Share

Chapter 4

"Bakla! Pasalubong ko?"

Inirapan ko si Ors dahil sa sinabi niya. Hindi pa naman maganda ang timpla ko ngayon dahil pagkatapos ng gabi na nagkasama kami ni Nero roon sa veranda ng hotel, kinaumagahan ay bumalik na sila sa Pilipinas. Puro sermon ni Daddy ang naririnig ko araw-araw na nasa Spain ako kaya hindi ako nakapaglibot.

"Fuck you, Ors," I uttered then raised my middle finger at him. Tinawanan lang ako ni bakla.

Naglalakad kami sa hallway papunta sa room namin nang makita namin ni Miya na kaaakyat lamang sa kabilang hagdan.

"Oh, Avi! You're here!" sigaw niya saka tumakbo papunta sa amin ni Ors. Tumalon papunta sa akin si Miya saka ako niyakap ng mahigpit.

"Teka lang, bakla! Para kang ahas kung makapulupot kay Avi ah. Hands off," sabi ni Ors saka inalis ang mga kamay ni Miya na nakapulupot sa akin.

"You're so kj talaga, Ors," wika ni Miya saka napanguso.

"Enebe itey... Bakit ba tayo Avi nagkaroon ng conyo na kaibigan?" tanong sa akin ni Ors, inaasar na naman si Miya.

"Kaibigan ba natin 'yan? Bakit hindi ko matandaan? Wala naman tayong kaibigan na ganyan, hindi ba?" Nakisabay ako sa trip ni Ors.

"Aish! You two! Why are you like that sa akin?" naiinis na sambit ni Miya kaya natawa kami ni Ors. Nasa gitna ako kaya naman inakbayan ko silang dalawa at nagsimula nang maglakad.

"Hindi ako nakagala ng todo sa Spain kaya hindi marami ang pasalubong ko. Bigay ko sa inyo mamaya kapag sinundo na ako," bulong ko sa dalawa kaya naman impit silang napatili.

Napailing na lang ako. Parang uhaw sa pasalubong samantalang mayaman din ang pamilya ng dalawang 'to.

"Do you think Sir will give us a quiz ngayon?" tanong ni Miya.

"Subukan lang niya... Gosh, it's the first day after the sembreak. Sana naman chill muna," tugon ko.

"Agree ako diyan, bakla. Kaloka 'yon si Sir kahit short quiz eh. Akala mo naman magaling magturo," wika ni Ors na agad tinutulan ni Miya.

"Hey, magaling naman magturo si Sir ah," sabi ni Miya habang nakatingin kay Ors.

"Aber! Ilan ang grade mo sa kanya?" Napatigil kami sa paglalakad at nakalas ang pagkakaakbay ko sa kanila dahil nagpamewang si Ors.

"One!" malakas na tugon ni Miya. Parehong napakunot ang noo namin ni Ors dahil sa tugon niya.

"Ano?" tanong ko habang naguguluhan.

"Ilan nga grade mo sa kanya?" ulit ni Ors.

"Isa nga!"

"Gago!" sabay na utas namin ni Ors kaya tumawa si Miya.

"Tara na nga. Baka malate pa tayo," anyaya ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Magaling daw magturo si Sir... Crush mo lang 'yon eh kaya ganyan sinasabi mo," sabi ni Ors na naging dahilan ng pamumula ng pisngi ni Miya.

I shrugged because of her reaction.

"Kinikilig ka, Miya? Yuck," sabi ko saka inirapan siya.

"Aish Avi. You're so bitter," tugon ni Miya na isinawalang-bahala ko. Pumasok na ako sa aming room at sinalubong kami ng mga bati ng aming kaklase. Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa nagsimula na ang klase.

"Orson Fernandez?" ani Sir.

"Present!" maarteng saad ni Ors. May tinawag pang ibang kaklase namin bago tinawag si Miya.

"Miya Salazar?"

She tucked her hair that's covering her face at the back of her left ear then said, "Present, Sir."

Sarap batukan nitong si Miya. Ang pabebe kapag nandiyan si Sir.

"Avianna Stusick?"

"Present," sagot ko sa tamad na tono.

Natapos na ang pagchecheck ng attendance ni Sir.

"Okay, get ¼ sheet of paper," wika nito. Sabay-sabay pa kaming napamura ng mga kaklase ko kaya napatawa si Sir.

"Chill! Just kidding." Itinaas pa nito ang kanyang mga kamay at tinawanan kami.

"Ang pangit mo magbiro, Sir," sabi ni Ors na may pangiwi-ngiwi pa.

Walang naganap na quiz at kaonting discussion lang ang nangyari. May sumunod pang subject hanggang sa snack time na.

Matao sa loob ng cafeteria kaya naman dali-dali kaming dumiretso sa counter.

"What will you eat, Avi?" tanong ni Miya.

"Cheesecake lang at pineapple juice," sagot ko habang nakapila kami. Nasa unahan ko si Miya at nasa likuran ko naman si Ors.

"Hoy, bakla! Hindi mo ako tatanungin?" Nakataas ang kanang kilay ni Ors kay Miya.

"Avi, do you hear something? Is that langaw?" Nagpigil ako ng ismid dahil sa sinabi ni Miya. "Mahabagin, sampung taon na sa Pilipinas, conyo pa rin!" sigaw ni Ors kaya natawa na ako.

