JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko nang dumating ang aking ama kasunod si Liberty, ang legal na asawa niya. Kasalukuyan akong nag-iisip kung paano sasabihin sa kaniya ang resulta ng checkup ko kahapon pero mukhang mas nauna niyang matuklasan ang sekreto ko.“You’re pregnant?! Kailan mo balak sabihin sa ’kin ang tungkol dito, ha?!” sigaw niya sa akin. Pulang-pula sa galit ang aking ama.Sa lakas ng sampal niya sa akin ay natulig ako. Nakaramdam din ako ng hilo. Mabuti na lamang at nakaupo ako sa patio dahil kung nakatayo ako ay baka bumagsak na ako sa tiled flooring. Nang malingunan ko si Liberty ay alam kong may kinalaman siya rito. Noon pa man ay galit na siya sa akin at palaging naghahanap ng ikagagalit ng aking ama sa akin. She doesn’t like me living with them. Kung hindi lang ako itinaboy ng aking ina para makasama si Daddy ay hindi ako titira sa kaniya.My family is far from perfect. I’m a child out of wedlock. Siguro nga ay hindi nakatakda ang mga magulang ko pa
RIZI CAN’T feel my cheek, at nang makarating ako sa silid ko ay dumeretso ako sa banyo. Sa salamin ay nakita ko na nagsisimula na ang pamamaga ng pisngi ko bukod sa pamumula nito. Hindi ako galit sa aking ama. I’m just disappointed that he didn’t even let me explain.My tears were threatening to fall pero kaagad akong tumingin sa itaas para pigilan ang pagpatak nito. Mabilis akong naligo at nagbihis saka nag-umpisang mag-empake ng mga gamit ko. Hindi ko kayang dalhin ang lahat, and by the looks of my things, hindi ko rin madadala ang kotseng iniregalo sa akin ni Dad. Actually, I don’t want to take anything he gave me. May mga personal akong gamit na nabili ko mula sa baon ko.Hindi ako maluhong tao, at bagaman si Dad ang nagbibigay ng baon ko noon, nagtrabaho rin ako sa unibersidad bilang student assistant kaya ako nakaipon. Siguro naman, hindi ako kagagalitan ni Dad kung hiramin ko itong maliit na luggage para lagyan ng mga kailangan ko. Iniwan ko rin ang mga alahas na ibinigay niya
RIZTANGHALING-TAPAT at hindi pa ako kumakain pero hindi ako makaramdam ng gutom. Nang sapitin ko ang gate ay nagtanong ang may katandaan naming guard.“Ma’am Riz, saan po kayo pupunta? Hindi n’yo po ba dadalhin ang kotse?”Umiling ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. “Hindi na po, manong. Hindi ko po kasi alam kung kailan ako makakabalik kaya magko-commute na lang po ako.”“Sigurado ka ba?”Tumango ako at napabuntonghininga siya.“Sandali at itatawag kita ng taxi. Maghintay ka muna sandali, ha. Medyo malayo kasi tayo sa bukana, e.”Tumawag siya ng taxi at makaraan ang sampung minuto ay may pumasok sa village. Nagpasalamat ako sa kaniya at saka sumakay sa loob ng sasakyan. Ang driver ay inilagay sa trunk ang gamit ko.Tanging pangalan lang ni Paul ang alam ko. I don’t even remember how old he is. I had too much to drink that night, but I remember how good-looking he was. I was smitten at ang sunod ko na lang namalayan ay umaga na. Nasa kama kami at wala akong saplot. I felt tender a