공유

Chapter 1

I am here sitting on a seat inside  an airplane. Getting ready to fly to another place. 

Oh gosh! I hate flying for Pete's sake! 

Ayaw na ayaw kong sumakay sa eroplano dahil isa lang ang ibig sabihin nito, another business thing that my family will be attending and that sucks! 

Mas gugustuhin kong mabulok sa bahay kaysa sumakay sa eroplano para lang pumunta sa ibang bansa at makipagplastikan sa business partners ng parents ko.

I'm not into business. I'm just 17 and graduating in Senior high. Pero wala akong balak kumuha ng marketing, even though that's what my parents want me to take in college. I will never do that! Manigas sila diyan. Halos mahimatay nga ako last year ng sabihin nila sa akin na ipapakasal nila ako sa anak ng business partner nila. Para nila akong binebenta. I was just 16 that time at nakabasag pa ako ng sampung vase ng dahil sa sinabi nilang yun. Mga antique pa naman yung vase kaya hindi na nila inulit kasi alam nilang barumbado ako, impulsive, at hindi nila ako madidiktahan. Bahala sila dyan, kahit magulang ko sila, di sila ang magdedecide sa future ko no.

My headphone was on my ear when I heard the captain of the plane saying such things that I'm not interested that why I didn't even listen to what he's saying. I immediately turned my gaze to my mother when she tapped my hand. She's saying something that I can't hear because of my headphones.

"What?" tanong ko sa tamad na tono. Mukhang nainis si Mommy kaya marahas niyang hinubad ang headphones ko kaya sumama agad ang tingin ko sa kanya.

"Don't look at me like that Avianna. Buckle your seatbelt," sabi niya sa naiinis na tono kaya naman sinunod ko iyon pero umirap muna ako sa kanya. Nasa business class kami at nakahiwalay sa amin si Daddy.

Nakita ko na may mga FA na nagdedemo ng kung ano sa harapan namin. Tamad ko silang tiningan. The ladies look beautiful though. May iioan akong nakitang lalaiing FA pero di ko na napansin dahil wala akong interes sa kanila. Kung meron Mang lalaki na makakakuha ng atensyon ko, sigurado ako na gwapo siya. As in napakagwapo. 

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig music. Naramdaman ko na umaandar na ang eroplano at nang makalipas ang ilang segundo ay lumilipad na ito. Nothing new. I turned off my phone.   Kinuha ko ang drawing book ko at color pencils ko at nagsimulang magdrawing ng kung anong maisip ko.

Ni hindi ko alam kung saan kami pupuntang bansa ngayon. Nakakatawa. Natutulog lang ako kanina ng bigla akong gisingin ni Yaya at nakita kong naka impake na ang mga gamit ko at naligo lang ako tapos diretso na sa airport. Naging busy ako sa phone kaya hinatak pa ako ni Mommy para mapasama sa kanila sa loob ng plane.

Gosh, what country now? 

Focus na focus ako sa drinadrawing ko na sunset nang biglang may marinig akong boses ng lalaki sa gilid ko. Nainis ako bigla dahil ayaw na ayaw ko na may nang iistorbo sa akin kapag nagdadrawing ako. Kaya naman tumingin ako sa left side ko ng masama tsaka binalik ko sa drawing book ko pero agad ding nanlaki ang nga mata ko at dali-daling ibinalik ang tingin ko sa left side.

Omg!

Alam kong nanlalaki pa rin ang mata ko habang nakatitig sa lalaking flight attendant na ito sa tabi ko. He's tall, has a clean cut hair, black eyes, long eyelashes, thick eyebrows, tall nose, reddish lips and his jawline was on emphasis.

Nilapag ko ang hawak kong color pencil at saka siya tiningnan ng mabuti.

"Y-yes?" I stuttered. Shocks! Ang gwapo naman kasi nito. I saw him stifled his laugh when he heard me stuttered which made a dimple appear on his right cheek. 

"What drinks do you want ma'am?" tanong niya habang nakangiti using his quite husky voice. Gosh he's perfect!

"What do you got there?" tanong ko, di inaalis ang tingin sa kanya. 

"We have soda, juice, coffee and water ma'am," tugon niya.

"You," I said while smirking.

He was confused. He's brows are now furrowed.

"Pardon ma'am?" nakangiti pa rin siya. Seriously? Diba sila napapagod ngumiti?

"I want you," diretso kong sabi. 

Amusement travelled his eyes. Napailing siya ng kaunti at tumingin sa tabi ko which made me look at my mother, sleeping. Buti na lang at natutulog dahil baka mabatukan ako kung narinig ang mga pinagsasabi ko.

