Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.
Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan.Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila.Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngayon ay masayang naglalaro sa damuha. Marahan namang tumango si Artemis."Blaze, yan ang naisip kung pangalan ng dragon ko," Nakangiting sagot naman ni Artemis."Emerald naman ang sa akin," sambit naman ni Kael."Posiedon, yun ang pangalan niya," Masayang wika ni Xinniang. Napangiti na lamang ang iba.Habang nakatingin sa mapa, napakunot ang noo ni Deroi ng malaman na nasa malapit lang pala sila sa lugar na pinanggalingan niya, oo, ang lugar na kanyang kinamumuhian, ang lugar na nagtulak sa kanya na maging isang barumbadong rebelde. Nasa Senoi sila, sa kagubatang bahagi ng tenor."Alam ko na kung nasaan tayo, nasa kagubatan tayo, nasa pagitan ng Tenor at Senoi kung saan maraming mababangis na hayop, mag-iingat kayo," Tumango naman ang lahat."Deroi saan tayo pupunta ngayon? Alam mo ba ang daan palabas dito?" Mahinahong tanong ni Xinniang.Tumango lamang ng bahagya si Deroi at naglakad na papunta sa Senoi. Maingat at alerto ang bawat hakbang na kanilang ginawa. Mabuti na lamang at wala silang nakaengkwentrong ano mang panganib. Ng makarating sila sa Senoi, agad na silang pumunta sa pinakamalapit na kainan. Bit-bit ang mga sandata na pumasok sila sa loob ng kainan.Habang kumakain sila ay bigla nalang nagkagulo ang lahat, ngunit kalmado lamang silang nagmamasid sa paligid. Nakita nilang nagsitayuan ang lahat ng mga kumakain maging ang may-ari ng kainan at pumila habang nakayuko ang mga ulo. Sa pintuan, nakatayo ang limang malalaki at maskuladong kalalakihan, may hawak na mga sandata. Nakangisi itong nakatingingin sa mga nakapilang tao at nakayuko ang mga ulo habang nanginginig ang mga kalamnan.Ngunit, ng makita ng pinakapinuno ang pinakahuling lamesa na hindi bakante at may limang nilalang ang walang pakialam at patuloy lang na kumakain, ay napangisi itong lalo. Agad nitong iniluwa ang kinakain sa mismong mukha ng pinakamalapit sa kanya at mayabang na naglakad sa gitna na parang hari, dahan-dahan itong lumapit sa lamesang kunaroroonan nina Arremis at binagsak ng malakas ang malaking karet sa gitna, dahilan upang tumilapon ang lahat ng pagkain at muntik pang mabasag ang lamesa.Napasinghap ng malakas ang lahat, marami ang natakot para sa buhay ng mga kabataang kanilang natatanaw ngayon."Hahaha, matapang...magaling, magaling, ngayon na lamang ulit ako nakakita ng matatapang simula ng ako'y magising muli," Malakas pa itong humalakhak, amoy na amoy ang mabahong hininga nito na nagmumula sa nabubulok nitong mga ngipin at nangingitim na labi.Nagulat si Artemis da narinig, 'Nabuhay muli?' Tanong nito sa sarili. Napatingin siyang bigla rito ng narinig niyang may d*****g sa unahan. Nakita nilang hawak ng isa ang lalaki ang isang magandang dalagita sa buhok at habang sinusubukang halikan.Dahil sa nasaksihan, hindi na napigilan pa ni Xinniang ang sarili, mabilis siyang nakalayo sa lalaki at tumalon ng malakas. Ganon din ang ginawa ng iba. Napatingin sa kanila ang lahat dahil sa gulat.Nakahilera silang lima habang hawak ang kani-kanilang sandata. Nag-aapoy sa galit ang mga mata. Hindi na sana nila nais na masangkot sa mga kaguluhuhan ngunit kinakailangan nilang gawin ito.Malakas na muling humalakhak ang limang nilalang at naghanda na rin upang labanan sila. Mabilis ng sumugod si Artemis, malakas niyang hinampas ang kanyang espada sa pinuno ng mga ito, maliksi naman itong umilag sa sunod-sunod