Share

Kabanata Apatnapu’t Isa

"A-anong ginagawa mo rito? Ang ibig kong sabihin ay—-

“Natutuwa akong makita ka Pael.” putol ni Rada sa binata sa napakalambing na tono. Kumaway rin ito kay Carlito bilang pagbati na ikinaluwang ng pagkakangiti naman ng binata.

Nahihiyang ngumiti si Rafael. “ Hindi ko inaasahan na makikita kita dito sa plaza.”

“Nagkayayaan kami nila—-

Hindi na natapos ni Rada ang sinasabi dahil agad na nakasunod ang mga kaibigan nitong sila Cathy at Bing.

“Kumusta Ibarra?" bungad agad ng dalawa sa kanyang nobyo.

“ Mabuti naman Cathy at Bing. Ikinasisiiya kong makita kayong muli.”

“Kami’y nagagalak rin. Naku! May kutong lupa ka palang kasama." tukoy ni Cathy kay Carlito. Inismiran agad nito ang binata na napakamot naman sa ulo nito.

“Nagkayayaan kaming manood at maglibot sa perya. Ikaw, buti at naisipan mong pumarito?." si Rada kay Rafael.

“Ah nagyaya si Carlito." anito sabay sullyap sa kasama. “Pinayagan ka ng Senyor na lumabas?" habol nitong tanong.. Alam ng binata na hindi basta-basta pinapay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status