humuhugot ba sya?

"Ewan... Alam mo minsan para kang Mathematics" dapat ata mas specific pa.

"Huh?" tugon nya ng naka taas ang isang kilay. Sana all.

"Magulong kausap at mahirap intindihin" sana matauhan sya.

"Anong sinabi mo?!" Bakit ba pataas ng pataas ang boses nya?

"Haha wala sabi ko Sana All may ex" oops! sadya yun.

"Kaya nga lumandi landi kana, Baka maubusan ka na ng lalake gaga" Help, praning na po bespren ko!

"Mag settle down ka muna... jaka pwede bang mind your own lovelife? Busy pa ako maging successful. Less boys, more time" 

"Oh yes you have to be successful, sabi mo nga wala ka ng ibang option diba... Sige na nga't maligo kana para makaalis kana"

That being said, pumunta kaagad ako sa Hurklin Building, first stop dropping my papers. Next, Bay Zone Hotel. Then Musk Enterprise, Starship Hotel, at kung saan saan pang mga hotels at kumpanya na may job vacancies na pwede kong aplayan. Isang buong araw na job haunting, basta may hiring ilalaban ko na.

Grab every opportunity kasi there's no other way para umusad. There's no luck without committing, perseverance, and effort. 

**********

It has been two long weeks mula nung nag apply ako for work. May mga kumpanya din namang tumawag sa akin for an interview but then again, di pa rin ako natanggap. Nauubusan na ako ng willpower, lalo pa nung minsang may isang matandang mataba ang tyan na hukhukan sa sama ng ugali ang nagpahiya sa akin dahil di raw ako qualified sa trabahong inaapplayan ko...

Akala mo kung sinong may ari ng kumpanyang yun. The guts! Hinding hindi na talaga ako babalik sa lugar na yun. N.E.V.E.R as in never!!

"Hey move on, Di lang naman dun ang pwedeng aplayan Hindi ba? There are so many companies out there na pwedeng mong pasahan ng résumé. Tiwala lang"

"Thank you Aleah"

"Cheer up okay? Laban lang!"

"Yes Laban para sa ekonomiya!"

"Laban Pinas!!!" sabay naming bigkas ng nakatawa,

Ng biglang may narinig kaming malakas na tunog ng baril na di ko alam kung san galing. Sa sobrang taranta nagkahiwalay kami ni Aleah, sya papunta sa kaliwang direksyon at ako pa diretso namang tumakbo sa may pinakamalapit at pinaka safe na pwedeng pagtaguan dito sa park.

Sa basurahan.

Sure akong walang magtatangkang maghinala na may nagtatago dito dahil sa masansang na amoy nito, sa sobrang baho eh naduduwal nako. Biglang may kung anong malakas na pwersang humila sa kamay ko. One second at may kutsilyong nakadikit na sa leeg ko.

"Wag kang lalapit kundi papatayin ko sya" sabi ng lalakeng biglang humila saken, hawak ang matulis na kut... kutsilyo?

"I don't mind if you kill that woman... Do you actually think I'd let you go with my camera over some random stranger?" sabi naman nung isa pang lalake na kausap nya. What the hell? Anong meron? Bat ako nandito? Pilit akong pumipiglas sa pagkakahawak nya but he is too strong for me, nahihirapan na rin akong huminga.

"Gigilitan ko talaga to!"

"Stab her, I don't care"

Aksidenteng nasagi ng lalake ng saksak ang tyan ko. I felt numb. Di ko maigalaw ang buong katawan ko, nagsimula na ring dumugo ang sugat ko sa tyan ko.

At walang lakas na natumba ako sa kinatatayuan ko.

I fell to the ground, unconscious.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status