BRANDONIT’S been two weeks since the accident, and instead of going home to our condo, my wife and I stayed at my parents’ house. Pangalawang araw namin dito ngayon. Bukod sa walang kasama si Mommy, si Kelly rin ang may gusto nito para maalagaan niya kami nang sabay. Hindi raw dapat iniaasa sa kasambahay o sa nurse ang pag-aalaga sa pamilya kung mayroon namang kapamilya na available—at siya ’yon. “I didn’t expect to find you here.” Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking ama na kararating lang. He looked exhausted from his trip. Ako dapat ang magsabi sa kaniya na hindi ko siya inaasahang makita rito. My mother told me that their divorce was finalized a few days ago. Ni hindi ko nakita si Dad sa ospital at ang sabi sa akin ni Ate ay nasa Australia pa ito. “That makes two of us. What brought you here?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung aware si Mommy na darating ang aking ama ngayon. “I just came to pick up a few things. This is still my house, Brandon.” Humila siya ng isan
BRANDON Three months later . . . I WILL never understand why my father had to cheat. If he was no longer happy, bakit hindi na lang niya kinausap si Mommy at nakipaghiwalay nang maayos? Siguro nga ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang tama at mali. I just know that I will be a better father to my kids and a better husband to my wife. Ngayong alam ko ang dinanas ni Mommy sa piling ng asawa niya, naiintindihan ko na kung saan siya nanggagaling. She was simply trying to shield me from harm. Sa takot niya, sumobra naman. Idagdag pa na may pangyayari mula sa nakaraan sa pagitan nila ng pamilya ng magulang ni Kelly. “I thought this day would never come,” bulong sa akin ni Kelly habang pinagmamasdan si Mommy kasama ang mga biyenan ko. Narito sila ngayon sa bahay namin ni Kelly. As soon as the doctor gave us the go signal, isinama ko ang aking ina pauwi ng Pilipinas. Gusto kong maiba ang paligid niya. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Bilang na bilang sa d
KELLY IT’S Friday and normally, I will be at home by now and enjoying my weekend early, pero dahil nag-no show si Maita ay kailangan kong samahan si Suzette sa Casa Fonseca sa Quezon. Isang linggo ang kontrata nila dahil malaki ang bahay at may dalawampung silid. Dalawampu rin ang banyo na kailangan kong linisin at may dalawa pang powder room sa sala. It’s a bed and breakfast pero temporarily closed gawa ng renovation, at ngayong tapos na ay kailangang ayusin ang lahat at i-prepare para sa pagbubukas nito two weeks from now. Dalawang kilometro na lang ang layo ko ay biglang bumuhos ang ulan at ang kotse ko ay nabahura. “Diyos ko naman! Kailangan bang sabay-sabay ang kamalasan ko ngayong araw na ito?” Inis na inis ako pero ano’ng magagawa ko? Kinuha ko ang flashlight sa gilid ng kotse dahil madilim na ang langit kahit alas-kuwatro y medya pa lang ng hapon. Tatawag sana ako ng tow truck pero walang signal ang cell phone. Could this get any worse?! Kinuha ko ang payong at isinuot an
KELLY, Senior High . . . PAMBIHIRA! Late na naman si Vicky. Nasa kaniya pa naman ang project na isa-submit ngayon. Kanina pa ako naghihintay sa gate at malapit nang mag-ring ang bell. Nang dalawang minuto na lang at wala pa siya ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa loob. May flag ceremony pa kami at kapag wala ako sa pila ay siguradong kakanta akong mag-isa sa unahan! I was almost there when someone knocked me over. Mabuti na lang mabilis ang reflexes niya, kung hindi ay bangas ang mukha ko sa pavement. “Ano—” Whatever I have to say to the stupid person who bumped into me was frozen in my throat. Ang lalaking nasa harap ko ay napakaguwapo kahit medyo payat. He was more the lean type at mukhang sporty din. Otherwise, paano niya ako masasalo nang ganoon kabilis kanina? “Sorry, nagmamadali kasi ako at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito,” sabi niya sa akin. Diyos ko po! Pati ang boses ay masarap sa tainga. May sinasabi siya sa akin pero parang wala akong naririnig. Iyon
