Share

1

Kabanata 1

Habang nasa veranda ng aking kwarto, tulala akong pinagmasdan ang madilim na langit. Hindi pa rin rumerehistro sa utak ko na wala na ako sa Manila at nandito na ako sa Escala.

"Maia, nariyan na ang mga bisita ng Daddy mo. Kakain na!"

Hindi ko nilingon ang pinto nang kumatok ang isa sa mga kasambahay. Hindi rin naman nito hinintay ang sagot ko at mukhang umalis na.

Hindi ba pwedeng dito na lang ako at magmukmok? I don't think I can face anyone right now!

Akala ko kakatok ulit ang kasambahay pagkatapos ng ilang minuto na hindi pa rin ako bumaba pero hindi. Walang dumating.

"Cheer up, Maia Asuncion!"

Binaluktok ko ang legs ko at niyakap ito habang nakaupo sa kama.

"Mainit pa ang ulo sa'yo ng magulang mo sa ngayon. Syempre, fresh pa ang atraso mo pero sigurado ako na kapag nagtagal-tagal, makakalimutan na nila ang pagbabawal nila sa'yo na bumili ng art materials. Hang in there, okay? Kung gusto mo bilhan pa kita e," she chuckled.

It is a call with my best friend, Kola Montecillo.

"Tingin mo makakabalik pa ako sa Manila? I miss the Art Center and the people there."

"Syempre naman! Hindi ka naman mananatili diyan forever, for sure!"

I sighed. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. But it's not working.

"Hindi ba lagpas isang linggo na kayo diyan? Still not get used to your hometown? Naglibot-libot ka na ba?"

"I'm too miserable to go out. Wala akong gana."

"Maia, miserable na nga ang sitwasyon mo, gagawin mo pang mas miserable. You should go out and enjoy the fresh air of the province. Walang ganyan dito sa Manila kaya sulitin mo na diyan."

Napailing ako sa sinabi niya.

"At saka, huwag kang mag-alala. Dadalaw ako diyan sa inyo. Tapos sabay nating libutin ang Escala. Welcome naman ako siguro, no?" she chuckled.

Nakuha no'n ang atensyon ko. Bahagyang na-excite sa ideyang iyon.

"Of course! When? So I can inform my parents. I'm bored here, Ko."

"Chill! Magbabakasyon pa kami. Pero basta! I'll inform you."

Somehow that made me a bit happy and excited. Gusto ko pa sana makipag kwentuhan sa kaibigan ng matagal pero ayoko namang makaabala sa ginagawa niya.

Habang nagmumuni sa veranda ay bumaba ang tingin ko sa aking phone. I swiped to see the photos of all my artworks.

Mapait akong ngumiti.

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa nangyari sa Manila. It was the reason why I'm here in our province, Escala.

My parents caught me in an Art Center instead of studying for our final exam. I was dragged out of the center. And to my surprise, when we got home, all of my things — art materials and artwork were torn and slid in a trash can!

Tinago ko na nga ang mga iyon para masigurong hindi makikita nila Daddy. Pero sa huli, nakita pa rin nila.

My parents are not really supportive of me wanting to be an artist. Mababa ang tingin nila sa ganoong career. They want me to pursue business or anything professional that fits into their vocabulary. Not arts.

Sa susunod na pasukan ay second year na ako sa college. Business ang kurso ko, katulad ng gusto nila.

Pero kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko iyon magustuhan! Dahilan kung bakit mababa ang mga grado ko. Hindi naman bagsak pero ang gusto kasi ng mga magulang ko ay matataas katulad ng grado na nakukuha ng mga kapatid ko.

Pero hindi ako matalino hindi katulad nila! I hate studying. It's not for me! And even when I tried to, it's only a waste of time. Pero hindi nila maintindihan iyon dahil ang tanging iniisip nila ay ang magandang reputasyon ng aming pamilya.

From my grandparents down to our generation, we are a family of professionals. Lawyer. Doctor. Engineer. Architect. Businessman. Name it.

My father, Engineer Albert Asuncion is a businessman and an engineer. He has two companies. The new construction company here in Escala and the furniture company in Manila. While my mother, Melinda Asuncion is an Accountant/Financial Advisor. Tumutulong din ito sa kumpanya lalo na pagdating sa usaping pera.

Ang panganay kong kapatid na si Ate Ruby naman ay ka-ga-graduate lang sa kursong architecture. My brother, Danzel, is in his third year pursuing business management.

While here I am, studying business but my heart is in arts.

Because of what I did in Manila, my family decided to drag me here to Escala. Pagkatapos na pagkatapos pa lang ng exam namin, dinala na nila ako agad dito. Dito na daw ako magbabakasyon at kalaunan, dito na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. And worse, while I am here, I'm not allowed to buy art materials! They don't even give me money to make sure I won't be able to do that!

