Nang sumunod na linggo ay dumating si Clara mula sa bakasyon nito sa Europa. Agad nitong nalaman ang sitwasyon ng anak sa mansion kaya't agad nitong hinanap ang asawa para makausap. Nang malaman na nasa library si Ramon ay sumadya agad roon ang Senyora para harapin ito. Mariin nitong bilin ni Clara kay Manang Yoly na ipasama kay Mang Kanor si Rada sa araw na susunduin na ito sa airport. May nakahanda kasi itong sorpresa para sa anak. Subalit mag-isa lamang si Mang kanor na dinatnan nito na naghihintay. Nagtaka ang Senyora dahil wala ang anak at sa pagpipilit nito ay napilitan si Mang Kanor na magsalita nang pahapyaw. “It's too much, Ramon." ang pabalya na bukas ni Clara ng pinto. Hindi rin nito naiwasan ang pag-alsa ng boses.Prenteng-prente naman sa pagkakaupo nito ang Senyor sa swivel chair habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat ito ng mukha pagkarinig sa boses ng asawa. Na bahagya lang rin nitong tinapunan ng tingin. Ibinalik rin nito agad ang pansin sa binabasa. “Naririto ka na
"Baka kailangan kong kausapin ang Senyor, Inay. Nag-aalala po talaga ako para kay Rada." puno ng pag-aalala na wika ni Pael sa ina. "Hindi!" ang pabiglang sagot ni Lourdes na napatayo pa mula sa kinauupuan. Subalit nang mapuna ang eksaherado na naging reaksyon ay sinikap na makabawi. Pilit nitong pinakaswal ang tinig at kumilos ng normal. Lalo na at nabasa nito sa mukha ni Pael ang pagtataka. "Ang ibig kong sabihin anak ay hindi pa naman tayo nakakasiguro na may hindi magandang nangyari kay Rada. Alalahanin mong anak pa rin siya ng Senyor. Hindi kailanman mananakit ng anak ang isang ama " pahayag niya na ang namapayaang asawa ang nasa isip nang banggitin iyon.Pagka't totoong ni minsan ay hindi nagbuhat ng kamay si Augusto kay Pael. Bagkus ay inangkin nito at binigyan ng pangalan ang kanyang anak. Ni minsan ay hindi nagkulang sa kanila ang namayapang asawa. Naging napakabait nito sa kanilang mag-ina. Tinanggap sila nito ng buong puso at minahal ng lubos. Sayang nga lamang at kinuha
Nang mawala na sa paningin ni Clara si Pael ay binalingan nito si Lourdes."Lourdes, kung hindi man ito ang oras para sa pagkakaayos nating dalawa. Siguro ay napapanahon na para malaman ni Ramon-""Hindi Clara, maayos na ang buhay naming mag-ina. Isa pa hindi si Ramon ang ama ng aking anak kundi si Augusto." mabilis na sansala ni Lourdes, nakabakas sa tinig nito ang nakatagong galit at poot. Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo at inimis ang tasa't platito sa lamesita para dalhin sa kusina."Karapatan ni Rafael na malaman ang katotohanan Des." bunsod ni Clara na sumunod sa dating kaibigan."Katotohanan?" linga rito ni Lourdes habang salubong ang mga kilay. "Paano mo nasasabi ang isang bagay na iyong pinabulaanan noon Clara?" dugtong nito na medyo umalsa ang boses. Lumatay naman ang pait at pagsigid ng konsensya kay Clara. Kaya't Inalis rito ni Lourdes ang tingin. Dahil sa totoo lang ay nagsisimulang sumulak ang galit sa parte niya. Sinikap niyang pakalmahin ang sarili at magpakahinaho
Tahimik na nakatanaw si Ramon sa binatang sa tantiya niya ay nasa pagitan ng labing walo at dalawampu't taong gulang. Naggagapas ng palay ang lalaki sa hindi kalakihan nitong sakahan na hula niya ay nasa tatlong ektarya. Kanina pa niya pinagmamasdan sa mga kilos nito ang ipinakilalang nobyo ng anak. Masasabi niyang maalam ito pagdating sa pagtatanim at pagsasaka. Mabilis rin itong kumilos at alam ang bawat hakbang na ginagawa. Ni hindi nito alintana ang mataas na sikat ng araw. Pansin niya ang kasipagan nitong taglay. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit bigla na lamang ay nagka-interes sya sa lalaki. May parte ng isip niya ang nagtutulak sa kanya na alamin ang pagkatao nito. Mula noong araw na makaharap niya si Rafael ay hindi na sya natahimik. Naroon ang masidhing kagustuhan na makilala niya ito nang lubusan. Inalam niya kay Mang Kanor ang pagkakakilanlan ng mga magulang ng binata. Na ayon sa kanyang drayber ay malayo nitong pinsan. Ang ama ng lalaki ay taal na taga Maynila a