KELLYBAGO pa ako nakahuma ay nakapagsalita na uli ang teacher namin. “I need you both to meet with me after class. As for the activity, well done. Behaviour, not so much.” Lumakad na siya at tiningnan ang gawa ng mga kaklase namin.I am so mad, gusto kong i-disect si Brandon. Ano ba’ng pumasok sa kukote niya at sinabi niyang girlfriend niya ako? We are not even friends!Nang lingunin ko siya ay tatawa-tawa siya. Ah, it was a prank!“I am going to kill you later after school. You better watch your back.” Sa halip na matakot ay lalo pa siyang tumawa. “Kill me with your kiss?” bulong niya sa akin. Kumuyom ang kamao ko at isang-isa na lang ay tatamaan na siya sa akin. “Takot ka nga sa bula—ahh!”***At the Principal’s Office . . .FIRST time kong magawi rito dahil napa-trouble ako. Unfortunately, nakita ako ni Miss Santos na sinuntok si Brandon sa panga. Ang ending, pinulot ako rito sa Principal’s Office. Kaming dalawa actually. “Kelly, care to tell me what happened? How did you two e
KELLY NAISIP ko na lang na magbabago rin ang isip niya. At least for now, magiging tahimik ang lahat dahil magsisimula kaming muli. This time, bilang magkaibigan. “Kumakain ka pala niyan?” tanong niya sa akin. Itinuro niya ang isaw at mga kung ano-ano pang street foods. “Oo naman. Saka malinis ang mga tinda ni Aling Saling. Bago ka pa lang kasi dito kaya hindi mo siya kilala pero hindi ka magkakaroon ng hepa d’yan.” Palagi kasing bukambibig ni Lola na huwag kumain ng street food dahil magkaka-hepa rin ako. Sa dami ng bilin niya sa akin tuwing bibisita ako sa kaniya ay ito lang yata ang hindi ko masunod. Ang sarap kasi. The whole time we were being punished by cleaning the classroom made me realize that Brandon is not really as bad as I thought he was. Natural siyang makulit pero kapag sinabihan ko naman ay tumitigil na rin siya. Typical na teenager sa mga gawi lalo at laki sa Maynila. Kaya kahit may extra kaming gawain tuwing hapon hanggang matapos ang parusa sa amin, it didn’t
KELLYIKINALMA ko ang aking sarili at nagdasal na sana paglabas ko ng banyo ay wala siya sa kuwarto. I remember what he said. Pinagpinaw ko nga siya ng sinampay noon at pinatulong dahil ang dami kong labada. He was more than eager to help me, kaya naman pala dahil mas malapit sa kaniya ang mga underwear ko. Pero sa kabila ng kakulitan niya, I also know that Brandon respected me. Ako pa nga ang unang nanghalik sa kaniya noon at hindi pa ako marunong. He knew what he was doing and tinuruan niya ako. It was his first birthday with me. We have been dating for three months but he never attempted to kiss me on the lips bukod sa yakap, halik sa noo o pisngi. But more often than not, he would kiss my hair. Walang palya niya akong inihahatid pauwi ng bahay, pero hindi niya ako sinusundo sa amin. Well, those were the days. A lot has changed since then. Hindi na kami mga paslit. Nakahinga ako nang maluwag nang mabuksan ko ang pinto at hindi siya makita sa kuwarto. I have so many things to do a
BRANDONI WOKE up early the next morning at malakas pa rin ang ulan. It’s only five in the morning at himbing pa ang tulog ni Kelly. I added another blanket sa paanan niya dahil alam kong lamigin siya. I remember taking her to Tagaytay at lamig na lamig na siya roon. Naisip ko tuloy, paano pa kaya kapag dinala ko siya sa Philadelphia? Nandoon ang sentro ng business ng pamilya namin. The only reason I was sent to Manila for a couple of years back then was because I ran into trouble at school. I was kicked out. Technically, it wasn’t my fault. But that’s a story for another day. Ang hindi namin magandang relasyon ng aking ama ay lalong pumangit hanggang sa ipinadala niya ako sa Pilipinas. Kaagad akong ini-enroll ng assistant ni Dad sa isang exclusive school pero dalawang araw pa lang ay napaaway na ako. Pero parang hulog ng langit ang nangyari. Ang driver kong si Mang Rudy ay taga-Laguna at binisita ng kaniyang asawa at anak. Tinanong ko si Mara kung saan siya pumapasok at sinabi niya