niyang tira.Mabuti na rin ito upang makapag-ensayo siya, iyon ang nasa isip ni Artemis. Ganun narin ang nangyari sa iba pa. Mabilis ng nagsisugod ang lahat. Nakanga-nga lamang ang lahat na nanonood sa mga pangyayari, habang ang may-ari ng kainan ngayon ay humahagulhol sa iyak.Nagkasira-sira na ang lahat ng kagamitan sa loob ng kainan, basag na ang mga plato at baso at nagkalat na maging ang lahat ng mga pagkain sa sahig. Lumuluha na lamang ang kanyang mga mata habang nakatanaw sa nagaganap sa kanyang harapan. Hirap na hirap na siya sa buhay, ito na nga lamang ang natitira sa kanya ay mawawala pa.Sana nga lang ay hindi mapahamak ang mga kabataang ito,walang sinuman ang kumakalaban sa alagad ng hari sapagkat ang lahat ng sumusuway sa kanyang batas ay hindi na masisikatan ng araw. Makikita na lamang nila ang ulo na nasabit sa ibabaw ng arco.Ilang beses ng tumilapon si Kael, maging ang iba. Kakaiba ang lakas ng kanilang mga kalaban, tila hindi ito napapagod at habang tumatagal ay mas lalo lang lumalakas. Tila ba mayroong kakaibang nangyayari."Ahh!" Napasigaw si Artemis ng malakas siyang masuntok ng kanyang kaharap. Tumilapon siya ng malakas sa gawi ng iba pa.Halos hindi siya makahinga dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, "Arremis!" Mabilis naman na tumakbo ang iba sa kanya."Ayos ka lamang ba?" Nag-aalalang tanong ni Xinniang. Nakita niya na marami na itong sugat sa katawan. Tumango lang siya at agad ng tumayo. Nagtalikuran silang lima. "Tungin ko ay hindi napapagod tong mga hayop na to," Bulong ni Kael habang nakaposisyon ang mga kamay at paa bilang paghahanda sa biglaang atake ng kaharap,""Tama ka, napansin ko rin iyon!" Sagot naman ni Deroi. "Tama! may tinatago nga ang mga ito, tingin ko ay may kinalaman ang itim na salamangka sa nangyayari sa kanila. Hanapin ninyo ang kanilang kahinaan at yun ang puntiryahin," Mahinang bulong ni Artemis at sinangga ang atakeng paparating."Yah!" Tunog ng espada at d***g ang maririnig.Ng makahanap ng tyempo si Artemis ay mabilis syang tumalon paitaas at malakas na sinipa ang ulo ng kalaban. Doon ay malakas itong napasigaw.Doon, napagtanto na nila kung saan ang kahinaan ng mga ito. Sunod-sunod na atake ang kanilang pinakawalan at hindi binigyan ng pagkakataon na muli pang makapanlaban. Ma ilis na itinarak ni Artemis ang kanyang hawak na espada sa lalaking nakadapa.Ganon din ang iba. Pinuntirya nila ang ulo ng kalaban at hindi na binigyan pa ng pagkakataon. Maya-maya lang ay naging abo ang mga ito. Ngunit napatigil ang lahat ng naroon sa pagsasaya sana ng mabilis na nakapasok ang isang babae. Kasama nito ang mga gwuardiya nito."Dakpin sila!" Utos nito..."Ano? Paano nyo nasasabing hindi ako karapat-dapat na umupo sa trono, gayong hindi nyo naman ako pinapakinggan o binibigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili ko, ama?" pagalit kung sambit. Ako si Prinsipe Artemis, pangalawang Prinsipe sa kaharian ng Dohiko. Ang kapatid kong si Prinsipe Dotar, ay sadyang mapanglinlang, sya ang panganay sa aming dalawa at pinapaboran ni Ama. Anak sya ng Reyna Melia, samantalang ako ay anak lamang ng Concubine. Dahil na rin sa katayuan at posisyon ng aking ina, ay naging mababa ang tingin ng lahat sa akin. Ngunit hindi naman ito naging hadlang para hindi ako maghangad na maupo sa trono. Ang dahilan ko? iyon ay dahil hindi ko talaga nais na ang kapatid ko ang umopo sa trono. Hindi ko nais na mahulog sa masamang kamay, ang aking minamahal na mga mamamayan. Bata pa lang kami ay nakitaan ko na ng kakaibang pag-uugali si Dator. Sakim ito at laging naghahangad ng labis-labis. Walang habas kung manakit ng kapwa bata at mayroon din itong itim na kapangyarih