Sinubukan ko sa isip ko na intindihin sila pero...hindi ko maiwasang maisip kung bakit...hindi na lang nila ako suportahan sa gusto ko? Mahirap bang gawin iyon?

People would probably wonder why I let my parents dictate me on what I will do. I'm almost 19 this year. I'm already old enough to decide for myself.

But...I love my parents.

I always want to get their attention. Noon pa man ay pakiramdam ko ay hindi ko nakukuha ang buong atensyon nila. That's why to get their attention and make them happy, I need to do what they want me to do.

Kaya lang kahit anong subok...nagiging mahirap dahil…gusto ko talaga ang pagpipinta.

I sighed.

Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, umalis na rin ang mga bisita.

Through my room's veranda, I saw my parents bid goodbye to the visitors near our gate.

Ang rinig ko ay grupo iyon ng mga architect and engineer. Parte ang mga ito ng UNO Build Construction Company ng aming pamilya na dito sa Escala naka-base.

Hindi muna ako bumaba para kumain dahil baka makita ako nila Daddy at mapagalitan. Kaya pinalampas ko ang isa at kalahating oras bago bumaba na.

Madilim na at ang tanging bukas na lang ay ang ilaw sa kitchen nang bumaba ako.

Humikab ako. I'm sleepy but I need to eat. Kumakalam na rin kasi ang tyan ko kanina pa.

Sinipat ko ng tingin ang aking relo at nakitang alas diyes na pala ng gabi. My parents and siblings are probably asleep now.

Pagkadating sa tahimik na kusina, kumuha ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig. I sipped on it.

While holding a glass of water, I went to the table to see if there was still food but I saw none. May nakatakip kasi kaya inakala ko na meron pero wala akong nadatnan.

Kumunot ang noo ko. I sighed. Baka sa iba nila nilagay. Kaya tiningnan ko ang iba pa sa kitchen para makasiguro. I checked even the cabinets. Pero wala! Even the rice is all gone! May tira pero tila isang subuan na lang ata iyon!

Imposible!

Binaba ko ang baso sa sink sa unti-unting pumapasok sa isip.

Nakalimutan ba nilang iwanan ako ng pagkain?

"Anong hinahanap mo, Miss?"

I muttered a curse and almost jumped when I heard a baritone voice from behind.

Mabilis na napalingon ako sa hamba ng kitchen. There I saw an unfamiliar man.

Matangkad at nakasuot ng simpleng jeans at puting polo ang lalaki. Seryoso ang mata ngunit may kuryosidad ang tingin niya sa akin.

Iritado, kumunot ang noo ko.

"Who are you?!" I hissed when I realized that I haven't seen him before here sa loob ng halos dalawang linggo ko rito. Surely, hindi namin siya tauhan!

His deep-set brooding eyes directed at me is distracting me.

He pursed his lips. Pumaling ang ulo niya sa gilid. Giving me a full view to his strong jaw.

He's older than me. I'm sure of that! Sa tangkad at tindig ng lalaki ay sigurado ako roon. His mature body and posture doesn't look like guys my age.

"Magandang gabi. I am Rafael. Pasensya na at mukhang..…nagulat pa ata kita. Kailangan mo ba ng tulong? Anong hinahanap mo?" mababa ang boses na aniya.

Rafael?

"I know no one with that name here in Escala. Paano ka nakapasok dito?!" I asked, ignoring his other questions.

Hindi lubos na pinagkakatiwalaan ang estranghero.

"Mukhang ikaw ang bunsong anak nila Engineer," he said in a formal voice when he realized something. "Tauhan ako ng ama mo. Kasama ako sa inimbitahan ng magulang mo kanina sa hapag. Inimbitahan din nila ako na manatili dito sa inyo ngayong gabi dahil bukas ng umaga ay kakailangan ako ng Daddy mo," paliwanag niya.

What? Inimbita siya nila Dad na dito manatili ngayong gabi?

Kung ganoon, magaan ang loob nila Dad sa lalaking ito. I know them. Bihira silang magpatuloy ng kung sino dito sa amin.

"And your...name?" he asked, curiously.

If he's asking me that, then my parents did not mention me to the dinner earlier. Not even my name.

O baka naman dahil...wala ako sa hapag kaya ganoon?

Pero ang akala ko…mababangit man lang nila ako kahit wala ako roon.

Tumikhim ako sa iniisip. I glanced at the guy.

"You don't need to know my name. Can you just... leave and go back to…whatever room is assigned to you? Don't mind me here," iritableng saad ko.

Bahagya siyang natigilan bago tumango.

"Oo, Miss. Babalik talaga ako sa aking silid."

Saglit kumunot ang noo ko dahil nakahimig ng sarcasm sa pagkakasabi niya no'n pero pinalampas ko iyon at tumango.

I just want him to leave me alone.

