Share

Chapter 4

KELLY

NAISIP ko na lang na magbabago rin ang isip niya. At least for now, magiging tahimik ang lahat dahil magsisimula kaming muli. This time, bilang magkaibigan. 

“Kumakain ka pala niyan?” tanong niya sa akin. Itinuro niya ang isaw at mga kung ano-ano pang street foods. 

“Oo naman. Saka malinis ang mga tinda ni Aling Saling. Bago ka pa lang kasi dito kaya hindi mo siya kilala pero hindi ka magkakaroon ng hepa d’yan.” 

Palagi kasing bukambibig ni Lola na huwag kumain ng street food dahil magkaka-hepa rin ako. Sa dami ng bilin niya sa akin tuwing bibisita ako sa kaniya ay ito lang yata ang hindi ko masunod. Ang sarap kasi. 

The whole time we were being punished by cleaning the classroom made me realize that Brandon is not really as bad as I thought he was. Natural siyang makulit pero kapag sinabihan ko naman ay tumitigil na rin siya. Typical na teenager sa mga gawi lalo at laki sa Maynila. 

Kaya kahit may extra kaming gawain tuwing hapon hanggang matapos ang parusa sa amin, it didn’t seem like a punishment. It didn’t take long for Brandon to make a move.

Pagkatapos ng parusa namin ay dinalaw niya ako sa bahay at may dala siyang bulaklak ng santan. Kung puwede lang akong magkulay orange sa ginawa niya ay nangyari na. Pulang-pula ako sa hiya dahil tinotoo niya ang sinabing panliligaw. Tinanggap siya nina Nanay nang maayos at maging si Tatay. Ang nakababatang kapatid ko na si David ay mabilis niyang naka-close. He’s seven. Akala kasi ni Nanay ay hindi na ako masusundan. Kaya heto, siyam na taon ang tanda ko sa kaniya at nasa grade one pa lang siya. 

Ang napansin ko kay Brandon, simple siya sa lahat ng bagay. Pero ang mga kilos niya ay pino at para bang laki siya sa karangyaan. Nahihiya lang ako magtanong dahil baka sabihin niyang matanong ako. Mas gusto ko ang kusa siyang magkuwento. 

Makaraan ang tatlong buwan ay napasagot niya ako. Wala akong itinago sa kaniya. He told me some information about him pero pakiramdam ko, hindi ’yon lahat. Buhay pa raw ang mga magulang niya at palaging nasa trabaho. He has an older sister at nakatapos na raw ito ng pag-aaral. I figured they are an average family just like us. 

It was a Saturday at sinundo niya ako sa bahay nang maaga. May overnight swimming daw kami sa Pansol kasama ng mga kaibigan namin. Birthday kasi ni Flynn. His friends became mine hanggang sa dumami na kami sa grupo. There’s eight of us—Jonas, Flynn, Edward, Owen, Carla, and Vicky. May tiwala naman sina Nanay kay Brandon kaya pinayagan nila ako. 

***

“EARTH to Kelly,” narinig kong sabi niya sa akin. 

“That was then. We’re both adults so we can’t share a room. Besides, I came here for work kaya puwede ba, huwag kang umakto na parang magkaibigan tayo.” 

“Well, you don’t have a choice.”

“Ikaw na rin ang nagsabi na ibinigay na ito sa ’yo ng tita mo. Can’t you just give me a room upstairs?” giit ko sa kaniya. Pambihirang buhay ’to. Kung may malapit lang na matutuluyan ay doon muna ako titigil pansamantala habang naglilinis ako rito. But my guess-timate is sampung kilometro ang layo ng sunod na motel. At sira ang sasakyan ko! Ugh!

“Nangako ako sa kaniya na susundin ang bilin niya. So kahit sa akin na ito, I have to be respectful and follow what she said.” 

Napapadyak ako sa inis sa kaniya. “Where’s your room?” 

“Go upstairs on the second floor, last room on the left,” sagot niya sa akin. Narinig ko nang isara niya ang main door. Ang hangin ay palakas nang palakas ang hihip. Talagang binagyo pa ang una naming pagkikita makalipas ang maraming taon. 

Padarag kong hinila ang maleta ko at binaybay ang papunta sa hagdan. This is a freaking huge house. Mukha itong modern ancestral house at lahat ng gamit sa loob ng bahay ay mamahalin. Talagang ini-ready para sa isang business. Hindi ko kakayaning linisin ito mag-isa. Kapag nakita ko sina Suzette at Maita ay makakalbo ko silang dalawa. 

Narinig ko ang tinig ni Brandon nang malapit na akong umakyat sa hagdan.

“You’re dripping water and leaving footsteps all over the floor. Ang putik pa.” There was a hint of mockery in his voice kaya nilingon ko siya at tinaliman ng tingin. 

“Lilinisin ko mamaya, sir.” Hinubad ko ang aking sapatos at binitbit pataas gamit ang libre kong kamay.

Gusto kong sabihin sa kaniya ang nasa isip ko. Atat lang, sir? Hindi makahintay?

I don’t care anymore kung i-fire out niya ako. Nakapirma na sila ng kontrata at kung i-cancel man niya ito ay okay lang. Babayaran ko na lang ang danyos. Saka ko lang naalala na mahina nga pala ang kita namin ngayon. Shit. 

“Okay. Make sure you do. The flooring was imported from Italy at napakamahal ng sahig na ’yan,” sagot niya sa akin. 

Kung puwede lang hindi tapakan ang sahig ay ginawa ko na pero paano ako makararating sa kuwarto? Lilipad? 

Nagngingitngit ako nang makarating sa kuwarto at inihimpil ang maleta ko sa gilid ng kama. Mabuti na lang at may banyo rito sa taas. Hinugasan ko ang sneakers ko at pinatuyo sa gilid. Hinubad ko ang aking jacket at isinampay sa rack saka lumabas ng banyo. Kumuha ako ng tsinelas at pamalit na pajama at isang T-shirt na puti.

Salamat naman at may hot shower dito. Malamig ang tubig sa Quezon, at sa inabot kong ulan kanina sa labas ay dasal kong huwag akong magkasakit.

Nang magbibihis na ako ay hinahanap ko ang aking bra pero hindi ko iyon makita. Nagtapi ako ng towel at tinungo ang pinto. But when I opened it, bumungad sa akin si Brandon at nasa isang daliri niya ang bra ko.

“Looking for this?” tanong niya sa akin.

Hinablot ko ’yon sa kaniya kahit pulang-pula ako. “You’re not supposed to touch my things!” sikmat ko sa kaniya. 

“Alright then. Remind me again that time na pinapinaw mo ang mga sinampay mo? If I remembered it correctly, madaming panty at bra ’yon. Avon pa nga ang ta—aray!”

Piningot ko ang tainga niya at isinara ang pinto. He was going to say Avon ang tatak ng mga underwear ko. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahhaha kulit mo.brandon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status