Prinsipe Artemis pov Hindi parin ako makapaniwala na darating sa puntong magiging ganito ang kinalalagyan kong sitwasyon. Ayaw kung malayo sa aking ina ngunit anong magagawa ko? Mapapahamak lamang sya kung palihim ko syang itatakas lalo na ngayong mahigpit na akong pinamamanmanan ni Dotar. Hindi talaga ito titigil hanggat hindi ako tuluyang mawala sa landas nya. Ng dumating ako sa palasyo ng aking ina ay nakita ko itong naluluha habang nakaabang sa akin. Sigurado akong nalaman na ni ina ang kautosan at parusa ng aking ama sa akin. "Ina," Bati ko rito at bahagya akong yumuko at pagkatapos hinalikan ko ang likod ng kanyang kamay. " Anak ko," mahinang sambit nya habang hinahaplos ang aking mukha. Naglakad kami patungo sa upuan at duon nag-usap. Umiiyak parin sya habang nakatingin sa akin." Anak ko, patawarin mo ako kung wala man lang akong magawa para matulungan ka. Napakawalang kwenta kung ina," malungkot nitong pahayag.Nginitian ko sya at marahang pinahid ang kanyang mga luha."I
Xinniang pov Kasalukuyan ako ngayong nakasakay sa karwahe. Naglalakbay ako papuntang Mount Povo dahil may ihahatid kaming mga kalakal galing sa Bayan namin. Isa akong mangangalakal at madalas akong naglalakbay sa ibat-ibang panig ng bansa upang ihatid ang mga kalakal. Bilang isang mangangalakal ay lubhang mapanganib ang maglakbay sa mga malalayong lugar. Ito ang dahilan kung bakit nagsanay ako ng husto sa pakikipagbakbakan at paggamit ng sandata, ng sa ganun ay maprotektahan ko ang sarili ko laban sa mga masasamang nilalang lalo na ng mga bandido. Madalas kasi sa mga kagaya ko, ay tinatambangan ng mga ito at ninanakaw ang lahat ng dala. Dahil narin sa sobrang hilig kung maglakbay kong saan-saan, ay nakilala ko ang grupo ng mga bandidong sinubukan akong nakawan. Tinalo ko sila sa isang labanan kaya ang kapalit ay magiging tagasunod ko na sila. Maluwag naman sa loob na tinanggap nila ang kondisyong iyon dahil narin sa wala naman silang kapwa mga pamilya. Sampo silang lahat at ako an
Xinniang pov"Anong nangyayari?" tanong ko."Xianniang, hindi na tayo pwedeng magtagal rito. May mga kawal na paparating. Tingin ko ay hinahanap nila ang lalaking ito," wika ni Red." Anong gagawin natin? hindi nila maaring makita ang lalaking ito, tingin ko nanganganib ang buhay nya at wala tayong ibang pagpipilian kung hindi ang itago sya," sabi ko naman."Dito, ilagay nyo sya dito at tabunan ng mga ito," turo ko sa isang kahon. May laman itong mga tela kaya ito ang gagawin kong pantakip. Malaki naman ito kaya magkakasya parin ang lalaki dito.Agad naman silang kumilos at maayos na inilagay duon ang lalaki. Tinabunan namin sya ng maigi para hindi makita ng mga tagasuri na kawal. Pagkatapos ay kaswal na pinatakbo nina Deroi ang karwahe habang nakasakay ang iba sa kabayo at nasa likuran."Kayo! hinto," utos agad ng kawal at pinababa kaming lahat. Ipinakita sa amin ang larawan ng lalaki, tama! sya nga talaga ang hinahanap nila. "Nakita nyo ba ang kriminal na ito?" kumunot naman ang noo