"Aish, I really hate you, Ors. You're so kaasar."

"You're so kaasar," sabi ko, ginagaya si Miya.

"Avi!" Napipikon na si Miya kaya naman hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Kidding!" saad ko habang tumatawa.

Naorder na namin ang aming pagkain at pupunta na sana sa usual table namin ng biglang may nakatapon sa akin ng iced tea!

"What the hell!"

Napatingin ang halos lahat ng tao sa cafeteria dahil sa sigaw ko.

"Oh gosh! Your uniform is basa na, Avi," wika ni Miya. Kinuha niya ang kanyang panyo at nagsimulang punasan ang uniform ko.

"Won't you say sorry?" tanong ni Ors sa babaeng nasa harap namin.

I scanned her body. She looks years older than me. She's probably a college student. She has this pitch black hair that falls on her shoulders. She also has white skin and I guess she's an inch taller than me. But what caught my attention is her eyes. She has victorian blue eyes just like mine.

"Bakit naman ako magsosorry?" Tinaas nito ang kanang kilay at humalukipkip sa harapan ko.

I smirked. What a brave ass.

"Do you know who I am?" tanong ko saka humakbang palapit sa kanya. Napaatras siya ng isang beses pero nakapukol pa rin sa akin ang masamang tingin.

"Wala akong pakialam kung sino ka. And I don't owe you an apology," sagot niya sa matapang na tono.

Naipilig ko ang ulo ko saka tamad siyang tiningnan.

"I shouldn't be wasting my time at you 'cause it's not worth it but I guess..."

Binuksan ko ang hawak kong canned pineapple juice at tinapon ang laman 'non sa mukha niya. Napasigaw siya at maging ang mga taong naroon sa cafeteria at napasinghap.

"It's a tie now."

I showed her my sarcastic smile then marched out of the cafeteria. Nakasunod sa akin si Ors at Miya.

"Taray! Deserve niya 'yong ginawa mo!" Pumapalakpak pa si Ors.

"But you know, maybe hindi niya sinadya when the iced tea was thrown at Avi's uniform," sabi ni Miya.

Sa aming tatlo, si Miya talaga ang mabait samantalang kami naman ni Ors ay pinagkaitan ata 'non.

"Mahabagin! Miya naman! Alam naming mabait ka pero sana naman hindi ka na conyo!" Sinimangutan lang ni Miya si Ors.

May biglang humablot sa kaliwang braso ko kaya napalingon ako sa kaliwa at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Allaistair. Mula sa aking mukha ay bumaba ang tingin niya sa aking uniform na basa na at kulay iced tea.

"Ano na namang nangyari sa cafeteria?",tanong niya sa seryosong tono. Bahagya siyang dumistansiya sa akin at hinubad at suot niyang jacket. He handed me his black jacket and I accepted it.

"Just an encounter with a brave ass." Nagkibit-balikat ako.

"Ikaw talaga!" Ginulo niya ang buhok ko kaya naman tinapik ko ang kamay niya.

"Bebe time papa itey! Tara na nga, Miya!"

"Gago!" sigaw ko saka natawa.

"Tumigil ka nga, Ors," saway sa kanya ni Allaistair.

Allaistair and I are friends since I entered Carson International School. He's a HUMMS student kaya magkaiba ang class namin. Madalas kaming tuksuhin ni Ors pero tinatawanan ko lang ito. Allaistair is handsome but he's just my friend. Hanggang doon lang iyon and I think he's like that to me, too.

Inakbayan ako ni Allaistair saka nagpatuloy sa paglalakad. "Huwag ka nga palaging makikipag-away. Mahirap pa naman umawat kapag away babae eh," ani Allaistair.

"Enemies just bump at me, Allaistair. Don't blame me. Sa nangyari kanina, it's her fault. Natapunan niya ako ng iced tea and she got the guts to say that she doesn't owe me an apology? You know that I can't let that pass," depensa ko. Sinimulan ko na ring kainin ang cheesecake ko dahil nagugutom na ako.

"Oo na. Kailan ba ako nanalo sa'yo sa mga bagay na ganito?" Tumawa siya at saka napailing. "Sabay tayong apat sa lunch ah." Nilingon niya 'yong dalawa na abala rin sa pag-uusap.

"Ay buti naalala mo pa kami, Allaistair!" saad ni Ors na ikinailing lang ng lalaking kasama ko. Nakita niya ang cheesecake na hawak ko kaya naman kumagat siya roon.

"Ano ba? Kumuha ka ng sa'yo," sabi ko at nilayo sa kanya 'yong cheesecake.

"Nagsnack na ako eh."

"Eh bakit nakikikain ka pa sa cheesecake ko?" tanong ko habang kunot ang noo. Hindi talaga ako madamot at hindi rin ako laway conscious pero kapag gutom talaga ako ng sobra ay ayaw ko na may kumukuha sa pagkain ko.

"Isang kagat lang eh." Ngumuso pa si Allaistair kaya inirapan ko siya.

Sabay-sabay nga kami naglunch nina Allaistair at nang uwian na ay binigay ko na ang pasalubong ko para sa tatlo kaya tuwang-tuwa sila.

When I went home, I immediately entered my room. Napahiga ako sa kama at napapikit. Nero's face flashed on my mind. Napangiti ako. I stood up and when to my cabinet that is full of art materials. Kumuha ako ng isang canvas, brushes and paints.

I want to paint him.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status