"What drinks ma'am?" ulit niya.

"Soda na lang ," sabi ko. 

Nakangiti niyang inabot sa akin iyon at aalis na sana while pulling the cart ng magsalita ako.

"Excuse me..." pagsasalita ko.

"Is there anything you need ma'am?" nakangiting tanong niya.

"What's your name?" walang hiyang tanong ko.

"Why do you ask ma'am?"

"Gusto ko lang malaman,"  simpleng sagot ko.

"Thats a private information maam, sorry if I cant give you my name," nakangiti niyang sabi.

"Excuse me," sabi niya at tumalikod na .

"Sungit!" sinugurado kong malakas ang pagkakasabi ko niyon upang marinig niya.  Nakita ko siyang natigil sa paglalakad pero nagpatuloy pa rin. 

Nawalan na tuloy ako ng ganang magdrawing kaya naman inubos ko lang yung soda ko tsaka natulog na.

Nagising na lang ako nang tinapik ng mahina ni Mommy ang ulo ko. Napatingin ako sa kanya habang kinukusot ang mga mata.

"Wanna have lunch?" tanong niya. Bat good mood to?

"Anong oras na ba?" tanong ko pabalik.

"Its 12:34 pm... We'll be in Spain hours from now.," sabi niya saka pinindot ang button para tumawag ng flight attendant. I closed my eyes and wished na sana ay ang lalaking FA kanina ang pumunta sa amin ngayon. 

"Is there anything you need maam?"

Napamulat ako ng mga mata ng marinig ko ang boses niya pero napairap ako ng marealize ang sinabi niya.

"Duh... Tatawag ba ng FA kung walang kailangan?" bulong ko sa sarili ko.

"Ouch!" atungal ko ng hampasin ni Mommy ang likod ng palad ko, narinig ata ang sinabi ko. Sinamaan pa ako ng tingin. Napabaling ang tingin ko sa kay Mr. Always smiling pero masungit na FA na nasa tabi ko ng marinig ko siyang tumawa ng mahina. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin.

"Are you serving anything for dinner?" tanong ni Mommy at dahil nabadtrip na ako, hindi na ako nakinig sa kanila. Basta kung ano ang nasa harapan ko mamaya, yun na lang ang kakainin ko. Umalis din kaagad si Mr. Always smiling pero masungit na FA pagkatapos maserve ang dinner namin. 

Naramdaman kong naiihi na ako kaya naman tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mommy.

"CR," maikling sagor ko saka naglakad na papuntang cr. 

Nang matapos umihi ay lumabas na ako kaagad only to see that FA na nakaharang patalikod sa dadaanan ko.

"Padaan," sabi ko. Napalingon kaagad siya sa akin at ngumiti.

"Im sorry maam," saka niya iminuwestra ang daan. Hahakbang na sana ako nang may maalala.

"Sure ka na ayaw mo sabihin ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Hell! Kailangan kong tumingala sa kanya dahil ang tangkad niya. Siguro 6'1 siya eh 5'5 lang naman ako!

He chuckled again. Naiinis na ako sa patawa-tawa niya ha.

"Maam, you are still a kid," nakangiting sabi niya na nagpainit ng ulo ko.

"Excuse me ha... 17 na ako no!" bwelta ko.

"Teenager perhaps," he said while forcing himself not to laugh.

"Bakit? Ikaw ba ilang taong ka na ha?"  tanong ko habang nakacross-arms at nakataas pa ang kilay.

"Swift moves huh?" nakangising sabi niya.

Oh my God! He just smirked at ang gwapo niya tingnan kapag ganoon. Yung mga nasa labas kasi ng school namin na mga tambay kapag ngumingisi ay parang mga nakahithit ng droga o ano pero siya ang gwapo.

Napairap na lang ako at umalis na doon. Hindi niya talaga ibibigay pangalan niya eh. Eh kung 'yong number na lang? Mas lalong hindi eh. 

Napatingin ako sa isang FA na babae ng naglakad siya sa gilid ko.

Eh kung magtanong na lang kaya ako? I'm so genius talaga!

"Excuse me?" pagtawag ko kaya agad napalingon 'yong magandang FA. Well, mas maganda ako.

"Yes ma'am?" tanong niya.

"The man flight attendant that is about 6'1 in height, what's his name?"

"Ma'am, that's a private information," nakangiting sabi niya.

"Do you know who I am?" naiinis na tanong ko. Well, I think I need to use our family name here for some powers.

"I don't know ma'am... I'm sorry," tugon niya.

"Let me tell you... I am Avianna Stusick."

"So?"

Biglang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang sagot ng FA na ito na bahagya pang umirap bago ngumiti sa akin. 