"Clark...!." masayang salubong ni Senyora Clara sa binata. Tinanggal nito sa pagkakasuot ang guwantes sa mga kamay.Kakababa lang rin ni Clark mula sa pick-up nito. Nagkataon namang nasa hardin pa ang senyora at abala sa mga orkidyas nito. Kaya't agad nitong napansin ang pagdating ng binata.“Magandang araw po tita Clara." nakangiting bati ni Clark sabay beso sa babae. May dala itong fruit basket. Sari-saring prutas ang laman katulad ng saging, hinog na papaya, mangga, dalandan, mansanas at iba pa."Naku at nag-abala ka pa. Presensya mo ay sapat na pagka't natutuwa akong makita ka iho. Mabuti at napadalaw ka. Kumusta ang iyong mama't papa? Hindi na kami nakakadalaw ng Villa dahil abala rin kami ni Ramon." “Maayos naman po sila. Ang mama lately ay nawiwili po sa kanyang mga halamang gumamela. Ang papa naman ay abala rin sa iba pa niyang mga negosyo " magiliw na tugon ni Clark. "Kayo po kumusta?" baliktanong ng binata. “Mabuti naman iho. Pumasok tayo sa loob. Tamang-tama gumawa ako ng
“The nerve!” puno ng iritasyon na wika ni Rada sa sarili. Labis ang pagngi-ngitngit niya ng araw na iyon. Araw ng biyernes at nasa panghuling asignatura na sila. Kanina pa siya naiinip sa tagal na itinatakbo ng klase. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang napasulyap sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Parang kay bagal ng ikot niyon sa pakiwari niya, animo nananadya para mas lalo siyang maasar. Haisst! Isinandal niya ang likod sa backrest ng metal na upuan bago inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid. Kanina pa niya napapansin ang panaka-nakang sulyap ng mga kaklase, kahit na nasa likurang bahagi na siya nakaupo. Talaga namang to the effort pa sa paglingon ang mga classmates niya. Nakapagkit sa mga mukha ang samut-saring reaksyon. Mayroong gulilat, namangha, nalungkot at naawa. Meron namang mga nakangisi at tila sinasabing buti nga sayo kasi pabibo ka. Ang iba naman ay pangitang pinipigilan lang matawa sa sitwasyon katulad nila Cathy at Bing na naturingan pa m
Who is he? Muling pinasadahan nang tingin ni Rada ang lalaki. Siya lang naman ang piping saksi saiyong kahangalan. Pangungunsensya ng isipan niya. Napangiwi ang dalaga. Bigla ay nahiya sa kanyang naging asal. Maaari ngang mag-isip ang lalaki ng hindi kaaya-aya sapagkat nasaksihan nito ang kanyang ginawang kalokohan. Labag sa regulasyon ng akademya ang kanyang ginawa. Mabigat na parusa ang kakaharapin niya pag nagkataon. Paano na lamang kung magsumbong ito sa pamunuan? Anong mukha ang ihaharap niya sa mga magulang ni Clark kapag umabot sa kaalaman ng mga ito ang pinaggagagawa niyang kalokohan ngayong hapon? Siguradong ipapatawag ang kanyang mga magulang at malamang ay magpuputok ang butse ng ama. Pag nagkataon ay grounded na naman siya at hindi siyempre nito palalabasin ng mansion sa loob ng ilang linggo, depende sa kanyang parusa.Kalma Rada, hindi ka pa naman sigurado kung nakamasid nga ito kanina. Hindi nga ba at nasa likod ito ng halamanan? Tama, paano nga kung wala naman itong
Napangiti si Rada. Baka nagkaroon na naman ng aberya. Hindi pa siguro nakakabalik sa inuupahan nitong bahay ang kanilang maestra. Malamang ay umuwi ito sa home town nito kung saan ay tatlong bayan pa ang layo mula sa San Isidro. Dalawang oras din ang kinakain nila sa klase ni Miss Tionco at kung susumahin niya ang binabyahe ng propesora na isang oras mula sa tinitirhan nito ay imposibleng umabot pa ito sa unang klase. Kaya't may isa't kalahati pang natitira sa kanila, tamang magpalamig sa school canteen. Hinablot ni Rada ang bag at niyaya ang dalawa na lumabas ng kuwarto. "Imposible nang umabot si Ms.Tionco sa klase, palamig tayo sa canteen." aniya. Nagbunyi ang dalawa. Kita sa mga mata ang tuwa. Kapag kasi si Rada ang mag-aya, siguradong libre ang kanilang meryenda. Hindi lang iyon wala itong reklamo sa halaga. Habang patungo sa school canteen ay wala pa ring tigil ang dalawang kaibigan sa pambubuska. Hindi maawat ang dalawa sa panunukso Andoon iyong manghaharang pa ng mga kap