Narrator's pov Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang nangyaring pagligtas ni Xinniang kay Prinsipe Artemis. Isang linggo narin itong mahimbing paring nakaratay sa higaan. Kasalukuyan silang nanunuluyan sa bahay ni Kael. Isang mayamang negosyante sa Mount Povo. Minabuti narin muna ni Xinniang na tumigil roon pansamantala, ng sa gayon ay masubaybayan nya ang kalagayan ng lalaking hindi parin nya nakikilala. Isang linggo naring naghahanap ang mga kawal kay Prinsipe Artemis, sa utos narin ng kanilang bagong hari.Samantalang nagsisimula naring kumilos si Haring Dotar. Isa-isa nyang inalis sa pwesto ang mga taong naging balakid noon pa sa pag-upo nya sa trono. Ang mga taong tutol sa kanyang pag-upo sa trono ay kanyang ipinadukot. Pinalitan nya ang lahat ng mga dating opisyal ng kanyang mga tagasunod. Naging magulo na ang takbo ng pamamalakad. Lahat ay sakim at ganid sa kapangyarihan. Sumang-ayon silang lahat na taasan ng tatlong beses keysa sa regular na buwis ang dapat na ibayad n
“Huh? Bakit nyo naman natanong ang bagay na iyan?” Takang tanong ko. Ano na bang nangyayari sa labas ngayon?? “Hindi mo na nanaisin pang tingnan at titigan ang noon ay magagandang tanawin at masiglang bayan, ngayon ay naging parang libingan na. Kumalat na ang sakit sa buong kaharian. Bagsak na ang ekonomiya at lahat ng tao ay naghihirap na, wala na silang makain,” Mahinahon ngunit pagalit na sabi ni Xinniang. Bahagya pang nakakuyom ang kamao nito. Bagsak ang balikat ni Prinsepe Artemis dahil sa narinig. Hindi pa man nya nakikita ay nailalarawan na nya ito sa kanyang isipan, naitakip na lamang niya ang kanyang mga palad sa mukha. Galit at pagkamuhi, yan ang kanyang nararamdaman ngayon, nabigo sya, ano na ang gagawin nya ngayon? Paano na ang kanyang pangako sa sarili? Paano na ang kanyang mga nasasakupan, hindi mapigilang tumulo ng kanyang mga luha. Labis na kabiguan ang kanyang nararamdaman. “Ayos ka lamang ba Prinsipe Artemis?”Mahinahong tanong naman ni Kael dito. Nakikita nito kung
Ngunit, ang inaakala nilang payapa ay isang malaking kabaliktaran pala ng katotohanan. Sa kagubatan pala naglulungga ang karamihan sa mga barumbadong tauhan ng hari. Sila ang nagbabantay sa mga nagtatangkang tumakas o manguha ng mga bungang-kahoy sa kagubatan. Nakapalibot ang halos nasa labing-limang sundalo habang masayang kumakain at umiinom. May mga babae pa itong mga bihag at pilit na minomolestiya. Napapikit nalang si Prinsipe Artemis at napahawak sa kanyang sandata ng mahigpit. Maagap naman itong nahawakan sa balikat ni Kael ng magtangka itong sumugod. Umiling si Kael sa kanya indikasyon na pinipigilan syang gumawa ng ano mang hakbang na maaaring sumira sa plano nila. Mabilis na nilang hinila palayo si Artemis sa lugar na ito. “Alam naming nais mo nang sumugod roon, pero pakiusap maghunos-dili ka, tingin mo maililigtas mo sila gamit ang karahasan? Hindi, kasi hindi lang sila ang gumagawa ng ganong karumal-dumal na gawain! Isipin mo ngang mabuti," Inis na pangaral ni Xinniang
“Oo nandyan lang yan sa baba,” Sagot naman ni lola Belinda at dahan-dahan na itong tumayo. Inakay nito ang kanyang asawa at akmang aakyat na nanaman ulit sa hagdanan ng pigilan ito ni Artemis.“Lola Belinda, huwag niyo po sanang mamasamain, ano po ba ang inyong gagawin sa taas? Tulungan na po namin kayo lola,” At maagap naman agad na inalalayan. “Ngunit... kami ba ay hindi nakakaabala sa inyo? Mukhang may mahalaga kayong lakad?” Tanong naman ulit ni lola.“Lola, wala ng mas mahalaga pa keysa sa kaligtasan ninyo. Mas mapapanatag lamang kami kung makasisiguro kaming maayos kayong makakarating sa inyong paroroonan,” Mahinahon namang sagot ni Xinniang.Walang nagawa ay pumayag na lamang si Lola Belinda. Umakyat silang muli sa matarik na daan habang akay-akay ang dalawang matanda. Hingal na hingal naman sila ng makarating sa taas. Hindi man lamang nila napansin na ganito na pala katarik ang daang kanilang tinatahak. Masyado silang nalunod sa lalim ng kanilang iniisip. Pagkarating nila sa