Tatalikuran ko na sana siya para makabalik sa ginagawa nang bigla siyang magsimulang humakbang palapit sa akin. Kumunot ang noo ko.

Akala ko aalis na siya?

As he zoomed into my eyes, I'm quite panicking. I don't know him! Paano kung…hindi naman pala totoong bisita siya dito?

Paano kung akyat bahay gang pala ang isang ito? Though, he doesn't look like one but I don't know! Baka iba na ngayong ang modus ng mga akyat bahay gang para hindi sila mahalata.

Umatras ako pagilid. He noticed that. Tumaas ang isang kilay niya at tumigil saglit bago ipinagpatuloy ang paghakbang palapit.

Handa ko na sana siyang sigawan kundi lang niya ako nilampasan at nagtungo sa sink sa tabi ko at binaba ang kanina pa pala niyang hawak na mug.

What the hell? I thought——

Damn, Maia! What are you thinking?

He glanced at me. His brow shot up a bit before he sighed.

"Hugasan ko lang. Pagkatapos ay aalis na rin ako," paliwanag niya.

Nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko sa katawan paakyat sa mukha ko.

Ramdam ko ang pagkapahiya.

I gulped and rolled my eyes.

Nakita ko ang marahas na paggalaw ng panga niya habang nakatitig sa akin at hinuhugasan ang dalawang baso. Kasama na roon ang kaninang ginamit ko. His thick arms flexed in his every move.

Sinulyapan ko ang sink bago pairap na nag-iwas ng tingin.

Whatever!

Taas noong tinalikuran ko siya at nagtungo na lang sa refrigerator para maghanap ng pagkain.

Right! Food!

I surveyed the inside of our large refrigerator. Nawala sa isip ko ang lalaki dahil naging abala at nakaramdam na rin ng gutom.

I saw some ingredients in the fridge. There's chicken, too.

Should I cook? But…I don't know how to cook.

Now, it registered everything to me.

I am hungry but there's nothing here to eat! My family did not leave me any food! Kahit kaunti sanang ulam pero wala!

Ganoon ba ako ka-invisible sa paningin nila na hindi man lang nila napansin na wala ako sa hapag kanina?

Or…are they too busy to even recognize my absence?

Or…they don't care at…all?

Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa gilid ng refrigerator.

My chest hurts from thinking about those possibilities.

Hindi. Hindi naman siguro. Pamimilit ko sa sarili. Tinulungan ko na lang sila sa isip ko.

Baka dahil maraming bisita ay naubusan na ng pagkain kaya hindi na ako natirhan.

Siguro ganoon. Sana ganoon.

"Anong hinahanap mo, Miss? Baka matulungan kita bago ako magtungo sa silid ko."

Naramdaman ko ang presenya ng lalaki sa likod ko. His presence is too hard to ignore.

Hindi pa rin pala siya nakakaalis.

Nilingon ko siya, iritado.

Iritadong-iritado.

Hindi ko alam kung para saan.

Kung dahil ba sa pamilya ko.

Dahil sa pagkain.

O dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi ko alam.

"Looking for something to eat? Napansin ko na hindi ka kasama kanina sa hapag."

Sa hindi malamang dahilan, mas lalong tumaas ang iritasyon ko.

He noticed my absence. Kahit na kakakilala palang namin ngayon, napansin niya na wala ako kanina.

Habang…ang pamilya ko…ang sarili kong kadugo ay mukhang hindi.

"Mukhang wala na palang pagkain mula kanina," bulong nito, seryoso na ngayon nang mapansin din ang walang lamang mesa.

I feel like my eyes will start to get wet. Bago pa mangyari iyon ay tinaliman ko ang tingin sa lalaki.

"Hindi ba pinapaalis na kita? Bakit nandito ka pa rin? I told you I don't need your help," malamig kong utas.

It sounds mean. Alam ko. Pero hindi ko mapigilan.

Nagtagal ang titig niya sa akin. Hindi nakasagot.

Nagtagis ang bagang ko. Padabog akong humakbang palapit sa kaniya.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko umalis ka na! Fucking leave!" bayolenteng saad ko na nang hindi pa rin siya gumagalaw.

His eyes darkened a bit and his jaw moved. Mabilis ang bawat pagtaas at baba ng dibdib ko sa biglaang pagsabog. Kumunot ang noo niya.

"Kung ganoon, maiwan na kita, Miss. Pasensya na kung naabala kita," aniya.

Nagtiim-bagang ako.

Isang pasada sa kusina ang ginawa niya bago ako tinalikuran at umalis.

Nagtagal ako sa posisyon ko na iyon hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Hanggang sa naiwan na lang ako ulit akong mag-isa sa tahimik na kusina.

Pinikit ko ng mariin ang mata at padabog na sinarado ko ang refrigerator.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sinthea V
first chapter palang pero hook na ako. nice!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status