Share

Chapter 15

"Hayaan mo na huwag mo ng inumin, ayos lang. Ako na lang bahala sa akin salamat pa rin sa paghatid mo ng pagkain sa akin." Nakangiting kong sabi ko ay Andrea, dahil parang ang lalim ng iniisip niya.

"H-Ha? Oo sige, wala 'yun." Sagot niya at pumihit na patalikod.

Naiwan akong mag-isa at tiningnan ko ang phone na kanina lang ay tumutunog. Bakit kaya tumatawag si Smael? Humiga muli ako habang nakatingin sa kisame.

Paano ko ba sasabihin sa'yo Smael na buntis ako? Tatanggapin mo ba ito? Ano ba ang magiging reaction mo, magagalit ka ba sa akin? Aayawan mo ba itong anak mo?

Napakapit ako sa maimpis pa na puso ko, dahil nalaman ko na talagang buntis ako dahil nagpabili ako kay Nanay Emma ng pregnancy test. Sobrang saya ko ng makita ko ang resulta. Natigilan ako ng may maalala.

Bakit kay Smael nabuntis ako agad? Bakit kay Francis hindi? Kahit minsan lang kami magtalik ni Francis may posibilidad rin naman na mabuntis ako.

Pinikit ko ang mata ko dahil biglang sumakit ang ulo ko sa pag-iisip,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status