Napakaplastic. Dapat itapon.

"Do you know this airline that you're working at?" malamig na tanong ko.

"Yes ma'am... This is Hstu (pronounced as H2) Airlines," sabi niya habang nakataas ang noo.

"And what does Hstu stand for?" tanong ko ulit.

"Harry Stusic-" Napatigil siya nang mapagtanto ang ipinupunto ko. Humakbang ako papalapit sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang pa.

"Harry Stusick Airlines... He's my great grandfather by the way," nakangising sabi ko. Nakita ko siyang mamutla kaya mas lalong lumapad ang ngisi ko. Mas lumapit pa ako sa kanya at bumulong sa kanyang tenga.

"Improve your manners. Don't be plastic, girl... I can kick you off this airline if I say so," sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Humakbang na ako palayo sa kanya.

"Ma'am..." Natigil ako nang tawagin ako ng babaeng FA na iyon.

"Hmm?" ungot ko pagkalingon.

"H-his name is Nero Castro," sabi niya na ikinangiti ko.

"Thanks," maikling sabi ko at bumalik na sa kinauupuan ko.

Susuotin ko na sana ulit ang headphones ko nang makuha nang lalaking iyon ang atensiyon ko. Napangisi ako.

Now, I know your name.

"Nero..." mahinang usal ko pero siniguro ko na maririnig niya. Natigilan siya sa paglalakad at bahagyang napalingon sa akin.

"Nero Castro. Nice name," nakangising dagdag ko. Nakita kong napasinghap siya saka ako tinalikuran.

Wtf! Ang bastos ah!

But, he's still my type.

"Attention passengers..." At dahil hindi ako nakinig, hindi ko alam kung ano na ang sunod na sinabi ng piloto.

Namalayan ko na lang na hinihila na ako ni mommy pababa ng eroplano at nang malapit na sa exit ay nakita ko na naman si Nero. Nakangiti siya sa mga pasaherong dumaraan at nang makita niya ako ay bahagya siyang natigilan pero agad ding nakabawi kaya isang  ngiti ang bumungad sa akin.

"Avianna, let's go... Bilisan mo maglakad at may meeting pa kami ng daddy mo," sabi ni mommy na ikinasimangot ko. 

Kinukuha na namin ang aming mga bagahe ng bigla kong nakita si Nero. Kasabay na niya yung mga flight attendants at mga piloto. Pero agad ding nawala ang atensyon ko sa kanya nang hilahin na naman ako ni Mommy.

Nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin. Nalaman ko na isang linggo pala kami dito sa Spain.

"What about my studies?"  I raised a brow at the both of my parents.

"When did you ever care about your studies, Avianna?" mariing pagkakatanong sa akin ni Daddy.

"Now?" pilosopong sagot ko.

"Avi, don't fool us... Its your sembreak," sabi ni Mommy na nag-aayos ng mga gamit namin.

"Anyways, we are going to leave now... We are going to meet some business partners."

"I dont want to come."

"Im sure you will say that... Hindi kita pagsasabihan na huwag kang aalis dito dahil gagawin mo yun sa katigasan ng ulo mo... Kung aalis ka dito sa hotel, just make sure your location is open and call us if you are lost. Lets go," sabi ni Daddy saka sila umalis ni Mommy.

"Yes!" palahaw ko saka nagtatatalon sa kama.

"Saan ba magandang pumunta dito?" tanong ko sa sarili ko.

Nagpalit muna ako ng damit. I am now wearing an oversized shirt and maong shorts and a pair of rubber shoes. Hinayaan ko ring nakalugay lang ang straight kong buhok na kulay abo at naglagay lang ng kaunting powder sa mukha. I took my headphones, phone and wallet saka lumabas na nang hotel room ko. I put my headphones on my ears while playing my playlist. 

Nakalabas na ako ng hotel at namangha ako nang makita ang nasa labas. I don't got the chance to appreciate it's beauty a while ago because I'm not paying attention. But now, Spain is undeniably gorgeous.

I was singing the the song that was being played when my tummy rumbled. Napahawak ako sa tiyan ko at nilibot ang paningin upang makahanap ng pwedeng kainan. I saw a cafe so I walked passed the street and entered the cafe.

It was a simple cafe and Spanish style was evident. I walked immediately to the counter and was about to tell my order when I heard laughter from different voices. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tawa and my gaze directed to someone I didn't expected to see in this cafe.

It was Nero with his fellow flight attendants. 

They were laughing about something and probably talking about some stuffs.

Tumaas ang sulok ng labi ko saka pinakatitigan siya na tutok na ngayon sa kinakain.

"Got you, Nero."

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status